Ni Ben Garcia
'Papa' ko may-kasamang 'Manay' ko po!
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, P0 Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito pa ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)
Dear Kuya Ben,
Magandang araw sa iyo at sa lahat ng mga Pilipinong sumusubaybay sa Buhay at Pag asa. Tawagin nyo ako sa pangalang Mars, 24 yrs old at bunso sa tatlong magkakapatid, puro kami babae. Nais kong ibahagi ang kwento ng aking buhay sa ating mga kababayan at upang humingi ng iyong payo. Sisimulan ko ang aking kwento ng akoy nasa ikalawang taon ng aking kurso na Bachelor of Arts. Half scholar at same time working student ako Kuye Ben sa dahil di kayang tustusan ng aking mga magulang ang aking pag aaral. 2001 doon ko nakilala si Jay ang lalaking unang minahal at inalayan ko ng aking sarili, masaya ang aming relasyon kuya dahil kapwa tanggap ng aming pamilya ang aming ralasyon. March 2003 graduation ng boyfriend ko at syempre lahat ay nandoon upang magcelebrate. Masaya ang lahat lalo na kaming dalawa. Marami kaming plano kuya ben , doon ang mga pangakong kami habang buhay, pero gaya nga ng kasabihan na ang pangkoy madaling mapako. Umalis siya at lumuwas ng Maynila. okey pa sana kasi kahit papaano ay may komunikasyon kaming dalawa, pero unti unting lumabo ang aming relasyon, minsan lang ang tawagan at hangang tuluyan na nga itong naputol. Nabalitaan ko rin na may bago cyang kasintahan. Nasaktan ako kuya dahil mahal mahal ko cya. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang tanggapin ang lahat at ipagpatuloy ang buhay. Makalipas ang isang taon at tuluyan ko na ring nakalimutan si Jay. Napahinto ako sa pag aaral Kuya Ben at naghanap ng trabho, natanaggap ako sa isang mall bilang checker, okey ang trabaho , walang problema. Marami akong naging kaibigan at syempre manliligaw, pero di ko pinapansin. Gaya ng sabi ng iba pagnakita mo na ang taong muling magpapatibok ng iyong puso lahat
gagawin mo at walang makahahadlang dito. Dumating sa buhay ko sa Choy, gwapo, matangkad at mabait dahilan upang mahalin ko cya ng lubusan. Marami ang tutol sa aming relasyon lalo na ang mga matalik kong kaibiagn. Umibig ako sa kanya Kuya Ben, ubod sidhing pag ibig dahilan upang maging bulag ako sa anumang naririnig tungkol sa kanya. Marami ang nagsasabing maling lalaki ang aking minahal. Sayang daw ako dahil maganda at may talino pero maling lalaki ang minahal ko. Lahat sa akin ay tama Kuya Ben, ako ang nagmamahal di sila, iyan ang aking katwiran. Ilang beses kong tinanong si Choy kung totoo ang balitang may anak cya sa 2 babae, pero pilit nyang itinanggi. Kaya naniwala ako. March 2005 ng may nangyari sa amin, ilang beses di at di kailan man inisip na magbunga ito, April nkaramadm ako ng hilo at laging napapagod. Pero binaliwala ko iyon, ,masaya ang aming relasyon kuya hanggang isang araw, ay inassign ako sa ticket booth ng cinema, di ako makapaniwala sa aking nakita Kuya Ben, si Choy may kasama di babae kundi isang bading. -Itutuloy
****
(Bago ko ituloy... para may-suspense, dako muna tayo sa padalang liham ni Gloria M last week, titled 'Kaibigan ni Gloria, kahati sa pag-ibig ng asawa')
Dear Gloria M.
Gloria M. Gloria Macapagal? Gloria Macapino, Macapuno, Maluhualhati? Kahit ano pa man ikaw ay matatawag kong matapang. Buo ang loob at mayroong paninindigan. Tama ang ginawa mong ipaubaya na lang ang asawa mo sa dati mong kaibigan. Siya naman itong walang paninindigan at nagpadala sa kahinaan ng tawag ng laman. Nang-yayari ang ganyan Gloria M, mahirap isipin, pero ganyan ang buhay. Ang mabuti sayo, marunong kang mag-handle ng ganyang sitwasyon. Simpleng totoo. Bata ka pa, puede ka pang makakita ng taong magiging kasama mo habambuhay, sa tingin ko, kung magpapa-annul kayo ng kasal, magiging mabilis iyan sa tulong ng abugado, pero ewan, kung interesado ka pang humanap ng kapalit niya, hindi kita dini-discourage. Mayroon kang ipinukol na isang katanungan na sa tingin ko madali lang ang kasagutan at hindi ko kailangan ang tulong mga mga experto. Yung tungkol sa tanong kung hahanapan ba ng marriage contract ang iyong anak sakalit maghanap na siya ng trabaho? Ikaw ba Ms Gloria M, hinanap sayo ang marriage contract ng iyong Nanay at Tatay noong mag-apply ka? Di ba hindi naman. Hindi naman ganoon kaimportante/kahalaga ang marriage contract ninyo para sa anak mo, mas-mahalaga po iyan sayo at sa asawa mo at syempre sa pag-asekaso ng mga kayamanang mapupunta sa anak mo. Sa tingin kong dapat mong alalahanin ay yung mga karapatan ng anak mo na dapat mapa-sa-kanya, oo, sa pag-aayos niyan, kailangan mo siyempre ang katibayan na mag-asawa nga kayo, so kung sakali man, puede kang kumuha ng kopya sa registration office sa inyong bayan, iyan ay kung ipinarehistro niyo ang inyong kasal noon. Puede kang kumuha ng certified copy sa gobyerno, dahil sa tingin ko mayroon silang file niyan.
Sa kapakanan ng mga hindi nakabasa ng kanyang liham, puede niyo pong balikan ang kanyang kuwento sa aking blog-site. Pero bibigyan ko rin kayo ng buod upang magkaroon kayo ng idea sa kuwento ni Gloria M. Nakapangasawa ng lalaking di niya gaanong mahal noong una, pero napamahal na rin siya kinalaunan, ipinagkasundo lang kase siya sa napangasawa niyang lalaki kung saan nagkaroon sila ng isang anak. Pero, sabi niya, inakit daw po ng kanyang kaibigan ang kanyang asawa at pumatol ito na siya namang ikinabuntis ng kaibigan niya. Syempre normal sa babae lalo na sa atin ang hindi pumayag sa gusto ng babae na share sila sa pagmamahal ng lalaki. Baliw na baliw daw po itong kaibigan niya sa asawa niya, kaya nagbanta na magpapakamaty kung sakalit iwanan ito. Take note, yung babae, mayroong tatlong anak at ninang pa raw sa anak ni Gloria M. Di nakatiis si Gloria, at minabuti pa nitong lumayo na lamang, sinunog niya ang marriage contract nilang mag-asawa. Nagpunta siya ng Saudi Arabia at isang taon lang daw ang lumipas, nagsama ang asawa niya at ang babaeng kaibigan niya. So lumalabas ngayon na nawalan ng asawa si Gloria, wala nang balak pang balikan ni Gloria ang kanyang asawa. Yan po ang buod ng kuwento ni Gloria M. Noong nakaraang labas kasamang nailathala ang larawan ni Gloria M.
(Abangan po ninyo ang pagpapatuloy ng kuwento this time ni Mars).
No comments:
Post a Comment