Monday, December 20, 2010

Pinag-aagawang patubig

Ang kaibigan kong duwende


(Karugtong ng liham kasaysayan ni Narcisa)

Taong 2004 tinawagan ako ng babae ng asawa ko. Butis daw siya. Kinausap ko ang babae, sabi ko, pinasok niya ang pakikipag-relasyon bahala siya, magdusa siya. Kahit galit man ako hindi ko siya pinagsalitaan ng masama. Isang araw, nagpadala ako ng pera pambili ng telebisyon dahil naaawa na rin ako sa mga bata na nakikinuod sa kapit-bahay at nakakarinig ng hindi magandang salita. Ang buong akala ko, fully-paid niya ang telebisyon, iyon pala hulugan. Dahil ang pera ginamit niyang pambayad sa pagpapalaglag ng bata ng kabit niya. Magalit man ako ng husto wala na rin akong magawa. Ako pa rin ang nagbayad ng buo sa telebisyon. Noong mabayaran ko na ng full, pinag-interesan pa rin ng asawa ko. Gustong ibenta dahil mayroon daw siyang babayaran. Sa tingin ko gagastusin niya lang iyon sa babae niya at bisyo. Nagbabala ako na kapag-ibinenta ang telebisyon, katapusan na iyon ng kalbaryong dinaranas ko sa kanya. Hindi naman siya nakinig. Kaya, tumawag ako sa tatay nya (biyenan kong lalaki) at isinauli ko siya. Kinausap ko ang step daughter ko. Oo nga pala, hindi ko nabanggit noong una na mayroon po akong dalawang step daughters. May-anak ang napangasawa ko dahil nakipag-live-in siya sa babae bago pa man naging kami. Kaya sa akin din lumaki ang dalawang bata. Itinuring kong sarili kong mga anak ang mga iyon. Kinausap ko ang isa sa mga step daughter ko sa Maynila kung puedeng alisin muna sa pangangalaga ng tatay nila ang mga bata. Sumunod naman at dinala nga sa Maynila.
Sa ngayon, yung panganay kong anak ay nasa Osamis City na, nakatira sa tiyuhin niya. Pinag-aaral siya ng lolo niya na nasa France. Graduate na siya ng automotive, pero gusto pa niyang kumuha ng Martine Engineering. Kung pag-aaralin siya ng lolo niya, puede, pero kung ako lang, hindi ko na kaya Ben. Sabi ko nga sa kanya magtrabaho na siya. Ang pangalawa ko ay nag-aaral sa Dagupan City. Kumukuha ng computer science, fourth year na siya next year. Ang pangatlo ko, graduating na rin sa H-school ngayong March. Yung bunso ay second year h-school na.
Patuloy ako sa pagta-trabaho sa Kuwait. Sana ay mapatapos ko muna sila sa tulong ng Diyos at nawa bigyan pa ako ng lakas ng katawan para mailagay ko sila sa tama at maayos na buhay bago man ako mawala sa mundo.
Ang problema ko ngayon Ben ay yung mamanahin sana naming magkakapatid mula sa family Elacion. Sa mga magulang ko. Yung Family Elacion po kasi ay mayroong iniwan sa mga magulang naming patubig na nagmumula sa lupaing mana naming sa Pamilya Elacion. Malaking kinikita dito ng baranggay, dahil sila na ang nag-pa-activate noon, pero wala kaming ni-singkong share. Ang patubig ay nagsusuply sa baranggay Campo at Sitio Pagao mula sa lupang pag-aari ng pamilya namin. Ang tanong ay kung papaanong hahabulin ang aming karapatan sa patubig bilang may-ari o at least makuha man lang ang share namin bilang may-ari ng lupa. Papaano ba ang hatian sa kinikita ng patubig, since sila naman po kasi ang gumastos sa mga linya na ikinabit sa mga bahay na kumukunsumo ng patubig. Magkaano ba ang share kung mayroon man? Gusto ko lang po kasing legal at walang away. Kung halimbawa putulin namin ang supply kakasuhan ba kami?


Gumagalang at Nagpapasalamat
Narcisa Gallardo


(Salamat ng marami Ms Narcisa! Sasagutin ko ang iyong tanong next week. Sa mga gustong maging kabahagi ng Buhay at Pag-asa portion, puede po kayong tumawag sa Tel 97277135 o ipadala ang kuwento sa address na makikita sa itaas. Puede rin po tayong mag-usap through telephone kung gusto niyong mag-share ng inyong kasaysayan. Kailangan lamang po ay mag-set tayo ng time na free tayong pareho, upang mai-guide ko kayo sa pag-gawa ng liham. Maraming salamat po)

Saturday, December 11, 2010

Karumaldumal na pagpatay sa




KUWAIT: Si Ambassador Shulan Primavera, gitna, kasama sina Vice Consul Sheila Monedero at Assistance to Nationals Unit officer Halim Langco.-Kuha ni Ben Garcia



Ni Ben Garcia


KUWAIT: Matapos ang ilan linggo ring imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine Embassy katulong ang mga awtoridad sa Kuwait, lumabas sa kanilang masusing pag-sisiyasat na tsismis at walang katotohanan ang umano'y brutal na pagpaslang sa mag-asawang Pilipino sa Kuwait kamakailan. Magugunitang ilang linggo ring umugong ang umano'y karumal-dumal na pagpaslang sa mag-asawa, subalit ayon sa embahada, walang katotohanan ang tsismis at pawang mga haka-haka at walang matibay na ibedensiya ang puedeng makapagpatunay sa pamamaslang.
Nakakaalarma ang mga umugong na tsismis, dahil ayon sa kumalat na impormasyon, umano, kinidnap ang mag-asawang Pilipino, hinalay at pinatay sa harapan ng lalaki ang kanyang asawa, pinugutan ng ulo, habang agaw buhay naman umano sa ospital ang lalaki matapos gahasain at hatawin sa ulo.
Sa pulong balitaan ng embahada noong Lunes, iginiit ni Philippine Ambassador to Kuwait Shulan Primavera na hanggang ngayon ay puro haka-haka lamang at wala pang lumulutang na testigo ukol sa pamamaslang.
"Kung totoo man ang impormasyong ito, sa ngayon ay lumutang na sana ang mga abala at sangkot na parties. Tulad halimbawa ng pulis, ospital, yung mga katrabaho, kasambahay at kapamilya ng mga biktima. E hanggang ngayon nangangapa pa rin tayo sa impormasyon," wika ni Ambassador Primavera. "Sa tingin ko, ang impormasyong ito ay based on unfounded hearsay without evidence."
Sinabi ng ambassador na personal nilang pinuntahan ang Department of Forensic Evidence, ang Salmiya Police Station, ang Mubarak Hospital at maging ang Criminal Investigation Department, subalit sila man ay walang natanggap na report ukol sa bayolenteng patayan na sangkot ang mag-asawang Pinoy. Ayon kay Ambassador Primavera, noon pang bago ito nag-circulate sa Filipino community sa buong Kuwait, inatasan na niyang imbestigahan at iverify ang katotohanan ng impormasyon.
"Sa ilalim ng pamumuno ni Sheila Monedero, kasama si Assistance to Nationals Unit (ANU) officer Halim Langco, inilunsad ang operasyon upang imbestigahan ang mga bali-balita. Inisa-isa nila ang records ng pulis at ospital at wala po silang natangpuang insidenteng sangkot ang mag-asawang Pinoy. Kung tutuusin, magandang balita ito sa atin, at hangad ko na sana, walang ganitong uri ng pangyayari na sangkot ang Pinoy."
Iginiit pa ng ambassador na kung totoo mang may-ganitong uri ng balita, noon pa ay nalaman na ito ng mga local police.
Sa katunayan, natanggap din ng Kuwait Times ang balitang ito may-tatlong Linggo na ang nakakaraan, agad din naming pinuntahan ang mga lugar kung saan umano dinukot ang mag-asawa, subalit kami man ay bigong makakuha ng sapat na ebidensiyang puedeng gawing gabay sa balita.
Nanawagan si Ambassador Primavera sa lahat ng Pinoy sa Kuwait na mag-ingat sa pagpapakalat ng mga walang basehang balita. "Ang ganyang uri ng gawain ay puedeng makasama sa ating imahe at puede iyang maghasik ng takot at pangamba hindi lang sa mga Pinoy kundi maging sa ibang lahi. Tayo ay mga dayuhan sa Kuwait, hindi magandang pagmumulan tayo ng masamang balita na walang basehan," dagdag nito.
Ayon pa sa kanya, ang pagpapakalat ng warning o babala na mag-ingat sa mga ispisipikong lugar sa Kuwait ay hindi rin nakabubuting paraan ng pagmamalasakit sa kapwa. Isang miyembro kasi ng Filipino community ang nagpakalat ng email kung saan binalaan ang mga Pinoy na mag-ingat sa mga lugar na binanggit niya [ng sumulat] sa Kuwait. "Oo ngat ang warning ay ginawa upang magbigay abiso o babala lamang, pero ang ganitong uri ng pagmamalasakit ay mapanganib dahil hindi natin ito bansa. Puede itong masamain ng Kuwait at puede tayong akusahan ng paghahasik ng takot at pangamba. Nakausap na namin ang nagpakalat ng email at humingi na naman siya ng paumanhin."
Ang paglutang ng embassy upang linawin ang issue ay naganap isang araw matapos ding pabulaanan ng Ministry of Interior ang ukol sa mga umugong na balita sa Filipino community. Ayon kay Brigadier General Sheikh Mazin Al-Jarrah, ang Assistant Managing Director for Governorates Affairs at ng Criminal Investigation Department ang lumutang na balita ay walang katotohanan.

(Ang balitang ito ay lumabas sa Kuwait Times-local page section noong Martes. Isinalin sa Filipino sa kapakanan ng mga kababayang nagbabasa ng Panorama tuwing araw ng Linggo.)

SSS: Katuwang sa pagtanda, kaagapay sa kinabukasan



Embahada at Ako



KUWAIT: Si SSS Representative Frank Uy sa kanyang tanggapan sa embahada habang abala sa kanyang trabaho noong Huwebes. --Kuha ni Ben Garcia



Maraming programa ang gobyerno bilang ayuda para sa mga manggagawa abroad man o maging sa Pilipinas. Tinalakay na po natin ang ilan sa mga ito, at nangako akong isusunod ang ukol sa usapin sa SSS o Social Security System. Maraming tanong akong natanggap mula sa ating mga kababayan especially yung mga nag-text sa akin last week, pero bibigyan daan lang natin ang ilan sapagkat, kailangan natin ng space para sa Q & A portion ko kay Francisco 'Frank' Uy, ang representative ng SSS sa Kuwait. Taliwas sa paniwala ng ilan, ang SSS ay ahensiyang pag-aari lamang ng gobyerno. Marami ang nag-aakala, maging hanggang ngayon, na ang SSS ay semi-government lamang. Ibig sabihin, bahagi ay pag-aari ng ilang private companies sa Pilipinas, subalit nilinaw ni Mr Frank Uy na hindi totoo and mga sapantaha, dahil purong gobyerno daw po talaga ang may-ari ng SSS. In fact, si Frank Uy na empleyado ng SSS ay nagbabayad sa GSIS automatic, dahil empleyado siya ng gobyerno. Kung contractual ang isang empleyado ng gobyerno, doon pa lang umano pumapasok sa SSS. Ganun pala iyon.
Ngayon, para lalo nating maunawaan ang mga programang laan para sa kanyang mga miyembro, ito po ang bahagi ng aking panayam kay Mr Uy.

USAPANG SSS


BEN GARCIA: Ano ang SSS?
FRANK UY: Ang SSS ay isang ahensiya na nagbibigay ng insurance o pasiguro para sa mga empleyado ng pribadong kumpanya (private sector employees). Iyan ay counterpart ng GSIS para naman sa mga trabahante ng gobyerno (government employees). Ang SSS ay itinatag upang makatulong sa mga empleyado kung wala na siyang trabaho o regular na kita o pinagkakakitaan, o kahit na temporary na nawalan ng income at maraming iba pang benepisyo.

BEN GARCIA: Pakipaliwanag nga po sa amin ang mga benepisyong hatid ng SSS?
FRANK UY: [1] Income Benefit: Each employee na gumamit na ng kanyang sick-leave halimbawa, tapos naubos na ito pero tuloy pa rin ang kanyang pagkakasakit, puede siyang humingi ng saklolo sa SSS. Ang SSS ay magbibigay ng at least 120 days sick leave benefit per-year. Ibig sabihin, ang SSS ang magbibigay sa kanya ng kanyang suweldo depending on his/her contribution dahil sa pagkawala ng kanyang regular income. At least mayroon kang hulog sa SSS ng one straight year bago mo ito ma-claim. Ano namang mga sicknesses ang covered nito? Lahat ng uri ng sakit ay puede, kahit hindi work-related tulad ng pabalik-balik na lagnat na dahilan upang hindi ka na makapasok sa trabaho sa mahabang panahon. Nasaksak, naputulan ng daliri, nasagasaan, iyan ay puedeng icover ng SSS under lost of income benefit. Kapag lumala na... ito naman ang susunod:

[2] Disability Benefit:
Kung grumabe na halimbawa ang sakit, partial lost of sight, naputulan ng kamay, paa, maysakit sa puso, sakit sa atay, kami na ang magbibigay sa kanya ng suweldo, again, depende iyan sa kanyang hinuhulog. Magkakaroon siya ng pension for a certain period of time. Partial disability benefit ang tawag diyan. Kung malala na masyado at hindi na siya puedeng makapag-trabaho, yung miyembro na nakapag-hulog na ng at least three years, puede na siyang bigyan ng lifetime pension. Kahit 30 years old lang siya, ibibigay iyan sa kanya ng SSS.

[3] Maternity Benefit: Yung member na babae na nakahulog sa SSS ng one straight year, qualified na siyang mag-apply ng maternity benefit. Now, ibibigay iyan ng SSS kahit anong kaso; cesarean, normal, o kahit na yung nakunan, ibibigay ang benepisyo sa miyembro. Ang kanyang benefit naman na makukuha ay depede sa kanyang contribution. Ibibigay ng SSS up to four deliveries, ibig sabihin kung manganak ka ng dalawang beses sa isang taon, ibibigay iyan ng SSS. Puedeng ifile ang claim dito [sa Kuwait], darating dito ang cheke, pero babalik ang cheke sa Pilipinas dahil kailangan siyang ideposit sa PNB. Wala na ring illegitimate classification ngayon, basta anak, anak sa pagkadala, pagkabinata, sa labas, ibibigay ang maternity benit ng SSS.

