Sunday, November 26, 2006

BUHAY AT PAG-ASA
Ni Ben Garcia

Anne ipinag-palit ang boyfriend sa pamilya

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )
[Sagot ko po ito sa nakalipas na episode ng Buhay at Pag-asa. Lumabas po sana ito last week, pero dahil sa pinagbigyan natin ang Kumustahan 2006, ngayon lamang ito lumabas, Anne. Salamat sa inyong pang-unawa. Kung gusto niyong balikan ang kanyang kuwento, mababasa po niyo iyan sa aking blogsite, maraming salamat po!]

Dear Anne,
Ibabalik ko ang iyong mga katanungan, una, kailangan ba daw talagang magsakripisyo si Anne para sa kanyang pamilya? Kailangan bang akuin niya ang responsibilidad upang mabuhay sila? Gusto ko ikaw ang sumagot sa mga katanungang iyan, pero ito lang ang masasabi ko, sa pamilyang Pilipino, typical sa ang tumulong sa magulang at mga kapatid. Hindi po iyan masama at sa katunayan, totoo naman ang kasabihang mas-mapalad ang nagbibigay kesa binibigyan. Ibig sabihin kase niyan, masuerte kang tao dahil ikaw ay nagtatrabaho, kumikita ng pera at mayroon ka pang naibabahagi sa iba. Isipin mo na lang kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga walang trabaho, ng mga walang kinikita, ng mga nililipasan ng gutom dahil walang makain o pambili ng pagkain, hindi ba mas-masuerte ka sa kanila. Kaya ang pag-bibigay ay ginawa iyan ng Diyos upang matuto ang mayroon na ibahagi sa iba ang grasyang tinatanggap nila. Hindi ko naman sinasabi up to the extent na hanggang sa mawalan ka na rin. Alam mo ang kapasidad mo at kung hanggang magkano ang maibibigay mo. Kung susundin ang batas sa pagtataguyod ng pamilya, ang katotohanan po niyan ay hindi responsibilidad ng mga anak ang buhayin ang magulang o mga kapatid, kundi the other way around dapat, pero, di kaila sa atin sa Pilipinas, na hindi kadalasang ganito ang sitwasyon, madalas, kesa hindi, tinutulungan ng mga anak ang magulang upang maiangat ang kanilang economic status. Muli kong babanggitin, hindi po iyan masama, bagkos nadedevelop nga diyan ng lubusan ang (loyalty) at napapangalagaan ang dangal (legacy) ng pangalan ng pamilyang iyong kinabibilangan.
Hindi lamang po ako sang-ayon sa mga magulang at kapatid na inaasahan na lamang ang kita ni anak (Kuya at Ate) mula sa ibang bansa. Marami akong naririnig na kuwento, habang dugo at pawis ang puhunan ng ating mga kababayang ito sa ibang bansa, kumita lamang ng pera, nariyan sina Kuya, Ate, Tatay, Nanay o maging asawa, ayun, nilulustay sa walang kapararakan ang pera. Nauubos sa sugal, inom, babae, at kung anupang bisyo, habang ikaw ay nagpapakahirap dito. Kung ganyan ang sitwasyon, huwag niyo na pong pag-aksayahan pa ng panahon para maipadala sa kanila ang iyong kinikita, hindi nila deserve ang inyong tulong. Isa pang punto, maka-Diyos, pero di gaanong nabibigyan ng pansin at nadedevelop sa pamilyang Pilipino, yung magtabi ng ikasampo mula sa ating kinikita para ibigay o ihandog sa mga gawaing maykaugnayan sa pagpapalago ng pangrelihiyong usapin, anuman ang relihiyong iyong kinabibilangan. Iyan ay bahagi ng ating gampanin bilang mga anak ng Diyos, lahat tayo, tungkulin natin na tumulong sa kapwa na ibigay ang nararapat para sa kanila.

Anne matuto kang mag-budget ng pera, mas-makabubuti pa ring mayroon kang natitira sayong bulsa, dahil iyan ang tama, hindi dahil sa mayroong mga emergencies na di natin inaasahan, pero dahil sa iyan ang matuwid at makakatulong sayo balang araw. Anne, huwag mo na ring isiping nagkamali ka ng iyong disisyon, ilagay mo sa isip mo na tama ang iyong naging pasiya na makipagsapalaran sa ibang bansa. Nasa state of mind ang kabiguan at tagumpay, maraming nagsasabi na totoo iyan, kasama na ako diyan, kung iniisip mong bigo ka, bigo ka nga, kung iniisip mong successful ka, you are successful indeed! Maging positibo ka sa lahat ng ginagawa mo, buhayin mo ang sense of fulfilment sa sarili mo, at matuto ka ring kumilos sa sarili mong paa, hindi dahil sa boyfriend mo, di dahil sa magulang mo, di dahil sa panganailangan ng pamilya mo, kundi dahil kailangan mong kumilos upang maging matagumpay ka sayong sarili. Graduate ka tulad ng binaggit mo sayong liham, kung masaya ka sa ginagawa mo ngayon, maliit o malaki man ang iyong kita, ipagpatuloy mo, pero, kung wala kang nararating at hindi ka umuunlad, mag-isip ka, baka, hindi pa iyan ang para sayo at buhay mo. Baka marami pang naghihintay na oportunidad para sayo sa ibang field. Tungkol sa boyfriend na iniwan mo kapalit ng pagmamahal mo sayong mga magulang at kapatid, hindi masama iyan, unless, na nasa ibang level na ang pagmamahalan ninyo noon, kung masyado na kayong committed sa isat-isa at alam mong maaapektuhan na ang trabaho mo, kung wala siya sa tabi mo, pero hindi pa naman umabot sa level na iyon, hindi ba? So sa tingin ko naman makakapaghintay pa siya. Maging honest kayo sa isat-isa, ituloy ninyo ang kumunikasyon, susi po iyan sa matatag na relasyon, naghihiwalay ang mag-karelasyon, kung walang malinaw na usapang nabubuo. Goodluck sayo Anne, alam kong kayang-kaya mo ang pag-harap sa mga hamon ng buhay! --Ben Garcia, nagpapaalalang habang may-buhay, mayroong pag-asa!

Saturday, November 11, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Anne ipinag-palit ang boyfriend sa pamilya

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )

Dear Kuya Ben,
Have a nice day to you and all the staff of Filipino Panorama especially sa Buhay at Pag asa. First gusto kong i-congratulate ka dahil sa sobrang sikat at tagumpay ng inyong programa. Naing-ganyo din po akong sumulat dahil sa unique at galing ng mga payo mo at sagot sayong mga sender. Isa na ako sa mga bago na masugid mong taga subaybay ng inyong progarama ang Buhay at Pagasa. Isa rin po ako sa libu-libu mong tagasubaybay na nag-nanais na mailathala at mabigyan ng magandang payo mula sayo.
Kuya Ben, b-4 ko madiskobre ang programa ninyo, may nakapagsabi sa akin na Pinay na matagal na dito na bumili daw ako ng Kuwait Times kase mayroon daw mababasang mga balitang Pinas doon, Lingo iyon, kaya bumili ako, nabasa ko nga ang column mo sa Filipino Panaorama. Masyado akong na-excite, ang buong akala ko nga everyday, kaya, continues ang bili ko ng Kuwait Times nun, na-disapoint ako dahil ilang araw na akong bumibili, wala akong nababasang kuwento tungkol sa buhay, tumigil akong bumili, Lingo ulit---at muli na naman akong bumili ng Lunes, Martes, Mierkules, Huwebes, wala pa rin akong nababasang column mo, mayroon, under your name, pero miss ko yung tulad ng nabasa ko noong Lingo, kaya bumalik ako sa pagbili ng Lingo. Doon ko lang nalaman na every Sunday lang pala ang iyong programa. So okay na rin, di gaanong magastos, honestly masaya ang feelings pag-nakakabasa ako ng kwento ng buhay ng ating mga kababayan, ang iba kase sa mga nababasa ko, talagang nakakarelate ako sa kanilang kuwento ng buhay. Sa ngayon, ito na rin siguro ang tamang panahon para ishare ko rin ang aking kuwento. Umaasa ako na sana'y isa ang sulat ko sa mapili mo at mailathala sa sikat mong Filipino Panorama.

To start my story, tawagin mo nalang ako sa pangalang Anne ng South Cotabato. Mahirap ang buhay sa Mindanao Kuya Ben, kahit na sabihin pang college graduate ka, na tulad ko, isa din ako sa libu-libung anak mahirap ng Mindanao na nakapagtapos ng kolehiyo pero walang trabaho. 26 years old na po ako anim kaming magkakapatid pang lima ako. Sanay ako sa hirap ng buhay Kuya Ben, ewan kung bakit sa anim na magkakaptid, ako ang medyo nakadama ng sobrang paghihirap at sakripisyo para sa pamilya. Working student ako noong high school, kumpara sa iba kong mga kapatid na pinag-aral ng aking mga magulang. Yun nga lang yung mga kapatid ko, di nila sineryuso ang kanilang pag-aaral. 20 years old na ako ng maka-graduate ng high school, dahil sa tatlong taong sunod-sunod ang hinto ko dahil sa walang pang-gastos, pero nagsumikap ako upang makatapos, ibang tao ang nagpaaral sa akin until na makagraduate ako. Masamang-masama ang loob ko dahil ni isa man lang sa kapamilya ko walang dumalo--in short nainggit ako sa mga kapatid ko dahil noong time na sila ang nag-aaral lahat ng suporta ng mga magulang ko ibinibigay nila. When I was in college, parents ko na ang nagpa-aral sa akin, pre-stage scholar din naman ako kaya half lang ang binabayaran ng magulang ko sa school.
Nang naka graduate na ako, syemre hanap agad ng trabaho nakapasok ako sa isang department store bilang saleslady doon sa lugar namin, di rin kasi ako maka apply ng trabaho na may kaugnayan sa kurso ko kasi nga di ko pa nakuha ang mga papers ko sa school dahil may balance pa ako. Ang sweldo ko kulang pa para ipambayad sa balance ko sa school.
During my college days syempre nagkaroon din ako ng mga boyfriends para at least hindi boring ang buhay, pero di ko pa seryoso noong time na yon kasi nga takot akong maging seryoso at mauwi sa pag aasawa tapos maghirap lang din ang buhay namin. Nakipag-boyfriend lang talaga ako for the sake lang na may matawag na boyfriend, seryoso man siya o hindi. Pinakikiharapan naman sila ng mga magulang ko, kung may-dala at medyo mayaman, okay sila sa magulang ko, pero kung wala at mahirap lang ang manliligaw sa akin, pinapauwi agad ng Tatay at Nanay. Nakakahiya man, pero iyan ang ugali ng magulang ko.
Until na lay-off ako sa pinapasukan kong department store, tambay na naman at kung saan-saan nakakarating para iwas lamun sa bahay, obligado kase akong maghanap ng trabaho dahil nga sa may natapos na kurso. Ayaw ko ring makarinig ng salita na mayroong patama, puede naman kase ako deretsahin, kung ayaw nila sa akin.
Noong time na naka-tambay ako, kinumbinse ako ng mga parents ko na magtrabaho sa Brunei, dahil malaki raw ang kita dun. Ibinenta ng parents ko ang baka para mayroong pang-placement. Pero kulang sa kailangang 20,000 pesos na placement. Nag-apply ako muli sa iba company, natanggap agad ako at nakapagsimula ng trabaho, pero ang kinikita ko at yung pinagbilhan ng baka, unti-unti nang nauubos dahil na rin sa gastos sa bahay at maging ang iba kong mga kapatid na may-asawa na sa bahay pa rin lagi umaasa ng pang-araw-araw. Kaya, di rin ako nakaalis papuntang Brunei.
Sa pinapasukan kong trabaho, doon ko nakilala ang lalaking sobra kong minahal, tawagin na lang natin siyang JC. Isa siyang driver, naging seryoso ang relasyon namin at ibinigay ko ang lahat sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Di siya type ng parents ko dahil tulad ko ring mahirap. Pero nalaman ng kompanyang pinapasukan ko ang relasyon namin ni JC, kaya, tinanggal ako sa trabaho, si JC, hindi dahil, mas-nauna siya sa akin. So balik tambay na naman ako, oo ngat nagkikita at tuloy pa rin ang relasyon namin, pero mahirap talaga ang walang trabaho, dahil umaasa rin sa akin ang lahat. Kaya nag-apply ako sa Kuwait, mabilis dahil mayroong tumulong sa akin. Inilihim ko iyon kay JC dahil alam kong ayaw niyang mangibang bansa ako, iyon din daw kase ang pinag-ugatan ng pakikipaghiwalay niya sa dati niyang girlfriend na nagpumilit mangibang bansa. Atubili akong ipagtapat sa kanya, pero napilitan din ako, naunawaan niya naman. Noong umalis ako Feb 2006 sa Pilipinas, para akong batang umiiyak, kausap ko ang boyfriend ko sa telepono, gusto kong umatras, gusto kong bumalik sa amin at huwag na lang ituloy ang pag-aabroad, pero inisip ko rin kase ang pamilya ko, ang mga magulang ko, kung kaya, ipinagpalit ko ang sarili kong kaligayahan para sa kanila. Tuloy ang aming long-distance relationship, si JC, patuloy na inilalapit ang sarili sa pamilya ko, buo ang pag-asa kong magiging kami, isang araw. Mag-iisang taon na ako sa Feb sa Kuwait, going strong naman ang aming relasyon, pero naroon ang aking pangamba na baka, hindi makapaghintay si JC, baka-magsawa, baka isiping makakuha ako ng iba dito, pero alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Hangad ko lang na magkatuluyan kami, na mahintay niya ako, hanggang sa aking pagbabalik.
Ito lang ang katanungan na gusto kong mabigyan mo ng linaw. Kailangan ba talagang magsakripisyo ako para sa pamilya? Kailangan bang akuin ko ang responsibilidad upang mabuhay sila? Ang buwan buwan kong suweldo, ipinadadala ko sa Pilipinas, walang natitira para sa akin, pero, sabi nila sa akin, hindi pa raw sapat? Buong buhay ko sa Kuwait, inisip kong nagkamali ako ng disisyon na lisanin ang Pilipinas. Sana ang liham kong ito ay maging daan sa ikagagaan ng loob ko, payuhan mo ako Kuya Ben.

