Saturday, July 28, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Para kaming basang sisiw, walang masandalan, walang mahingahan ng sama ng loob.

'Natutulog ba ang Diyos?'

Dear Kuya Ben,
Magandang araw po sa inyong lahat! Taga-Ilo-ilo po ako Kuya Ben. Uumpisahan ko ang kuwento ng aking buhay nang mamatay ang aking ina sa aksidente. Nasagasaan po siya ng jeep at dead-on the spot! Noong nabubuhay pa siya, masaya kami bilang isang pamilya. Pero noong mawala siya, para kaming mga basang sisiw na iniwan ng inahin. Masasabi ko rin kaseng iresponsable ang aking ama. Ang ina ko lang halos ang kumakayod para kami mabuhay. Nasa third year high-school na ako noon. Ang hirap nang mawalan ng ina, tapos sa napaka-pangit pang kamatayan. Naitanong ko sa Diyos kung bakit niya hinayaan ang ganun. Wala akong sagot! Mabait namang ina si Nanay. Si Tatay naman, iresponsable pa rin, kung kaya nga, high-school din lang ang natapos ko. Hiningi ko sa tatay na pag-aralin ako, pero hindi siya pumayag dahil katuwiran niya, marunong na daw akong magbasa at mag-sulat, iyon lang naman daw ang mahalaga.
Idinagdag niya na kung mag-aaral daw ako, iba lang daw ang makikinabang. Iyan ang ugaling naipakita sa akin ng tatay namin noon. Hindi ko iyon hihilingin sa kanya kung hindi ko naman nakikitang kaya niya dahil mayroon namang pera ang pamilya. Noon kaseng mamatay ang Nanay, alam kong mayroong malaking perang ibinayad ang nakasagasa kay Inay, pero kinuhang lahat iyon ni Tatay. Ang masaklap pati nga yung mga naipundar ni Nanay noong nabubuhay pa, ipinagbili rin niya at habang kaming mga anak niya, napabayaan.
Ginastos niya lang lahat sa napangasawa niyang iba matapos mailibing si Nanay. Ni hindi niya iniisip na mayroong naghihintay ring mga anak niya sa bahay. Minsan akong lumaban sa tatay, dahil hindi ko na talaga matiis ang ginagawa niya. Pero imbes na makinig, magkasamang sampal ang inabot ko mula sa kanya. Wala raw akong galang at mula nga noon, hindi ko na siya sinasagot at ni-hindi na rin ako nagtatanong kung nasaan siya at kung buhay pa ba siya.
Noong nag-asawa siya ng iba, gusto niyang gawin akong bridesmaid, saan ka nga naman makakita ng ama, na gagawin ang anak na bridesmaid ng asawa niya. Sa inis ko, lumayas ako at nagtungo ako sa Auntie ko sa Bulacan. Naging katulong ako nila. Taga-bantay ng bata. At nangako silang pag-aaralin ako sa gabi. Paalis naman noon sa abroad ang Auntie ko, ibig sabihin, maiiwan ako kasama ng Tito ko. Akala ko okay lang iyon, pero hindi, dahil sinumpong ng pagka-manyakis ang Tito ko. Gusto ba naman akong pagsamantalahan? Lumayas nga ako at nag-tungo ako ng Maynila. Palibhasa wala akong tinapos, sinung-gaban ko kahit na anong trabaho, basta hindi lang masama. Huli kong napasukan ang pagiging tindera sa may-Divisoria. At doon ko nakilala ang aking asawa. Ikinasal kami sa civil lang at nagkaroon ng apat na anak.
Kung kailan lumalaki na ang mga bata, doon ko nakitang iresponsable din pala ang aking asawa. Noon kaseng mag-sara ang pinapasukan niya, ni hindi na kumilos para maghanap ng ibang trabaho. Naging tamad na siya masyado at gustong sa bahay lang siya. Eh papaano kami kakain, papaano mabubuhay ang apat naming anak? Dahil sa ganun at ganuong sitwasyon, nagdisisyon akong makipag-hiwalay. Inuwi ko ang mga bata sa probinsiya, sa mga kapatid ko. Pati sila, sakripisyo ang ginawa para sa mga anak ko. Bumalik ako ng Maynila at bumalik ako sa dati kong amo sa Divisoria. Hindi ko alam kung papaanong bubuhayin ang mga bata na ako lang mag-isa. Kaya nag-isip akong mangibang bansa. Dalawang taon na ako dito sa Kuwait pero ni hindi ko pa rin makita ang liwanag. Hirap na hirap na nga ako, iba pa ang naririnig ko sa panig ng asawa ko, lumayas daw ako sa Maynila para sumama sa ibang lalaki sa Kuwait. Nagpunta ako dito para magtrabaho, tapos iyon pa ang maririnig mo.
Minsan naiisip ko tuloy, ang buhay ngayon ng mga anak ko, tila baga may-kahawig sa buhay din namin noong magkakapatid. Para kaming mga basang sisiw, walang masandalan, walang mahingahan ng sama ng loob. Ganyan din po ang nangyayari sa aking mga anak. Kuya, bakit ganito ang buhay? Hindi ba parang unfair--kase, ikaw na nga itong kumakayod ng tama--ikaw pa itong labis na nagdurusa at nahihirapan. Bakit mayroong mga masamang nangingibabaw? Bakit sila okay ang buhay, pero kami, mahirap pa rin kahit anong gawin?...Natutulog ba ang Diyos!

