Sunday, September 30, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

Pagbangon ni Yhana sa hamon ng buhay

Kabiguan hindi katapusan


Dear Kuya Ben,


Bago mo basahin ang liham na ito ay nais ko muna kayong batiin ng magandang araw sampo na rin sa libu-libong taong sumusubaybay ng natatanging Buhay at Pag-asa.
Tawagin mo na lang akong Yhana ako po ay tubong Mindanao, kuya mula ng mabalitaan ko itong Buhay at Pag asa, nagkaroon talaga ako ng lakas ng loob upang isalasay ko ang aking karanasan sa buhay.
Pito kaming magkakapatid pangatlo sa panganay. Broken family napo kami at kakambal ang hirap sa buhay.
Noong akoy nasa elementary, pumapasok ako sa eskwela na walang laman ang bituka, walang almusal kasi walang maluluto sa bahay.
Sa murang edad ko kuya, naisipan ko ang mangibang bansa. Pinangarap ko iyon dahil marami akong nakikitang iba sa lugar naming, na lumabas ng bansa at naging maganda ang buhay.
Mahirap mag-paalam kuya lalo na sa aking Inay sabi kasi napakabata ko pa para harapin ang hamon ng buhay sa ibang bansa. Pero kuya sa umpisa lang talaga ayaw ng inay ko, sa kalaunan pumayag na rin. Kuya sa totoo lang, natuto lang siguro akong mag-basa at magsulat, liban doon, hindi ako nakatuntong ng H-School. Kaya nga ako mangingibang bansa, dahil alam kong wala akong pag-asa sa Pilipinas. Umaasa ako na balang araw makakamtan ko ang buhay na kay ganda lalo na ang aking mga mahal sa buhay. Sept 1992 akoy lumipad patungong Kingdom of Saudi Arabia. Masaya ako noon kasi nga okay naman ang aking employer. Limang taong straight walang uwian.
Habang patuloy ako sa pag-tatrabaho, tuloy din ang buhay sa Pilipinas ng anim ko pang mga kapatid. Nakapag-asawa na ang iba, at habang ako tuloy ang suporta sa kanila.
Kuya 1994 pinapunta ako ng amo ko sa hajj, napakasaya ko noon, para akong ibon na nakalabas ng hawla. May mga na meet ako doon, isa sa kanila nagging BF.
Paano naman kasi kuya dalawang taon puno ng sulat ang aking bag, lahat galing sa kanya. Hanggang sa nagpasya na kaming umuwi ng Pinas at doon sana namin balak magpakasal. Masarap ang mga pangako niya sa akin. Kung totoong naaabot ang langit at mga bituin, baka ang mga iyon naibigay niya. Pero, puro salita lamang. Mga salitang lalong nagpatibok at naghulog sa aking puso sa kanya. Masarap talaga ang umubig...pero kuya guhit na siguro ng aking palad, hindi talaga kami para sa isat-isa.
Sa Pinas, natuklasan ko kasing mayroon siyang pamilya at mga anak. Oo Muslim ako, pero, ang hindi ko matanggap ay yung pagsisinungaling niya sa akin. Ok na rin siguro iyon, buti na lang hindi ako nagpaubaya sa kanya.
Sa kabila ng kabiguan at paghihinagpis sa napakong pag-ibig, itinuloy ko ang buhay.
Noong 1997, muling tumibok ang aking puso sa isang lalaki na nakilala ko sa Pinas. Naging mag-on kami, minahal ko siya tulad din ng naramdaman ko sa una. Pero, hindi kami nagkatuluyan, kasi, lumipad ako noong taon ding iyon patungong Qatar. Isang taon lang ako sa Qatar kase, salbahe ang amo.
Noong umuwi ako sa Pinas wala na ang aking BF, hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Kaya nagpasiya akong umuwi sa amin sa Mindanao. Sa pagbalik ko ng Maynila. Nagpaalam ako sa Inay na mag-aasawa na ako, oras na Makita kong muli ang aking BF. Una, nabigla ang aking Inay, pero sabi niya, kung nakita ko na raw ang lalaking puedeng magpakasal sa akin, okay lang daw.