Gumagalang at Nagpapasalamat
Anne ng South Cotabato.

Abangan ang aking sagot sa susunod na Lingo.

Monday, October 30, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Bangungot sa tanghaling tapat, multo sa pagkatao ni Gemini.
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )
Dear Kuya Ben,
Good day to all the readers of Buhay at Pag-asa especially to you Kuya . Isa rin po ako sa mga taong sobra sobra ang paghanga sayong programa. Nung narinig ko ang Kuwait Times hindi pa ako gaanong nagka-interest hanggang sa bumili ako ng Lingo at mabasa ko ang Filipino Panorama.
Touch ako sa nabasa kong payo mo sa mga sumusulat sayo, kaya sa madaling salita, na-addict ako sa pagbabasa ng Filipino Panorama. Estorya ng mga kababayan natin ang lagi kong inaabangan sa portion mong ito. Talagang pamagat pa lang mayroon nang pag-asa, kaya heto ako, sumulat sayo upang tulad nila ay magkaroon ng pag-asa.
Sana huwag niyo po akong bibiguin sa sulat kong ito. Itago mo ako sa pangalang Gemini Girl, pinanganak noong June 10, 1984. Twenty two years old pa lang po ako ngayon. Siyam kaming magkakapatid.
Laki akong inaaabuso ng aking Kuya. Maliit pa lang ako noon, tandang-tanda ko pa lagi kaming iniiwan ng Nanay at Tatay sa bahay, kasama ng aking Kuya. Habang ang iba ko pang mga kapatid ay nasa Lola naman namamalagi. Saka lang babalik sa bahay ang mga magulang ko kung gabi na. Sa tanghaling tapat nagaganap ang bangungut na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagmumulto sa aking pagkatao. Pinakatago-tago ko ang lihim na ngayon ko lang ibubunyag. Hindi ito alam ng mga magulang ko at maging ng isa man sa mga kapatid ko. Wala na rin akong balak pang ipaalam sa kanila. May-tiwala ako sayong palatuntunan, kaya sayo ko lamang ito binuksan.
Nakakahiya man sabihin, pero sana maunawaaan ng mga mambabasa kong bakit ko kelangan iopen ito sayo. Grade one pa lang po ako ng magsimulang gamitin ako ng aking Kuya. Nagagawa po iyan ng Kuya ko dahil wala nga sa bahay ang mga kapatid at magulang ko, kami lang dalawa lagi sa bahay.
Araw-araw po akong pinagsasamantalahan, wala po akong magawa kahit magmakaawa ako sa kanya hindi siya makinig. Mayroon pang pagkakataon na inabutan kami ng isa nyang barkada, at dalawa silang nagsamantala sa akin.
Matapos nilang gawin iyon, madalas na nila akong pagsamantalahan. At tinatakot nila ako na hwag daw pong magsusumbong sa kahit na sino. Kuya gusto ko man pong sabihin sa aking mga magulang ang nangyayari kapag wala sila, nangingibabaw po ang takot, kaya di ko rin masabi sa kanila. Minsan inaabutan nila akong umiiyak, di ko parin nasabi sa kanila ang dahilan. Takot po talaga ang naghahari sa akin kung bakit naitago ko po ito sa mahabang panahon. Nasa ika-limang baitang na ako sa elementarya ng magpasiya ang aking Kuya na magtrabaho sa ibang lugar. Ang sarap ng pakiramdam kase sa wakas, wala na ring hayop sa bahay. Iba talaga ang naramdaman kong kalayaan ng mawala sa bahay ang kinasusuklaman kong kuya. Ilang buwan lang ang nakalipas nabalitaan naming nadisgrasya siya. Pinuntahan agad ng mga magulang ko ang pinangyarihan, pero hindi na nila naabutang buhay ang kuya. Nalunod daw po ito at tatlong oras muna ang lumipas bago natagpuan ang kanyang bangkay. Nang malaman ko iyon lihim akong natuwa. Umiiyak ang mga magulang at mga kapatid ko sa pagkamatay niya, pero ako, walang lumabas na gapatak mang luha.
95-96 ng grumadweyt ako sa elementarya. Nasa listahan ako ng mga honour students. Proud ang mga magulang ko sa akin dahil talagang nagsumikap ako upang maipasa kong lahat ang mga subjects. Sa Crossing Bayabas National High School ako nag aral ng secondarya. First year HS pa lang ako, tumanggap na ako ng bf, kaya lang MWF lang ang pasok nya kasi back-subjects lang ang pinapasukan. Pero laging nakaasa sa akin, ako lahat ang gumagawa ng assignments nya. Minsan pa nga may nagsabi sa akin na kaya nga lang naman daw ako niligawan e para nga may-gumawa ng homework niya. Syempre nasaktan ako, pero hinayaan ko lang total naman, hindi mahirap sa akin ang ginagawa kong iyon para sa kanya. Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon ako ng maraming barkada. Doon na ako natutong pasukin ang masasamang bisyo, tulad ng paninigarilyo, nahilig na rin ako sa mga lalaki.
Nagkaroon ako ng maraming boyfriend, karamihan sa kanila, nilalaro ko lang. Nang matapos ko ang High-School nagpasiya akong mag-trabaho dahil alam ko namang walang pera ang aking mga magulang para ipang-tus-tos sa pag-aaral ko ng College, kaya nagpaalam akong magta-trabaho sa Maynila. Pumayag naman ang mga magulang ko. Ang among napasukan ko sa Maynila, tinanong agad ako kung gusto kong mag-aral sa kolehiyo. Ang sabi ko oo. Kung gusto ko raw mag-aral, pag-aaralin nila ako, habang nagtatrabho sa kanila, ang suweldo ko raw ang ipambabayad sa pag-aaral ko. Hindi na ako nagdalawang salita, tinanggap ko iyon at nag-aral nga ako. Computer Secretarial ang kinuha kong kurso, pero hindi ako natapos dahil karengkeng daw ako. Paano naman kase, pinatulan ko anak ng kaibigan ng amo ko, lagi kase iyong nagpupunta sa bahay na pinaglilingkuran ko at niligawan ako, sinagot ko yung lalaki, pero nalaman ng amo ko at agad binilihan ako ng tikit pauwi sa probinsya namin, di ko tuloy natapos ang aking pag-aaral.
Nang umuwi ako sa amin, tinulungan ako ng kaibigan ko para makapasok bilang sales lady sa isa sa pinakamalaking mall sa amin. Mabilis naman akong nakapasok dahil manager na rin siya doon. Nakilala ko naman doon si Chris, syota siya ng kaibigan ko. Isang araw, nagkita-kita kami, ewan kung bakit noong pauwi na, nagtaka ako, dahil magkagalit na ang dalawa (kaibigan ko at si Chris), agad kong naitanong kay Chris kung anong nangyari, basta ang narinig ko sa kanya, iba raw kase ang dating ko sa kanya, pinatibok ko raw ang puso niya, kaya ora mismo, hiniwalayan niya ang kaibigan ko at agad nakipag-syota sa akin. Sinagot ko naman agad siya dahil naglalaro pa rin ako sa mga lalaki. Naging kami, nagalit ang mga magulang ko sa akin dahil bakit daw ginawa ko iyon sa kaibigan ko, hindi ko na rin masagot basta, bigla na lang kaseng naging kami. Okay naman siya noong una, hanggang sa tuluyan ko talagang makilala ang buo niyang pagkatao. Sobrang seloso si Chris, konteng siwa lang ng damit ko, pansin niya agad, ayaw niya ring umaligid ang mga lalaki sa akin, nakikipag-away siya. Kaya ang inaasahan kong mabubuong pagmamahal sa kanya, hindi umepekto. Pero ano pa ang gagawin ko, napasubo na ako sa kanya, mabilis ang mga pangyayari, ikinasal kami noong October 8, 2003. Pero naging malungkot ang aming pagsasama, mula umaga hanggang gabi, wala kaming ginawa kundi ang mag-away. Puro ang dahilan, selos, selos, kaya nga five days bago unang anniversary namin, nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang lahat ay dahil sa selos niya, kesyo mayroon daw akong lalaki. Naniwala siya sa chismis, kaya hindi na rin ako nakatiis. Isinumpa kong kahit anong mangyari di ko na rin siya babalikan pa. Wala rin kaming naging supling.
Makalipas ang ilang buwan, mayroon akong nakilalang lalaki sa trabaho ko, bago siya, pero mabait, laging nagpaparinig sa akin, noong una, pa man, gusto ko na siya, pero ayaw ko lang magpahalata. Hanggang sa magtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin. Kuwento siya ng buhay niya at doon ko nga nalaman na mayroon na siyang asawa at anak, nasa Hong Kong nga lang ang asawa niya nagtatrabaho, alam niya rin ang tunay kong buhay, siguro dahil sa kuwento na rin ng iba kong kasama. Okay lang iyon sa kanya, hanggang sa magkamabutihan kami at naging mag-syota. Mayroon na ring nangyayari sa amin, at sa katunayan, humantong sa pagbubuntis. Pero dahil sa takot siya sa kanyang asawa, kinausap niya ako, na ilaglag ko raw ang bata, ganun na nga ang nangyari. Abot langit man ang konsensiya sa ginawa ko pero inisip ko rin kase ang kinabukasan niya. Matapos noon, nagdisisyon akong mangibang bansa. Nagpaalam ako sa kanya, at sa katunayan, siya ang gumastos para makaalis lang ako, kami pa rin daw hanggang ngayon at gusto niyang magpatuloy ang aming tagong relasyon sa pag-uwi ko ng Pilipinas. Nararamdaman kong lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya, ngayong nasa malayong lugar ako. Kahit nandito ako sa Kuwait di pa rin maputol ang aming kumunikasyon. Masaya ako dahil nariyan siya para sa akin at ipinangako niyang habang buhay niya akong mamahalin. Iniisip ko lang kung hanggang saan naman kaya ang kahahantungan ng aming relasyon.