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Danah

Hindi natin masisisi si Danah sa kanyang tanong. Natutulog nga ba ang Diyos? Abangan ang sagot sa susunod na edition. Maraming salamat sayong liham Danah!

Sunday, July 22, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Pagpupursige, susi sa maganda at maaliwalas na buhay
Subukan sa pangalawang pagkakataon

Dear Kuya Ben,
Tawagin mo na lang akong Ange. Maliit pa ako'y tadtad na ako ng trabaho. Nakapag-aral ako ng H-School dahil sa aking sariling pagsisikap. Kung tutuusin kaya ng mga magulang ko ang mapag-aral ako, pero atubili na silang gawin iyon dahil sa ginawa ng dalawa kong mga nakakatandang kapatid. Nagsipag-asawa matapos makapag-aral, at hindi na nga nila naalala ang aking mga magulang.
Noong matapos ako ng H-School hinayaan na rin akong makapag-asawa, dahil doon din lang naman daw ako pupunta, kahit ayaw din nila ang napangasawa ko.
Dahil siguro sa walang blessing ang pag-aasawa ko, napakaikling panahon lang kaming nagsama. Sa katunayan, anim na buwan pa lang ang tiyan ko noon nag-hiwalay kami. Masakit sa akin ang nangyari. Pero yun na rin siguro ang maganda dahil doon ko pa lang lubusang nakilala ang asawa ko.
Dahil sa buntis nga ako ng kami'y mag-hiwalay, minabuti kong lumapit sa aking panganay na kapatid. Tinanggap naman niya ako, pero ayun, bilang ganti, ako ang naging labandera nila at tumatanggap din ako ng labada mula sa iba. Nagtatabi ako ng pera para sa panganganak ko.
Todo ang panalangin ko na sana malagpasan ko ang kahirapang dinaranas ko. Salamat sa Diyos dahil nanganak akong libre sa ospital. Eksakto po kaseng alas-dose ng hatinggabi isinilang ng bagong taon noong 1994 ang aking anak. Na-murublema ako ng isilang siya dahil inisip ko kung paano siyang bubuhayin. Mag-isa lang kase ako. Iniisip ko kung papaano naman ang kanyang kinabukasan. Labandera pa rin ako matapos ko siyang ipanganak. Pero nag-isip ako kung papaano ko haharapin ang buhay, hindi yata ito maganda na habambuhay akong labandera. Kaya noong mag-iisang taon ang anak ko, sinikap kong makapag-trabaho, at naging Quality Controller ako sa isang pabrika. Pero sapat lang talaga ang kinikita ko para mabuhay kami. Napag-isip-isip kong kaya kong magtrabaho sa labas ng bansa at kumita ng medyo malaking pera. Naglakas loob akong lumapit sa aking mga magulang upang makautang para sa aking planong pangingibang bansa. Sa awa ng Diyos, nakaalis po ako noong 1998.
Noong unang dalawang taon, sadyang napakahirap, masama masyado ang aking mga amo, pero tiniis ko iyon at tinapos ko ang 2 taon para sa anak ko. Mabilis na lumaki ang bata, kaya na-miss ko talaga iyon, kaya nagtagal pa ako ng isang taon sa Pinas bago ako muling umalis. Nagbalik ulit ako sa Kuwait, pero this time sa ibang amo na. Masuwerte namang makatagpo ng mabait at maunawaing amo. Napakabuti po nila sa akin. Ako ang pinagkakatiwalaan nila sa bahay. Masaya ang mga magulang ko dahil mula ng umalis ako sa Pinas, sila ang nagsilbing mga magulang ng anak ko. Natutuwa rin silang matalino ang anak ko at dahil diyan, sila ang laging nagsasabit ng mga medalyang nakukuha ng anak ko.
Sa ngayon kuya Ben, bata pa naman ako, masaya kung tutuusin na ako na lamang mag-isa, pero pagkaminsan, iniisip ko pa ring mag-asawa kung mayroon akong magugustuhang lalaki. Okay lang ba iyon? Kasal kami ng dati kong asawa, pero mayroon na ring mga pamilya iyon. Ano po ang gagawin ko?