[4] Retirement Benefit:
When you reach the age of 60, hindi ka na talaga puedeng magtrabaho, kaya kung miyembro ka, puede kang mag-claim ng lifetime pension sa SSS. Ito yung mga members na dumating na sa retirement age na 60. Kung nakahulog ka na ng ten years, makukuha ang pension mo monthly. Ang requirements diyan dapat nakahulog ka ng 120 months kahit putol-putol basta at ten years ang total. Halimbawa 60 years old ka na at may-minor ka pa [na anak], additional ten percent iyan sa pensioner each child.

[5] Death Claim:
Pag-single ang namatay, parent ang claimant niyan. Kapag namatay naman ang asawa, ang death claim ay mapupunta sa asawa. Halimbawa namatay ang asawa ng bata pa, pero, miyembro siya ng SSS, mayroon ding kaukulang pension na mapupunta sa asawa. Kung wala na ang dalawa, puedeng makuha ng kanyang beneficiaries basta dapat anak niya. Kung walang three years ang contribution ng miyembro, puedeng makakuha ng at least 45,000 lump sum.

[6] Funeral: Lahat ng miyembro na namatay kahit isang beses lang siyang nag-hulog sa SSS, puede siyang mag-claim ng 20,000 pesos funeral. Automatic iyan na nakukuha ng member. (Syempre yung kamag-anak o beneficiary niya ang magki-claim ng funeral, mahirap nang bumangon ang patay-hehehe.) Kailangan lang ibigay ang resibo ng funeral parlor at mabilis iyang ipina-process ng SSS.

BEN GARCIA: Liban sa mga nabanggit mong benefits, wala na bang ibang benefits na ibinibigay tulad halimbawa ng salary loan at housing loan?

FRANK UY: Mayroon kaming additional benefits na puedeng iclaim ng members, tulad ng salary at housing loan. Pero ito ay hindi kasama sa mga benefits at tinawag lang namin itong special privileges. Sa salary loan puede kang makakuha depende sa contribution mo, iyon lang ang puedeng ipautang sayo. Sa housing loan naman, puede lang talaga kaming magbigay ng at least one million pesos na pautang. The reason was that nauunawaan namin ang bigat ng responsibilidad sa pagbabayad. Puede kasing umabot sa 3 million kahit one milyon lang ang utang sa housing, dahil sa tubo at depende sa tagal ng taon ng pagbayad mo. Ganun kalala iyan na hindi naipapaliwanag masyado sa nangungutang. At iyan din ang konsidyon ng mga housing loans kahit na nga gobyerno din ang nagpapautang, pasintabi sa mga counterparts namin. Bukod diyan mayroon pa kaming Flexi-fund.

BEN GARCIA: Ano naman po itong flexi-fund?
FRANK UY: Ito naman ay voluntary provident fund para a mga OFWs. Karagdagang serbisyo ito ng SSS bukod sa regular OFW membership. Ang flexi-fund ay pension plan at savings account rolled into one. Isipin mo ang time deposit, parang ganun ang flexi-fund. Ang sa amin lang mas-mataas ang tubo, seven percent, as compared sa at least 2 or even less percent ng tubo na ibinibigay ng bangko. Malaking tulong ang flexi-fund program sa pangangalaga ng kinikita sa abroad. Sa pamamagitan ng programa, makakaipon ang OFW at maaari niyang ma-maximize ang kanyang kita. Ang pinagsasama-samang contribution sa flexi-fund ay isang investment, lalo na kapag natapos na ang kontrata abroad. Bukod sa mga benepisyong matatanhggap sa ilalim ng regular SSS membership, ang flexi-fund ay mayroong mga karadgadang benepisyo mula sa kita ng kanyang inipon sa kanyang flexi-fund account. Maaring makuha ang flexi-fund benefit bilang lump sum, pension o pareho. Ang inipong pera gamit ang flexi-fund ay ini-invest naman ng SSS sa government securities. Base sa average 91-day Treasury bill rate and kita ng flexi-fund contributions at ito ay tax-free. Kaya bukod sa transparent at risk free na, malaki pa ang interes. Flexible ang terms at amount of payment pero ang kontribusyon dito sa flexi-fund ay tumutubo ng seven percent. Hindi tulad ng sa bangko na minsan less than two percent lang o kadalasan one percent lang tubo.

BEN GARCIA: Kailangan ba akong mag-bukas ng panibagong membership sa SSS o puede nang ishift sa flexi-fund ang regular SSS membership ko?
FRANK UY: Hindi na kailangan magbukas ng panibagong number, isisiparate lang iyan through tabulation. Voluntary ito, whatever you earn in the flexi-fund will be yours.

BEN GARCIA: Kung halimbawa, natapos ko na ang ten years at qualified na ako sa lifetime pension, wala pa ako sa compulsory retirement age, puede ko na bang makuha ang pension ko.
FRANK UY: Hindi pa. Maghihintay ka pa ring umabot sa 60 years-old bago mo makuha ang pension mo.

BEN GARCIA: Kung ayaw kong makatanggap ng buwanang pension, puede ko bang makuha ang pension ko ng lump sum?
FRANK UY: Hindi po, ang puede lang ay yung hindi umabot ng 120 months contribution. Kaya nga may SSS para mayroong mabunot ang pensyunado/da sakalit tumanda na siya at least monthly. Para ding kumikita siya buwan buwan sa kabila ng katandaan.


BEN GARCIA: Kapag, nakakuha na halimbawa ng sickness, lost of income benefits, mababawasan ba ang aking retirement pension?
FRANK UY: Ang sagot diyan ay hindi. Kung magkano ang contribution mo sa SSS iyan pa rin ang makukuha mong pension kahit na nag-claim ka na ng sickness, salary at housing loans.
BEN GARCIA: Kung halimbawa hindi ko na-comply ang ten years para maging qualified sa lifetime pension, mayroon ba akong makukuha?
FRANK UY: Oo, puede maibalik sayo ang lahat ng contribution mo plus kung magkano ang tinubo nito.
BEN GARCIA: Saan puede ditong magbayad?
FRANK UY:
Mayroon kaming apat na money exchange remittance companies na affiliated ng SSS, naka-spread iyan sa ibat-ibang panig ng Kuwait. Dumarating lang sa akin dito ang mga kopya ng resibo, hindi ako humahawak o tumatanggap ng pera directly dahil bawal o ipinagbabawal iyan ng Commission on Audit. (Magtanong po sa mga money exchange companies sa Kuwait City o saan mang distrito sa Kuwait dahil hindi puedeng banggitin ang mga pangalan nila.)

BEN GARCIA: Gaano kahalaga ang SSS number?
Ang number ay lifetime iyan. Kahit saan ka man naging miyembro, halimbawa sa Pilipinas pa, paglabas mo ng Pilipinas dahil OFW ka na, iyan pa rin ang magiging number mo. Kaya mahalaga iyan. Subalit kung mawala man, nahahanap din natin iyan sa file, through your name and birthday.






(Ito naman ang ilan sa mga tanong na puede kong isama sa usapang SSS)

BEN GARCIA: Mula kay Christy ng Qortuba, sabi niya, nagtrabaho siya sa call center ng four months bago nag-abraod, paano daw ba mai-bi-verify kung pumasok ang four months contribution niya? Ayan My Uy, ang follow-up question ko diyan ay puede bang ma-access sa internet ang monthly contribution ng members.
FRANK UY: Hindi, mahirap, pero siguro, pagdating ng panahon baka puede, pero sa ngayon hindi pa. Hindi kasi iyan ma-i-tsek sa internet dahil mayroong hinihinging BR code na sa atin lang sa Pilipinas accessible. Now yung kay Christy na tanong, madaling mai-verify kung maibibigay mo sa akin ang buong pangalan at SSS number. Sa Pilipinas ko pa i-ti-tsek iyan.

BEN GARCIA: Mula naman kay Myrna ng Salmiya, nag-member daw po siya sa Pinas ng SSS pero ang based salary daw po ay KD120, now noong dumating siya sa Kuwait, KD60 lang ang suweldo niya, nahihirapan na daw siyang magbayad.
FRANK UY: Puedeng ire-adjust iyan, puedeng KD3 lang ang contribution. Punta ka lang sa embassy Myrna.

BEN GARCIA: Mr Uy mula kay Rochana Apolinar ng Jabriya. Ten years na daw siyang nagbabayad sa SSS this December, wala naman daw siyang loan, stop na ba daw siyang magbayad o ipagpatuloy pa rin niya?
FRANK UY: Nasa sa iyo ang disisyon, kung gusto mong mag-continue pa, puede naman, in fact-ini-encourage talaga namin ang mga miyembro na kung mayroon pang chance, e, magbayad hanggat kaya. Mas-mataas ang pension mo kung sakaling magpapatuloy ka. Pero iyan ay nasa sayo, dahil mayroon ka nang sampong taon, kung okay na iyan sayo, then, okay na iyan; may-option ka ika nga.

BEN GARCIA: Mag-aapat na taon na daw sa Kuwait si Levy, pero hindi pa niya nahuhulugan ang SSS niya dahil hindi raw niya alam kung kailangan pang ipa-activate ulit o magbukas ng panibago. Ano daw ba ang puedeng gawin?
FRANK UY: Sabi ko nga, onece a member is member, for life ka nang member. Kaya ako narito sa Kuwait upang magabayan kayo. Punta ka lang dito sa embassy to re-activate your membership.


BEN GARCIA: May SSS ako sa Pinas, gusto kong mag-change ng aking mga beneficiaries [status], puede ba iyang magawa dito sa Kuwait?

FRANK UY: Yes, again, iyan ang dahilan kung bakit ako narito sa Kuwait. Upang matulungan o ma-asistihan ang mga members na naririto. May-form na kailangang ifilled 'SSS members data form or E-4' para sa change ng status. Madali lang ito, punta ka dito sa embassy.

(Para sa karagdagang mga tanong at impormasyon ukol sa SSS, bumisita sa kanilang website: www.sss.gov.ph at puwede ring tawagan si Frank Uy sa Tel 25320224. Puedeng ring ma-access sa www.buhayatpagasa.blogspot.com ang artikulong ito. Maraming salamapot po!--Ben Garcia)

Pinag-aagawang patubig

Ang kaibigan kong duwende

Dear Kuya Ben,

Ako po si Narcisa Gallardo, tubong Bacuag, Pagao- Surigao Del Norte. Pito kaming magkakapatid. Pangalawa ako. Iyakin ako noong maliit pa ako at problema ako ng nanay ko kasi sa sandaling hindi ko makita ang mama ko, inu-umpog ko ang ulo ko sa kahit saan, basta matigas na bagay, sa kanto ng mesa, sa kanto ng katre sa pinto, kahit saan. Grabe akong pasaway noong maliit pa ako. Hanggang six years old ganuon ang ugali ko. Nang tumuntong ako ng seven years old, sobrang bait ko naman. Ako ang kasa-kasama ng nanay ko sa kanyang mga lakad at trabaho. Disin kasi, si mama ko lang ang laging kumikilos. Ang tatay ko iresponsable. Hindi ba makatayo sa sariling paa. Nanay ko lang talaga ng nagsumikap para mabuhay kaming magkakapatid. Madaling araw pa lang gumigising na ako para magtanim ng palay at tuwing anihan, ako pa rin ang gumigilik ng palay.
Yung kapatid kong panganay, walang hilig sa trabaho. Noong ten years old ako, pinag-laruan ako ng lamang lupa, dahil nga sa sobra siguro akong mabait. Nagkaroon ako ng matalik na kaibigan sa kanilang mundo. Lumalabas siya kung minsan at nag-aanyong tao, nakikita ko siya, pero hindi nakikita ng mga tao sa paligid ko. Minsan nag-aanyo siyang matanda, bata, pero babae siya, napakagandang babae, ginto ang buhok. Naging sakitin ako dahil gusto akong kuhanin ng mga kaibigan ko sa ilalim ng lupa. Pinagamot ako sa albularyo at nakita nga ang mga kalaro kong duwende. Binigyan ako ng pangontra, orasyon daw iyon. Pero nakikita ko pa rin sila, hindi nga lang sila makalapit sa akin. Dahil sa gusto ko pa rin silang makasama, inaalis ko ang orasyon, tinatapon ko, kaya tuloy ang pagkakasakit ko. Sabi ko sa nanay ko, huwag na nila akong ipagamot kasi yayaman sila kung sasama ako sa kanila [sa mga lamang lupa]. Ipinadala ako sa Palawan para doon ako ipagamot at ilayo sa mga kaibigan kong duwende. Sabi sa akin ng nanay ko kahit na mag-hirap sila at kumain ng buhangin, okay lang basta huwag lang akong mawawala. Mga 11 years old na ako noon ng ipadala ako sa Palawan sa mga tiyuhin ko. Doon ako pinag-aral. Hindi pa ako tapos ng High School ibinalik na ako ng tiyuhin ko sa mga magulang ko sa Bacuag, mga 16 years old na ako noon. Dahil sa mahirap pa rin ang buhay doon. Nagpasiya akong mag-working student kahit alam kong ako lang ang inaasahan sa bahay. Nag-stay ako sa mga tiyahin ko sa Bacuag. Nakatapos din ako ng H-school. Nagtuloy ako ng college sa tiyahin ko. Commerce ang kinuha ko, pero naka-third year lang ako dahil nadisgrasya ako ng boyfriend ko. Nabuntis ako sa panganay ko. Pero dahil sa bata pa siguro ako noon, at gusto ko pa rin namang mag-aral, nagpasiya akong iwan ang anak ko sa tiyuhin ko na walang anak. Sila ang nagpalaki ng anak kong panganay. Kinilala nilang anak ang anak ko, pero alam ng anak ko na ako ang kanyang ina. Okay naman ang buhay ng bata kasi ngayon, nurse na siya. Matapso iwan ang anak kong panganay, nagpunta ako sa Bislig Surigao, nagpatuloy ako doon sa pag-aaral. Working student pa rin, natapos ko ang pagiging teacher noong 1991. Pero hindi ako pumasa sa board. Hindi naman ako bobo, pero hindi ako pumasa. Sobrang lungkot ko noon dahil sa pagbagsak ko sa board. Sinisi ko ang Panginoon, gusto ko ngang magpakamatay dahil sa sobrang kalungkutan. Graduating na ako ng teacher ng mapangasawa ko ang asawa ko. Nagkaroon kami ng apat na anak. Yung asawa ko may kaya, mayroong lupa. Pero ayaw mag-trabaho sa lupa, gusto sa ibang company, ayaw niyang nahihirapan at nagbabanat ng buto. Kaya noong wala na halos kaming makain, nagpasiya akong mag-abroad. October 1997 ako dumating dito sa Kuwait. Yung kita ko na ipinadadala sa Pilipinas winawaldas lang ng asawa ko. Nauubos sa pakikipag-inuman, pambababae, kaya noong 2004 tuluyan ko na siyang iniwan. Sinikap ko pa naman sanang isave ang relasyon namin, pero wala nang panahon. Patuloy pa rin siya sa kanyang bisyo, walang pagbabago, hanggang sa bumalik ako na ako dito sa Kuwait. --Itutuloy