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Gemini Girl.

Abangan ang sagot sa liham ni Gemini Girl sa susunod na Lingo.

Sunday, October 29, 2006

Araw-araw po akong pinagsasamantalahan, wala po akong magawa kahit magmakaawa ako sa kanya hindi siya makinig. Mayroon pang pagkakataon na

Sunday, October 22, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Si Mike pa rin ang sigaw ng puso

Dear Jasmine,

Ito ang sagot sayong liham na inilabas ko last week sa Buhay at Pag-asa. Sa mga hindi nabasa ang kanyang kuwento, bisitahin po ninyo ang aking blog. Ang address ay naka-post sa itaas na bahagi ng column kong ito.
Congratulations! Binabati kita sayong katatagan! Masasabi nating maski papaano fighter si Jasmine. At least nakayanan mo o nalagpasan mo ang mga pagsubok na tulad ng ganyan. Marami o sabihin nating mayroong mga dumaan sa sitwasyong pinagdaanan mo na hindi nakakayanan. Pero ikaw nalagpasan mo ang lahat. Isa ka sa mga taong magbibigay kalakasan sa iba pang mga kababayang daraan o dumaraan sa ganyang sitwasyon. Nauunawaan ng marami sa atin at maging ako man kung anong feelings ang minsang mabigo at masaktan. Sabi nga ng ilan, saktan mo na lang ako physically, huwag lang ang aking puso. Mahirap na kalabanin ang sariling puso, pero kakayanin iyan kung buo ang pananalig mo sa Diyos at tiwala sayong sarili. Base sa kasulatan na nakapaloob sa 1Cor13, lahat daw po ng mga pagsubok na dumarating sa buhay ng tao ay normal. Subalit tapat ang Diyos sa kanyang pangako. At kung sakaling dumating man ito, hindi tayo hahayaan ng Diyos na madaig ng pagsubok, bibigyan Niya tayo ng kalakasan upang harapin at ituro sa atin ang tamang landas upang malagpasan ito. Napakagandang passage sa bibliya. Pangako ng Diyos na anumang pagsubok ang dumarating o daraanan natin sa ating buhay, mayroong way ang Panginoon kung papaano tayo mai-hahango mula doon. Ganyan ang nangyari kay Jasmine, sa gitna ng kanyang kabiguan, tinulungan siya ng Diyos upang malagpasan ang pagsubok na parang wala ng daan palabas. Diyan ko rin kadalasan ipinapasok ang isang pamosong 'footprint in the sand' na awitin. Ang mensahe sa footprint in the sand: Sa ating weakest point in life hinuhusgahan na natin ang Diyos na hindi na tayo tinutulungan; na hindi na pinakikinggan ang ating mga dasal; pero yun pala, siya na lamang ang kumikilos at pilit Niya tayong inaalis sa ating sitwasyong kinasasadlakan. Hindi Siya natin nararamdaman dahil overpowered tayo ng ating sariling imosyon. At sa mga panahong matindi ang dinaraanan nating pagsubok, karay-karay Niya tayo sa kanyang balikat.
Lahat tayo dumaraan sa ganyan, dapat din alam natin kung anong pangako ng Diyos para sa atin, dahil sa tuwing daraan tayo sa matinding bagyo, mayroon tayong sisilungan, mayroon tayong kakapitan, isang matibay at matatag na pader na sasandalan.
Jasmine, alam kong nalagpasan mo na ang pinakamatinding bagyo sayong buhay. Isa ka nang bagong Jasmine na matatag at kayang kayang lagpasan anumang bagyo ang dumating sayong buhay.
This time Jasmine matibay kana, ipagpalagay na lang natin na hindi talaga para sayo si Mike. Tingnan mo, una, sinalubong ka ng pagtutol ng iyong mga magulang. Marahil kung naitakda talaga sayo si Mike, tutol man sila, pero matutuloy pa rin iyon. Pero imbes nga na naituloy, mayroon pang ibang nangyari, nakabuntis pa ng ibang babae, maliwanag iyon na hindi siya para sayo. Ikinasal na siya sa iba, mayroon ng sariling pamilya. Kung para sayo si Mike, iba ang mangyayari. Kinausap mo na sana siya noon pa, ipinarating mo na sana noon pa sa kanya ang iyong nararamdaman na kailangan siyang mag-hintay. Pero iba ang naganap, natagalan bago mo sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, at ito namang si Mike, inilagay niya rin sa sarili niyang kamay ang paghusga sa kanyang kabiguan, kaya humantong sa pagbubuntis ng ibang babae. Hindi nga siya para sayo! Tigilan mo na rin ang ilusyon na magkakabalikan pa kayo. Iba na ang sitwasyon ngayon, sa sitwasyon noon. Burahin mo sayong isipan ang minsan niyang nasabing kataga sayo. Lahat naman, puedeng lumabas sa taong umiibig, pati nga pagsungkit ng buwan at bituin sa kalawakan ay ipapangako, pero sino naman ang makakasungkit ng buwan at bituin?
Hindi mo na puedeng ipilit ang nararamdaman mo dahil kasal na siya sa ibang babae. Mayroon na siyang pamilya. Habang hindi ako sang-ayon sa ginawa ng mga magulang mo, gusto ko na lang ilagay sa positibong angulo ang nangyari. Tiyak akong mayroong mas-magandang plano ang Diyos para sayo. Hindi sa piling ni Mike, kundi sa panibagong Mike na makakasama mo habang buhay. Kalimutan mo na si Mike. Oo siya ang unang nagpatibok ng iyong puso, siya rin ang nakauna sayo, pero hindi ibig sabihin, titigil na ang pag-inog ng iyong mundo dahil sa mayroon ng nangyari between you and him. Sa ibang mga lalaki, hindi na iyan usapin as long as honest ka sa kanya at sa sarili mo. Sinuman ang dumating na panibagong Mike, maging honest ka sa kanya, sabihin mo ang katotohanan na mayroon kang naging boyfriend noon.
Heto pa ang isa sa binanggit ni Jasmine sa kanyang liham, third cousin daw ni niya si Mike, iniisip daw po niya na baka kaya hindi sila nagkatuluyan e dahil kamag-anak pa nila si Mike. Muli, iku-quote ko ang sinabi sa akin ni Fr Wendel Pastoriza, ang isa sa mga Filipinong pari sa Holy Family Cathedral sa Kuwait City. Allowed daw po sa simbahan at maging sa estado ang third cousin kung gustong mag-sama bilang mag-asawa, ang second cousin din ay inaalow din daw ng estado, ngunit hindi ng simbahan, pero once na ikinasal na ang isang tao sa estado, ibig sabihin daw po niyan kasal na rin sa simbahan.

Sunday, October 15, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Si Mike pa rin ang sigaw ng puso

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )

Dear Kuya Ben,
Taos puso pong pagbati ng isang magandang araw sa lahat ng sumusubaybay ng inyong column. Isa na rin po ako sa nag-aabang ng Filipino Panorama tuwing araw ng Lingo. Simula ng malaman ko na mayroong Filipinong babasahin sa araw na ito, lagi ko na po itong inaabangan. Ang akala ko nga ganito na lang ang magiging papel ko ang subaybayan ang buhay ng ating mga kababayan sa column mong ito. Makalipas ang dalawang taon bilang tagabasa lamang, nagpasiya na rin akong sumulat at ibahagi sayo ang aking karanasan upang mabigyan mo rin ng payo. Matagal na pong bumabagabag sa aking buhay ang suliranin kong ito. Mahirap mag-adjust, oo, ngat natapos ako ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics, pero mahirap pala talagang imaster ang buhay.