Sa pagbabalik ko Maynila, muli kong hinanap ang aking iniwanang BF, may-nakapagsabing sa Tandang Sora na siya naninirahan, kaya nagtungo ako roon. Buo ang pag-asa kong wala pa siyang asawa kaya, hinanap ko talaga siya. Sa kabutihang palad, nagkita kami ng aking bf at nagpakasal kami. Ilang buwan lang kaming nagsama biglang tumawag ang agency at mayroon daw naghihintay na trabaho sa akin sa Dubai.
Wala na rin akong nagawa dahil ng mga panahong iyon, nagdadalantao na rin ako sa aking panganay. Pero naudlot ang aking pagbubuntis. Nalaglag ang bata, muntik na rin akong mamatay noon, ilang suwero din ang naubos ko at ilang bag din ng dugo ang naubos para lang mabuhay ako.
Ang masakit sa mga oras na grabe ang kalagayan ko, hindi ko kasama sa tabi ko ang aking asawa. Bukod doon naging sinungaling pa sya sa akin sa tulong ng nasa itaas nahuli ko sya nang mga time na pala na nasa ospital ako, doon sya na kikipag lambitinan sa ibang babae. Gusto ko nang magpakamatay noong mga oras na yun. Pero sadyang ayaw yatang magyari yun para sa akin ng Allah. Bumangon ako, at sa awa ng dios gumaling at nagpatuloy ng aking buhay.
Muli akong nag-apply ulit palabas ng bansa, at heto ako ngayon sa Kuwait. Ilang araw ko lang dito, muling nakipag-communicate sa akin ang aking asawa. Humihingi ng tawad sa nangyari. Kuya, mababa ang aking loob sa kanya, palibhasa, mahal ko siya, kaya pinatawad ko na siya. Nangako naman siyang hindi na niya kailan man gagawin iyon. Sa ngayon okay na kaming muli.
Maraming salamat sa pagbibigay puwang mo sa aking liham.

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Yhana ng Ahmadi

Abangan ang aking sagot next week. Samantala, inaanyayahan ko kayong magpadala ng inyong mga kasaysayan, nakakalungkot man, masaya, tagumpay o kabiguan. Lahat ng iyan ay puedeng magbigay inspirasyon o aral sa ating mga kababayan, lalo na sa ating regular reader. Ang address ay nasa itaas na bahagi ng portiong ito. Maramaing salamat po!

Sunday, September 16, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

In-love si Abigail sa bagong BF
Paano ang kasal?
Dear Abigail,

Salamat sa tiwala. Bueno, sa mga hindi nabasa ang kuwento ni Abigail, puede po ninyong balikan sa aking blog site--ang address ay nasa itaas na bahagi po lamang ng artikulong ito. Now, para naman doon sa mga walang access sa Internet, heto ang buod sa padalang kuwento ni Abigail.
Hindi niya natapos ang high school dahil pinagsamantalahan siya ng asawa ng kanyang ate. Doon siya pansamantalang naninirahan noon upang makapag-aral. Sa nangyaring iyon, lumayas siya at nakitira sa kanyang kaibigan. Kinalaunan, nagpasiyang mangibang bansa. Dito siya napadpad sa Kuwait. Noong 1999, mayroon siyang nakilalang lalaki, aktibong miembro daw ng isang mapanganib na grupo sa Mindanao. Ikinasal sila dito, subalit nagsama lang ng ilang panahon. Noong umuwi sila ng Pilipinas, hindi siya ipinakilalang asawa. Naglaho rin ang kanyang asawang parang bula. Hindi niya alam kung patay na o buhay pa ang asawa. Wala silang naging anak.

Noong mapagisip-isip ni Abigail na kailangan siyang mabuhay at magka-trabahong muli, bumalik siya ng Kuwait. Dito, ilang panahon din lang ang lumipas, muli siyang umibig at gusto siyang pakasalan ng lalaki. Ang problema ngayon ni Abigail ay kung makakasal ba siya sa bago niyang lalaki, gayong kasal siya sa dati niyang asawa na nawawala ng mahigit 7 taon. Muslim nga po pala si Abigail.
Upang mas lalo kong mabigyan ng malinaw na payo si Abigail, minabuti kong makipag-ugnayan kay Dr Tomara Ayo, kilalang legal counsel at Sharia lawyer sa Kuwait. Ayon sa kanya, kung gusto raw po talagang magpakasal na muli ni Abigail, madali iyan kung magpa-file siya ng divorce. Allowed po kase ang divorce sa Muslim. Although kahit sa Christian ganun din, iba nga lang ang tawag, annulment. Ang sabi ni Attorney Ayo, Abigail, mag-file ka raw ng divorce sa Pilipinas kung saan kayo naninirahan. Dahil in the absence of six months daw po ng lalaki, puede na iyang malaking grounds ng divorce--ibig sabihin hindi na niya nagagampanan ang kanyang kapasidad bilang iyong asawa. Mas madali nga raw pong disisyunan ang iyong kaso dahil sa matagal na pagkawalay ng iyong asawa. HanggaÕt hindi mo raw naaayos ang iyong divorce hindi ka puedeng magpakasal sa iba.
Maraming salamat Dr Torama Ayo sa tulong at pagbibigay payo kay Abigail.
Sa mga gustong maging kabahagi ng palatuntunang ito, isulat po ninyo ang inyong kasaysayan sa address na inyong makikita sa itaas.