Saturday, December 04, 2010

Paa regalo ng amo sa anak ko

FB/FT accounts: Gamit ng kaibigan sa pansariling interest


(Sagot sa liham kasaysayan ni Mila)


Ang liham ni Mila ay idinulog ko po sa ilang mga taong mayroong alam at least sa batas lalo na sa internet. Ang makabagong teknolohiyang nagpapaikot ngayon sa mundong ating ginagalawan. Makabago. Kung kaya nga marami pa rin sa ngayon ay nangangapa sa tamang paraan ng pag-gamit nito. Minsan, nasosobrahan at nakakalimutan ang sarili. Kung ating babalikan ang history ng internet; ang emailing system, computer games, mga social networking tulad ng Friendster, Facebook, Twitter at kung anu-ano pa. Nagsimula lamang po iyan mga ilang taon pa lamang ang nakakaraan. Although ang emailing ay nagsimula iyan mga dekada 70 pa, pero hindi pa gamit ng publiko noon. Sa ngayon ay gamit na ng public. Lahat ng iyan ay malaking tulong sa ating lahat. Pero malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng mga gumagamit nito. Sana lang talaga ay gamitin sa tama. Ang mundo natin o henerasyong kinabibilangan ay tunay ngang nag-evolve drastically, lalo na sa pag-pasok ng makabagong computer.
Kung tatanungin mo ang mga kabataan ngayon, kahit na yung 4, 5 years old lamang, alam na nila ang computer. Alam nila ang pasikot-sikot sa mundo ng internet. Noong kabataan namin, wala pa iyang internet. Kung bakit ko iyang binabanggit dahil ang gusto kong ipoint-out dito... bago po ito. Sa ibang mga bansa wala pang mga batas na sasaklaw sa mga krimen may-kaugnayan sa internet. In fact sa Pilipinas, sinimulang pag-usapan ang pagsasabatas ng internet crimes noong 2008 lamang. Mayroon nang mga regulations pero para icriminalized ang internet crimes, umusad lamang po iyan mula noong 2008. Dininig at pinag-usapan noong 2009, hindi pa rin natapos ang debate hanggang sa pumasok ang January 2010 kung saan pinal naisabatas sa Pilipinas ang tinawag nilang Cybercrime bill.
Ito ang listahang kasama sa krimen may-kaugnayan sa internet. Kung ang isang gumagamit ay illegal na-nakapasok o naka-acces sa'yong personal accounts, illegal interception, data interference, system interference at misuse of devices. Covered din sa batas na ito ang mga related offenses tulad ng computer forgery, computer-related fraud, cybersex, child pornography, unsolicited commercial communications such as aiding or abetting the commission of cybercrimes. Sa Pilipinas iyan. Kung sa atin, nitong taon lamang nagkaroon ng batas sa cyber crimes, hindi malayong ang ibang bansa ay ganun din. In fact sa Kuwait sa pagkakaalam ko, wala pang masasabing batas na tutugis sa mga lumalabag sa karapatan ng gumagamit nito. Habang mayroon silang mahigpit na mga panuntunan o patakarang sinusunod dito, pero iyon ay puro inter-agencies regulations pa lamang at hindi pa tuluyang naisasabatas tulad ng ginawa sa Pilipinas.
Dahil sa bago pa lamang ito, marami pang mga testing's o pag-aaral (trial and error stages). Kaya kung mayroong batas, hindi pa iyan gaanong nasusubukan. Aminado ang mga nasa gobyerno ng ibat-ibang bansa na kahit na nga mayroon nang batas ukol sa internet crimes, nahihirapan pa rin talaga silang kontrolin ang paglaganap ng krimen gamit ang internet.
Kung nagbabasa kayo ng mga balita, ang pinakabagong krimen ngayon na na-naglalagablab at mainit na pinag-uusapan ay ang wikileaks. Ang pag-leak ng mga classified information galing sa US State Department. Yung mga impormasyong pang-pribado or confidential ay unti-unti na ngayong lumalabas sa publiko. Katakot-takot ang ginawang pagpipigil dito ng US para hindi mailabas o mailantad sa publiko, pero wala silang nagawa dahil ang gamit ay internet. Lumabas ang mga classified information at isa ito sa dambuhalang usapin sa international scene sa ngayon.
So, ito ngang ganitong klaseng impormasyon, na kung tutuusin ay puedeng gawan ng paraan ay hindi pa napigilan, e yung mga bagay pa kaya na personal na hindi naman tayo ang may-control? Na-aalala nyo ba ang eskandalong hindi mabilang sa Pilipinas dahil sa internet? Nariyan ang Hayden Kho scandal, mga litrato ng hubad na larawan ng mga artista, maging ang ating presidente noon na si Pangulong Arroyo ay hindi nakaligtas diyan. Sa ngayon, nakagawa na rin ng batas ang Pilipinas laban diyan, pero wala pa ring malinaw sa solusyon o mas-mabilis na aksyon para labanan ang krimen gamit ang internet. Naalala niyo ba ang 'LoveBug' virus na rumagasa sa buong mundo noong 2003? Umano ang creator nun ay isang Filipino student. Bilyong dolyar 'lang' naman ang halaga ng mga nasirang computer files at pinasok maging ang pinakamakapangyarihang US State Department (Pentagon). Hindi naparusahan ang istudyante.
Kung kaya, isang payo ang gusto kong ibigay sa inyo. Kung ikaw ay pribadong tao, mag-ingat sa pagamit ng internet. Kung gagamit ng internet, tanggaping ang medium na iyan ay mayroong kapalit, puedeng ma-hack. Kapalit ang hindi natin minsan puedeng kontrolin.
Walang masama sa technology, dapat natin iyang yakapin at bigyang halaga.
Ang technology mga kabayan ay patuloy na mag-iivolve. Ang mga goyerno sa ibat-ibang panig ng mundo ay trial and error ang estado sa ngayon. Kasi, hindi pa completely well-defined kung papaanong haharapin ang makabagong teknolohiyang ito. Pero darating din ang panahon na magkakaroon ng mas-maliwanag na batas ukol dito. Mayroong mga existing rules and guidelines ang mga networking sites, mayroong mga batas na ngayon na puedeng sumaklaw sa krimen may-kaugnayan sa mass-communication na ito; pero hindi pa well-tested and well-crafted ang mga iyan. Maaaring magbago o patuloy na mag-inog. Kaya hinay-hinay lang muna. Mayroong mga paraan ang mga web-servers kung papaano labanan ang mga crimes sa internet. Mayroon silang mga kanya-kanyang paraan, tulad halimbawa sa hotmail, yahoo, facebook, gmail, twitter at friendster kung saan sila mismo ang nag-si-set ng implementing rules para sa kanilang mga users.
In fact Mila, yung sa Friendster mo ay pina-block at delete abuse na po iyan sa network provider ng FS. So under investigation na ngayon iyan ayon kay Demetrius Reyes, isang kaibigan na nagmagandang loob para matulungan ka sa problemang mong iyan. Ukol sa Facebook, ginagawan din niya iyan ng paraan para tuluyang maipa-block ang account gamit ang pangalan at ang sarili mong profile.
Gusto ko lamang iparating sayo Mila, na, malabo pa ang paghahabol mo ng katarungan ukol sa ganyang uri ng krimen. Puede mo iyang ireport sa pulis at maaaring subaybayan ang taong gumagamit ng account mo. Puede mo rin namang kasuhan siya, pero willing ka ba na gumastos ng malaking halaga para ipaglaban ang karapatan mo? Isa pang tanong willing ka ba na mag-hintay ng mahabang panahon para sa ikalulutas ng problema mong iyan?
Dahil sa ang krimen ay naganap sa Kuwait ang law ng Kuwait ang dapat umiral. Pero tulad ng sinabi ko, sa Kuwait, hindi pa rin po well-defined ang batas nila dito sa internet crimes. Sila mismo ay struggle sa kung papaanong mapipigilan ang pag-laganap nito. Marami-rami na ring mga locals nila, ibig kong sabihin mga Kuwaitis ang nakukulong dahil sa involvement nila sa internet crimes, pero, eventually napapalaya din dahil sa hindi pa nga ganuon kalinaw ang batas ukol sa krimen gamit ang internet.
Mayroon akong lawyer na pinadalhan ng liham mo Mila, ayaw na niyang magpabanggit ng pangalan sapagkat wala siya dito sa Kuwait, ito ang kanyang komento: 1. Dapat alamin muna ang applicable Kuwait laws dahil ang pangyayari happened in Kuwait. The applicable laws are those of Kuwait. 2. Dapat ding sabihin na may kasalanan din si Mila dahil ipinagamit nya ang kanyang account sa iba, (in your case pinagkatiwalaan ang kaibigan mo). Hindi ito ninakaw o patago na ginamit, alam mo ang ginagawa niya. Kusa mo itong ipinagamit, kaya magdusa ka sa kahinatnan nito. 3. Hindi mo mapapatunayan na ang naninira ay si Linda dahil account niya (account mo) ang ginagamit ni Linda.
Ang magandang gawin dito ay pumunta sa Embassy baka puede siyang matulungan doon ng Labor Attache o kung hindi man ay ang Welfare Officer ninyo diyan. Lumagay lang sa ayos para hindi kahiya-hiya sa bandang huli.
Iyan po ay komentong padala sa akin ng isang kilalang lawyer na ayaw nang magpangaggit pa ng kanyang pangalan. Maraming salamat sa tiwala Mila.

(Puede n'yo pong balikan ang kanyang estorya sa blogsite na nakapost sa itaas na bahagi ng portiong ito. Sorry doon sa mga nagbigay opinion at hindi napasama ngayong araw. Hayaan ninyo't bibigyan daan ko po iyan next week. Kung nais maging laman ng Buhay at Pag-asa column, makipag-uganayan po sa Tel 97277135)
Editor's Note: Magbabalik po ang Embahada at Ako sa susunod na Linggo. Kung mayroon kayong mga tanong ukol sa SSS, mangyaring ipadala through SMS sa number na iyan na makikita sa itaas. Ukol po sa mga usapin sa SSS ang isusunod nating paksa. Abangan!

Saturday, November 27, 2010

Paa regalo ng amo sa anak ko


FB/FT accounts: Gamit ng kaibigan sa pansariling interest






(Karugtong ng liham kasaysayan ni Mila)


Bago matapos ang kontrata sa una kong amo (Italian din) nagkakilala kami ng kaibigan ko. Tawagin na lang natin siyang Linda. Si Linda ay nagta-trabaho sa isang hotel ngayon. Pero noon, isa siyang kasambahay, na tulad ko. In fact magkaibigan ang mga amo namin noon. Nagustuhan ako ng kanyang amo, gusto nyang kunin ako kapag natapos na raw ang kontrata ko.
Hindi naman nangyari iyon dahil nung matapos ang kontrata sa dati kong amo, pinagsilbihan ko ulit ang pumalit sa kanya. Ang amo kong iyon ang tumulong sa aking anak para magkaroon ng prosthetic na paa. Siya ang nagbayad ng lahat ng gastusin. At siya din ang magbabayad ng permanent prosthetic legs para sa anak ko. Pero umuwi na ang amo kong iyon sa Italya at ang pumalit sa kanya ang naging amo ko ngayon.
Ang amo kong iyon ay sadyang mabait, mula ng maging amo ko siya, open sila sa lahat sa akin. Ang turing nila sa akin ay kapamilya, hindi katulong. Sa tuwing dumadalaw kami sa kanilang bahay, doon nadevelop ang aming closeness sa isa-isa, kaya naging matalik kaming magkaibigan ni Linda. May-tiwala ako sa kanya. Siya lang ang tangi kong kaibigan sa Kuwait. Pero nagbago ang lahat ng may-isang pagkakataon na humingi siya sa akin ng pabor at hindi ko siya napag-bigyan. Iniisip niya marahil na tinik ako sa kanyang mga kahibangan. Lumipas ang mga panahon, si Linda ay patuloy na nag-pursige para makapagtrabaho sa labas. Masuwerte namang nakuha siya ng isang manager ng hotel at kinuha siyang katulong sa kanilang bahay. Kaya matapos ang kontrata niya sa kaibigan ng boss ko, umuwi siya sa Pilipinas at doon hinintay ang kanyang visa. Nakabalik siya sa amo niyang manager ng isang hotel, at matapos ang isang taong pagta-trabaho, nai-release siya at nagtrabaho sa hotel kung saan connected ang dati niyang boss. Tuloy pa rin naman ang aming communication mula noon. Nagpatuloy ang aking pakikipagkaibigan sa kanya. Sa tuwing nagpupunta siya ng bahay, kahit anong makita niya at nagustuhan niya, ibinibigay ko sa kanya. Lipsticks, pabango, make-up at kung anu-anong mga kolerete na galing pa sa Italya. Ibinibigay ko sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga bagay na iyon, kaya, siya ang nakikinabang ng lahat ng pasalubong sa akin ng amo ko. Kapag-pumumunta siya sa amin, kung wala siyang pang-taxi-binibigayn ko. Kung wala siyang pera, pinahihiram ko. Open ang bahay na pinag-tatrabahuan ko para sa kanya. Isang araw, pinagkatiwalaan ko siya ulit. Nagpunta ng bahay, as usual, pero may-nangyaring hindi kaiga-igaya sa loob ng bahay involved ang anak ng amo kong lalaki at siya. Hindi ko gaanong nagustuhan dahil ayaw ko bang masira ang pagtingin ng amo ko sa akin. Kasi sobrang tiwalang ibinibigay nila sa akin, tapos, mayroong hindi magandang mangyayari. Mula noon naging matabang na siya sa akin, pero titinuturing ko pa rin siyang kaibigan. In fact yung BF ko, noong binilhan ako ng laptop. Si Linda pa rin ang pinagkatiwalaan kong magturo sa akin ng pasikot-sikot sa internet. Siya ang nag-bukas ng email address ko, siya rin ang nag-bukas ng aking Facebook at Friendster accounts. Kaya alam niyang lahat ang aking passwords, kaya minsan siya na ang nag-oopen noon. Hindi ko alam na sa pagdaan ng panahon, iyon din ang gagamitin niyang weapon laban sa akin.
Yung account ko ang ginagamit niya sa pag-si-send ng mga masasamang message sa mga kaaway niya. Di ko alam na gamit niya iyon sa kalokohan niya. Pati ang mga pictures ko, ginagamit niya rin, halimbawa sa mga gusto niyang lalaki, O minsan nahuhuli kong nakikipag-chat gamit ang aking account. Ang inihaharap niyang picture ay yung sa akin. Gusto niya ngayon na lahat ng mga kaaway niya, kaaway ko na rin. Isang beses sinabihan ko siya, tungkol sa nadiskobre ko, sabi niya sa akin, wala daw akong pakialam. Minsan naman, kahit mali na siya, hindi na lang ako umiimik kasi, ayaw kong magkaaway kami. Ayaw kong may-masabi siyang masabi laban sa akin. Kaya pinagbibigyan ko siya. Pero hindi ko na matanggap na ginagamit niya ang account ko sa pag-si-send ng mga masasamang salita laban sa akin. Sinisiraan niya ako sa mga taong kakilala ko. Sa mga anak ko, siniraan niya ako, kesyo nanlalaki raw ako, nagpuputa at kung anu-ano pang paninira.
Ano po ang puedeng gawin?