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Ange

Salamat ng marami sa pagbabahagi mo ng iyong kasaysayan. Ang ganda ng iyong kasaysayan, ikaw ang babaeng hindi natakot at sumusuko sa laban ng buhay. Nakita namin kung papaano kang nagpursige sa buhay. Sabi mo nga, noong buntis ka pa lang, naglabada ka, pero na-feel mong mayroon pang mas-magandang buhay na maibibigay sa anak, kaya nagsumikap ka para makahanp ng trabaho. Yun nga nakakuha ka ng trabaho sa pabrika, sapat man iyon, pero inisip mong mas-mayroon pang magandang kinabukasan kung mag-aabroad ka, kaya, nag-isip kang mag-trabaho sa labas ng bansa. Ganyan po talaga ang tao, nagsusumikap para maibigay ang tama sa kanyang mga anak. Kaya hindi rin ako magtataka, kung isang araw, maghahanap ka ng totoong tao na makakasama mo habang buhay. Pero kung tatanungin mo ang ibang babae, sasabihin nila sayo na huwag na lang. Anyway mayroon ka nang anak na magbabantay sayo once na ikaw ay tumanda na. Pero hindi mo pa rin talaga maipagpapalit ang taong puede mong makasama habambuhay. Nasa sa iyo, kung gusto mong mag-asawa muli, ayusin ninyo ang annulment. Piho namang magiging madali iyan dahil sabi mo nga mayroon nang sariling pamilya ang dati mong asawa. Baka hindi rin sila kasal dahil una ka nang naikasal sa kanya. Hindi mo nabanggit kung pumirma ka ng papel noon sa paghihiwalay ninyo. Kung mayroon baka, legal na ang separation ninyo at malaya ka nang muling mag-asawa. Ang aking panalangin para sa'yo, hari nawa ang lalaking makikita mo ay hindi yung paluluhain ka lang muli at pahihirapan pa sa buhay. Kaya pag-isipan mong mabuti iyan, kung mayroon kang lalaki na sa tingin mo seryoso sa buhay at seryoso sa pagmamahal sayo, why not give your love life another chance.

