Ni Ben Garcia
Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )
[Kung gusto po ninyong muling balikan ang kabuoan ng kuwento ni Captive Eagle puede po ninyong bisitahin ang: www.buhayatpagasa.blogspot.com ]
(Payo-Huling bahagi)
Saan nga ba tutungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila? Ms Captive Eagle, habang binabasa ko ang iyong liham, nakikita kitang pumapagaspas, gusting mag-take-off, pero hindi makaalpas dahil sa wari ko ikaw ay naka-piit sayong sariling kulungan. Pilitin mo mang ikampay ang malabay mong pakpak, hindi mo makuhang makaalis sapagkat ang mundong ginagalawan ay naliligiran ng mga rehas na likha ng sarili mong disisyon. Ang binabanggit kong hawla o rehas na iyan sayong buhay ay ang pag-tanggap mo kay Jun for your own personal convenience at kay Joey bilang pag-tanaw ng utang na loob. Sabagay likas sa ating mga Filipino ang tumanaw ng utang na loob. Base sayong kuwento, wala akong nakitang emotional feelings -at first- basta, tinanggap mo sila dahil mayroon kang malalim na dahilan. Una ay dahil gusto mong makawala sa Pinsan mong ginawa kang alila, at pangalawa upang bayaran ang utang na loob. Isang palatandaan ng hindi solidong relasyon. So what kung addict si Jun? Kung mahal mo siya tutulungan mo siyang makalaya sa ganuong sitwasyon. Yan ay kung totoo na sinabi mong addict na siya matagal na ng hindi mo alam. Which is hindi ako makapaniwalang lingid iyan sayong kaalaman noon pa man. Malilihim ba ang pag-aadict o ang pag-gamit ng droga? Masasabi kong hindi lang naging healthy ang inyong relasyon, kung kaya, nalulong siya sa droga, imbes na ma-i-ahon mo siya mula doon. Ganun pa man, tulad ng lagi kong binabaggit, hindi na natin maibabalik pa sa baso ang natapo nang gatas. Harapin mo kung ano ang ngayon! Heto ang panibago mong kulungan Captive Eagle, yung pag-tanggap kay Joey. Mahirap kung tutuusin ang pinasok mong relasyon, dahil sabi mo nga, minahal mo na rin si Joey. Parang ang hirap iwanan, sabi mo nga, iniisip mo pa lang na iwanan siya, parang ayaw mong kabilang iyon sa mga dapat mangyari. Pero kinakailangan, dahil, unang una, ayaw mo namang manatiling kabit na lamang habang buhay. Noong tinanggap mo si Joey, malaking porsyento doon ay ang utang na loob, aminin, mo man iyan o hindi. Tinanggap mo siya dahil unang una siya ang kumuha sa anak mo sa pangangalaga ni Jun. Pero, kung mas-pinairal mo doon ang konsensiya, hindi mo iyon gagawin, dahil unang-una, mayroon ka ngang taong masasagasaan, yung mga anak ni Joey at misis niya. Pero hindi mo iyon inisip, ang nasa loob mo noon ay upang makabayad ka rin ng utang na loob sa kanya. Kahit ba sekreto ang inyong relasyon. Bukod doon, inisip mo rin ba kung sasapat ang kanyang kinikita para ibahay ka? Paano ang asawa at apat na anak ni Joey, nakikihati ka rin sa kinikita niya para lang buhayin kayo, o pag-aralin ka? Sa tingin mo ba that time ay sapat ang kita ni Joey para sa dalawang pamilya. Base sayong kuwento, si Joey ay tauhan lang ng Tito mo, magkano kaya ang kinikita ng maliit na tauhan sa pulisiya? Hindi mo ba tinanong kung papaano niya ipinagkakasiya ang kinikita niya para buhayin ka at pag-aralin, apart from his own family? Kaya minsan, hindi rin maiaalis sa mga tulad ni Joey na gumawa ng kabalbalan, dahil na rin sa pinapasok nilang buhay. Hindi ko sinasabi na mayroon siyang ginagawang milagro para buhayin kayo, pero hindi mai-aalis na mangyari iyan, dahil unang una, alam natin na mababa lang ang kita bilang alagad ng batas. So ang buhayin ka, sa sekretong paraan ay mahirap para kay Joey, di lang natin alam kung papaano niya ginagawa iyon. Walang sekretong hindi nabubunyag Captive Eagle, kailangan mong tanggapin iyan. Oras na ipinagpatuloy mo ang relasyong iyan, tuluyan mo