Saturday, November 11, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Anne ipinag-palit ang boyfriend sa pamilya

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )

Dear Kuya Ben,
Have a nice day to you and all the staff of Filipino Panorama especially sa Buhay at Pag asa. First gusto kong i-congratulate ka dahil sa sobrang sikat at tagumpay ng inyong programa. Naing-ganyo din po akong sumulat dahil sa unique at galing ng mga payo mo at sagot sayong mga sender. Isa na ako sa mga bago na masugid mong taga subaybay ng inyong progarama ang Buhay at Pagasa. Isa rin po ako sa libu-libu mong tagasubaybay na nag-nanais na mailathala at mabigyan ng magandang payo mula sayo.
Kuya Ben, b-4 ko madiskobre ang programa ninyo, may nakapagsabi sa akin na Pinay na matagal na dito na bumili daw ako ng Kuwait Times kase mayroon daw mababasang mga balitang Pinas doon, Lingo iyon, kaya bumili ako, nabasa ko nga ang column mo sa Filipino Panaorama. Masyado akong na-excite, ang buong akala ko nga everyday, kaya, continues ang bili ko ng Kuwait Times nun, na-disapoint ako dahil ilang araw na akong bumibili, wala akong nababasang kuwento tungkol sa buhay, tumigil akong bumili, Lingo ulit---at muli na naman akong bumili ng Lunes, Martes, Mierkules, Huwebes, wala pa rin akong nababasang column mo, mayroon, under your name, pero miss ko yung tulad ng nabasa ko noong Lingo, kaya bumalik ako sa pagbili ng Lingo. Doon ko lang nalaman na every Sunday lang pala ang iyong programa. So okay na rin, di gaanong magastos, honestly masaya ang feelings pag-nakakabasa ako ng kwento ng buhay ng ating mga kababayan, ang iba kase sa mga nababasa ko, talagang nakakarelate ako sa kanilang kuwento ng buhay. Sa ngayon, ito na rin siguro ang tamang panahon para ishare ko rin ang aking kuwento. Umaasa ako na sana'y isa ang sulat ko sa mapili mo at mailathala sa sikat mong Filipino Panorama.