Sunday, July 15, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Mag-ingat sa mga alok ng trabaho sa labas!
Birong nauwi sa totohanan, pinagdurusahan

Dear Kuya Ben,
Tawagin niyo na lang akong Tata ng Hawally. Ganito po ang kuwento ng aking buhay. 12 kaming magkakapatid. Mula noong elementary ako, self supporting na ako. Kaya kahit na noong tumuntong ako ng High School self supporting pa rin, maging noong nag-college ako. Nagkaroon ako ng maraming boyfriends. Hindi sa pagmamayabang, may-angkin akong sex appeal sa mga lalaki, sabi nga nila; pero hindi naman ako kagandahan. Noong h-school ako, nakilala ko si Richard. Patay na patay ako sa kanya. Parang langit ang pakiramdam sa tuwing makikita ko siya. Tumagal ang aming relasyon ng may-ilan ding taon. Ngunit isang araw, nabigla ako sa balitang mayroon daw itong babaeng nabuntisan. Biglang nagdilim ang aking mundo, muntik na akong magkapakamatay dahil doon. Pero naghilom din ang sugat. Makalipas nga ang isang buwang pagmumukmok, bumangon akong muli. Sinabi ko sa sariling hindi siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Bumalik man sa akin noon si Richard at nag-alok ng tanan, di ko na iyon pinagbigyan.Pagkatapos ng mga pangyayari, naging parang laro na lang sa akin ang pag-ibig. Maski sinong manligaw sa akin, pinagbibigyan ko. Habang ako, patuloy sa pag-aaral. Kumuha ako ng two year computer course sa Philippine School of Technology, medyo malayo ang bahay namin sa Davao, kaya nag-boarding house ako. Pero ginamit ko ang extra time sa pag-tatrabaho sa isang malaking department store sa amin. Sa day-off o mga pistahan, nagtitinda ako ng mga damit at nakatulong iyon upang matapos ko ang aking pag-aaral.Nagbakasyon ako sa Tita ko, doon ko nakilala si Jhon. Nabighani raw siya sa akin sa unang kita niya pa lang. Gusto niya na raw ako, kaya di niya ako tinigilan. Biniro ko pa nga siya na kung totoo ang sinasabi niya, kaya niyang hingin ang aking kamay sa aking mga magulang. Nagulat na lang ako isang araw, dinala ni Jhon sa bahay kanyang mga magulang. Handa na raw siyang hingin ang aking mga kamay. Galit-na-galit noon ang aking mga magulang dahil ganun lang daw ba kabilis iyon para sa akin? Isinet ang kasal matapos ang tagpong iyon. Halos hindi ko ma-explain ang aking nararamdaman, lumuluha ako ng mga panahong iyon. Hindi ako makatulog, naguguluhan ako dahil ang lahat ay biro lang. Hindi ko siya gusto, napasubo lang talaga ako. Baduy siyang manamit, lahat sa kanya, hindi ko gusto. Hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal. Noong nagsama kami, first year of marriage napakabait niya. Nagsasalita ako nakikinig siya. Second year of marriage siya naman ang madadaldal pinakikinggan ko naman siya. Pero noon tatlong taon na ang aming marriage, we both talk, neighbors listen, at wala na kaming pinagkakasunduan. Sumisigaw na siya, sinusuntok na ako at nagkakaroon na ako ng takot sa kanya. Magulo ang buhay namin, wala siyang trabaho, ayaw niya naman akong pagtrabahuin. Seloso na rin siya at mahilig na ring maglaro ng baraha at mag-inom. Tatlo na ang anak namin ng makapag-isip-isip marahil na di niya kayang mag-isa. Kya pumayag na rin siyang magtrabaho ako. Abroad agad ang alam kong mabilis na paraan para makabangon sa buhay. Pumayag siya at ngayon, 1 year and four months na po ako sa Kuwait. Nagpapadala ako sa kanya every two months noon. Pero noong lumaon, hindi na, dahil nabalitaan kong nambababae na siya. 40KD lang po ang sahod ko sa isang buwan. Hindi ko na kinukuha sa amo ko ang suweldo at pinatatago ko na lang sa kanya para mayroon akong pera sa December, dahil iyan ang uwi ko. Ano kaya ang gawin ko sa mister ko, kalimutan ko na lang ba siya at magpatuloy ako sa buhay kasama ng mga anak ko? Tulong naman po, gusto ko ring magtrabaho sa labas para lumaki-laki ang kita para sa mga anak ko. Ano po kaya ang mabuting gawin? Isa pa, gusto ko rin pong magsimba sa Born Again Christian o Pentecostal Church, mayroon po ba dito?