lang wawasakin ang pamilya ni Joey. Blessings in disguise na matatawag, nang makaalis ka sa poder ni Joey na hindi pa nalalaman ng asawa niya at kanyang pamilya. Kung itutuloy mo ang relasyon nang dahil lamang sa napamahal ka na sa kanya, naghuhukay ka lang ng sarili mong libingan. Uulitin ko, blessings in disguise na napalayo ka sa kanya. Huwag mo nang isubo ang sarili mo sa panibagong sakit ng ulo, once na binalikan mo si Joey. Captive Eagle maraming paraan ang puede mong gawin upang makabayad sa ng utang na loob kay Joey, hindi diyan kabilang ang pagpapatuloy ng maling relasyon. Tama rin ang mag-ipon ka para sa sarili mo at para na rin sa anak mo. Kung mayroong pagkakataon na makaalis patungong Canada, gawin mo iyan, baka iyan ang puedeng makabago sa iyong sitwasyon. Natutuwa ako dahil matalino kang tao, pero gamitin mo iyan o mag-isip ka bago mo pasukin ang isang bagay na alam mong makakaapeto sayong kinabukasan. Huwag mo na lang isipin kung ano ang ngayon at kung ano ang sinasabi ng iyong damdamin, kundi tanungin mo kung papaano ang bukas once na pinasok mo ang isang sitwasyon? Sa kalagayan mo ngayon bilang single mother, okay lang iyan, total naman, sa ngayon, uso na iyan. Masakit tanggpin sa ating kultura na uso iyan, pero iyan po ang katotohanang nangyayari sa ngayon. But you can reverse the trend. Pangatawanan mo ang iyong pagiging single mother, ipakita mo sa anak mong kaya mo siyang palakihin kahit ikaw lang mag-isa. Pero kung sakaling dumating ang time na mayroong lalaking gustong maging seryoso sayo, huwag mong isarado ang iyong puso, basta hindi ka nakakasagasa ng iba. Mas-maganda iyon, kesa, ikaw ang maging dahilan sa pagkawasak ng isang magandang pamilya. Piho namang nauunawaan ka ni Joey sa iyong magiging disisyon, nung payagan kang makaalis sa Pilipinas, pagpapakita lamang iyon, na hindi naman talaga siya selfish, mayroon pa ring natitirang kabutihan sa kanyang puso, at syempre para din sa kabutihan ng kanyang pamilya. Tao lang tayo Ms Captive Eagle, nadadapa, nagkakamali. Walang sinuman sa mundong ito ang nilikha na walang kasalanan, na hindi nahuhulog sa bangin ng karimlan, pero salamat sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw, sila rin ang nagpapaalala at dahilan kung bakit kailangan nating ituwid ang maling derekyon ng ating buhay. In that way magkakaroon tayo ng peace of mind.Lumipad ka Aguila, malayo, mataas, kaya mong lumipad, yun nga lang kelangan mong sirain ang mga rehas na bakal na iyan na minsang naging kulungan mo sa matagal na panahon. Sirain mo iyan! Lumipad ka ng matayog at palayain mo ang iyong sarili. Tungkol sa paglipat ng sponsor o change ng visa from 20 to 18, medyo mahirap pa iyan sa ngayon, in fact mayroong bagong batas na umano ay ipatutupad sa October 1, (mayroong mga balita na ni-retract ito, pero walang source na binabaggit kaya ayaw kong mag-confirm, kung totoo o hindi) kung saan hindi na papayagan ang 20 visa na lumipat sa ibang sponsor. Ang madali mong gawin, bumalik ka ng Pilipinas at muling makipag-sapalaran sa paghahanap ng trabaho sa labas ng bansa, kung puede mong mai-push ang application papuntang Canada, with your ipon mula sa pag-tatrabaho sa Kuwait, gawin mo. Maraming salamat sayong liham, Captive Eagle!
Mga tunay na buhay ng mga Filipino sa Kuwait. Sila ang bida at tauhan sa Buhay at Pag-asa. Programang laan sa ating mga kababayan. Unang sumahimpapawid sa Radyo Pinoy 96.3/Radio Kuwait noong taong-2000, tinangkilik ng libu-libong OFW's. Tumagal sa ere hanggang July 2003. January 2004, nagsimula ang Buhay at Pag-asa bilang lingguhang pitak sa Kuwait Times, kasama ng Filipino Panorama-nagpapatuloy hanggang ngayon... Salamat sa inyong tiwala! Welcome po ang inyong mga opinyon sa column na ito.