Gumagalang at nagpapasalamat,
Mila ng Shaab

(Puede kayong magbigay opinion ukol sa kanyang kuwento o kung mayroon kayong alam na batas ukol sa internet crimes na tulad ng kanyang kuwento, itext po lamang sa Tel no. 97277135, o isend ang comments sa www.buhayatpagasa.blogspot.com or you may search 'Buhay at Pag-asa' sa Google search engine kung gusto niyong basahin ang buong kuwento ni Mila)

Saturday, November 20, 2010

The Bicolanos in Kuwait, revived



KUWAIT: In this file photo, Carlito Ragos, with other community leaders, is receiving here, then newly appointed ambassador to Kuwait Shulan Primavera. The new ambassador happened to be from Bicol region as well.

The Bicolanos in Kuwait, revived




By Ben Garcia

KUWAIT: The Bicolanos in Kuwait (TBIK) elected their interim officials on Friday to manage the transition of the newly reorganized Filipino group. The new TBIK was revived after a hiatus. The organization of the Bicolanos in Kuwait was born in the early 1990s, headed by Carlito Ragos. Since inception, their contribution to the community include instituting an annual scholarship grant for well-deserving Bicolano students that excel in their academic performances. TBIK usually conducts various cultural performances and sporting activities to support their programs. The Bicol Region (Bicolandia) is one of the 17 regions of the Philippines. It occupies the Bicol peninsula at the southeastern end of Luzon Island, and some other islands. Wikipedia describes Bicolandia having six provinces namely; Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, and Sorsogon. It has one independent component city, Naga city, and six component cities, Iriga, Legazpi, Ligao, Masbate, Sorsogon, and Tabaco. The regional centers are Legazpi City, the region's political and administrative center, Naga city, the region's cultural and religious center. Legazpi, Naga, and Sorsogon are the leading cities in the region in terms of urbanization and also the hub of the region's economic activity and tourism. The region is famous in many ways - from its physical and natural realms to home-grown talents and skills.
Bicol is famous for Butanding watching and Wakeboarding, not to mention the majestic beauty of volcanoes namely Mayon (in Albay) and Bulusan (in Sorsogon). Of the region's total land area, around 71 percent is disposable, while the remaining 29 percent is public forest area. The Bicolanos in Kuwait was formerly headed by Lito Ragos, a well-known recipient of Gawad Henny Lopez Awards (2000) Bayaning Filipino sa Gitnang Silangan. In 2005, after reaching the age of compulsory retirement, as procurement officer at the Kuwait's Ministry of Defense, Lito Ragos left the country, but promised to return. The group has since been inactive. After almost a year of absence, he was hired again by a private company, but fell ill after almost two years of service. He went through series of regular medical check-ups. Ragos finally underwent a successful open heart surgery in early October 2010, but finally bid goodbye to Kuwait, just recently. Before leaving, one of his staunch supporters had informed him that he was willing to constitute the same group in order to continue his legacy in Kuwait. The first meeting of the newly formed group was held a day before he left the country for good. He bid goodbye to everyone, but urged them to continue their programs and activities especially dedicated to education of Bicolanos.
After holding two consecutive meetings, the new TBIK group was finally revived, electing the temporary leadership now headed by Clive Brookes, a British citizen who has confessed to being more Bicolano (in fact Filipino), after being married to a Filipina named Julie for over 25 years. Julie was also elected secretary during this interim leadership, "We will form new bylaws to guide us in the new path in which we are heading; as you can see, we are just the interim officials. We'll see the old programs we could reconstitute to fit in the new programs we are planning in the future. Surely, education or sponsoring valedictorians back in Bicol will be added but we have to re-establish our contacts first. We have been thinking of many projects to help us achieve our goals as one group. We shall see through as we meet every Friday to revive the glory of old TBIK," Brookes said. Brookes will be leading TBIK with Santi Dolz, as his Vice Chairman. Other officials include Marriotte Vito (Treasurer), Millet Cox (Assist Treasurer), Julie Brookes (Secretary), Tony Trono (PRO), Noel Manimtim (Assist PRO), Ruben Llizana Sr, Juanito Villanueva, Demetrius Reyes and Jojo Benito (Protocol Officers). The election for 2011-12 office bearers will be held after three months. The next meeting will be held (Friday November 26, 2010 at Al-Dawliah Complex (same venue at a Coffee Shop Ground Floor) in Kuwait City. The group continues to encourage Bicolanos to register and become members of a once dynamic group of Filipinos to help their kababayans back home. (You may read this article by searching 'buhay at pag-asa' on Google search engine or simply browsing www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Paa regalo ng amo sa anak ko

Friendster account: Gamit ng kaibigan sa pansariling interest


Dear Kuya Ben,
Ako po si Mila, tubong Pangasinan sa Asingan. Noong second year High School ako nagtanan kami ng BF ko. Naging mabuti naman ang pagsasama namin, pero dalawang beses akong nakunan. After two years nabuo yung panganany naming. Ang pangalan niya ay Clarence, 22 years old na siya ngayon, ang pangalawa ay tawagin na lang nating Boy-19 years old nap o siya. Si Boy ay may-inborn na kapansanan. Ipinanganak siyang wala ang isang paa, tangin maliit na laman ang tumubosa isa niyang hita. Ang asawa ko ay tricyle driver, hindi sapat ang kinikita niya sa pangangailangan namin bilang pamilya. Nagtrabho ako bilang tindera sa palengke. Mga taong 1987 ng lumisan naman ang aking ina para magtrabaho sa Kuwait. Kinuha ng nanay ko ang asawa ko at naging boy siya sa trabaho ng nanay ko. Nagpapadala naman sa akin buwan-buwan, pero kinakaunan nawala rin. Sabi ng mama ko noon, pabayaan na lang at nag-iipon naman daw. Hindi alam ng nanay ko ang ginagawa ng asawa ko sa paglabas-labas niya. Maraming panahon na nalinlang ng asawa ko ang nanay ko; kapag-umaalis sa bahay nila, sabi nag-lilibang lang daw. Pinagtakpan ng nanay ko ang kalokohan ng asawa ko; ang buong akala ko noon ganun nga lang talaga ang ginagawa niya, pero nambababee na pala.
Isang araw nakatanggap na lang ako ng tawag mula sa kanya na ang sabi 'mag-hanap na daw ako ng iba, dahil may-asawa na siya'. Para bang sandaling nahinto ang pag-inog ng mundo ko. Tumawag siya sa akin, at ipinakiusap pa sa akin ang babae niya at pinagtatawanan pa nila ako. Galit-na-galit ako sa nanay ko, pero, naunawaan ko rin siya dahil hindi naman lahat nfg pag-kakataon ay nababantayan niya ang kanyang manugang.
Nag-hintay ako ng mga ilang buwan, nagpapadala pa naman para sa mga anak ko, pero natigil kinalaunan. Sabi ko sa Nanay ko, sabihin sa asawa ko na kailangan ng tulong ng mga bata; kung hindi sabi ko sa mama ko, ipa-deport niya ang asawa ko. Kinausap ng mama ko ang amo nila, pag-karaan ng ilang buwan, deported sa Pilipinas ang asawa ko. Hindi na rin umuwi sa amin ang asawa ko. Ang alam ko, siya pa ang nagsalubong sa kanyang babae noong umuwi ng Pilipinas, at kinalaunan nagsama din sila.
Pumunta ako dito sa Kuwait sa tulong ng kapatid kong babae. Natulungan ng nanay kong makarating din sa Kuwait ang isa kong kapatid. Kaya noong Feb 2002, dumating ako dito. Naging amo ko ang anak ng kapatid ng amo ng kapatid ko. Nagkataon kasi na naghahanap ng katulong, kaya ako ang kinuha. Pero 1 yr 9 months lang ako sa kanila. Nagpunta ako ng embassy dahil gusto akong isoli ng amo ko sa agency ko, hindi ako pumayag at sa embassy ako nagtungo. Doon naman ako kinuha ng amo kong Italian, taong 2004. Sa embassy ng Italy sa Kuwait sila nag-ta-trabaho. Mababait sila, in fact, ang Italian kong amo ang nagbigay ng pagkakataon sa anak ko para maka-pag-lakad ng normal. Temporary, binigyan siya ng paa at nangako sa akin ang mga amo ko, na-bibigyan ulit ng permanent na paa ang anak ko.
Okay ang kalagayan ko sa amo at hanggang ngayon nandito pa rin ako at nag-ta-trabaho sa kanila.
Mayroon akong isang kaibigan dito sa Kuwait. Ginagamit ang aking 'Friendster account' sa pansariling niyang interest.
-Itutuloy

Saturday, November 13, 2010

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


May-ilang buwan na ring namamayagpag ang piso laban sa dolyar. Noon pa mang panahon ni Gloria Arroyo ito na ang trend. Sa katunayan, ipinagmamalaki nga ng Arroyo administration noon pa na ang pag-angat ng piso 'daw' ay bunga ng gumagandang ekonomiya ng bansa. Partly puede na rin; ekonomistang pangulo si Arroyo kaya marahil alam niyang ganun nga ang kundisyon (noon). Pero hindi sang-ayon ang mga oposisyon (noon), sabi nila (oposisyon noon) walang pag-unlad kung hindi derektang mararamdaman ng taumbayan. Sa pagpasok bilang halal na pangulo ni Benigno 'Noynoy' Aquino III, ganun pa rin ang trend; tumataas pa rin ang piso, ang administrayon ngayon (na noon ay nasa panig ng oposisyson) ang sabi nila maganda raw kasi ang mga programang ipinatutupad ngayon ng bagong pangulo, kaya, patuloy umano sa paglago ang ekonomiya ng bansa. Granting na lumalago nga ang economy natin; hindi mo iyan agad-agad mai-aatribute sa bagong upong administrasyon dahil ilang buwan pa lang sila at wala pa talaga silang napapatunayan.
Habang sinasabi ng ilang mga ekonomista na maganda sa pangkalahatan sa Pilipinas ang pag-aapreciate ng piso, pero hindi lang naman ang sukatan ng pag-angat o paglago ng ekonomiya ang currency exchange rate. Isa lang iyan sa marami pang puedeng ikabit sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa. Sa katunayan, ang pinamalaking dahilan (kung bakit tumataas ang piso) ay dahil sa humihinang dolyar. Ang paghina ng dolyar ay bunga naman ng katamlayan ng ekonomiya ng bansang Estados Unidos. Kung saan naka-depende ang ating ekonomiya. Kaya ang tendency, uma-akyat ang halaga ng piso natin at bumababa ang dolyar nila. Ayon din sa ilang mga ekonomista; ang pagtaas ng piso ay dahil sa nagaganap ngayong currency war ng mga super-powers, particular ng China at ng US. Hindi lang naman daw tayo ang naa-apektuhan ng currency war na ito, pati umano ang mga bansang Singapore at Thailand. Kung tutuusin, sa atin sa Pilipinas; ang pag-akyat ng piso ay magandang balita dahil ito ay nangangahulugan ng pagtaas ng revenue ng Pilipinas. Pero masama ito sa ating mga OFWs at syempre sa ilang sector ng bisnes tulad ng mga negosyanteng nag-e-export sa ibang bansa. Oo nga pala, ang dolyar po ang ginagamit ng maraming mga bansa kabilang na ang Pilipinas sa mga international business trasaksyon.
Para sa ating mga OFWs masama ito dahil yung kinikita nating kakarampot na halaga ay nababawasan pa dahil sa pagbaba ng dolyar. Halimbawa yung dating ipinadadala nating KD45 sa Pilipinas, noon more than P50 pa ang exchange rate ng isang dolyar umaabot iyan up to P8,000, pero ngayon, yung ganung halaga ay katumbas na lamang ng about P6,000 na lang. Ang laki ng nababawas sa isang OFW na konti na nga lang ang kita. Noong nakaraang linggo, pumalo sa pinakamataas na palitan ang piso (P42.50) against one dollar. Sabi ng ilang mga analista, puwede pa itong pumalo sa pinakamataas na halaga dahil sa inaasahang pagbaha ng dolyar galing sa ibang bansa mula sa mga Filipinos abroad ngayong sasapit na ang kapaskuhan.
Ang ilan, nananawagan ng government intervention upang hindi naman umano gaanong maapektuhan ang mga pamilyang tumatanggap ng dolyar galing sa sa ibang bansa. Ang ilan nga, nagpanukalang dapat ay magkaisa ang mga Pinoy na magkaroon ng tinatawag nilang remittance holiday o pansamantalang pag-ho-hold (boycott) sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ano ang posisyong gustong iparating ng mga kababayan natin dito sa Kuwait ukol sa usaping ito? Ano naman ang masasabi ng Embahada sa isyung ito.