Gumagalang at Nagpapasalamat,Tata
Welcome back pong muli sa ating regular column na Buhay at Pag-asa. Matapos ang malungkot na pagkamatay ng aking ama, ayun at tuloy ang buhay. Ang programa pong ito ay laan sa inyo. Laan sa ating mga kababayan na mayroong mga suliranin sa buhay. Hangad ko pong makapagbigay ng konting kagaanan sa inyong mga pinapasang problema. Lahat naman po tayo ay mayroon niyan, pero sa iba, hindi madaling resolbahin ang problema laloصt marami sa atin na nagtatrabaho sa bahay walang maka-usap at walang mahingahan ng sama ng loob. Bukas po ang palatuntunang ito para sa inyo.Practical na kasagutan po ang aking dala sa inyo, hindi nangangako ng tiyak na lunas, pero nangangakong sasamahan kayo upang gumaang ang inyong mga kalooban tungo sa pag-harap sa hamon ng buhay. Tiyak din po akong ang programang itoصy nagpapalakas ng damdamin, kalooban at nagbibigay ng konteng ginhawa sa dibdib. Kung legal problem naman ang pag-uusapan, pinipilit ko rin pong sagutin iyan sa tulong ng mga kaibigan nating mayroong background sa umiiral na batas. Maraming salamat sa inyong tiwala at patuloy ko po kayong inaanyayahang sumulat at ibahagi ang inyong kasaysayan upang makatulong sa iba at makapagbigay ng leksyon sa buhay. Samantala, sa mga taong na-touch ng aking sariling kasaysayan o in fact iyon ay isang bahagi lamang ng aking buhay, maraming salamat po! Tulad ng aking adhikain napatunayan kong iyon ay talagang nagbigay ng inspirasyon sa iba. Maraming tumawag sa akin at nagsabing napaiyak sila sa aking kuwento. Ang iba tumawag talaga sa Pilipinas upang iparating ang kanilang pagmamahal sa magulang. Bueno, salamat ng marami kay Tata. Isa na namang kuwento ng kasawian sa pag-ibig. Problema niya as you read them, yung kanyang mister na nambabae at hindi niya na kinuwestyon pa kung bakit niya ginawa iyon. Maliwanag naman marahil sa inyo ang kanyang rason. Although asawa niya, pero hindi naman niya talaga mahal. Sabi niya nga, ipapaubaya na lang ang kanyang mister sa iba. Kakaiba rin itong si Misis? Kung kaya naman ginawa niyang mambabae ay dahil siguro sa hindi niya rin maramdaman ang pagmamahal na mula saصyo kaya, hindi mo rin masisi si lalake. Ang iniisip ko na lang sa inyong sitwasyon ay ang inyong mga anak. Dapat sila ang sentro ngayon ng iyong buhay. Huwag mo silang pababayaan at i-obliga mo rin ang asawa mo sa kanyang papel bilang ama ng kanyang mga anak.Gusto mo kamong lumabas at mag-trabaho? Puede naman, iyan ay kung papayagan ka ng iyong amo na magtrabaho sa labas at mabigyan ka ng release. Kung sakali, puede kang mai-transfer sa iba. Hanap ka muna ng employer na puedeng mag-bigay saصyo ng iqama o visa. Paalala lang, marami ditong sindikatong naghahanap daw ng mga empleyado. Kukumbinsihin kayong lumabas at bibigyan ng trabaho sa restaurant or billiards, tapos ang papasukan pala ay isang bahay aliwan, ikakandado ka pa sa kuwarto at doon ka tatanggap ng mga parokyano. Marami niyan dito at kadalasang involve ang mga Bangladeshi, (sorry sa ibang Bangladeshi na hindi naman involved, pinangalanan ko po ang lahi dahil sila ang kadalasang involved). Mag-ingat!Sa tanong mo kung mayroon bang Born Again Christian Church dito, mayroon po, matatagpuan iyan sa Kuwait City, halos likuran ng Catholic Church. Sama-sama po ang mga Baptist, Evangelical, Protestant, Pentecostal, Born Again at maging Orthodox sa iisang compound. So magtanong ka kung anong grupo ang gusto mong salihan doon.