Sunday, September 10, 2006
Friday, September 01, 2006
BUHAY AT PAG-ASA
Ni Ben Garcia
Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?
(Ikatlong yugto)
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)
Continuation-
I thought he was just kidding when he told me he would kidnap my baby from his father. Pero pinabilib niya ako, ginawa nga nya ang sinabi niya. Sa madaling sabi Kuya Ben, nakabalik sa akin ang anak ko dahil sa kanya. Although hindi naging madali dahil nagkagulo talaga. But since 3yrs old lang ang bata at hindi naman kami talagang kasal, mas kinampihan ako ng batas. Pero patuloy sa panggugulo si Jun kaya nag pasya ang Auntie ko na dalhin sa probinsya ang anak ko, sa Samar, sabi ng Tiyahin ko panahon na para makita ko rin ang mga kapatid ko, at para makaiwas na rin kay Jun. Yun nga ang ginawa ko. Pansamantala kong iniwan ang anak ko sa ate ko na may pamilya na rin, at nagbalik ako ng Maynila at itinuloy ko ang aking trabaho sa office kung saan naroroon ang Tiyo ko at ang lalakeng nag-ligtas sa anak ko, si Joey. Mula nang bumalik ako, naging seryoso din si joey sa panliligaw sa akin. Open book naman daw ang buhay nya sa akin, and it happen na talagang may pag-tingin din daw sya sa akin. Sabi ko nga sa kanya, pano mangyayari ang gusto niya gayong pamilyado syang tao.
Basta yung mga paliwanag nya at style ng pagkuha niya ng attention ko ay mistulang nangyayari lang sa eksena sa pelikula. Wala na daw syang dapat iprove para patunayan na gusto nya ako. At yung magiging affair daw namin would remain secret, dahil pareho kaming takot sa uncle ko. Sa madaling salita bumigay din ako sa kanya.
At kay Joey ko nakita at nadama yung pagmamahal na sapol pagkabata ay hindi ko natikman. Higit sa lahat yong respeto nya sakin bilang tao ang pinakamahalagang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Our relationship I would say has been very strong although it was a damn secret. Ibinahay nya ako and well provided sa lahat ng pangangailangan ko, basta sa isang kondisyon na siya lang at wala nang iba.
I know he wasn’t good husband with his wife, but I am sure he is a good father and provider for his children. Tumagal ang relasyon namin until Former Pres. Erap downfall.
Sa Pinas, bagong pangulo, pagong political appointee, kaya na- relieve yung uncle ko sa pwesto, na-ilipat siya sa ibang assignment. In other words, nawalan ako ng trabaho. Gusto rin naman ni Joey ang nangyari, kasi gusto niyang sa bahay na lang ako mag-stay. Pero hindi ako sanay ng ganun, kaya naging madalas maintin ang ulo ko. Kaya he decided na magpatuloy ako sa pag-aaral, hanggang makapag-tapos ako. Pero hindi agad ako nakapagtrabaho. I am not getting any younger anymore, so I decided na mag-training ng care giving. At nahihiya na rin ako kay Joey, kasi pati monthly allowance ng anak ko sinasagot nya since wala nga akong work. When I finished my care-training, I told him that I want to help him as well, in return sa lahat ng kabutihan niya sa akin. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil alam kong may-apat na anak siyang binubuhay, dalawa nasa college na, isang graduating sa high school at isang mag-se 2nd yr. Gusto kong makatulong sa kanya, kaya nag-aaply ako papuntang Canada. I knew it takes years bago mag materialize yung application kaya nag decide akong mag Kuwait muna. At first hindi sya pumayag kasi baka daw D.H ang maging bagsak ko at mapunta sa hindi mabuting employer. Pero nakumbinsi ko sya na caregiver ang magiging work ko dito. Determinado ako na makatulong at maibalik ko ang kabutihan niya sa akin, kaya sa madaling sabi napapayag ko sya.