USAPANG PISO at DOLYAR



Nakausap ko po si Ambassador Shulan Primavera upang derektang sagutin ang concern ng ating mga kababayan.
BEN GACIA: Sang-ayon ba kayo sa proposal ng ilang sector na ihold muna ang kanilang mga pera (dolyar) at huwag munang magpadala sa Pilipinas? Para hintayin marahil ang muling pag-angat ng dolyar, ano po ang masasabi ninyo dito at sa panawagan ng ilan para sa 'remittance holiday' sang-ayon ba kayo dito?
AMBASSADOR PRIMAVERA: At this point in time while there are talks of government intervention, the Philippine policy as enunciated by the Philippine Monetary Board, there will be no intervention as yet, at least for now. The government is monitoring the situation very closely; they will act as the situation demands. Sa tingin ko nga; the Filipinos should look into the greater interest of the Filipino nation as a whole; if they withhold their remittances by engaging remittance holiday, the Philippine economy will suffer to the detriment of the entire country. So in return we will all be affected? I think, at this point in time, maybe our sacrifices are needed for the greater benefit of the nation and so mitigate the ill-effects of strong peso for the time being. While we'll be able to save a little, (on remittance holiday) hindi natin alam kung ano ang mas-malalang puedeng maidulot niyan (remittance holiday) sa ating ekonomiya. Tayo rin ang mag-sa-suffer bilang bansa. So I will not support that idea of remittance holiday. Sa tingin ko the trend is only temporary and we expect that everything will stabilize soon. In fact, dapat pa ngang patuloy tayong magpadala (ng pera), kasi kailangan iyan ng economy to prop up; so the bank in the Philippines will be active and generate more economic activities. Kapag-may-pera ang bangko, mayroon puedeng ipautang sa mga bagong negosyo; magagamit iyan sa pag-giginerate ng business or to expand their business; pero kung lahat ay mag-iisip na hindi na muna magpadala, dahil sa pagbaba ng dolyar; in the long run; it will worsen the situation; then tayo ang magki-create ng economic condition na hindi natin gugustuhin sa hinaharap.

BEN GARCIA: So ano po ang maipapayo ninyo sa mga nag-aalburutong OFWs na ayon sa kanila, hindi naman tumataas ang kanilang sahod, pero patuloy sa pagbaba ang value ng kanilang perang ipinadadala?


AMBASSAOR PRIMAVERA: Gusto ko lang sabihin sa lahat ng mag Pilipino na huwag mag-alala sa kasalukuyang kondisyon. Patuloy na minomonitor ng Pilipinas ang kalagayang ito at sabi naman ng ating Pangulo; sa oras na kailanganin; mamamagitan ang gobyerno. Patuloy tayong magtiwala sa ating pamahalaan at kung may-roong pagkakataon, mag-impok. Sa mga mayroong puhunan, magbukas ng negosyo; ang Pilipinas ay patuloy na nagtitiwala sa idea ng private entrepreneurship. Isa pa, pumapasok sa Pilipinas ang mga foreign investors dahil sa less government intervention when it comes to their businesses. Kung mayroong nakikitang grabeng intervention ang mga foreign investors, baka, ma-disappoint sila at hindi na mamuhunan sa bansa. I want to assure the public especially our dear OFWs that the government and the monitory authority back in manila is closely monitoring the situation.

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Christina Hinlo


Ako pinapadala ko lagi sa Pinas, KD120 buwan-buwan, about 20 thousand na iyan pero bumaba ngayon, nasa 16-17 thousand na lang ang halaga ng parehong KD120. Di ba nakakapanghinayang na napupunta sa wala ang about 5000 pesos ng dahil lang sa mataas ang piso natin at mababa ang dolyar.

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Janet Gavasan


Kami ang talo lagi, ang pamilya natin sa Pilipinas ang nag-sa-suffer. Kung sa akin lang okay pang magkaroon ng holiday remittance e, kasi hindi naman ako regular, pero papaano yung pamilyang umaasa sa buwang-buwang padala ng kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa?

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Musarfa Ayo


Tumataas ang bilihin, hindi tumataas ang sahod, mababa ang value ng dollar so pagdating doon, konti na lang talaga ang natitira. Sayang, sana naman gumawa ng paraan ng gobyerno natin.

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Nieves Umongos

Ang masasabi ko lang aray ko po! Saklolo! Oo masakit na yung ipinapadala ko noon na medyo sapat na sana, pero ngayon e hindi na kasiya. Lalong bumababa lalo na sa mga holidays. Papaano na gayonng Pasko, siguradong mas-bababa pa iyan, kawawa naman kaming hindi naman tumataas ang sahod.

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Rina Ganalongo

Bigyan naman sana kami ng pansin ng gobyerno, lalo na kaming mababa lamang ang sahod. Papaano namang sasakto ang pera namin maliit na nga ang pera, nababawasan pa dahil sa pagbaba ng dolyar. Marami akong pinag-aaral; ang mga anak ko college na; mababa masyado ang nakukuha nilang pera. Hanggang kailan kami magtitiis ng ganito.

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Magdalena Penada


Para sa akin sana mataasan naman ng konti ang value ng ipinapadala nating pera. Kumilos na ang gobyerno natin habang maaga.

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


Sonia Terenal

Ang kawawa ay yung maliit na nga ang kita. Halimbawa marami pa rin ang nagta-trbaho sa bahay na ang kita ay KD45 lang, kung ipapadala iyan sa Pinas ngayon, aabot lang halos ng 6 thousand pesos. Dapat siguro, tiyakin ng obyerno na wala nang Pilipinong tumatanggap ng ganyang halaga, kung wala naman na silang magagawa sa pag-angat ng piso at pagbaba ng value ng ating pinadadalang pera. Sana lang pagtuunan tayo ng pansin ng ating Pangulo.

Sunday, November 07, 2010

Pag-IBIG: Pabigat nga ba sa bulsa ni Juan dela Cruz?




Noong unang bahagi ng taong ito, lumabas sa mga pahayagan na mandatory na para sa mga OFWs ang Pag-IBIG Membership sa ilalim ng Republic Act 9679. Ang ibig sabihin ng mandatory, sapilitan, walang puedeng makaligtas na OFWs na hindi nagbabayad ng pagibig. Pero makalipas ang ilang linggo matapos ang kaliwat' kanang batikos at reklamo ng ibat-ibang sector ukol sa sapilitang pagbabayad ng Pag-IBIG, iniurong o binawi ang mandatory contribution, o hinold po lamang pala pansamantala ni Vice President Jejomar Binay ang pagpapatupad ng mandatory contribution para sa Pag-IBIG. Pero kung sa tingin ninyo ay pangmatagalang pagtigil na iyon; hindi. Sa tingin ko nga, ang pag-urong nito ay para bagang pag-saboy lamang ng malamig na tubig sa naglalagablab na apoy. Na-control nga naman ang nag-aalburutong apoy at least pansamantala; pero ang totoo, nariyan at ipinatutupad na ang mandatory membership para sa mga OFWs. Ang paliwanag sa akin ni Mahmoud Khalil yung sinuspende lamang po ay yung 6-months mandatory contribution upon leaving the country o yung 600 pesos mandatory payment ng mga papaalis na OFWs. Imbes na six hundred pesos, one month lang ang kinukuha, which is about 100 pesos only lang. Puede na, so mandatory pa rin. Ang katumbas o equivalent ng 100 pesos sa KD ay less than KD1 or 750 fils lang. Nagsimula ang collection sa bagong mandatory Pag-IBIG membership noong August lamang. Kaya kung uuwi kayo halimbawa pabalik ng Pilipinas, aabangan kayo ng isang tauhan ng Pag-IBIG sa embassy sa katauhan ni Mohammad Khalil (Rocky) diyan sa OWWA at hihingan kayo ng contribution na 750 fils. Bukod iyan sa ibabayad niyong 750 fils sa POEA na bayad sa OEC at sa mandatory membership mo sa OWWA.
Ang sa akin, wala naman itong masama, tinutulungan lamang talaga tayong mga OFWs na maka-kuha ng disente at maayos na tahanan. Pero ang reklamo nga ng nakararami, iyan ba talaga ang layunin o baka naman ginagawa ito para solido ang perang maku-kolekta at solid din ang perang mailalagay sa bulsa ng ilang mga tiwaling opisyal? Hmmm. Marami rin ang nagsasabi na kahit man miyembro na sila ng Pag-ibig wala naman itong silbi sa kanila. Hindi natin alam iyan, pero sa tingin ko naman mayroon naman kahit papaano. Mayroon ding nagrereklamo dahil katakot-takot na nga raw ang binabayaran nila sa agency at placement fee para makalabas ng bansa, heto at makikisawsaw din ang gobyerno. Bakit daw hindi na lang ibigay sa kanila ng libre ang pag-ibig membership? Total naman daw, ang mga OFWs ang itinuturing na buhay na bayaning Pilipino. Oo nga naman. Maraming reklamo at maraming reaksyon ukol dito, ugali naman kasi talaga nating Pinoy na umalma, kumuwestyon kahit isang kusing na baryang ibibigay natin sa iba. Kasi nga naman, pinaghihirapan natin ang kahit isang kusing na iyon. Ang isang kusing na iyan ang kinukolekta sa atin at kung pinagsama-sama aba'y malaking halaga iyan ng pera. At iyan nga ang ginagastos sa pagpapatayo ng mga housing na pinababayaran sa mga miyembro ng pag-ibig sa mababang interest at abo't kayang monthly amortization.
Naitayo ang Pag-IBIG noon pang panahon ni Ferdinand Marcos, 1978 to be exact, ang layunin ng pagkakatatag nito ay upang mabigyan ng disente subalit murang tahanan ang mga Pilipino at mabigyan ng pagkakataon ang marami na makapag-impok gamit ang kanilang pasilidad para sa hinaharap. The rest is history. Sa mahigit tatlong dekada nitong pagkakatatag, marami pa ring Pinoy ang walang tahanan. Marami pa ring Pinoy ang nakatirik ang bahay sa ilamim ng tulay at sa mga iligal na loteng pag-mamay-ari ng gobyerno at ilang pribadong mamamayan. Marami pa rin ang walang matuluyan; ang iba sa kariton at mga pampublikong pasilidad kabilang of all the places, sementeryo naninirahan. So sa aking sapantaha, hindi ko alam kung epektibo nga bang kasangkapan ng gobyerno ang Pag-IBIG upang mapagaan ang pasang krus ni Juan dela Cruz. Kayo po ang humusga!
Malawak ang usapin ukol sa Pag-IBIG at talagang hindi ito matatapos sa isang upuan lamang. Pero sisikapin nating itanong at sagutin ng representative ng Pagibig sa Kuwait ang ilang mga basic questions na ating ipupukol sa kanya. Nakaharap ko po si Mahmoud Khalil, representative ng Pag-ibig upang tugunan ang samut-saring tanong ng ating mga kababayan ukol sa usapin sa Pag-IBIG.


Usapang Pag-IBIG



BEN GARCIA: Ano ang Pag-IBIG at ano ang mga benepisyong hatid nito sa mga miyembro?

MAHMOUD KHALIL:
Ang pag-IBIG ay acronym ng Home Mutual Development Fund. Isa itong sistema ng pag-iimpok na pinatatakbo ng gobyerno na ngayon ay nasa ilalim ng pamumuno ni Vice President Jejomar Binay. Ang layunin nito ay upang matugunan ang pangangailangan sa housing ng mga Pilipino. Noon ay voluntary ang pagiging mieymbro ng Pag-IBIG, subalit ngayon sa bisa ng isang batas na pinirmahan ni dating Pangulong Arroyo, nagkabisa ang mandatory membership para sa lahat ng Pilipino. Syempre kasama tayong mga OFWs. Maganda ang mga benepisyong hatid sa atin ng Pag-IBIG. Nariyan ang pagkakataon para sa ating lahat na makautang ng hanggang 3 million pesos kung 24 months ka nang miyembro nito. Puede ring maka-avail ng emergency loan na ibinibigay sa miyembro; entitled ang member ng at least 80 percent ng kanyang total contribution. Dahil sa miyembro ka, makakatiyak kang mayroon kang savings na puede mong magamit sa tamang panahon.
Noong last year, in fact tumagal iyan ng hanggang Sept 30 ngayong taon; mayroon tayong programa noon na tinawag nating lump sum project sa pagibig. Entitled noon ang mga nag-avail ng immediate housing loan of up to three million. Ibig sabihin kung nais mong mag-loan, kailangan mo lang mag-bayad ng 2-year lump sum membership fee mo at kinabukasan puede ka nang mag-loan. Sa ngayon, wala na iyon. This time, para na kaming SSS, kailangan ka munang maging miembro ng one year doon ka pa lamang papayagang makapag-loan, provided na mabayaran mo rin muna ang additional 12 months o katumbas ng isa pang taong membership mo. Kasi papayagan ka lang ng pagibig na makapagloan kung member ka talaga ng at least 24 months.

BEN GARCIA: Madaling umutang pero ang pagbayad medyo mahirap, paano ba pinagagaan ng Pag-IBIG ang pagbabayad o obligasyon ng borrowers?MAHMOUD KHALIL: Bago aprubahan ang loan mayroong seminar na ika-conduct ang Pag-IBIG para maliwanag at talagang matutunan ng borrowers ang kanyang responsibilidad. Mayroong preliminary loan counseling questionnaire na ipamamahagi sa kanila. Ipapaunawa sa mga miyembro nito ang kahalagahan ng kanyang obligasyon. Hindi basta-basta magpapautang ang Pag-IBIG kung walang malinaw na guidelines para sa borrowers, kung kaya liliwanagin ito sa miembro kung mag-aavail siya ng loan. Halimbawa kung hindi ka na nakakabayad ng tatlong sunod-sunod na buwan, bibigyan ka ng notice. Ang alam ko, halimbawa sa inutang mong three million papatungan iyan ng Pag-IBIG ng 11 percent annually. Yung inutang mong 250,000 pesos ang patong diyan ng Pag-IBIG ay six percent lamang, mababang mababa kumapara sa ibang mga lending institutions. Bukod diyan, bibigyan pa ang member ng hindi lang mas-mahabang panahon but easy terms to pay their debts or loans.

BEN GARCIA: Nakakakuha ba ng housing loans ang mga housemaids?

MAHMOUD KHALIL:
Oo, puede silang maka-avail depende sa salary nila iyan. Mayroon kaming sinusunod na salary bracket. Kung ang salary halimbawa ay aabot sa US400, puede siyang maka-avail ng hanggang 500,000 pesos. Kung mas-mababa naman sa 400 dollars, halimbawa hanggang 14,000 pesos ang salary nila; puede silang maka-utang ng hanggang 300,000 pesos. Again bibigyan sila ng mas-maluwag na terms and conditions para sa pagbabayad sa kanilang utang; puedeng hanggang 20 years bayaran.