Saturday, September 08, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

In-love si Abigail sa bagong BF

Paano ang kasal?

Dear Kuya Ben,
Bago ko simulan ang aking kasaysayang hinding-hindi ko malilimutan, hayaan mo munang kumustahin ko kayong lahat at iparating ang aking taos pusong pagbati sa tagumpay ng Buhay at Pag-asa sa newspaper. Lingu-linggo ay hindi po talaga lumilipas kung wala akong newspaper. Siksik po talaga ito sa impormasyong puedeng gamitin sa araw-araw. Maraming salamat sa bumubuo ng Filipino Panorama, lahat ng artiklo sa Filpan ay binabasa ko, bitin pa nga eh!
Tawagin nyo na lang po akong Abigail. Kasalukyang nagtatrabaho sa Andalus. Lima po kaming magkakapatid. Ako po ang pang-apat. Isa sa mga kapatid ko ang tumulong sa akin mula ng mag-aral ako sa elementary at hanggang sa H-School na hindi ko natapos dahil sa isang pangyayari. Medyo matatanda na ang aming mga magulang at mahina na ang katawan para magtrabaho. Kinuha ako ng isa sa kapatid kong babae na may-asawa na. Magaan ang loob ng asawa ng ate ko sa akin. Kaya tumagal ako sa kanila ng medyo mahaba-haba ring panahon. Pero hindi ko alam, mayroon palang lihim na pagtingin ang asawa ng ate ko sa akin. Nang makakuha ito ng tsansa, hinalay ako sa loob ng kanilang kuwarto. Galit na galit ako sa ginawa ng kinakapatid ko. Pero binantaan niya akong papatayin kung magsusumbong sa ate ko o sa magulang ko, kaya inilihim ko na lang ang lahat.
Nang makakuha ako ng pagkakataon, lumayas ako sa kanila at nanirahan sa isa sa aking mga kaibigan. Walang nakaalm ng tunay na nangyari, basta, hindi na rin ako ginambala ng ate ko. Hindi ko alam kung nalaman niya ang totoo, pero mula sa akin, walang lumabas sa nangyari sa amin ng asawa niya. Ilang sandal lang ako dun sa kaibigan ko, inisip ko kaseng pabigaat ako doon at tanging paraan ay ang makalayo ako sa ate ko at sa asawa niya. Mayroon nag-alok sa akin ng trabaho sa ibang bansa. Kaya hindi ko na iyon ipinagpaliban. Napadpad ako sa Kuwait.
Nagkaroon ako ng pag-asa na matagpuan ko ang lalaking nagbigay sa akin ng pagkakataon, pero pansamantala lamang. Ikinasal kami noong April 8, 1999 dito sa Kuwait. Pero tatlong araw lang kaming nagsama, umuwi kami sa Pilipinas. Sa barko pa lamang parang ikinahihiya na niya ako. Ayaw niyang ipakilalang asawa niya ako. Kaya lalo akong nasaktan. Bukod doon, pagdating ko sa Mindanao, nalaman kong kasapi pala siya ng mga grupong nagtatago at nakikipaglaban sa pamahalaan. Iligal ang kanyang trabaho. Bihira kaming magkita mula nang dumating kami sa Mindanao, kaya hindi rin kami nagkaroon ng anak. Sa ganitong sitwasyon, muli akong nagpasiyang umalis at bumalik dito sa Kuwait. Mayroon akong nakilalang lalaki, mukhang seryoso naman siya sa buhay. Papaano kaya kaming magpapakasal gayong kasal po ako sa dati kong asawa, na hindi ko alam kung buhay pa o patay na.

Tulungan po ninyo ako.

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Abigail

Dear Abigail,

Salamat ng marami sayong liham kasaysayan--abangan mo ang sagot next issue. Maraming salamat po!