Ako nga pala si Jasmin, isang Bicolana. Panganay ako sa sampong magkakapatid. Taong 2004 ng unang umapak ang aking mga paa sa bansang Kuwait. Kabiguan ang nagtulak sa akin upang magpasiyang mangibang bansa. Kabiguan, una sa pag-ibig, pangalawa sa propesyon. Magkarugtong ang dalawang ito sa pagpapasiya ko na lisanin ang Pilipinas. Taong 2001 ng matapos ko ang BS-Education. Ang kuwento ay sisimulan ko noong 1998, kung saan third year college ako noon ng sagutin ko si Mike at official kaming naging mag-on. Kababata ko siya, in fact, third cousin ko po siya. Kabilin-bilinan ng mga magulang ko, na huwag muna akong magbo-boyfriend dahil baka raw masira ang aking pag-aaral. Isa pa, inaasahan daw nila ako na makatulong sa pamilya upang mahango sa kahirapan. Pero ano ang magagawa ko, mahal ko si Mike. Lumabag ako sa kautusang iyon ng aking mga magulang. Inilihim ko sa kanila ang relasyon naming at tanging kapatid kong sumunod sa akin ang nakakaalam na mag-on na kami ni Mike.
Noong fourth year college na ako, nagpasiya ang boyfriend ko na magtungo ng Maynila. Sa kanyang pag-alis, lalo kong pinagbuti ang aking pag-aaral dahil wala na gaaano akong iniisip na baka, mabuking ng mga magulang ko ang relasyon ko kay Mike. Ilang buwan din ang lumipas ni sulat o tawag wala akong natatanggap mula sa kanya. Lihim ko iyong ikinasama ng loob, sa katunayan, iniiyakan ko iyon, gabi-gabi. Pinilit kong magkaroon ng kumunikasyon sa kanya at sa wakas, nakausap ko rin siya. Pero parang nagparamdam lang at muling naputol ang aming kumunikasyon.
Matapos ang graduation, nagpasiya sana akong lumuwas ng Maynila, una para hanapin ang nawawala kong BF, at pangalawa upang mag-hanap ng mapapasukang trabaho, habang naghihintay ng board exam. Pero, ewan kong minalas ba o sinuwerte, dahil noong paalis na ako, hinarang ako ng dati kong teacher, nag-tayo kase ng sariling paaralan at kailangan niya ng mga gurong magtuturo. So pinagbigyan ko siya, pumasok akong teacher sa eskuwelahan niya.
Tinimbang ko rin ang magiging experience ko sa pagtuturo at ang gagastusin ko sa paghahanap ng trabaho sa Maynila, samantalang iyong inaalok sa akin ready na, so sinung-gaban ko iyon at ipinagpaliban ang pag-hahanap sa aking nawawalang boyfriend.
Nabawas-bawasan na ang sama ng loob ko kay Mike ng magsimula na ako sa pagtuturo. Pero lalo itong tumingkad ng dumating siya sa Bicol at ni walang pasabi, at ni hindi rin ako ininform, na umuwi na siya, may-ilang araw na pala siya doon. Inisip ko tuloy, wala na nga talaga kami. Iniyakan ko rin ang pagbabaliwala niya sa akin. Isang araw, bigla na lamang siyang sumulpot sa school na tinu-turuan ko. Ayaw ko na rin sana siyang kausapin pa, pero nagpumilit, kaya, nanaig pa rin ang pagiging babae ko, madaling suyuin. Isinumbat ko sa kanya ang matagal niyang pagkawala at pagbabaliwala sa mga sulat ko sa kanya. Pilit siyang nagpa-paliwanag at gusto niyang muli raw dugtungan ang na-udlot naming relasyon. Hindi ko pa rin maikakaila ang nararamdamang kong pagmamahal sa kanya. Sa loob ng mahaba ring taong wala kaming kuminikasyon, ni hindi na ako tumanggap ng manliligaw. Isa sa mga dahilan nito ay ang katotohanang naisuko ko na sa kanya ang aking pinakaiingatang pagkababae. Wala na rin akong maipagmamalaki sa iba, kaya gusto ko siya na lamang ang una at huli kong lalaking mamahalin. Muli ko siyang tinanggap, at muling naulit ang mainit na pagtitinginan namin sa isat isa.
Noon, binalak na naming ipagtapat sa aking mga magulang ang lahat. Total ang mga magulang naman ni Mike, alam na nila na mayroon kaming relasyon, sa katunayan, binabalak na nila ang ingrandeng kasal. Pero naun-syami dahil noong minsang mamasyal kami, di ako nakauwi sa bahay. Nalaman tuloy ng mga magulang ko sa iba pang tao na mayroon kaming relasyon ni Mike. Galit-na-galit ang mga magulang ko.
Inihanda ko na rin ang sarili sa magiging reaksyon nila, pero lalo akong nanlumo ng sisihin ng Tatay ko ang Nanay ko, samantalang wala naman talagang alam ang Mama ko sa relasyon namin ni Mike. Nagbanta ang Tatay ko na oras na ituloy ko ang pakikipag-relasyon kay Mike hihiwalayan ni Tatay ang Nanay ko. Halos gumuho ang aking mundo ng marinig ko iyon sa Tatay.
Ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng aming pamilya, ngunit papaano ang pag-iibigan namin ni Mike. Nag-iiyakan kaming pare-pareho sa tagpong iyon, noon ko rin lang nakitang umiiyak ang Tatay. Tila iyon na yata ang pinakamasakit at pinakamahabang araw sa buong buhay ko. Nakatulog akong hindi kumakain, naramdaman ko na lang na katabi ko na ang Nanay, umaga na pala, hinahalikan niya ako sa pisngi, umiiyak, nakikiusap sa akin, na huwag ko na lang daw ituloy ang balak kong pagsama kay Mike.
Alam kong napakahirap na disisyon ang gagawin ko ng araw na iyon. Basta, alam ko, mahal ko si Mike. Nararamdaman ko iyon. Kung kaya nga nagpaubaya ako sa kanya. Pero ang katotohanang ding ito ang patuloy na bumabagabag sa aking konsensiya. Paano kong sasabihin sa mga magulang ko na mayroon nang nangyari sa amin ni Mike?
Dalawang Lingo akong hindi pumasok sa eskuwela, sa panahong iyan, pilit kong inilalagay sa ayos ang aking sarili, araw-gabi akong umiiyak. Paaano ko ipaglalaban ang pagmamahal ko kay Mike? Paano ang banta ng Tatay ko, ayaw kong mawasak ang pamilya dahil lang sa akin.
Hanggang sa mahimasmasan ako. Hindi ko alam, basta, namanhid ang utak ko, natuyo na rin yata ang luha ko, kaya sa pangatlong Lingo, pumasok na ako sa eskuwela ng wala akong naririnig tungkol kay Mike. Ibinuhos ko ang natitira kong lakas sa pagtuturo sa mga bata, yun nga lang, konteng mali ng mga estudyante, tumataas ang presyon ko at nakakagalitan ko sila. Hanggang sa sumapit ang aking board exam. Kahit wala akong review, sumabak ako sa exam, kaya ang resulta, bagsak! Maluwag ko iyong tinangggap dahil alam kong babagsak talaga ako.
Ilang beses ding nagtangka si Mike na kausapin ako, pero ako na rin ang pilit na umiiwas, dahil hindi ko nga alam noon kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang tama at nararapat, pero naghihintay ako ng tamang panahon.
Makalipas ang ilang buwan, nabalitaan ko na lang na nilulunod ni Mike ang sarili sa alak. Ang masakit pa, nangyari na nga ang kinatatakutan ko, ikinasal siya sa iba dahil mayroon daw nabuntis na babae sa lugar namin. Napakasakit Kuya Ben, alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Hinihintay ko lamang talaga ang ang tamang panahon upang maisaayos ko ang nasirang pagtingin ng mga magulang ko sa akin. Gusto ko silang tiyakin na walang mababago sa akin kahit na magkatuluyan kami ni Mike. Pero hindi siya nakapag-hintay.
Sinubukan kong ibangon ang sarili ko. Naging matatag ako sa pagharap sa sitwasyon, ang masakit, hindi pa rin maalis si Mike sa isisp ko. Kahit tumanggap na rin ako ng ilang manliligaw. Naroroon ang takot ko at kaba sa dibdib na baka hindi rin kami magtagal at dahil sa wala na rin namang akong maipagmamalaki sa ibang lalaki. Nagpatuloy ang buhay ko sa ganuong sitwasyon. Nag-take din ako ng board noong 2002 at 2003, pero hindi pa rin ako pinalad na makapasa.
Ilang beses kong tinanong ang Diyos kung bakit lahat na lang yata ng kabiguan sa buhay ay dinaranas ko. Noong 2003 exam, sinabi ko sa sarili na kung hindi ako makakapasa sa taong iyon, mangingibang bansa ako, una, para makaiwas sa pang-huhusga ng ilan tungkol sa kakayahan kong pumasa at pangalawa dahil hindi na rin ako puedeng magpatuloy sa pagtuturo kung wala akong lisensya.

Itinuloy ko ang application patungong ibang bansa. Noon kase, ilang buwan na rin na patuloy na lumalabo ang relasyon ko sa aking pangawalang boyfriend. Samantalang si Mike, patuloy pa rin sa pakikipag-ugnyan sa akin, gusto niya kaming magkabalikan kahit may-asawa na siya.
Mach 27, 2004 ng dumating ako sa Kuwait. Dalawang taon na mahigit ako this year, ang buong akala ko, tuluyan ko nang malilimutan si Mike. Pero, hanggang ngayon, sariwa pa rin siya sa aking ala-ala. Hindi ko pa rin siya makalimutan, lagi siyang laman ng aking isip at maging hanggang sa panaginip.
Third cousin ko po si Mike, isa kaya ito sa mga problema kung bakit hindi dapat kaming mag-sama. Ano ang dapat kong gawin, kausapin ko na ba ng tuwiran si Mike upang tuluyang matuldukan ang aming nabigong relasyon. May-binitiwan pong salita si Mike noon na hanggang ngayon, patuloy na sumasagi at nananariwa sa aking ala-ala, na hindi man daw kami magkatuluyan, hinding-hindi raw po magpapanaw ang aming pag-iibigan.
Tulungan mo po ako, five years na po ang nakalipas, pero sariwa pa rin siya sa aking ala-ala, si Mike pa rin ang sigaw ng aking puso. Gusto ko na ring mag-karoon ng sariling pamilya, 26 years old na po ako ngayon.

Gumagalang at Nagpapasalamat
Jasmine

PS: Please greet all my friends here in Kuwait sina Rose, Imas, Senna, Rashida, Samsar and Maya. Thank you ulit, from Jasmine!

Abangan sa next isyu ang katugunan sa padalang problema ni Ms Jasmine Velasco Losande ng Barangay Lungib, Pilar, Sorsogon 4714, Philippines.

Sunday, September 10, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )

[Kung gusto po ninyong muling balikan ang kabuoan ng kuwento ni Captive Eagle puede po ninyong bisitahin ang: www.buhayatpagasa.blogspot.com ]

(Payo-Huling bahagi)