Hanggang ngayon Kuya Ben, hindi nya alam na housemaid ako dito, at hindi nya alam na-ganun kababa ang sahod ng D.H. dito compare sa ibang Gulf countries. Ayaw niya ring magpapadala ako sa kanya, basta mag-ipon daw ako para sa aming mag-ina. Touch ako lalo sa naging gesture niya. Sadyang minahal nga ako ni Joey. Pati ang anak ko. Sabi nga niya sisikapin nyang ma-iba ang takbo ng buhay ko, gusto niyang maka-ahon ako sa kahirapan ng buhay. Isa lang daw ang hindi niya kayang ibigay, at alam kong hindi niya nga kaya, iyon ay yung bigyan ako ng pangalan. We both agree na huwag nang mag-anak for children’s security.
Until one day nakabasa ako ng newspaper at napunta ako sa column mong BUHAY AT PAG-ASA. Tinablan ako sa mga payo mo kuya, I decided to share my story and problem with you. I wanted to walk straight, yun bang walang kaba, walang inaapakan, walang ikinatatakutan at malinis ang konsensya. I hate to admit that I was really touch by your advice, sabi nga na-bulls eye mo ako. With this problem ano ba ang mabuti kong gawin? Mahirap to say goodbye to Joey, siya naman ang tumulong sa akin noong saklot ako ng kalungkutan. Mag-three 3 yrs na ako dito sa Kuwait sa August. Pero until now sya pa rin itong tawag ng tawag sa akin. Ayaw niyang ako ang tumatawag para daw makaipon ako. My son will be 10yrs old na this coming October. Pero patuloy pa rin kaming nagmamahalan at may respeto ako kay Joey. Grabe ang ipinakita niyang pagmamahal sa akin, pag-ki-care sa akin sa mga oras ng pag-subok ko sa buhay.
I should say na naging tao ako dahil sa kanya. He made my life complete, he loves me for what I really am, but most of all I do love him that much. But I know its wrong? Pero masisisi mo ba ako sa ganitong kalagayan ko? Ayaw ko rin naman for life akong magiging kabit! Kuya Ben, help me, I will be taking a vacation this year, and once and for all I want to say goodbye to Joey, pero iisipin ko pa lang ang idiyang iwanan siya talagang labis akong nasasaktan. Ayaw ko rin namang maakusahan na walang utang na loob. And I don’t wan’t him to think na working abroad is the reason ng paghihiwalay namin. I wanted to end my relationship w/ him in most graceful exit. Ayaw ko ring mawala siya ng tuluyan sa akin, gusto ko pa rin siyang naririyan at nagpapalakas ng loob sa akin.
Sa pag bakasyon ko gusto ko ring makita ang anak ko at ang ama nya, ever since I took my son out from him di ko na rin siya nakita. Kahit papaano naman, hindi ko siniraan ang ama ng anak ko, lagi ko pa ring sinasabi sa anak ko, na mabuting tao ang kanyang ama, yun nga lang, hindi kami puedeng magsama. Gusto kong magkita silang mag-ama, pero hanggang ngayon natatakot pa rin akong bigla niyang itakas ang anak ko. Thanks God nga dahil hindi man ako ang nagpalaki sa anak ko ng derekta, pero kilalang-kilala niya ng Nanay niya, dahil mababait ang kapatid ko. Lumalaki ang anak kong tila namana sa kin ang talino.
Isa lang ang gusto kong mangyari, ang magkaroon ng peace of mind! Puede mo ba akong bigyan ng magandang payo sa problema kong ito?
Gumagalang at Nagpapasalamat,
Captive Eagle
PS: Kuya Ben gusto ko rin malaman kung anong process ng change of sponsor, kase I read in your advice once, na four year graduate, after a year puedeng mag-work sa labas. I wanted to earn more money para makapunta ng Canada . By the way ako po yung nag txt sayo noon at sumulat din ako sa inyong editor. Unfortunately, hindi yata na print, I just don’t know kase di ko gaanong nasubaybayan ang lahat ng issue ng Kuwait Times. Keep up the good work Kuya Ben! Idol kita!
(Abangan ang aking sagot sa mahabang hiham na ito ni Captive Eagle. Kung mayron man kayong magandang suhestyon, welcome po kayong lahat. You can access this article by browsing my blog site at; www.buhayatpagasa.blogspot.com Saan nga ba patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila? Abangan ang sagot sa Sunday! Maraming salamat!

Subscribe to:
Posts (Atom)