Sunday, July 08, 2007

Mahal ang mamatayan sa Pinas!

Pamahiin/Tradisyon, bahagi pa rin ng bagong hererasyon

Mga minamahal kong mambabasa,

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Dalawang Linggo rin po akong nawala dahil sa pagkamatay ng aking mahal na ama. Salamat din po sa Diyos at coincidentally may nakatuwang po ako sa Filipino Panorama. Totally blocked out po siya pagdating sa akin sa loob ng 2 Linggo dahil kasalukuyan akong nasa state of denial ng malaman ko ang pagkamatay ng aking ama. Sa mga panahong iyon, halos hindi ko maangat ang telepono para mabigyan siya ng suporta. Bukod sa sobrang busy rin po ang inyong lingkod at ang iba ko pang mga kapatid sa mga bagay may-kaugnayan sa libing at paglalagakan ng aming ama.
Napakahirap po palang mamatayan ng minamahal sa buhay. Bukod sa napakalungkot na nga, magastos pa! Tama ang sabi ng mga nakakausap ko at naririnig ko noon hinggil sa namamatayan, sobrang gastos! Mas-madali ang mabuhay; pero ang mamatay, sadyang malungkot na nga, magastos pa.
Pero tradisyon na rin iyon na nagpasalin-salin mula sa lumang henerasyon at hanggang ngayon. Mahal ang kabaong, mahal ang lupang paglilibingan at pagpapakain sa mga nakikiramay na bisita.