Saan nga ba tutungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila? Ms Captive Eagle, habang binabasa ko ang iyong liham, nakikita kitang pumapagaspas, gusting mag-take-off, pero hindi makaalpas dahil sa wari ko ikaw ay naka-piit sayong sariling kulungan. Pilitin mo mang ikampay ang malabay mong pakpak, hindi mo makuhang makaalis sapagkat ang mundong ginagalawan ay naliligiran ng mga rehas na likha ng sarili mong disisyon. Ang binabanggit kong hawla o rehas na iyan sayong buhay ay ang pag-tanggap mo kay Jun for your own personal convenience at kay Joey bilang pag-tanaw ng utang na loob. Sabagay likas sa ating mga Filipino ang tumanaw ng utang na loob. Base sayong kuwento, wala akong nakitang emotional feelings -at first- basta, tinanggap mo sila dahil mayroon kang malalim na dahilan. Una ay dahil gusto mong makawala sa Pinsan mong ginawa kang alila, at pangalawa upang bayaran ang utang na loob. Isang palatandaan ng hindi solidong relasyon. So what kung addict si Jun? Kung mahal mo siya tutulungan mo siyang makalaya sa ganuong sitwasyon. Yan ay kung totoo na sinabi mong addict na siya matagal na ng hindi mo alam. Which is hindi ako makapaniwalang lingid iyan sayong kaalaman noon pa man. Malilihim ba ang pag-aadict o ang pag-gamit ng droga? Masasabi kong hindi lang naging healthy ang inyong relasyon, kung kaya, nalulong siya sa droga, imbes na ma-i-ahon mo siya mula doon. Ganun pa man, tulad ng lagi kong binabaggit, hindi na natin maibabalik pa sa baso ang natapo nang gatas. Harapin mo kung ano ang ngayon! Heto ang panibago mong kulungan Captive Eagle, yung pag-tanggap kay Joey. Mahirap kung tutuusin ang pinasok mong relasyon, dahil sabi mo nga, minahal mo na rin si Joey. Parang ang hirap iwanan, sabi mo nga, iniisip mo pa lang na iwanan siya, parang ayaw mong kabilang iyon sa mga dapat mangyari. Pero kinakailangan, dahil, unang una, ayaw mo namang manatiling kabit na lamang habang buhay. Noong tinanggap mo si Joey, malaking porsyento doon ay ang utang na loob, aminin, mo man iyan o hindi. Tinanggap mo siya dahil unang una siya ang kumuha sa anak mo sa pangangalaga ni Jun. Pero, kung mas-pinairal mo doon ang konsensiya, hindi mo iyon gagawin, dahil unang-una, mayroon ka ngang taong masasagasaan, yung mga anak ni Joey at misis niya. Pero hindi mo iyon inisip, ang nasa loob mo noon ay upang makabayad ka rin ng utang na loob sa kanya. Kahit ba sekreto ang inyong relasyon. Bukod doon, inisip mo rin ba kung sasapat ang kanyang kinikita para ibahay ka? Paano ang asawa at apat na anak ni Joey, nakikihati ka rin sa kinikita niya para lang buhayin kayo, o pag-aralin ka? Sa tingin mo ba that time ay sapat ang kita ni Joey para sa dalawang pamilya. Base sayong kuwento, si Joey ay tauhan lang ng Tito mo, magkano kaya ang kinikita ng maliit na tauhan sa pulisiya? Hindi mo ba tinanong kung papaano niya ipinagkakasiya ang kinikita niya para buhayin ka at pag-aralin, apart from his own family? Kaya minsan, hindi rin maiaalis sa mga tulad ni Joey na gumawa ng kabalbalan, dahil na rin sa pinapasok nilang buhay. Hindi ko sinasabi na mayroon siyang ginagawang milagro para buhayin kayo, pero hindi mai-aalis na mangyari iyan, dahil unang una, alam natin na mababa lang ang kita bilang alagad ng batas. So ang buhayin ka, sa sekretong paraan ay mahirap para kay Joey, di lang natin alam kung papaano niya ginagawa iyon. Walang sekretong hindi nabubunyag Captive Eagle, kailangan mong tanggapin iyan. Oras na ipinagpatuloy mo ang relasyong iyan, tuluyan mo lang wawasakin ang pamilya ni Joey. Blessings in disguise na matatawag, nang makaalis ka sa poder ni Joey na hindi pa nalalaman ng asawa niya at kanyang pamilya. Kung itutuloy mo ang relasyon nang dahil lamang sa napamahal ka na sa kanya, naghuhukay ka lang ng sarili mong libingan. Uulitin ko, blessings in disguise na napalayo ka sa kanya. Huwag mo nang isubo ang sarili mo sa panibagong sakit ng ulo, once na binalikan mo si Joey. Captive Eagle maraming paraan ang puede mong gawin upang makabayad sa ng utang na loob kay Joey, hindi diyan kabilang ang pagpapatuloy ng maling relasyon. Tama rin ang mag-ipon ka para sa sarili mo at para na rin sa anak mo. Kung mayroong pagkakataon na makaalis patungong Canada, gawin mo iyan, baka iyan ang puedeng makabago sa iyong sitwasyon. Natutuwa ako dahil matalino kang tao, pero gamitin mo iyan o mag-isip ka bago mo pasukin ang isang bagay na alam mong makakaapeto sayong kinabukasan. Huwag mo na lang isipin kung ano ang ngayon at kung ano ang sinasabi ng iyong damdamin, kundi tanungin mo kung papaano ang bukas once na pinasok mo ang isang sitwasyon? Sa kalagayan mo ngayon bilang single mother, okay lang iyan, total naman, sa ngayon, uso na iyan. Masakit tanggpin sa ating kultura na uso iyan, pero iyan po ang katotohanang nangyayari sa ngayon. But you can reverse the trend. Pangatawanan mo ang iyong pagiging single mother, ipakita mo sa anak mong kaya mo siyang palakihin kahit ikaw lang mag-isa. Pero kung sakaling dumating ang time na mayroong lalaking gustong maging seryoso sayo, huwag mong isarado ang iyong puso, basta hindi ka nakakasagasa ng iba. Mas-maganda iyon, kesa, ikaw ang maging dahilan sa pagkawasak ng isang magandang pamilya. Piho namang nauunawaan ka ni Joey sa iyong magiging disisyon, nung payagan kang makaalis sa Pilipinas, pagpapakita lamang iyon, na hindi naman talaga siya selfish, mayroon pa ring natitirang kabutihan sa kanyang puso, at syempre para din sa kabutihan ng kanyang pamilya. Tao lang tayo Ms Captive Eagle, nadadapa, nagkakamali. Walang sinuman sa mundong ito ang nilikha na walang kasalanan, na hindi nahuhulog sa bangin ng karimlan, pero salamat sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw, sila rin ang nagpapaalala at dahilan kung bakit kailangan nating ituwid ang maling derekyon ng ating buhay. In that way magkakaroon tayo ng peace of mind.Lumipad ka Aguila, malayo, mataas, kaya mong lumipad, yun nga lang kelangan mong sirain ang mga rehas na bakal na iyan na minsang naging kulungan mo sa matagal na panahon. Sirain mo iyan! Lumipad ka ng matayog at palayain mo ang iyong sarili. Tungkol sa paglipat ng sponsor o change ng visa from 20 to 18, medyo mahirap pa iyan sa ngayon, in fact mayroong bagong batas na umano ay ipatutupad sa October 1, (mayroong mga balita na ni-retract ito, pero walang source na binabaggit kaya ayaw kong mag-confirm, kung totoo o hindi) kung saan hindi na papayagan ang 20 visa na lumipat sa ibang sponsor. Ang madali mong gawin, bumalik ka ng Pilipinas at muling makipag-sapalaran sa paghahanap ng trabaho sa labas ng bansa, kung puede mong mai-push ang application papuntang Canada, with your ipon mula sa pag-tatrabaho sa Kuwait, gawin mo. Maraming salamat sayong liham, Captive Eagle!

Friday, September 01, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?

(Ikatlong yugto)

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)

Continuation-

I thought he was just kidding when he told me he would kidnap my baby from his father. Pero pinabilib niya ako, ginawa nga nya ang sinabi niya. Sa madaling sabi Kuya Ben, nakabalik sa akin ang anak ko dahil sa kanya. Although hindi naging madali dahil nagkagulo talaga. But since 3yrs old lang ang bata at hindi naman kami talagang kasal, mas kinampihan ako ng batas. Pero patuloy sa panggugulo si Jun kaya nag pasya ang Auntie ko na dalhin sa probinsya ang anak ko, sa Samar, sabi ng Tiyahin ko panahon na para makita ko rin ang mga kapatid ko, at para makaiwas na rin kay Jun. Yun nga ang ginawa ko. Pansamantala kong iniwan ang anak ko sa ate ko na may pamilya na rin, at nagbalik ako ng Maynila at itinuloy ko ang aking trabaho sa office kung saan naroroon ang Tiyo ko at ang lalakeng nag-ligtas sa anak ko, si Joey. Mula nang bumalik ako, naging seryoso din si joey sa panliligaw sa akin. Open book naman daw ang buhay nya sa akin, and it happen na talagang may pag-tingin din daw sya sa akin. Sabi ko nga sa kanya, pano mangyayari ang gusto niya gayong pamilyado syang tao.
Basta yung mga paliwanag nya at style ng pagkuha niya ng attention ko ay mistulang nangyayari lang sa eksena sa pelikula. Wala na daw syang dapat iprove para patunayan na gusto nya ako. At yung magiging affair daw namin would remain secret, dahil pareho kaming takot sa uncle ko. Sa madaling salita bumigay din ako sa kanya.
At kay Joey ko nakita at nadama yung pagmamahal na sapol pagkabata ay hindi ko natikman. Higit sa lahat yong respeto nya sakin bilang tao ang pinakamahalagang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Our relationship I would say has been very strong although it was a damn secret. Ibinahay nya ako and well provided sa lahat ng pangangailangan ko, basta sa isang kondisyon na siya lang at wala nang iba.
I know he wasn’t good husband with his wife, but I am sure he is a good father and provider for his children. Tumagal ang relasyon namin until Former Pres. Erap downfall.
Sa Pinas, bagong pangulo, pagong political appointee, kaya na- relieve yung uncle ko sa pwesto, na-ilipat siya sa ibang assignment. In other words, nawalan ako ng trabaho. Gusto rin naman ni Joey ang nangyari, kasi gusto niyang sa bahay na lang ako mag-stay. Pero hindi ako sanay ng ganun, kaya naging madalas maintin ang ulo ko. Kaya he decided na magpatuloy ako sa pag-aaral, hanggang makapag-tapos ako. Pero hindi agad ako nakapagtrabaho. I am not getting any younger anymore, so I decided na mag-training ng care giving. At nahihiya na rin ako kay Joey, kasi pati monthly allowance ng anak ko sinasagot nya since wala nga akong work. When I finished my care-training, I told him that I want to help him as well, in return sa lahat ng kabutihan niya sa akin. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil alam kong may-apat na anak siyang binubuhay, dalawa nasa college na, isang graduating sa high school at isang mag-se 2nd yr. Gusto kong makatulong sa kanya, kaya nag-aaply ako papuntang Canada. I knew it takes years bago mag materialize yung application kaya nag decide akong mag Kuwait muna. At first hindi sya pumayag kasi baka daw D.H ang maging bagsak ko at mapunta sa hindi mabuting employer. Pero nakumbinsi ko sya na caregiver ang magiging work ko dito. Determinado ako na makatulong at maibalik ko ang kabutihan niya sa akin, kaya sa madaling sabi napapayag ko sya.
Hanggang ngayon Kuya Ben, hindi nya alam na housemaid ako dito, at hindi nya alam na-ganun kababa ang sahod ng D.H. dito compare sa ibang Gulf countries. Ayaw niya ring magpapadala ako sa kanya, basta mag-ipon daw ako para sa aming mag-ina. Touch ako lalo sa naging gesture niya. Sadyang minahal nga ako ni Joey. Pati ang anak ko. Sabi nga niya sisikapin nyang ma-iba ang takbo ng buhay ko, gusto niyang maka-ahon ako sa kahirapan ng buhay. Isa lang daw ang hindi niya kayang ibigay, at alam kong hindi niya nga kaya, iyon ay yung bigyan ako ng pangalan. We both agree na huwag nang mag-anak for children’s security.
Until one day nakabasa ako ng newspaper at napunta ako sa column mong BUHAY AT PAG-ASA. Tinablan ako sa mga payo mo kuya, I decided to share my story and problem with you. I wanted to walk straight, yun bang walang kaba, walang inaapakan, walang ikinatatakutan at malinis ang konsensya. I hate to admit that I was really touch by your advice, sabi nga na-bulls eye mo ako. With this problem ano ba ang mabuti kong gawin? Mahirap to say goodbye to Joey, siya naman ang tumulong sa akin noong saklot ako ng kalungkutan. Mag-three 3 yrs na ako dito sa Kuwait sa August. Pero until now sya pa rin itong tawag ng tawag sa akin. Ayaw niyang ako ang tumatawag para daw makaipon ako. My son will be 10yrs old na this coming October. Pero patuloy pa rin kaming nagmamahalan at may respeto ako kay Joey. Grabe ang ipinakita niyang pagmamahal sa akin, pag-ki-care sa akin sa mga oras ng pag-subok ko sa buhay.
I should say na naging tao ako dahil sa kanya. He made my life complete, he loves me for what I really am, but most of all I do love him that much. But I know its wrong? Pero masisisi mo ba ako sa ganitong kalagayan ko? Ayaw ko rin naman for life akong magiging kabit! Kuya Ben, help me, I will be taking a vacation this year, and once and for all I want to say goodbye to Joey, pero iisipin ko pa lang ang idiyang iwanan siya talagang labis akong nasasaktan. Ayaw ko rin namang maakusahan na walang utang na loob. And I don’t wan’t him to think na working abroad is the reason ng paghihiwalay namin. I wanted to end my relationship w/ him in most graceful exit. Ayaw ko ring mawala siya ng tuluyan sa akin, gusto ko pa rin siyang naririyan at nagpapalakas ng loob sa akin.

Sa pag bakasyon ko gusto ko ring makita ang anak ko at ang ama nya, ever since I took my son out from him di ko na rin siya nakita. Kahit papaano naman, hindi ko siniraan ang ama ng anak ko, lagi ko pa ring sinasabi sa anak ko, na mabuting tao ang kanyang ama, yun nga lang, hindi kami puedeng magsama. Gusto kong magkita silang mag-ama, pero hanggang ngayon natatakot pa rin akong bigla niyang itakas ang anak ko. Thanks God nga dahil hindi man ako ang nagpalaki sa anak ko ng derekta, pero kilalang-kilala niya ng Nanay niya, dahil mababait ang kapatid ko. Lumalaki ang anak kong tila namana sa kin ang talino.
Isa lang ang gusto kong mangyari, ang magkaroon ng peace of mind! Puede mo ba akong bigyan ng magandang payo sa problema kong ito?

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Captive Eagle

PS: Kuya Ben gusto ko rin malaman kung anong process ng change of sponsor, kase I read in your advice once, na four year graduate, after a year puedeng mag-work sa labas. I wanted to earn more money para makapunta ng Canada . By the way ako po yung nag txt sayo noon at sumulat din ako sa inyong editor. Unfortunately, hindi yata na print, I just don’t know kase di ko gaanong nasubaybayan ang lahat ng issue ng Kuwait Times. Keep up the good work Kuya Ben! Idol kita!