Sunday, September 02, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

'Masaya kami at ginagawa namin ang mabuti para sa isat-isa'

Nang magkrus ang landas ng 2 Eva

Dear Eli (dela Cruz-letter sender last week),

Bago ako magpatuloy balikan natin briefly ang kasaysayang padala ni Eli dela Cruz--34 years old. Sa mga gustong tunghayan ang kabuoan ng kanyang liham, ibrowse lang po sa internet ang www.buhayatpagasa.blogspot.com o kaya isearch sa Google engine and word na 'Buhay at Pag-asa', matutunghayan po ninyo diyan ang kanyang liham sampo ng maraming iba pa na hindi ninyo nasubaybayan.
Si Eli ay isang babae. Nagkarelasyon siya ng lalaki sa Pilipinas at nagkaanak ng isa. Subalit naghiwalay din. Sa kanyang pangingibang bansa, nakilala niya ang isang babae, tomboy--at nagkaroon sila ng malalim na relasyon. Tanggap ni Eli ang kinasapitan niya--bagay na kinamulatan niya ang ganitong relasyon sa kanyang tita. Tanggap din ng kanyang mga magulang ang kinakaharap niya ngayon. Ang tanong niya ay ganito, bakit mayroong mga taong mapanghusga? Bakit mayroong mga taong pumasok sa ganitong sitwasyon at ikahihiya nila.
Obviously ang damdamin o nararamdaman ni Eli para kay Joe, (pangalan ng kanyang partner) ang nangingibabaw sa kanyang kuwento. Kaya lahat ng puedeng pagtatanggol sa relasyong kanyang pinasok ay gagawin niya. Oo, mali sa mata ng tao. Oo mali sa mata ng Diyos. Sino ba tayo para mang-husga? Sabi naman ni Eli, handa siyang harapin ang kanyang pagkakamali sa mata ng Diyos. Iyan ay kanyang damdamin for the mean time---hindi natin alam bukas, sa susunod na araw, buwan, taon. Dahil mahal ng Diyos ang kanyang mga anak-tayong lahat--gumagawa ng paraan ang Panginoon, ng hindi natin alam--para lang ituwid ang ating mga pagkakamali. Hindi natin batid o arok ang lalim ng kanyang kapangyarihan. Kung hindi man kaya ng taong unawain ang mga pangyayari sa ating kapaligiran, well SIYA, alam niya kung anong paraan ang mabuti, kung anong way ang puedeng daanan. Sa Panginoon, walang imposible! Alalahanin nating ang kaligayahang tinatamasa natin sa ibabaw ng lupa sa ngayon ay pansamantala lang. Dumaraan lang tayo dito sa lupa. Sabi nga ng iba, make the most of it. Kung ano ang nagpapaligaya sa inyo, bakit natin sila pipigilan, bakit natin sila pakikialaman. Subalit maliwanag ang reminder ng Diyos sa atin na ang lahat ay panumandalian lang...mayroong kaligayahang magpasawalanghanggan (for eternity), walang hanggan. Handa ba tayo doon? Ang buhay natin sa lupa, kung papalarin, 80-100 taon lang, mahaba na po iyan.
Marami akong natanggap na payo mula sa readers ng Filipino Panorama para kay Eli. Iyan ay mula sa kanilang mga puso. Hindi ko sinasabing tama sila subalit sa katulad na sitwasyon ni Eli, sino nga ba ang tama at sino nga ba ang mali. Naaalala ko tuloy ang kantang inawit ni Kuh Ledesma. May-title na 'Sino ang baliw'. By the way, yang awiting iyan ay hindi lamang pinapatu-tungkol sa lihitimong baliw. Kundi sa mga kapansanan natin sa ating buhay. Sino nga ba ang baliw. Sino nga ba ang malinis sa mata ng Diyos at sino ang hindi. Basahin po ninyong mabuti ang lyrics at kung alam nyo, kantahin po ninyo.
Sino ang Baliw?
Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang . Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan. May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan. Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman. Sinasambit ng baliw awit na walang laman. Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal. May isang hindi baliw, iba ang awit na alam. Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman. Sinong dakila. Sino ang tunay na baliw . Sinong mapalad. Sinong tumatawag ng habag . Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos. Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit . Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit . May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat . Sinong dakila. Sino ang tunay na baliw . Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag. Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos Ooh.....Ahh.......
Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw . Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw. Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay. Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal. Sinong dakila. Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad. Sinong tumatawag ng habag. Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos.
Kaya't sino, sino, sino nga. Sino nga ba. Sino nga ba. Sino nga ba ang tunay na baliw.

Heto ang ilan sa mga mensahe ng ating mga readers.
Lakas ng loob mo pare, okay lang iyan, tanggap na naman iyan ngayon ng lipunan--Greg.
Huwag kang mag-alala kung wala naman kayong ginagawang masama, hindi kayo umaapak ng damdamain ng iba, bakit pakiki-alaaman natin sila--Julie.
Go Girl, simbulo ka naming mga nagtatago, at least ikaw nariyan ka, tanggap ng magulang mo, tanggap mo, paano kaming hindi?--Lian.
Para kay Eli, enjoy ur life, nagpakatotoo ka lang di tulad ng iba diyan. Tulad ni Wendy ng PBB, hahaha. How sweet naman ng message mo para kay Joe, parang cotton candy. Life has to go on. -Dindy. Maraming salamat po!