Ito ay ilan lamang sa mga tanong na pumasok bago ang aking panayam kay Mr Khalil. Ang ibang magkakaparehong tanong ay ipinagsama ko na lamang. Salamat sa mga nagtext ng kanilang mga katanungan kabilang diyan ang mga tanog nina Richard ng Jabriya, Girlie Magallanes ng Abdullah Salem at Esterlyn Delapo at maraming iba pa.

BEN GARCIA: Sabi ni Ms Agnes, mayroon daw siyang biniling lupa pero hindi pa tapos bayaran sa isang private realtor; puede ba daw ipasok sa Pag-IBIG? Siguro ang ibig sabihin ni Ms Agnes ay kung puedeng ituloy ng Pag-IBIG ang remaining balance na hindi pa niya nababayaran.

MAHMOUD KHALIL: Puedeng ipasok ang remaining balance sa Pag-IBIG kung member siya ng at least two years. Puede rin na ang Pag-ibig ang magpondo para sa housing o bahay na ipatatayo niya doon sa loteng nabili niya. Ang gagawin namin, babayaran namin ng buo sa may-ari ng lupa, tapos, ililipat agad namin iyan sa pangalan niya. Kami din ang magpapatayo ng bahay, habang ipinagpapatuloy niya ang pagbabayad. So bale dalawa ang babayaran niya, yung lupa at bahay kung gusto niyang patayuan na iyon.

BEN GARCIA: From Ms Gonzales, member daw siya ng Pag-IBIG noong nagtrabaho siya bilang lady guard for nine months sa Maynila. Maliban doon natigil na ang kanyang pagbabayad pero gusto niyang mangutang sa 2011? Pude ba iyon?

MAHMOUD KHALIL: Kung nakabayad na siya ng nine months, bayaran niya lang ang remaining 15 months pa; so puede na siyang makautang sa November 2011 iyan ay kung itutuloy niya mula ngayong buwan ang kanyang pagbabayad bilang miembro ng Pag-IBIG.

BEN GARCIA: Mula naman kay Lorna ng Hawally, puede daw bang magbayad ng advance sa Pag-IBIG at papaano daw niya malalaman na pumapasok sa kanyang account ang bayad?
MAHMOUD KHALIL: Puede kayong magbayad in advance, lalo na sa mga hindi nakakalabas ng monthly para bayaran ang kanilang obligasyon. Sa mga member naman na nakuha na ang kanilang ID, doon nakasulat ang inyong mga ID no at sa internet puedeng icheck iyan at makikita ninyo ang lahat ng inyong mga contribution kung pumapasok nga o hindi.

BEN GARCIA: Mula kay Gelve, start daw siyang magbayad sa kanyang Pagibig contribution noong 2003, tapos natagil siya noong 2006 dahil nagpunta na nga siya ng Kuwait; valid pa daw ba ang kanyang membership at puede daw bang ituloy sa Kuwait?
MAHMOUD KHALIL: Opo puedeng ituloy ang pagbabayad anytime sa Kuwait. Ang pagtigil mo ng pagbabayad ay hindi nangangahulugan na hindi ka na miyembro, member ka pa rin at hindi maaalis sa aming data base ang iyong pangalan.

BEN GARCIA: Kanino kami puedeng magbayad ng aming membership, mayroon bang mga affiliated banks o remittance offices sa Kuwait na puede kaming magbayad?
MAHMOUD KHALIL: Wala pa kaming ibang authorized collection facilities sa Kuwait liban sa amin dito sa embassy; kami pa lang ang tumatangap ng membership contribution sa aming members. Hindi tuald sa ibang post. Kaya ini-encourage namin kayo na if you are a member, pay in advance na lang po for your convenience yung hindi na kayo buwan-buwan nagpupunta sa amin to pay. Siguro sa hinaharap ay puede tayong magkaroon ng kasunduan sa ibang mga remittance offices tulad ng sa iabng bansa.

Masaya akong wala siya!


Kambal na pasakit


Remind ko lang kayo doon sa letter sender natin last two weeks ago. Tatlong Linggo tumagal ang kanyang liham dahil mahaba at madrama ang kuwento ni Marites Tura. Medyo matagal ang sagot ano po at batid kong nauunawaan ni Marites ang pagkaantala ng aking sagot dahil sa wala tayong space. Puede niyong iaccess ang kanyang kuwento sa internet just type Buhay at Pag-asa words sa Google search. Pinilit kong maisama ito ngayon, dahil sobra na rin ang paghihintay ng sagot ni Marites sa kanyang liham. Ang buhay ni Marites ay kumplekado at sadyang hindi madali. Grabe ang kanyang mga pinagdaanan. Mula sa kanyang ama na sobrang lupit sa kanyang ina at maging sa kanilang magkakapatid; hanggang sa kanyang asawang halos tulad din ng kanyang ama ang ugali; ang kaibahan nga lang rapist itong asawa ni Marites. Iyan ay sang-ayon sa kanyang kuwento.
Remember, yung asawa niya, halos isang taon niyang nirape ang kapatid niyang noon ay nine year old lamang. Ang nakakalungkot, hindi daw natuloy ang kaso (laban sa asawa), dahil sabi niya "nabayaran ang lawyer". Hindi raw kasi ibinibigay sa kanila ang invitation to attend the hearing. So nag-lapsed ng lahat ang invitation ng korte, ni hindi nila alam na mayroon noon, ayun, na-dismissed ang kaso, dahil sa hindi nga sila umaapear o lumalabas na hindi sila interesdo sa kaso. Ang tanong ni Marites sa huling bahagi ng kanyang liham ay kung puede pa bang mai-revive ang aborted rape case laban sa kanyang asawa.
Dahil sa medyo kumplikado at mayroong halong legal concerns itong tanong sa akin ni Marites, minabuti ko pong hingan ng tulong si Atty William Merginio, isang abogado at experto sa mga ganitong uri ng kaso. Siya po ang ating bagong Welfare Officer sa embassy. Sabi niya puedeng mai-revive ang kaso kung wala pang dalawang taon ang nakakaraan simula ng ma-dismiss ang unang kaso. Pero kung lumagpas na raw sa dalawang taon, hindi na ito ma-re-revive pa, pero puedeng mag-refile ng panibagong kaso laban sa kanyang asawa. Syempre the same case pero refilling na lamang. Ngayon ang pagtanggap ng husgado sa bagong kaso ay nakadepende po sa merito ng case. Puede raw mag-counter-file ang kabilang panig ng double jeopardy at puede ulit itong ma-dismiss. Pero kung pagbabasehan ang bigat o timbang ng isasampang nilang kaso, baka hindi daw ito muling maipag-walang bahala ng korte. Halimbawa nga itong si Marites malakas ang kaso niya (laban sa kanyang asawa) kung ang biktima niya noon ay minor-de-edad. Alam nating ang ginahasa (kapatid ni Marites) ay nine years old pa lamang. Kaya malakas talaga ang laban niya kung pagbabasehan ito. Pero binigyan tayo ng babala ni Atty Merginio na hindi madaling magbigay opinion sa kasong hindi gaanong maliwanag. Partikular na tinukoy ni Atty Merginio ang dismissal ng kaso. Bago daw idi-miss ang kaso, maliwanag naman daw na nakasulat sa dismissal ng kaso ang lahat ng rason. Mahirap daw agad paniwalaan na ang pagkaka-dismiss ng kaso ay dahil sa pagbabayd ng bribe? Maraming puedeng reason ng pag-dismiss ng korte, and in fact si Atty Merginio ay maingat ibinigay sa atin ang ilan. Ang prinsipyo niya dapat ay maliwanag sa kanya kung ano ba talagang reason sa pagkakadismiss; bakit nadismiss ang kaso? Maaari daw kasing hindi lang mere attendance o hindi pagdalo sa hearing; maaaring mayroon daw settlement outside the court, yung sa pagitan ng family-to-family settlement, puwede rin daw na ini-invite sila sa hearing hindi sila makarating dahil ayaw din nilang pumunta na, para hindi masaktan pa ang biktima o hindi na ma-drag o makaladkad ang pamilya sa kahihiyan. Puede rind aw wala silang pera para ipaglaban ang kanilang kaso, o baka wala talaga silang panahon to appear at puede rin ang binabaggit ni Marites na nabayaran ang abogado at hindi sila na-inform ukol sa case. Lahat ng iyan ay mga speculations na puedeng makaapekto pagbibigay ng pay okay Marites. Well, simple lang Marites, kung sobrang dalawang taon ang nakakalipas hindi na ito puedeng ma-revive pero puedeng mag-refile ng kaso. Iyan ay kung this time ay makikipag-tulungan pa ba ang kapatid mo? Baka mayroon nang asawa ang kapatid mo at hindi na rin nila gusto pang magambala ukol diyan. Ang nakakalungkot nga lang ang katotohanang malaya ang salarin, hindi natin alam, kung this time ay mayroon din itong bini-biktima na tinatakot at hindi makapagsalita na tulad ng ginawa sa kapatid mo. Malungkot na pangyayari ito sa buhay ni Marites dahil mayroon siyang mga anak sa lalaking pinag-uusapan natin ngayon. So hindi pa rin natin maikakaila na ama pa rin ng mga anak ni Marites ang kanyang ipapakulong. Ang sa akin, sana ay nakaantabay ang mga autoridad at maging maagap sana ang mga taong malapit sa kanilang lugar (paligid) upang hindi na muling makapambiktima ang asawa niya. Kung uncontrollable na siya, dapat ngang mabulok siya sa bilangguan. Pero naniniwala ako na tayong mga tao ay mayroong kakayanang baguhin ang sarili. It's a matter of decision, ikaw ang mag-didisisyon sa sarili mo, kung pipiliin ang tuwid o likong daan.
Tungkol naman sa kawalan mo ng feelings o emosyon ng mamatay ang tatay mo, nauunawaan ko iyan, at nauunawaan iyan marahil ng marami. Hindi madaling magpatawad sa mga taong nakasakit ng ating damdamin. Lalo pa sa ipinakitang kalupitan ng tatay mo sa nanay mo, sayo at sa mga kapatid mo. Malalim ang sugat na nilikha noon sayo. Kaya hindi na naka-ramdam ng pagkawala. Marami akong taong kilalang ganyan at hindi ka nag-iisa. Pero hanga ako sa isang taong tinanggap ang lahat ng pasakit at pag-aalipusta, pati ang kamatayan tinanggap niya, ginawa niya ito para maging halimbawa. Kilala mo siya, kilala siya ng maraming tao sa ibat-ibang panig ng mundo. Hindi nagbabago ang pagmamahal at pag-ibig Niya sa sangkatauhan, at iyan ay magpasawalang hanggan.
Salamat ng marami sayong tiwala Marites. Hari nawa ay nakatulong ng konti itong sagot sayong liham na ibinahagi ko sayo ngayong araw. Ang buhay ng tao ay nakasalalay sa itaas, lagi kang tatawag sa Kanya, hindi kailan man naging busy ang Kanyang line para sa atin. Maniwala at magtiwala ka lang!

Thursday, November 04, 2010

Tugon sa samu't saring tanong sa labor, passport at OWWA

Walang pasok ngayon (31 October) sa embahada in lieu of November 1, 2010 All Saints Day holiday. Ang Nov 1 ay regular holiday sa Pilipinas, subalit dahil wala naman tayo sa Pilipinas, hindi iyan holiday dito sa Kuwait. Pero ang embahada ay sarado ngayong araw (Linggo). Dahil syempre kalendaryong Pilipinas pa rin ang kanilang sinusunod. Pero magbabalik ang regular at business days nila simula bukas. Hindi na rin special non-working holiday ang Nov 2, o mas-kilala nating All Souls Day, masyado na raw maraming holiday ang Pilipinas kaya hindi na iyan holiday ngayon. Isang paalala lang iyan mula sa embassy lalo na para doon sa mga kababayang mayroong schedule na transaksyon ngayon.
Samantala, nais ko rin pong ipaalala sa inyo na hindi po ako spokesman ng embassy at mas-lalong hindi dyaryo ng embassy ang Filipino Panorama. Ang ginagawa po namin at ng Filipino Panorama sa pakikipag-tulungan ng Kuwait Times ay serbisyo publiko. Maraming kababayan o marahil lahat naman tayo ay minsang nangailangan o nangangailangan ng serbisyo ng embassy, hindi natin puedeng iset-aside ang kanilang katungkulan para sa atin. Dayuhan tayong lahat (ibig sabihin tayong mga Pinoy) sa bansang ito. Kaya mahalaga na tuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa kanila (embassy). Ibat-ibang usapin ang idinudulog natin sa embassy; passports, various legal documents, tungkol sa trabaho at kung anu-ano pa. Iyan ang mga serbisyong tinutututakan ko. Malaki ang impact at tulong ng portiong ito sa marami at katibayan niyang ang halos isandaang text messages everyday mula sa readers. At iyan naman ang naririning kong komento mula sa ambassador hanggang sa inyo dear readers. Ang kanilang pakikipag-tulungan ay sadyang mahalaga upang tuloy-tuloy ang ganitong uri ng paglilingkod sa inyo. Maraming salamat sa tiwala!
Marami pa tayong pag-uusapan, nariyan ang tungkol sa SSS, Pag-ibig, Bangko, at mga community activities na gusto rin nating maging highlight sa mga susunod pang mga talakayan.
Dahil naipangako ko po sa inyo na babalikan natin ang mga kumento at tanong ng ating mga kababayan para sa Embahada at Ako; heto at nagbabalik para sa inyong mga tanong.
Ang tanging pakiusap- ko lamang, hindi lahat ng inyong mga tanong ay mapag-bibigyan individually. Halimbawa yung mga nag-text sa akin na halos 30 staffs ng isang fastfood chain, pare-parehong tanong at concerns ang inyong idinulog sa amin, so pinag-isa ko na lamang iyan. Yung concern tungkol sa sahod ng mga cleaners at tea-boys mula sa ibat-ibang companies, marami rin ang nag-text-pinag-isa ko rin po iyan. Yung mga domestic helpers na ang tanong ay tungkol sa sahod, mahigit 300 yata ang nag-text sa akin, pinag-isa ko rin po iyan. Maliban sa mga unique o kakaibang tanong, ay talagang kailagang individual ang pag-bibigay pansin natin ano po.

Usaping passport, OWWA at labor

BEN GARCIA: Tanong ni Mylene, sabi niya, sakto one year na siya sa amo niya, gusto na raw niyang umuwi, ayaw niya sa employer, pero ayaw na rin niyang magpabalik sa agency. Kahit siya na lang daw ang magpamasahe. Puede po ba siyang makauwi kahit hindi pa tapos ang two-year contract niya?