Pamahiin
Sa amin bawal daw gutumin ang mga nakikiramay o nakikilamay, kaya maraming pagkain. Maraming pamahaiin akong ngayon ko lang nasaksihan palibhasa (thank God) ito po ang unang pagkakataon na mamatayan ang aming pamilya. Ewan ko kung tama iyon. Pero iginagalang ko ang mga tradisyong iyon, dahil ayaw kong masaktan ang sinuman sa miyembro ng pamilya at mga nakatatanda sa aming lugar. Bawal ang mahulugan ng luha ang kabaong ng patay. Bawal maglinis sa bahay, bawal maligo o maglaba sa bahay, pero pinapayagan kaming makiligo o makilaba sa kapitbahay. Bawal ang maraming tira sa pinggan, bawal mag-habol ng lutuin para pakainin ang ibang naubusang bisita, bawal magsuklay, bawal ang paglagay ng pabango, bawal ang magsindi ng kandila at ipatong sa nauupos nang kandila. Miembro lang ng pamilya ang puedeng magsindi noon. Sa balo (si Mama bawal maligo, pero puedeng maghugas ng katawan hanggat hindi pa naililibing si Papa), hindi rin daw siya puedeng lumabas ng bahay. Bawal matulog sa harap ng kabaong, hindi puedeng iwanan ang patay, (may-paniniwalang puedeng tangayin ng aswang o engkanto ang patay). Paglabas ng patay sa kanyang tahanan, kailangan una ang paa at hindi ulunan, immediately pagkatapos ilabas ang kabaong sa bahay, susundan ng tubig o buhos ng tubig ang lugar kung saan inilagak ang bangkay, babasagin ang jar o boteng pinaglagyan ng donasyon, susunugin ang mga barahang ginamit ng mga nagsi-lamay, aalisin agad ang tent na itinayo sa bakuran at lilinisin ng tubig ang bahay ng taong maiiwan sa bahay. Katiwala at hindi puede yung miembro ng pamilya ang gagawa noon.
Kailangan daw simulan ang paglilinis ng bahay kung nakatawid na sa ilog ang bangkay. (Wala kaming ilog, kaya pati kanal o imburnal puede na raw). Lahat ng iyan ay pamahiing iginalang ng aking pamilya, palibhasa iyan ang tradisyon sa aming baranggay.
Matapos pa ang tatlong araw puwedeng maligo ang balo (si Mama). Doon din ay mayroong seremonyas. Kailangan ay maliligo si Mama ng walang sinumang gising o nakakakita sa pamilya. Gagawin niya iyon ng madaling araw o alas-tres ng umaga. Lalabas siya ng bahay dala ang kandila. Kailangan umikot siya ng tatlong beses sa bahay at tutuloy ng simbahan. Hindi iyon sinunod ni mama. Isang ikot lang daw siya, dahil ang ibang balo daw ay ganun din naman ang ginagawa. Isa pang rason malayo ang simbahan, (mga isang kilomentro yata) at hindi rin siya puedeng maglakad ng malayo ng walang kasama, kaya hindi na rin siya tumuloy ng simbahan.
Mayroon pa raw paniniwala na ang unang taong makita niya (mama ko) sa araw matapos siyang maligo ay mayroong pusibilidad na mamatay din anytime - iyon ay hanggat hindi siya nakakapagdasal (thank God, wala naman daw siyang nakita). Malakas daw po kase ang venom ng balo three days after ilibing ang namatay na asawa. Hindi raw dapat siya tumingin sa tao o sa hayop dahil masama raw iyon. Titingin lang daw sa kalawakan o sa malayong lugar upang hindi makaapekto sa iba. Pero after na maisakatuparan niya ang ritwal, mawawala na ng bisa ang venom. Hindi rin siya puedeng lumabas ng bahay 3 days after siyang maligo. Naisip ko lang, paano kaya kung sa city namatay ang aking ama, ganyan din kaya ang tradisyon? Saan iikot? Papaano kung napakaraming tao sa paligid, maraming taong mamamatay!
Marami ring pamahiin sa mga ipinadadalang favorite na gamit ng Papa. Hindi raw puedeng magpabaon ng rosary dahil may-paniniwala na ang rosary ay magkakasunod na beads o mysteries. Which means magkakasunod-sunod daw ang mamamatay na kamag-anak kung sakaling ipabaon iyon. Instead kung gusto raw talagang isama ang rosary, putulin daw iyon ng ilang beses para putol din ang mysteries. Hindi rin daw tatalab ang pagkamatay ng mga kamag-anakan. Bawal din daw dumalaw ang mga may-sakit, buntis o kamag-anak na mayroon ding namatay hanggat hindi pa umaabot ng 40 days. Magluluksa ang pamilya ng 40 days at magsisimula ang 10 days o 40 days novena para sa kaluluwa ng namatay. After 40 days pa raw puwedeng dalawin sa sementeryo ang inilibing na mahal sa buhay.

Burol
10 days po ibinurol sa bahay ang aking ama, masakit na makitang nasa kabaong ang minamahal na ama. Ayaw ko siyang makitang nasa kabaong; pero anuman ang gawin ko, wala na akong magagawa, kundi ang tanggapin ang katotohanang nasa kabaong na nga siya. Bago ko pa man siya nakita sa kabaong, pinalakas na ang loob ko ng mga taong malapit din sa aking puso. Sinabi nilang tanggapin ko ang masakit na katotohanang iyon dahil lahat naman tayo, doon ang hahantungan. Isa pa, tahimik na raw ang Papa at hindi na nakakaramdam ng sakit. Nakipaglaban nga po pala si Papa sa sakit na cancer, tinamaan po ng kanser ang kanyang atay. Ang masakit, nalaman namin iyon, huling stage na - at hindi na raw puedeng makimo siya, dahil hindi na raw kaya ng kanyang katawan. Matiisin po kase ang aking ama. Anumang sakit na nararamdaman niya sa katawan, hindi niya iyon ini-rereklamo. Lahat kaya niya at tinitiis niya ang sakit. Wala siyang hinangad kundi ang mabuting kalagayan ng kanyang mga anak, apo, di bale nang siya ay mayroong nararamdaman. Kung kaya nga nalaman namin ang kanyang sakit sa huling bahagi na nito. Binigyan siya ng taning na anim na buwan. Hindi ko iyon pinansin, tutal sabi ko nga sa mga kapatid ko, hindi naman Diyos ang mga doctor, mas dapat paniwalaan ang Diyos. Lumagpas ng tatlong buwan ang taning. Maraming nagsabi na masusurvive ni Papa ang karamdaman. Pero itinakda na ng Diyos ang kanyang pamamaalam sa mundo.