(Abangan ang aking sagot sa mahabang hiham na ito ni Captive Eagle. Kung mayron man kayong magandang suhestyon, welcome po kayong lahat. You can access this article by browsing my blog site at; www.buhayatpagasa.blogspot.com Saan nga ba patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila? Abangan ang sagot sa Sunday! Maraming salamat!

Friday, August 25, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?

(Ikalawang yugto)

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)

Continuation-

She's crazy! Then why in the hell she brought me in that God forsaken place, --to be her punching bag? Yun na nga lang ang mga naging katanungan ko sa sarili. From third year dun na ako natutong mag-rebelde ng lihim, kaliwa't kanan ang friends ko sa school, bad, good, rich or poor-name it- I have friends of such. Popular ako sa school namin when I was in High School, ako yung matalino na amoy kaning-baboy, pretty, pero mga luma na kasuotan. Minsan nga punit pa pero malinis naman. But in the end, good side pa rin ang nanatili sa akin. Ginawa ko iyon para makalimutan kong lahat ang paghihirap ko sa kamay ng pinsan ko. Naging manhid na ako sa kanya. I was not afraid of her anymore! Thanks to all my good friends in school kase talagang dinamayan nila ako, at hindi ako hinayaang manatili sa hindi mabuting mga kaibigan.
Yun na nga naging daily routine ko sa piling ng pinsan ko. Nag graduate ako ng High School na 'Valedictorian'. Wala akong puedeng bahaginan ng valedictory address ko, oo, nagpunta ang kapatid ng husband niya, pero siya- hindi- hindi bale, di ko rin naman gusto ang kanyang presence. Happy moments ko iyon, dahil proud talaga ako sa sarili ko, ako ang tinanghal na pinakama-galing sa aming school. Na-touch ko sa aking valedictory speech ang tungkol sa kalagayan ko. Nakita kong tumulo ang luha ng kapatid ng asawa ng pinsan ko, alam kong na-touch ko rin ang lahat ng taong naroroon. Nangako naman siyang kakausapin niya pinsan ko. Kaya mula nga noon, medyo nag-iba na ang turing ng pinsan ko sa akin.

Noong first year na ako sa kolehiyo, biglang na-diagnose ang asawa ng pinsan ko na may canser sya sa pancreas, kaya hindi pa nga natatapos ang panibagong kontrata nya sa barko umuwi na ito. Malala na raw ang sakit. Sa pangalawang pagkakataon, iniwanan na naman ako ng tao na syang itinturing kong pader o sandalan sa mga unos na dumarating sa aking buhay.
Sa pagkamatay ng asawa ng pinsan ko, nag-decide na ito na bumalik ng Maynila, dahil wala na raw dahilan para mag stay pa siya sa Iloilo. Lihim akong natuwa, dahil malaki ang pag asa ko na makikita ko ang mga kapatid ko, pero pag dating namin ng Maynila, kinausap niya ako na panahon na daw para makabayad ako sa pag papaaral niya sa akin. Maghanap na daw ako ng trabaho at ganun nga ang ginawa ko. Sa puso't isipan ko, alam kong wala akong dapat bayaran sa kanya, dahil pinagtrabahuan ko ang pinag-aral niya sa akin, kaya kesehodang tawagin nya akong walang utang na loob, okay lang. Kaya ng araw na sabihin niya iyon sa akin, nag-decide na ako na tumayo sa sarili kong paa. At ayaw kong magiging alila niya habang buhay. Kaya nag-hanap ako ng trabaho sa Maynila, lihim kong plinano ang mga susunod kong hakbang.
Sa trabahong napasukan ko, agad may-nagkagusto sa akin, pretty nga kase, binata naman siya at alok agad ng kasal. Why not? At least mayroon na akong matitirhan ng libre at tuluyan na akong makakaalis sa pinsan ko. Kaya umuo agad ako. Sa madaling sabi sumama ako sa kanya ng hindi man lang nagpaalam sa pinsan ko. Dinala ako ng boy-friend ko sa kanila at doon na ako natulog ng gabing yon. Hindi na ako umuwi, in short parang tanan. Wala akong kamalay-malay, naghuhuklay din pala ako ng sarili kong libingan sa pagsama ko sa boyfriend kong iyon. Tawagin na lang natin siyang Jun. Both of us don't know our family background kaya hindi nag work ang relationship namin. 3-years old na ang anak ko ng malaman kong lulong pala siya sa ipinagbabawal na gamot.
Kaya pala every time he offered kasal sa akin umaayaw ako, kahit may anak na kami, kase I have this feeling na may sekreto syang itinatago. Higit pa dun sobra din siyang tumoma ng alak. In fact, every time na malalasing sya, nagwawala at mistulang dinaanan ng bagyo ang kabahayan namin. Lahat ng mga gamit na naipundar namin ay winawasak. One time umuwi ako from work, gabi na, kasi shifting yung pinapasukan ko, at 2-10 pm ang pasok ko. Pag uwi ko nagulat ako sa na abutan kase sa bedroom pa namin mismo, kung saan natutulog ang baby namin, dun din humihit-hit ng shabu si Jun at mga barkada nya. Nung time na yon gusto kong takasan ang ulirat, pero na nanaig sa sarili ko ang kalagayan ng anak ko. Nun ko naramdaman ang kawalang pag-asa. I want to run away w/ my son pero saan?
Patuloy akong nakisama kay Jun, despite sa takot na mararamdaman ko, gusto ko syang awayin, pero nag-aalala ako at baka bigla na lang siyang maging bayolente. Kaya ako na ang namimbang, lalong naging magulo ang pagsasama namin hanggang sa hindi ko na natiis lumaban na talaga ako sa kanya at nangyari nga ang kinatatakutan ko. Yung away namin naging marahas sinaktan nya ako, kahit lasing na lasing sya talagang makalas sya pero lumaban ako, akala ko nga Kuya Ben napatay ko na sya kasi nag dilim ang paningin ko, pinag-pupukpok ko sya sa ulo ng malaking bato kase, nadulas sya ng hinahablot nya ako sa buhok, buti na lang may isang mabuting kapit bahay na nangahas na umawat at dinala nila ako sa bahay nila. Ng mahimas-masan ako hinanap ko anak ko at sabi nila kinuha daw ng byenan ko.
Yong taong tumolong sa akin palibhasa Brgy. Captain sa lugar nila Jun ay tumawag sa presinto para ayusin daw gulo namin at sya daw bahala sa'kin. It was a blessing in disguise yung nangyari kase yung police station na pinagdalhan sa akin ay Uncle ko pala ang hepe, so ng malaman nya kung sino ako ay dinala nya ako sa kanila. Tuwang-tuwa yong Auntie ko ng makilala ako kasi daw matagal na nila akong hinahanap mula ng umalis ako ng Pasay sa piling ng ate ko, at dun ko na isinalaysay ang lahat ng pangyayari pati yong naging buhay ko sa Iloilo, sa piling ng pinsan ko. Sabi ng Auntie ko, I have to pick up all the pieces left for me and start a new life. Tutulungan daw nila ako. After a week pinapuntahan ng Tiyo ko yong bahay nila Jun para kunin ang anak ko, pero wala na daw doon umuwi papuntang Mindanao and it was my very worst nightmare, malaki ang Mindanao, saan sulok ko hahanapin ang anak ko. Sa pangyayaring yun na-pabayaan ko work ko, dahilan para materminate ako.

Tinulugan ako ng Uncle ko para makapasok sa office nila sa PNP. Medyo may-katungkulan na ang Uncle ko, kaya madali niya akong naipasok. Dito ko na-meet ang isa nyang tauhan. Umpisa palang alam ko family-man sya, at sa sistema ng mga lalaki lalo na at pulis sa atin ay likas na bolero. At first I really don't care and I don't give a damn kasi I'm not interested sa kanya, all I know that time was makaipon ng pamasahe patungong Mindanao at mahanap ang anak ko. As days, weeks hanggang naging months passed by, wala pa rin akong balita sa anak ko pero sabi ng Uncle ko, hindi daw sya tumitigil sa pag-papahanap, pati nga daw yung regional commander sa Mindanao pinasabihan nya na. Si Joey ( yung name ng tauhan ng Tiyo ko) persistent sya sa pag tulong sa akin, kahit one time lang sya nag palipad hangin sakin at big NO agad sagot ko, ay patuloy sya sa pagtulong, I must admit bukod sa magandang lalaki sya ay ma-prinsipyo din, kaya nakuha nya tiwala ko, in short we become good friends, as in good--walang halong malisya, besides ilang sya sa Tiyo ko, until one day he surprised me by saying " I've got good news for you, nandito na sa Manila ang anak mo, gusto mo kidnapin ko at ibigay saiyo?"-Itutuloy