VIVO VIDAL: Puede iyan pero depende sa amo. Ang amo kasi nagbayad ng halaga to take you in from Philippines to here. Ang contract usually two years, kung hindi natapos, hindi obligado ang employer to buy you a ticket. Pero sabi ko nga depende pa rin, kung ang amo, ay mabait naman, puede kang pag-bigyan. Pero again nakasalalay pa rin sa employer, puedeng mag-usap ang agency mo at ang amo mo kasama ikaw to give your side of the story, kung legitimate ang reason for humanitarian reason halimbawa, baka maawa at paalisin ka naman at baka siya pa ang magpamasahe sayo. Puede rin kaming tumulong sayo. Nasa magandang pag-uusap naman iyan e.

BENGARCIA:
Tungkol sa pagpapatupad ng KD120 salary minimum, kailan kaya iyan masusunod? Iyan ay mula kay Janette Salvador at ilang pang tulad niya na pumirma sa bagong contract, natapos na ang 2 years, at umuusad na naman ang bagong contract but 45-KD60 lang ang nakukuha nilang sahod?

VIVO VIDAL:
Para kay Janette at sa mga tulad niyang kaso, kung gusto niyong maibigay ang salary na minimum wage, puede naman nating ireklamo sila kasi mayroon nga kayong pinirmahang kontrata. Sa ganyang sitwasyon, ang agency iinvolve natin sila para managot sa hindi pagsunod ng employer sa ating batas. Ang deploying agency ang mananagot niyan.

BEN GARCIA: Dahil sa tayo lang unilaterally ang nag-pasiya niyan (US$400minimum wage) papaano naman kaya natin maoobliga ang Kuwait (mga employer dito) na matulungan tayong maipatupad ang minimum wage natin mula sa ating mga employer dito?

VIVO VIDAL: Ang pagha-hire ng Pinoy workers were not employer's right. Prebileheyo iyan, kung hindi nila gustong sumunod sa patakaran natin, hindi sila pinipilit to hire Filipino workers. They can easily hire other manpower. Now that they signed and entered a contract with our workers, kailangan silang sumunod sa batas natin. Ang batas natin ay nagsasabi na dapat sahuran ang isang OFW ng minimum 400 dollars per month. Tungkulin ng estado na protektahan at bigyan ng sapat na tulong ang kanyang mamamayan. The US$400 minimum salary per month ay paraan iyan ng Pilipinas to show their real concern and will power to improve our competitiveness.

BEN GARCIA: From Rowena Calis of Sabah Al-Nasser, biktima daw siya ng swapping of employer, tapos may-problema pa siya sa cyst, naoperahan daw siya, nag-ti-take pa ng medication at mahina pa, pero tuloy ang trabaho. Nag-reklamo na siya sa amo, binilhan na rin daw siya ng tiket pero hindi pa pinauuwi till now.

VIVO VIDAL:
With regards to swapping of employer medyo talamak nga iyan dito. Technically speaking illegal iyan, but we are doing our best to dissuade such illegal practices. Tungkol naman sa sakit niya, legally speaking puede siyang magpa-terminate ng contract. Pero kung practicality ang pag-uusapan, maganda rin na nandito siya, kasi, pinapagamot naman siya ng employer niya. Libre ang gamutan dito. Pero kung gusto niyang umuwi puede naman, makakauwi siya at puede rin natin siyang asistihan kung kinakailangan.


BEN GARCIA: Noong last isyu po ay nabanggit ninyo ang mga grounds para magdisisyon na lumapit sa inyong tanggapan. Hindi nabanggit ang tungkol sa case ng tulad nitong isang nag-ko-comment, mabait daw ang mga amo niya, ang reklamo ay yung KD45 na salary niya, hindi ba daw ito kasama sa grounds para makahingi ng saklolo sa inyo? Takot ako ngayong humingi ng tulong dahil hindi naman pala ito kasama sa mga grounds at yung mga minamaltrato lang pala.

VIVO VIDAL: Hindi ganyan... mali ang interpretasyon sa sinabi ko, you are most welcome here kahit anong reklamo. Gusto ko lang na makaharap kayo ng face to face, tutulong kami ayon sa kagustuhan ninyo at sa need ninyo. Kung kaya ng POLO at ng ating resources sa embassy handa kaming tumulong sa inyo. Wala naman tayong pinipiling specific cases, maliwanag na sinabi ko noong una pa lang na wala tayong pinipiling kaso. Iyan ang trabaho namin dito sa POLO to mediate, conciliate and settle.

BEN GARCIA: Ito naman ay tanong mula kay Rosalie ng Fahaheel. Kasama po ba ang mga nag-tatrabaho sa salon sa 400 US dollars monthly salary. Mahaba daw po ang oras ng trabaho nila, at sabi sa contract free food, transportation and accommodation, pero hindi naman ito nasusunod.

VIVO VIDAL:
Yes kasama diyan ang lahat ng Pilipino. Kung ang visa mo ay 18 mas-madaling masolusyunan iyan dahil mayroong Shuon na puedeng mag-mediate, hindi lang kami dito sa POLO. Kung mo ay 20 gaya ng maraming salon workers, bawal iyan, at mas-madali nating mai-co-correct iyan. Punata po kayo sa embassy.

BEN GARCIA: Ito namang isang tanong ay mula sa isang kabayan natin sa Muhalab Center. Saleslady daw siya sa isang shop doon, puede ba akong mag-complain sa shuon sa installment salary na ginagawa ng employer ko? Indian po amo ko.

VIVO VIDAL: Puedeng tumuloy sa Shuon. Pero kung gusto mo ng intervention natin, puede rin. Kung Indian ang amo, mas-lalong madali, kasi mayroon silang mahigpit na batas dito laban sa foreign employer; halimbawa hindi siya sumusunod sa batas, puede siyang ipadeport.

BEN GARCIA:
Maraming cleaners/tea boys ang nag-text sa atin, ang iba nagta-trabaho pa sa National Assembly. Yung isang message ang sabi mahigit 200 Pinoy daw sila sa isang company at tumatanggap lang sila ng KD65 monthly. Mayroon namang mensahe mula sa isang cleaning company din at ang sahod ay KD80 lang, ang ilan pang text messages KD90 naman ang suweldo. Pinag-isa kong lahat ang mga tanong na iyan. Ang point dito Mr Labatt, wala iyon sa minimum na ipinatutupad na US$400 salary.


VIVO VIDAL:
Ang masasabi ko lang kung iyan ay lihitimong companies at sumusuweldo kayo ng ganyang halaga; hindi tama iyan. Kung mayroon kayong mga contracts na nagpapatunay sa US$400 dollars salary per month, puede nating habulin iyan. Kung ako sa inyo, punta kayo dito, pero, ang pakiusap ko lang, mag-send na lang kayo ng representative, pirmahan ng mga trabahanteng Pinoy ang reklamo. Gagawan natin iyan ng aksyon.

BEN GARCIA: Sir ito na yung reaksyon ng mga fastfood workers na nabigyan mo ng sagot last week. Nagpapasalamat sila sa inyong kahandaang matulungan sila. At ang sabi nila, sana daw ay magawan ng paraan ang pagpapatupad ng US$400 monthly salary nila at kung hindi daw sana ay patigilan na ang agency sa Pinas sa pag-ha-hire ng Pinoy workers kasi tuloy daw po ang pagdating ng mga bagong workers, e ganun pa rin daw ang sahod. Asahan daw po nila na sa katapusan ng taong ito ay mayroon nang adjustment ang salary nila.

VIVO VIDAL:
Oo, iyan ang pangako nila. I would hold our kabayan HR there responsible sa kanilang sinabi sa akin. Nag-bigay na sila ng word na itataas na nila ang suweldo by the year end. Kung hindi; kami na ang gagawa ng aksyon!

OWWA

Sa mga OWWA questions, pinag-isa ko rin po ang tungkol sa mga tanong ninyo at nilapitan ko ulit personally si Ms Yolly, welfare officer para sa inyong mga concerns. Marami ang pumasok na tanong ukol sa OWWA, pero hindi natin mapagbibigyan ang lahat.
BEN GARCIA: Maraming nagtatanong ukol sa business loan, disability benefits at educational benefits. Wala pa namang gustong kumuha ng death benefits...biro lang po, ha ha ha. Ang isa, si Danilo Nacua ng Cebu. Na-aksidente daw siya noong August 16, 2010, nagtungo daw siya sa embassy para magtanong ukol sa puede niyang makuha dahil inoperahan ang kanang kamay niya sabi daw sa kanya sa Pilipinas makukuha ang benepisyo?

YOLANDA PENARANDA:
Tama ang sagot ng taong nakausap mo dito. Ang claim ng medical benefits ay sa Pilipinas. Iyan ay kung mayroon kang maipapakitang
resibo. Doon mo iyan sa iyong region puedeng makuha. Kung dahil sa aksidente at hindi ka na puedeng makapag-trabaho (mag-function) tulad ng dati, puede kang mag-claim ng disability benefits iyan ay kung miyembro ka ng OWWA. Para naman sa ibang mga tanong ukol sa OWWA tulad ng negosyo loan, educational benefits; sa rehiyon po ninyo kayo tumuloy at mag-submit ng inyong mga application. Wala pong processing dito sa OWWA; collecting lang kami dito ng OWWA membership. Pero tuloy ang aming pakiusap at panawagan na maging myembro ng OWWA for your own benefits. Nabangit ko na ang mga bagay na benepisyo ninyo last time. Please call us in these nos: 25325167/64, 25340671.

Ang susunod ay tanong kay Vice Consul Rea Oreta


BEN GARCIA:
Kagagaling lang ni Mark sa embassy, Monday, magpapa-renew daw sana siya ng passport, pero pinabalik daw po siya kinabukasan noon, Tuesday, dahil tapos na daw ang quota that day na 50. Akala daw niya 100/day ang napa-processed na mga application sa passport (based on our interview), bakit 50 lang daw pala? At saka bakit may-quota?

REA ORETA:
To Mark: The figure given last interview was an average, yes about 100 a day, but we imposed quota when we have only one machine functioning. Mark, during your visit probably we only have one machine functioning, and those who were accommodated were people who arrived from 9-10am in addition to those who got their forms filled up the day before. Kaya kami naglalagay ng quota kung isa lang ang nag-wo-work, sana po ay maunawaan ninyo.


Marami pang tanong ang hindi ko naipasok, pasensiya na po doon sa napakaraming nakapilang tanong, hayaan niyo't bibigyan daan din natin ang iba pa sa susunod. Up next: Pag-ibig membership naman ang ating tatalakayin. Hindi iyan pag-ibig mo hirang...ibang klaseng pag-ibig ang tatalakayin natin. Alam kong maraming kababayan natin ang gustong malaman ang ukol sa Pag-Ibig. Anong mga benepisyo ang kaakibat kung miyembro ka ng Pag-ibig. Kung mayroon kayong mga specific questions ukol sa usaping ito, itext po lamang sa akin dahil direkta nating ipapasagot iyan sa Pag-Ibig rep next week.

Sunday, October 24, 2010



POLO: Katuwang ng Pilipino sa usapin ng trabaho, empleyo


Last week naibalita ko sa Kuwait Times daily (Oct 18, 2010 issue) ang tungkol sa labor agreement na maaring pirmahan ng Pilipinas at Kuwait sa malapit na hinaharap. Ito ay mahalagang balita para sa ating lahat at balitang dapat nating ikatuwa, kung ang pirmahan ay maganap. Nakapanayam ko si Labor Attache Vivo Vidal ukol sa usaping ito at magiliw naman niyang sinagot ang aking mga tanong ukol sa isyu. Sabi nga niya, kung magkakasundo ang dalawang bansa at magko-cooperate sa usaping ito, maaring magkaroon ng pirmahan at makinabang ng malaki ang mga Pinoy workers sa Kuwait. Ang usapin sa bilateral labor agreement ay lumutang dahil sa lumabas na balita noong unang bahagi ng Oktobre kung saan posible umanong suspendehin ang pagpapadala ng mga OFWs abroad bilang epekto ng bagong inamyendahang batas; Republic Act 10022 o mas-kilala bilang Migrant Workers Act, noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Nakasaad sa bagong inamyendahang batas na dapat pumasok ang isang bansa sa kasunduan sa Pilipinas kung gusto nitong mag-hire ng manggagawang Pilipino. Subalit kapalit ng pirma ay ang pangakong pahahalagahan at pu-protektahan ang mga OFWs. Dahil sa hindi signatory until now o walang bilateral labor agreement ang Pilipinas at Kuwait, may-posibilidad ding ipagbawal muna ang pagpasok ng mga Pinoy sa Kuwait, although ang pahiwatig ni Atty Vidal ay malabo itong mangyari sa kasalukuyan.
Ayon sa kanya, maaaring magkasundo na ang Pilipinas at Kuwait ukol sa usaping ito at maaaring pirmahan ng Kuwait ang bilateral labor agreement. Mula pa noong pumasok ang mga Pinoy sa Kuwait mula noong early 70's tanging batas internasyunal ng International Labor Organization at syempre yung kanilang sariling batas dito sa Kuwait ang umiiral at nangangalaga sa ating mga karapatan dito sa Kuwait. Ang bilateral labor agreement ay magandang simula at pagkakataon for both parties to protect their own interests but also wellbeing of Filipino workers. Hari nawa ay matuloy ang pirmahan sa malapit na hinaharap!

Maliwanag ano po? Usapan sa paggawa ang bibigyang pansin ng Embahada at Ako portion. Pag-uusapan natin ngayon ang tungkol sa isyu ng POLO (Philippine Overseas Labor Office) o usapin sa paggawa. Binaha ako ng tanong ukol dito. At sa tingin ko hindi ko ma-aacommodate lahat ng mga pumasok na tanong sa akin ngayon araw, in fact isa lang na tanong ang puede kong isama sa ngayon. Yung tanong ng mga nagta-trabaho sa fastfood chain. Hindi ko puedeng banggitin ang pangalan ng fastfood company, pero aware ang maraming readers natin ukol sa concern nila, so sa mga nagtext na taga diyan, yes kayo ang tinutukoy kong fastfood chain sa tanong kay Atty Vidal.
Dahil sa baha nga po ang dumating na tanong ukol sa labor isyu, humingi pa ako ng isa pang pagkakataon kay Atty Vidal na muli kaming magkausap upang bigyang daan naman ang inyong mga tanong specifically. Abangan ninyo ang mga sagot sa inyong mga katanungan sa susunod na labas ng Embahada at Ako.