Pagsisisi
Napakasakit na mawala ang minamahal na ama. Nagsisisi ako dahil kulang ang pagmamahal na ipinakita ko sa kanya noong siya ay nabubuhay pa. Matagal din po kase ako sa ibang bansa, huling pagkikita namin noong 2005 at noong panahon na naghihirap siya at kailangan niya ng comfort mula mga anak niya particularly sa akin, wala ako, nandito ako sa Kuwait. Kung puwede nga lang sigurong muli siyang buhayin at iparating sa kanya ang aking buong pusong pagmamahal gagawin ko iyon para sa kanya. Pero wala na siya. Subalit naniniwala naman ako na siya ngayon ay tanglaw ng pamilya, alam kong maingat niya kaming babantayan. Namatay man marahil ang physical na katawan ng aking ama, subalit ang tatay na nakilala ko ay habang buhay na mananatili sa aking puso at diwa.

Lesson
Sa inyo na buhay pa ang mga minamahal ninyong magulang, this is the time na ipakita sa kanila ang buong pusong pagmamahal. Uwi po kayo kung kinakailangan upang ipadama ang inyong pagmamahal. Mas-mabuting ipadama sa kanila ang pagmamahal ngayong nararamdaman nila ng physical ang bukal na pag-ibig na mula sa inyo. Bagay na tayo man, once na nakakatanggap tayo ng papuri at pagmamahal mula sa love ones, ang saya hindi po ba? Di natin maiwasan na banggitin na kahit mamatay man tayo ngayon, kumpleto ang buhay! Sabihin ninyo ang inyong nararamdaman sa kanila, ipadama ninyo ang inyong pagkalinga, sadyang maikli po ang buhay ng tao, hindi natin alam ang huling hininga na ipahihintulot ng Diyos sa atin at para sa minamahal natin.

Consolation
Wala akong narining sa mga nakiramay at nakarating na kaibigan, kamag-anakan at kakilala kundi ang nakakatuwang papuri sa isang mapagmahal, mabait, maka-Diyos at matiising ama. Binuhay niya sa kanyang sariling dugo at pawis ang kanyang pamilya. Alam ko iyon at hindi siya umapak ng ibang tao. Matuwid niyang naitaguyod ng tama ang kanyang 12 anak, kabilang po ako doon. Maraming Salamat SaÕyo Mahal kong ama!

Salamat
Una sa aking misis (Rose) at anak (Rajeev), pangalawa sa aking nabubuhay pang ina, mga kapatid at kaanak, pangatlo sa Kuwait Times - ang aking pangalawang pamilya - kung saan buhay ang kasabihang Ômabilis pa sa alas-kuwatrongÕ kumilos, makauwi lamang ako ng takdang oras. Literally, within five minutes po simula nang malaman ko ang pagkamatay ng aking ama, mayroon na po akong tiket pabalik ng Pilipinas. Mr and Mrs Yousuf Alyan, Abdul Rahman, Jamie Ethrige at Mustafa Qamhiya, maraming salapat po! Lahat ng mga kasamahan ko sa Kuwait Times, mga colleague ko sa reportorial department, kasama ko sa Panorama Joel Sabino, kina Marlyn , Johanna, Mang Pablo, maraming salamat. My sincere gratitude goes to all my friends who shared thoughts and consoling messages during the hardest part of my life. To Ambassador Endaya, Labour Attache de Jesus, Sto Domingo, Administrative Officer Dr Tomara Ayo, to ARTS; and to all the people I personally knew and not, but extended their sympathy through text messages, my deepest thanks goes to all of you! Maraming maraming salamat po! Diyos Mabalos sa indo gabos! (Ang Diyos ang bahala at siyang gaganti sa inyong kagandahang loob!)

Saturday, July 07, 2007