Saturday, August 19, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)
Dear Kuya Ben,
Greetings! Please call me Captive Eagle. I choose this alias dahil kung tutuusin, I have a strong personality yet narito ako humuhingi ng saklolo sayo. Asiwa akong humingi ng payo sa kahit kanino, maliban kung very close friend ko. Pero napatunayan ko sa mga previous letter senders mo na magaling kang magbigay ng payo, straightforward yet simple may-kurot sa puso at dama kong mayroong kang sinsiridad. In short pinahanga mo ako, kaya sana, huwag mo akong bibiguin sa ilalapit kong problema sayo.
Galing ako sa very poor family from Eastern Samar. Yung side ng father ko, medyo well off naman sila kaya tuloy produkto naging tamad siya, kaya nung mapangasawa ang mama ko, naging poor talaga sila (kami pala). Kahit umabot kami sa pitong magkakapatid, di man lang niya ipinakitang mayroon siyang pagpapahalaga sa aming kinabukasan. Until when I was in grade 1, nang ma-diagnosed ang tatay ko na mayroong acute kidney stone, nang malaman niya iyon, ninirbyus, kasama na rin iyon sa mga dahilan kung bakit maaga siyang namatay. In fairness naman sa Tatay ko, mabait siya yun lang talaga tamad siya. Follow din agad ang Mama sa langit, kaya nagkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid.
Kinuha ako ng Auntie ko sa Manila at pinag-aral ako sa grade school, kapalit naman nun ang mabibigat na trabahong bahay saa murang gulang ko. Nariyan ang tambakan ako ng malalaking kumot at maong, puersado ako masyado sa trabaho, tuloy para akong tibihin (TB) dahil di maalis-alis ang ubo ko. Tuwing weekdays kailangan akong gumising ng alas-dos ng madaling araw para samahan ang aking Tiya sa palengke sa Pasay dahil iyon daw ang maraming fresh at murang bilihin, dangan kase, mayroon silang negosyong lutong ulam.
Grabeng hirap ang dinanas ko alas singko pa lang ng umaga kailangan akong mag-gayak para makarating sa eskuwelahan sa Aurollo School. Pag-uwi ko naman ng hapon, pinaglalako ako ng Banana Q ng Autie ko at halo-halo, wala rin akong time mag-aral, pero ganun pa man, lagi pa rin ako kasama sa top 1 sa eskuwela. Hindi ko alam, automatic kapag nasa school na ako, para akong mayroong memory card na nakakasagot sa lahat ng school requirements, nagtataka nga yung mga kaklase ko kung bakit ako ganun samantalagang alam nila ang kalagayan ko.
Gusto kong bumalik sa amin pero wala naman akong pera, isa pa di ko alam ang pabalik sa amin, bata pa ako nun. Di ko na rin alam kung ano nang nangyari sa iba ko pang mga kapatid.
One day mayroong dumating sa bahay ng Tiya ko, pinsan ko daw siya na nakatira sa Iloilo, husband niya ay seaman, gusto niya akong kunin, pumayag naman ang Tiya ko dangan kase mayroon na raw siyang dalawang college baka hindi na rin niya kayanin akong pag-aralin ng High School. Lihim akong natuwa dahil kahit papaano makakaalis na rin ako sa sobrang hirap ng buhay sa kamay ng Tiya ko.
Pero, instead na gumanda ang kalagayan ko lalo pa yatang napasama. At first intimidated na agad ako, dahil mukha pa lang niya istrikta na, hindi nga ako nagkamali, unang bungad pa lang pagdating ko sa kanila, sabi niya agad sa akin; ang ipagpapaaral niya sa akin ay kailangan kong pagtrabahuan, wala na raw libre ngayon; sabi ko naman sa kanya; okay lang iyon, ganun din naman dun sa Tiya ko sa Manila.
Ganun na nga ang nangyari. Habang tumatagal ang panahon, napapansin kong parang hindi kami magkakakilala, kinakausap niya lang ako kung mayroon siyang gustong ipagawa sa akin at kung mayroong mali sa ginagawa ko. Doon sa lugar nila mahirap ang tubig, kailangan maghintay ng gabi para maka-igib ng tubig dahil sa gabi lang malakas ang tubig dun. Every two days kailangan akong mag-sadya sa kabilang barangay para itulak ang malaking kariton na mayroong malaking drum ng tubig. Dahil syempre sa bago ako sa lugar na iyon, wala talaga akong mahingan ng tulong. Isa sa mga source ng pagkukunan daw ng pag-aaral ko ay ang pag-aalaga nila ng baboy. Pero bawal iyon sa residential area, kaya inutusan pa akong maghukay ng lagpas taong malaking hukay para pagtapunan ng dumi ng baboy. Imagine Kuya Ben, ginawa ko pa iyon. At bukod diyan, kailangan akong mag-house-to-house para manguha ng pagkaing baboy, minsan naka-unipormi pa akong ginagawa iyon. Tumutulo ang luha ko habang nag-iikot sa kapitbahay, kase, syempre nariyan yung matapunan ako ng nangangamoy nang bulok na pagkaing baboy at nangangamoy talaga ako. Dalawa lang kami sa bahay ng pinsan kong iyon, siya at ako, pero walang katapusan ang trabaho, dahil medyo malaking bahay niya. One time nagpunta siya sa school namin, ipinagpaalam pa ako sa adviser namin, dahil emergency daw, yun pala hindi lang mahanap ang nawawala niyang nail cutter. Minsan gumagawa lang siya ng kanyang sariling kuwento, kesyo mayroong nawawala, pero yun pala, siya rin ang may-gawa, itinatago, para lang ipahanap sa akin at kung di ko syempre mahanap, magwawala siya at sasakit lang ang kalooban ko. Gusto niya iyon! Malupit ang Pinsan ko, ako ang shock absorber sa tuwing mag-aaway sila ng asawa niya sa telepono o kaya maging sa sulat.
Mayroon din namang magandang eksena sa bahay nila, iyan ay kung umuuwi ang asawa niya galing sa ilang buwan ding trabaho sa ibang bansa, (seaman nga), sobrang bait ng asawa niya, nakakahinga ako ng maluwag kung nasa bahay na siya. Sa totoo lang, kapag nasa Pilipinas siya, ayaw niyang nag-tatrabaho ako, katunayan, inubliga niya ang asawa niya na kumuha ng katulong sa bahay nila, para makapag-concentrate daw ako sa trabaho. Iyon naman ang ginagawa ng Pinsan ko, agad siyang kumukuha ng katulong, pero tatagal lang ang katulong hanggat naroroon sa Pilipinas ang mister niya. Pero kung wala na, inaaway niya at pinalalayas agad. Plastic masyado at iporkritang matatawag ang pinsan ko. Gusto ko sanang iparating iyong kalagayan kong iyon sa asawa niya, pero, nagdadalawang isip ako, una, baka hindi ako paniwalaan at ayaw ko ring maging dahilan ng pag-aaway nila. Nung third year na ako, lalong naging supportive masyado sa akin ang asawa niya. Ayaw niya iyon. That time, nabuntis na siya sa kanilang unang anak. Lihim din akong natuwa, dahil, inisip ko noon, baka at least magbago ang ugali ng Pinsan ko. Pero sa pangalawang pagkakataon, nagkamali ako, lalo siyang naging salbahe sa akin. Ubod ng pagka-perfectionist, huwag lang makahipo ng alikabok sa bahay at hablot agad ang buhok ko at ipapahid niya sa mukha ko ang alikabok. Mula noon, inisip kong kailangan kong lalong pag-butihin ang pagtatrabaho ko, at nang wala siyang masilip na dahilan para kainisan ako. Gusto ko kaseng makapag-tapos ng pag-aaral.
Isang araw naka-kuha ako ng pagkakataon para harapin siya at tanungin kung bakit ganun ang turing niya sa akin. Nagulat ako sa sagot niya. Ang sabi niya, galit lang daw siya ng husto sa akin dahil kahit anong dami raw ng trabaho ko, kaya kong gawin, at honour student pa rin ako. Isa pa, ayaw niya raw ang masyado akong kinagigiliwan ng asawa niya. -Itutuloy

Sunday, August 13, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

BUHAY AT PAG-ASA
Ni Ben Garcia

Libra Girl: Ang takot sa isda nasa isip lamang

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawang. Ito po ay optional. Bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)
Dear Kuya Ben
Magandang araw po sa lahat ng iyong avid readers! Salamat sa inyong walang sawang pagbibigay ng paalala at payo sa ating mga kababayan. Tunay pong nakakagaan ng kalooban ang iyong palatuntunan. Tawagin mo na lang akong Libra Girl, tubong Mindanao, 23 years old, dalaga. Ang problema ko po ay hindi sa pamilya, hindi rin sa pag-ibig, sila pa nga ang inspirasyon ko sa lahat ng sandali. Hinubog nila ako sa magandang landasin ng buhay. Pinalaki akong may-takot sa Diyos. Tapos po ako ng kursong Bachelor of Science in Industrial Education major in Food Trade last 2004. Under board nga lang po ako, pero balak kong mag-take ng exam pag-uwi ko next year. Sa love life mayroon din ako, regular ang aming communication, masaya kami kahit malayo sa isat-isa. Kuya, di ka man doctor, pero alam kong mayroon kang kakilalang puede magbigay linaw sa aking problema. Ang problema ko po ay tungkol sa aking kalusugan. Nalaman ko bago ako umalis sa Pilipinas na mayroon akong 'Tyroid', pero ang sabi di naman daw delikado. Mula noon nagging woried na ako sa kalusugan ko, dahil baka nga mayroon at lumaki, magmukha akong elepante. Takot ako! Ngayon kase wala naman akong nararamdaman, di ko naman makita o mahalata, pero once na hinahawakan ko ang leeg ko nasasalat ko ang maliit na bukol, baka ito na nga. Mayroon ang family ko ng history ng goiter. Yung Lola ko, namatay na lang na mayroong parang bola ng tennis sa leeg. Hindi rin naman daw namatay ang Lola ko dahil sa goiter, dahil daw po sa katandaan, 80 years old na po siya ng mamatay. Nakaka-ilang lang, at parang di ako makatulog sa tuwing maaalala ko ang sakit ko raw na ito. Ayaw kong magkaroon ng ganun. Aaminin ko sa inyo, di po ako makakaiin ng isda. Ang reason kung bakit tumigil ako sa pagkain ng isda ay nung magkaroon ng baha sa Ormoc, Leyte, kung saan maraming tao ang namatay at pinaniniwalaang kinain ng mga isda. Mula noon, ayaw ko nang kumain talaga ng isda. Matagal nang panahon nangyari iyon, pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga isdang kumakain ng tao, hindi ko kayang lunukin ang isda. Bahala na kung walang ulam, basta ayaw ko ng isda.
Ano bang problema mayroon ako? Uuwi ako ngayong August, gusto kong magpa-opera kung kinakailangan. Ano po ang mabuti kong gawin?

Gumagalang at Nagpapsalamat
Libra Girl

Salamat Libra Girl.
Syempre dahil medical matter itong problemang idinulog sa akin ni Ms Libra Girl, na ewan kung bakit di ibinigay ang tunay na pangalan, e mayroon naman siyang litratong ipinadala at hindi naman nakakahiya kung ihayag man sa publiko itong kanyang karamdaman. Pero igagalang pa rin natin ang kanyang pasiya. Libra Girl, unang una, gusto kong alisin sa isipan mo ang labis na pag-aalala sa kalagayan mo, walang anuman daw po iyan sang-ayon sa nakausap kong doctor. Ibig sabihin, hindi dapat dibdibin, pero mas-magandang ipa-check up para malaman talaga kung anong klase mayroon kang goiter. Nakausap ko po si Dra Alelie D. Romero, ang ating resident doctor and at the same time social welfare officer sa embahada. Di naman daw po masyadong delekado ito, liban kung ma-develop ito into cancer, na bibihira lang daw pong mangyari.
Marami akong natuklasan sa sakit na ito sa pakikipag-usap ko kay Dra Romero na puede kong ishare sayo, pero inuunahan na kita, better seek your doctor's advice on the matter. Ayon kay Dra. Romero ang Goiter daw po ay medical term sa paglaki ng thyroid gland sa leeg. Ito ay hugis butterfly (paro-paro)na matatagpuan sa harapang bahagi, at ibabang parte ng leeg. Ito daw ang nag-cocontrol sa body metabolism ng isang tao. Sa Pilipinas ang tawag nito ay bosyo. Ang pinakaunang dahilan daw po ng pagkakaroon ng Goiter ay ang kakulangan sa sangkap na iodine. Ang Iodine ay matatagpuan sa mga lamang dagat, (isda, she shells, etc) pag-inom ng maraming tubig at pag-take ng tama lang na iodised salt o asin. Kailangan ang mga sangkap na mayroong iodine upang mapanatili ang produksyon ng tamang thyroid hormone, na kung mayroong kakulangan ay siguradong lalaki ang thyroid gland. So alisin mo na ang takot sa pagkain ng isda, nasa isip mo lang iyan. Ano ang gusto mo, kumain ng isda o magkaroon ng nakakailang na tanawin diyan sayong leeg? Maiiwasan naman o magagamot ang thyroid iyan kung magkakaroon ka lang ng tamang sangkap na kailangan upang mapanatili ang iyong kalusugan.

Heto ang mga palatandaan ng thyroid: paglaki o pamamaga ng leeg, wala kadalasang mararamdamang sakit, ngunit nakakailang na pangitain sayong leeg. At upang makumpirma mo na mayroon ka ngang Throid o Goiter, mas-makabubuting kumunsulta ka sa iyong pinagkakatiwalaang mang-gagamot. Sila lamang po ang puede mong paniwalaan, hindi po ako, puede ang sinasabi ni doktora Alelie, dahil mayroon siyang kaalaman ukol dito.
Heto ang magandang balita para sayo, ang problemang ganito ay puedeng madala sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot, tulad halimbawa ng methimazole or propylthiouracil, syempre iyan ay sasabihin sayo ng iyong doctor o ipi-prescribe sayo, huwag na huwag kang mag-titi-take ng gamot ng walang pahintulot ng doctor dahil baka imbes na makabuti ay mas-lalo pang makasama. Ayon kay Dr Alelie, mayroon klasipikasyon ang sakit na ito. Binggit ito ni Dra, tulad ng Hyperthyroidism, an overactive thyroid gland; Hypothyroidism, an underactive thyroid gland; Thyrotoxicosis, an excessive amount of thyroid hormone in the bloodstream; at ang Graves' disease (also known as toxic diffuse goiter or exophthalmic goiter), a form of hyperthyroidism. Kung titingnan natin ang mga nakasulat na iyan, medyo kumplikadong terminology pang-medicina kaya iiwanan ko iyan sa kanila. Isinama ko po iyan sa layunin na ipaalam kay Ms Libra Girl ang ibat-ibang klasipikasyon o level ng tinatawag na sakit na Goiter.