To start my story, tawagin mo nalang ako sa pangalang Anne ng South Cotabato. Mahirap ang buhay sa Mindanao Kuya Ben, kahit na sabihin pang college graduate ka, na tulad ko, isa din ako sa libu-libung anak mahirap ng Mindanao na nakapagtapos ng kolehiyo pero walang trabaho. 26 years old na po ako anim kaming magkakapatid pang lima ako. Sanay ako sa hirap ng buhay Kuya Ben, ewan kung bakit sa anim na magkakaptid, ako ang medyo nakadama ng sobrang paghihirap at sakripisyo para sa pamilya. Working student ako noong high school, kumpara sa iba kong mga kapatid na pinag-aral ng aking mga magulang. Yun nga lang yung mga kapatid ko, di nila sineryuso ang kanilang pag-aaral. 20 years old na ako ng maka-graduate ng high school, dahil sa tatlong taong sunod-sunod ang hinto ko dahil sa walang pang-gastos, pero nagsumikap ako upang makatapos, ibang tao ang nagpaaral sa akin until na makagraduate ako. Masamang-masama ang loob ko dahil ni isa man lang sa kapamilya ko walang dumalo--in short nainggit ako sa mga kapatid ko dahil noong time na sila ang nag-aaral lahat ng suporta ng mga magulang ko ibinibigay nila. When I was in college, parents ko na ang nagpa-aral sa akin, pre-stage scholar din naman ako kaya half lang ang binabayaran ng magulang ko sa school.
Nang naka graduate na ako, syemre hanap agad ng trabaho nakapasok ako sa isang department store bilang saleslady doon sa lugar namin, di rin kasi ako maka apply ng trabaho na may kaugnayan sa kurso ko kasi nga di ko pa nakuha ang mga papers ko sa school dahil may balance pa ako. Ang sweldo ko kulang pa para ipambayad sa balance ko sa school.
During my college days syempre nagkaroon din ako ng mga boyfriends para at least hindi boring ang buhay, pero di ko pa seryoso noong time na yon kasi nga takot akong maging seryoso at mauwi sa pag aasawa tapos maghirap lang din ang buhay namin. Nakipag-boyfriend lang talaga ako for the sake lang na may matawag na boyfriend, seryoso man siya o hindi. Pinakikiharapan naman sila ng mga magulang ko, kung may-dala at medyo mayaman, okay sila sa magulang ko, pero kung wala at mahirap lang ang manliligaw sa akin, pinapauwi agad ng Tatay at Nanay. Nakakahiya man, pero iyan ang ugali ng magulang ko.
Until na lay-off ako sa pinapasukan kong department store, tambay na naman at kung saan-saan nakakarating para iwas lamun sa bahay, obligado kase akong maghanap ng trabaho dahil nga sa may natapos na kurso. Ayaw ko ring makarinig ng salita na mayroong patama, puede naman kase ako deretsahin, kung ayaw nila sa akin.
Noong time na naka-tambay ako, kinumbinse ako ng mga parents ko na magtrabaho sa Brunei, dahil malaki raw ang kita dun. Ibinenta ng parents ko ang baka para mayroong pang-placement. Pero kulang sa kailangang 20,000 pesos na placement. Nag-apply ako muli sa iba company, natanggap agad ako at nakapagsimula ng trabaho, pero ang kinikita ko at yung pinagbilhan ng baka, unti-unti nang nauubos dahil na rin sa gastos sa bahay at maging ang iba kong mga kapatid na may-asawa na sa bahay pa rin lagi umaasa ng pang-araw-araw. Kaya, di rin ako nakaalis papuntang Brunei.
Sa pinapasukan kong trabaho, doon ko nakilala ang lalaking sobra kong minahal, tawagin na lang natin siyang JC. Isa siyang driver, naging seryoso ang relasyon namin at ibinigay ko ang lahat sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Di siya type ng parents ko dahil tulad ko ring mahirap. Pero nalaman ng kompanyang pinapasukan ko ang relasyon namin ni JC, kaya, tinanggal ako sa trabaho, si JC, hindi dahil, mas-nauna siya sa akin. So balik tambay na naman ako, oo ngat nagkikita at tuloy pa rin ang relasyon namin, pero mahirap talaga ang walang trabaho, dahil umaasa rin sa akin ang lahat. Kaya nag-apply ako sa Kuwait, mabilis dahil mayroong tumulong sa akin. Inilihim ko iyon kay JC dahil alam kong ayaw niyang mangibang bansa ako, iyon din daw kase ang pinag-ugatan ng pakikipaghiwalay niya sa dati niyang girlfriend na nagpumilit mangibang bansa. Atubili akong ipagtapat sa kanya, pero napilitan din ako, naunawaan niya naman. Noong umalis ako Feb 2006 sa Pilipinas, para akong batang umiiyak, kausap ko ang boyfriend ko sa telepono, gusto kong umatras, gusto kong bumalik sa amin at huwag na lang ituloy ang pag-aabroad, pero inisip ko rin kase ang pamilya ko, ang mga magulang ko, kung kaya, ipinagpalit ko ang sarili kong kaligayahan para sa kanila. Tuloy ang aming long-distance relationship, si JC, patuloy na inilalapit ang sarili sa pamilya ko, buo ang pag-asa kong magiging kami, isang araw. Mag-iisang taon na ako sa Feb sa Kuwait, going strong naman ang aming relasyon, pero naroon ang aking pangamba na baka, hindi makapaghintay si JC, baka-magsawa, baka isiping makakuha ako ng iba dito, pero alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Hangad ko lang na magkatuluyan kami, na mahintay niya ako, hanggang sa aking pagbabalik.
Ito lang ang katanungan na gusto kong mabigyan mo ng linaw. Kailangan ba talagang magsakripisyo ako para sa pamilya? Kailangan bang akuin ko ang responsibilidad upang mabuhay sila? Ang buwan buwan kong suweldo, ipinadadala ko sa Pilipinas, walang natitira para sa akin, pero, sabi nila sa akin, hindi pa raw sapat? Buong buhay ko sa Kuwait, inisip kong nagkamali ako ng disisyon na lisanin ang Pilipinas. Sana ang liham kong ito ay maging daan sa ikagagaan ng loob ko, payuhan mo ako Kuya Ben.

Gumagalang at Nagpapasalamat
Anne ng South Cotabato.

Abangan ang aking sagot sa susunod na Lingo.

No comments:

Post a Comment