Usapang paggawa (labor)



BEN GARCIA: Ano ang function ng POLO sa Kuwait?

VIVO VIDAL:
The POLO is an operating arm of the Department of Labor and Employment overseas (abroad) for the welfare, protection, assistance, and job generation of OFWs. The job generation and deployment of workers are just two of our main functions but perhaps the core and very important mandate which we are doing as DOLE representatives. Kami kung baga ang naatasan ng DOLE na mag-hanap ng probable labor markets para sa ating mga OFWs. As per the projection of many economists, Kuwait will be the next country in the Middle East to spur economic but gigantic boom (growth) just like Dubai and Qatar. Ang kagandahan, mas-prefer nila ang Filipino workers dahil sa ating abilidad. Kaya malaki ang posibilidad na dumoble pa ang bilang ng mga Pinoy workers sa Kuwait. Sabi ng mga foreign employees, trusted nila ang mga Pinoy dahil bukod sa masisipag, aba'y madali pang matuto. Magaling ang ating inter-personal and communication skills. Ang maganda sa Kuwait mayroong silang pondo, mayroong pera na kung kakailanganin madali nilang makuha. Di tulad ng ibang bansa, sa atin halimbawa, mangungutang muna. Sila dito ready na ang pera for disbursement. Kung matutuloy ang proyekto siguradong matatapos dahil mayroon silang perang hawak. Kapag nagtrabaho ka naman sa Kuwait, ang suweldong ibinibigay ay naaayon sa standards or scale na puedeng makatulong sa pamilya ng isang OFW.

BEN GARCIA: Mayroon bang quota ang pagpapadala ng Filipinos sa Kuwait? Mga ilang libo na ba tayo dito sa Kuwait?

VIVO VIDAL:
Wala pa naman silang ibinibigay na quota sa atin. Pero kapag natuloy ang pirmahan ng bilateral labor agreement ng dalawang bansa, baka magkaroon, pero okay lang, maliit pa ang pupolasyon natin dito compared sa ibang mga nationals. Ang mahalaga sa bilateral labor agreement kung signatory ang dalawang bansa, mapipilitan silang sumunod sa gusto natin/nila o ayon sa sinasaad ng kasunduan. Sisiguruhin naman natin na ayon sa kabutihan ng ating mga manggagawa ang pipirmahang kasunduan.
Wala pa man ang labor agreement na iyan, patuloy na sa pagdami ang OFWs dito sa Kuwait. Naaalala ko nga, noong una kong assignment dito bilang assistant labor attache, nasa around 80,000 lang po tayo dito, pero ngayon ay 165,000 na and before the year-end aabot na tayo sa 180,000. Ang inaasikaso natin sa POLO sa ngayon ay ang maipatupad ang batas sa pasahod natin para sa ating mga OFWs. Ang nai-set na minimum wage ng Pilipinas ay at least KD120 or US$400 monthly pay. Iyan ay ipinatutupad natin strictly sa mga kumukuha ng job orders. Nakalagay iyan sa kontrata. Once na hindi tumupad ang employer; mayroon tayong habol. Pero aminado tayo na ang pagpapatupad nito ay hindi perpekto. Ang pagpapatupad ng minimum wage ng Pilipinas para sa mga household workers ay paraan upang mabawasan ang pagdating at pag-alis sa Pilipinas ng maraming domestic helpers. Bukod diyan gusto rin nating umangat ang bilang ng mga skilled workers sa Kuwait. Dahil sa mga planong proyekto sa Kuwait, inaasahan natin na mas-lalong dadami at bibilis ang pagpasok ng mga Pilipino dito. Iyan ay kung matutugunan natin dahil medyo bumababa na rin ang mga walang trabaho sa ating bansa.
Karamihan pa rin sa mga pumapasok dito sa Kuwait ay mga household service workers, sa tingin ko ay mari-reverse na ang trend, mas-dadami ang skilled workers lalo na sa pagsisimula ng proyekto. Marami kasi tayong kababayan na nakapag-aral naman, marami dyan mga teachers, pero ang napupuntahan nilang trabaho ay domestic helpers. Sayang ang skills/talents nila.

BEN GARCIA: Sinu-sino naman ang mga katulong ninyo sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga OFWs sa Kuwait?

VIVO VIDAL: Unang-una katulong natin sa pagpapatupad ng mga programang may-kinalaman sa mga OFWs dito sa Kuwait ang head of mission natin si Ambassador Shulan Primavera. Sa embahada mas-pinalakas ni Ambassador Primavera ang Assistance to National Unit (ANU). Lahat ng mga police cases at mayroong mga inaresto halimbawa sila sa ANU ang kimikilos to assist them. Sa mga tumatakas na OFWs at employer-employee problems kami sa OWWA at POLO ang humahawak niyan. Sa POLO/OWWA offices marami akong katuwang dito tulad ni Ofelia Castro, ang ating Labor Attache I. Si Ms Castro ang naatasan kong umalalay sa mga usapin may-kaugnayan sa visa 18 workers. Nariyan din sina Welfare Officers Yolanda Penaranda at si Atty William Merginio para sa mga distressed 20 visa workers. Si Omar Khalil ang humahawak sa processing ng job orders/contracts para sa visa 18 at si Lucy Halili sa processing/contracts ng 20 visas. Si Lucy din ang tumatayong care-taker ng FWRC. Si Blas Marquez ay in-charge sa liquidation ng mga expenses sa POLO at OWWA at punong abala sa mga kitchen requirements. Si Evangeline Quinoy ay in-charge sa collection ng OEC, pero siya din ang tumatayong internal at external communication and admin staff ko. Nag-aaverage tayo ng contracts/job order ng 100-120 a day. Kulang pa ang staff kung tutuusin, pero mayroong darating na dalawa pa before the year-end.

BEN GARCIA: Anong oras nagbubukas ang POLO/OWWA?

VIVO VIDAL: Nagbubukas talaga ang POLO/OWWA and the embassy as a whole ng alas-otso ng umaga. Ang business transaction ay simula ng 8:30am para makapag-handa naman kami. Hanggang 2pm na iyan. Pero mayroon namang lunchtime ng 12pm, pero kami dito kahit tapos na ang 2pm public transaction, kapag marami pang trabaho, nag-i-stay talaga kami sa embassy ng hanggang 5pm or even more.

BEN GARCIA: Sinu-sino ang mga OFWs na puedeng magpunta dito para humingi ng tulong at kailan kami pupunta to seek help, anong mga grounds? What about sa Shuon, kailan kami puedeng magtungo doon to ask for assistance?

VIVO VIDAL: Lahat naman puede naming matulungan. Anumang kaso mayroon sila. Mas-ini-encourage nga natin ang ating mga kababayan na personal na magsadya dito kung mayroong problema sa trabaho at hindi kami gaanong nag-iintertain sa telepono; kasi mahirap at mas-maganda talaga ang nagkikita tayo. Para talagang magkaliwanagan hindi yung sa telepono lang. We give attention to everybody whatever their cases are. Sa Shuon, sinumang visa 18 workers ay ini-encourage din nila na magtungo doon ng personal sa kanilang tanggapan. Puede silang tumuloy doon (Shuon) ora-mismo, pero kung gusto nila ng assistance ng POLO, gagawa kami ng paraan. Ang shuon ay para sa visa 18 lang, hindi kasama ang mga household workers. Tulad ng sinabi ko, mayroon tayong shortage sa staff iilan lang ang puedeng makalabas dito to assist our kababayans. Kaya kung hindi mapagbigyan, huwag naman sanang sasama ang loob. Kung mayroon pang panahon, iset natin ang right day and time para mag-tugma sa schedule natin pareho. Sa POLO, we are doing our best to assists individuals/groups kung kinakailangan.

BEN GARCIA: Sa mga lumalabag na employers, anong parusa ang ipinaataw natin sa kanila. Mayroon na bang mga companies/individuals ang nakasuhan na.

VIVO VIDAL: Sa mga lumalabag na employers dahil wala naman tayong police at court powers dito, ginagamit namin ang aming kapangyarihan to suspend job orders man iyan o kahit individual employers, kung nagkasala sila, hindi na natin sila bibigyan ulit ng workers. May-data-base kami dito para sa mga notorious employers. Hindi namin sila pinapayagang makapag-hire ng Pinoy workers. Puede kaming magkansela ng job orders lalo na kung mayroong naagrabyadong kababayan. Habang maliit lamang na bilang ang mga notorious employers, marami namang company/employer ang sumusunod sa ating patakaran. Ang kagandahan, may-takot ang mga employers dito sa kanilang immigration office. At alam ng immigration nila dito ang mga notorious employers, kaya unti-unti na silang natututong sumunod sa tamang proceso at batas.

BEN GARCIA: Ano naman pong mga alituntuning dapat naming tandaan para hindi kami maloko at magkaroon ng mas-malaking problema dito?


VIVO VIDAL: Ang number one; check the profile of the company. Go to the reliable agencies sa Pilipinas. Mas-maganda na makipag-deal lamang sa mga registered at licensed na recruitment agencies na nasa talaan ng POEA. Icheck nila ang backgrounds ng kampanya, we are in the age of technology isang click lang malalaman mo na ang background ng company, basahin at alamin, tingnan kung ano ang kanilang records. Go to the proper and right process...sumunod sa tamang proceso. Huwag padadala sa mga sweet talks ng recruiters. Pagdating dito, kung hindi ikaw puedeng magtungo sa embassy, ang company ang inatasan namin na magreport sa amin ng mga arrival ng Pilipino. Hindi na namin iniisa-isa o inu-obliga ang isang Pinoy na mag-punta dito sa embassy to register their names, kasi, based sa contract, moment na dumating dito sa Kuwait ang empleyado, sumasahod na siya. Ang company/employer ang sinasabihan namin na mag-report ng arrival ng isang Pilipino. Sa mga katulong naman, ang partner agencies nila dito ang mag-rereport sa amin sa mga dumarating na Pilipino.

BEN GARCIA: Sa mga housemaids ano ang limitasyon o grounds para mag-disisyong tumakas o umalis sa kanilang employer?


VIVO VIDAL: Wala kaming ini-encourage na pagtakas sa kahit kaninong employer. Pero kung minamaltrato ka, may-physical assault nang nangyayari, rape, hindi pinapakain, may-unpaid salaries two months and above, mga grounds iyan na hindi ka puedeng magtagal sa ganyang uri ng employer. Iyan ang panahon to seek help and advice from us. Pero yung mga minor cases halimbawa nasigawan lang, over-work, hindi lang nagustuhan ang kasama, masungit ang employer, bigyan naman nila ng allowance ang employer. In the first place, bago pa man umalis sa Pilipinas ang isang DH, mayroon nang orientation seminar yan ukol sa kultura at mga ugali ng tao dito sa Gitnang Silangan, so dapat alam nila how to handle things. Kung balat sibuyas, siguro hindi bagay na DH. Baka nga nagkamali lang talaga sila sa piniling trabaho. Ganunpaman, once na nagpunta kayo sa amin hindi namin kayo tatalikuran, binibigyan ang lahat ng patas na pagtrato at kaukulang tulong na marapat lamang sa isang OFW. Katuwang namin sa pag-resolba ng problema ng mga runaway housemaids ang recruitment agencies nila at syempre, hindi mapapadali ang pag-lutas ng problema kung wala ang local authorities dito. Ang kanilang pakikipagtulungan ay mahalaga to resolve cases concerning OFWs. Sa pagdating ng OFWs, kadalasang ginagawa namin ay tinatawag muna ang ahensiya, tapos ang employer. Responsibilidad ng agency na tulungan ang mga tumatakas nilang hired workers. Tumutulong naman talaga sila kahit papaano. Kasi mahirap din na sa gobyerno na lang natin inaasa ang pagkain ng more or less 150 runaway housemaids. Sa bigas pa lang 50-80KG ng rice ang nauubos per day.

BEN GARCIA: Tungkol naman sa US$400 salary, bakit kaya hindi naipatutupad iyon?

VIVO VIDAL:
Minimum salary iyan ng OFWs, hindi lang sa housemaids. Magandang pagkakataon para sa lahat kasi naging salary baseline natin iyan eh. Pero ang totoo hindi naman talaga tumutupad ang ilan, lalo na sa domestic helper. Iyan nga ang pangit saw ala tayong bilateral agreement kasi, kung ano ang gusto natin hindi natin puedeng ipilit. Kung mayroon tayong bilateral labor agreement, mayroon tayong basehan at puede tayong mag-deamnd. Pero, iyang isinet na sahod ng DOLE ay ipatutupad natin iyan. Hindi nga lang perpekto. Alam din natin na ang Kuwait at mga bansang nangangailangan ng ating labor services ay puedeng maka-afford sa $400 minimum salary na iyan.

BEN GARCIA: Pero bakit marami pa ring companies sa Kuwait ang hindi tumutupad sa pagbibigay ng US400 monthly pay, tulad halimbawa ng sikat na fastfood chain at ilang mga hospitality companies? Marami akong natanggap na text messages mula sa kanila na hindi raw po nila natatanggap ang KD120 monthly pay, dahil ibinabawas daw ang food, transportation and accommodation.


VIVO VIDAL: Kinausap na namin ang mga companies na hindi tumutupad sa ating itinakdang monthly pay for our Pinoy workers. Binalaan na natin sila na hindi na sila mabibigyan ng Pinoy workers ulit kung patuloy silang lalabag dito. Yung fastfood na binabangit mo, nangako silang by the year end ay mai-aadjust na nila ang suweldo ng kanilang mga workers. Sabi ko nga sa kanila, ang KD120 ay halaga na dapat matanggap ng isang mangagawa matapos silang magtrabaho ng isang buwan, yung additional na basic needs dahil galing sila sa Pinas, tulad halimbawa ng accommodation, transportation and food, hindi iyan ibinabawas sa KD120 na monthly pay nila. Dapat buong KD120 monthly salary makuha ng isang Pinoy worker. Iyan ay maliwanag sa contract na pinipirmahan nila between workers and employers. Patakarang pinagtibay ng POEA under our Department of Labor and Employment. Wala na rin kaming pinapayagang Pinoy cleaners/teaboys, wala kaming pinipirmahang job orders para sa mga trabahong iyan.

(Ang ibang tanong ukol sa labor/paggawa ay bibigyang daan ko next week. Kung mayroon pa kayong concerns ukol sa subject na ito o marahil kumento/suggestions ipadala lamang sa numero na naka-post sa itaas na bahagi ng column na ito. Maraming salamat po!-Ben Garcia)