Kung masyado nang malala ang sakit na ito, o yung tinawag nilang toxic deffuse goiter, sasailalim ang pasyente sa tinatawag daw pong thyroidectomy. Ang mga taong sumailalim dito ay kinakailangan nang mag-take ng thyroid supply for the rest of their life upang mapalitan ang natural supply na inalis dahil sa operasyon. Yan po ang paliwanag ni Dra Alelie.

Samantala, sa level naman kung papaanong makakatulong ang OWWA sa financial na paraan, madali iyan, dahil automatic namang entitled ang isang OFW sa medical assiatnce na puede nilang ipagkaloob. Kaya ang payo ko sayo Libra Girl, kung gusto mong magamit ang iyong karapatang ito, puede kang magtungo sa alinmang malapit na OWWA office sa iyong lugar.

Sunday, August 06, 2006

Buhay at Pag-asa

BUHAY AT PAG-ASA
Ni Ben Garcia

Arcelyn napako sa Kuwait: Pangako sa boyfriend napako

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawang. Ito po ay optional. Bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)

Dear Kuya Ben,
Ako po si Arcelyn Demoy. Tubong Zamboanga del Sur. Tatlo po kaming magkakapatid. Ang ama ko ay simpleng magsasaka lamang. Mayroon namang maliit na tindahan ang aking ina. Isang araw nagpaalaam ang papa ko na gustong magbakasyon sa kanyang bayan sa Lanao del Sur, pumayag naman ang mama, pero ilang araw lang ang nakalipas dumating ang pinsan ng papa ko sa bahay namin at ibinalita sa aming mayroong malubhang karamdaman ang Tatay. Pinuntahan siya ng Nanay ko at ipinagamot. Gumaling naman ang Tatay ko. Nang umuwi sila, nagtuloy agad sa tindahan, pero ninakawan ang tindahan namin, ang natira ay isang posporo at isang kilong asin. Parang hindi makapaniwala ang nanay sa nangyari. Simula noon, nawalan na rin ng ganang magtinda ang Nanay ko, sinira niya ang tindahan at lagi na lang siyang galit sa papa. Ang papa ko naman wala lang kibo, sobrang bait kase niya, ni konteng salita wala siyang binitiwan sa mama ko. Isang araw, naglalaro kami sa kalsada ng patentero ng mga kaibigan ko. Nakita ko ang Tatay na napakaaliwalas ng mukha. Ang Mama tulog na. Noong mag-11 o'clock na ng gabi, nilapitan ako ng Tatay at sinabing matulog na raw kami, gabi na. Bandang alas kuwatro ng madaling araw, nilamig daw ang Nanay ko at gustong yakapin ang Tatay, pero wala ito sa tabi niya, nalingat ulit ang mama ng alas singko, pero wala pa rin ang Tatay sa tabi niya. Bumangon ang Nanay at medyo kinabahan. Umikot siya sa aming bakuran dahil inisip niyang nasa bakuran lamang ito.

Bigla siyang nagulat sa nakita niya sa punong kakao, ang Tatay, itinali ang leeg sa kakao. Nagsisigaw ang Nanay ng Makita iyon. Nagigising ang mga kapitbahay at nabigla sila sa sigaw ng Nanay, wala namang may-sakit sa amin, pero patay ang sinisigaw niya. Malamig nang bangkay ng ibaba siya sa punong Kakao. Hindi namin alam kung bakit nagawang patayin ng Tatay ang kanyang sarili. Pero siguro sumuko na siyang buhayin kami.
12 years old na ako ng mangyari iyon. Lalo tuloy kaming nahirapan. Pinatigil ako ng Mama sa eskuwela, pero, sinabi ng guro ko na huwag akong patitigilin sa pag-aaral, kaya nahirapan man ang Nanay sinikap niya na lang na pag-aralin ako. Third year high-school na ako ng magdisisyon akong magtrabaho bilang katulong. Tumigil ako sandali sa school at nung 4th year na ako, kinuha ako ng pinsan namin sila na raw ang magpapaaral sa akin, sa isang kundisyon na huwag daw muna akong may-bu-boy-friend. Pumayag naman ako. Nung malapit na akong mag-graduate mayroong nangyaring hindi inaasan, pinasok ako ng asawa ng pinsan ng Mama ko, ang itinuring kong pangalawang magulang. Pero hindi siya nagtagumpay dahil sinipa ko siya. Nalaman iyon ng babae, at hinarap niya ang kanyang asawa, hindi man lang nakakibo, kasalanan niya kase, inihatid ako sa kaibigan niyang doctor para makapag-tapos daw ako ng pag-aaral. At sila na nga ang gumastos para sa pag-aaral ko sa koleheyo. Gabi ako nag-aaral at nagtatrabaho naman ako sa kanila kung araw.
Okay lang iyon dahil pangarap ko talagang makapag-tapos ng pag-aaral. Doon ko nakilala ang aking boyfriend. Una, kaibigan, pero nagtapat siya sa kanyang nararamadaman. Gusto ko rin siya, kase mabait, maalalahanin, sa katunayan, siya ang sumusundo sa akin pagkatapos ng eskuwela sa gabi. Pero di ko alam, chickboy din pala, nahuli ko siyang mayroong kasamang iba. Hindi ako nagpahalata sa kanya, pero mula noon, parang nasaktan ako ng todo, dinamdam ko iyo, at minsan nakakapasok ako sa eskuwelang laseng. Noong 4th year college na ako, isang semester na lang, tumigil ako, dahil mahirap na rin ang mga projects, nahihiya na akong humingi sa nagpapaaral sa akin.

Sinabi ko na rin iyon sa nagpapaaral sa akin, wala naman silang sinabi na disisyon ko raw iyon. Pero nung umuwi ako, sa bahay naroon na ang boyfreidn ko, humihingi ng sory, pinatawad kona siya, at sinabi niyang ipagpatuloy ko raw ang pag-aaral ko, total isang sem na lang tapos na, so nakinig ako sa kanya. Noong malapit nang graduation namin nagpunta siya noong gabi para bumati sa akin, nagpaalam na rin ako na gusto kong umalis at mag-abroad, kaya nagpaalam ako sa kanya. Ayaw niyang pumayag, gusto niya pakasal na raw kami at magsama. Pero hindi pa talaga iyon ang plano ko, gusto ko pang makatulong sa pamilya ko, so sinuhay ko ang gusto niya.
Umiyak siya sa akin, nakita ko ring mahal niya talaga ako, nangako naman ako na siya ang una at huli kong BF. Umalis akong umiiyak dahil sa iiwanan ko siya, pero tuloy ang aming kumunikasyon, pangako ko sa kanya, dalawang taon lang akong mag-aabraod. Natapos ang 2 taon, sabi ko sa kanya, uuwi ako, pero 2 buwan lang ako sa Pinas at babalik ding muli sa Kuwait para ipagpatuloy ang pagtatrabaho, ayaw niyang pumayag, naramdaman kong nahihirapan na rin siya, ako rin ay ganuon din, kaya nagpasiya tuloy ako, na huwag na lang umuwi para hindi mahirap umalis. Naputol ang kumunikasyon namin mula noon. Tapos anim na buwan ang nakalipas, nabalitaan kong may-asawa na siya. Kinunfirm iyon sa akin ng Nanay ko, butis na raw ang babae, masakit man pero inihanda ko na rin ang sarili ko sa ganuong scenario, sobrang sakit, pero nangibabaw pa rin sa akin ang aking pamilya.
Makalipas ang ilang buwan, tumawag siya sa akin, ako daw ang mahal niya, di niya raw pinakasalan ang babae niya, dahil di niya raw ito mahal. Lumayas daw siya at nagtungo ng Palawan. Ano ang mabuti kong gawin, di ko rin matanggap sa buhay ko na mayroon na siyang anak sa iba. Tama ba ang inisip ko na mag-sinungaling na lang ako, may-asawa na rin ako?

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Arcelyun Demoy.

Dear Arcelyn salamat sa tiwala sa palatuntunang Buhay at Pag-asa. Pero bago ang lahat, marami itong kaibigan si Arcelyn na gustong batiin sa palatuntunang ito, tulad nina Jane, Maridel, Neni, Amen, Thata at Ms Bergole. Hello sa inyo mula iyan kay Arcelyn.
Bueno, nakita ko sa sulat ni Arcelyn ang nagtatalong damdamin sa pamilya at pagtingin sa kanyang boyfriend. Iyan ang pinakadahilan kung bakit di makausad si Arcelyn. Gusto niyang bigyang pansin ang kanyang mga immediate family bago ang lahat. Pero tama raw ba na magsinungaling na lang siya -- na mayroon na rin siyang asawa. Hindi rin daw kaya ni Arcelyn na tanggapin na mayroon nang anak ang kanyang boyfriend. Arcelyn, sino kaya sa palagay mo ang niloloko mo, sino kaya sa palagay mo ang lalong masasaktan kung sakaling ganyan nga ang gawin mo. Di ba sarili mo rin.
Eh papaano nga kung mahal ka ng BF mo? Biruin mo di niya pinakasalan ang babaeng nadisgrasya niya para lang sayo. Oo medyo mali siya doon dahil nagpadala siya sa tawag ng laman, pero mayroong mga bagay na siya lang at ng babaeng iyon ang nakakaalam, baka naman inakit lang siya, baka naman mayroon silang usapan na hindi magsasama. Hindi natin alam, mayroon kaseng ganyan na ngayong babae, na magkaroon lang ng anak tama na. Pero since na tumakas siya at nagpakalayo at nagtungo ng Palawan, ibig sabihin baka humahabol ang babae, so ang bagay na iyan ay dapat munang mai-klaro sayo ng boyfriend mo, pero huwag mo na lang lokohin ang sarili mo. Sa tingin ko mahal mo pa rin siya kaya ka nasasaktan, kaya ka nahihirapang tanggapin ang kanyang anak sa ibang babae. Natural lamang ang nararamdaman mo. Kung mahal mo siya, umuwi ka rin muna, ayusin mo ang relasyon na binuo niyo, alalahanin mo na mayroon kang pangako sa kanya, kaya nga siya naghintay ng dalawang taon, pero di ka umuwi, alalahanin mo na mayroon kayong salitang binibitawan na eventually pinanghahawakan ng bawat isa sa inyo. Kaya nagtiwala din siya sayo, pero hindi mo iyon tinupad, kaya, partly mayroon ka ring kasalanan kung bakit siya nahulog sa isang pagkakamali, na ngayon gusto mo siya lang ang mag-suffer. Huwag namang ganyan! Kung maaayos ninyong muli ang nasira niyong relasyon ayusin niyo. Mag-usap kayong mabuti tungkol sa bagay na iyan. Sabihin mo rin sa kanya, na magpakalalaki siya sa pagharap sa responsibilidad. Kung nagkamali man siya, we are all subject to it, magsisi at bumangong muli. Ang pag-harap sa responsibilidad lamang ang magpapatahimik sa kanya at sa iyo na rin. Humingi siya ng paumanhin sa babae at sabihin niya doon (sa babae) ng tuwiran na wala siyang pagtingin at hindi siya magiging masaya kung silang dalawa (ng babaeng nabuntis niya) ang magsasama. Humingi ka rin ng patawad sa hindi mo pagtupad sayong pangako, upang ang pakong nakapako sa inyong relasyon ay muling mabigyan ng kaluwagan.