Naglahong parang bula ang anak ni Emerlinda
Sa ngalan ng ina, anak
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)
Sagot sa padalang liham ni Emerlinda
Dear Emerlinda,
At katapusan ng liham ni Emerlinda, ang iniisip ko, gusto niyang hanapin ang kanyang nawawalang anak. Mali pala ako, gusto niyang maghanap ng makakasama habambuhay. Hindi naman masama; unang-una, walang asawa si Emerlinda. Yes...may-anak, pero wala siyang asawa, nakisama siya ng anim na buwan sa ex-convict na nag-rape sa kanya. Ginawa niya iyon dahil sa takot - takot na baka patayin siya anumang oras, dahil ex-convict nga naman. Pero nung nagkaroon siya ng pagkakataon, lumayas siya. Naiwan sa kanya ang ala-ala ng pananamantala ng ex-convict sa kanya! Alam niyo hayaan niyo muna akong ilihis ko kayo ng konte sa gustong mangyari ni Emerlinda; pero sisikapin kong ibalik kayo sa aking payo para sa kanya.
Malaking usapin sa simbahan at estado ang pagpapalaglag (abortion) ng buhay sa sinapupunan ng babae. Patuloy itong pinag-dedebatehan sa simbahan at maging sa makabagong sibilisasyon. Ang mga katanungan ay ang mga sumusunod, paano kung ang ipinagbubuntis mo ay kailanman hindi mo ginusto? Papaano mo ito bubuhayin? Papaano mo ito palalakihin? Sa ilang bansang kanluranin, mayroon na silang sagot sa problemang ganyan. In fact, legal ang pagpapalaglag sa mga tulad ng kaso ni Emerlinda. Kasama diyan syempre, yung pagpapalaglag sa mga hindi plinanong pagbubuntis, mga napatunayang mayroong deformities bago isilang, payag silang i-abort iyon. Kasi idinadahilan nila, kung bubuhayin mo nga naman ang bata, pahihirapan mo pa ang bata, makakatikim pa ng pasakit sa mundong ito.
Pero, ang bagay na ito ay labag sa moralidad at prinsipyong Kristiyano at maging sa Muslim. Hindi ito matuwid sa mata ng tao at ng Diyos. Pero kung mayroong mga bansang nagpapatupad niyan, igalang natin sila. May karapatan sila bilang malayang bansa. Salamat na lamang dahil sa atin, alam kong matagal pa ito bago tanggapin ng ating sibilisasyon. Ika nga, mayroon pa kahit papaanong natitirang konsensiya, tulad ni Emerlinda. Ang buhayin ang inosenteng bata anuman ang kalagayan niya. Kung sakaling mayroong magtangkang itulad ang batas na umiiral sa ibang bansa sa atin, tiyak akong patuloy na bababa ang populasyon ng isang bansa, bababa ang moralidad ng community at marahil pati konsensiya ng tao, tuluyan nang babagsak. Sino pa ang katatakutan ng tao? Wala na!
Si Emerlinda ay iba. Despite the fact na alam niyang hindi niya ginusto ang ipinag-buntis niyang bata, binuhay niya. Pero, nangibabaw ang pagiging tunay na tao ni Emerlinda, kinamuhian niya ang kanyang anak. Pero hindi tayo dapat masurpresa, hindi rin dapat natin siya husgahan. Maliwanag sa kanyang kuwento ang kanyang madilim na nakaraan. Nakita ko sa kanyang kuwento na hanggat maaari, ayaw niyang pag-usapan, pero parte ito ng kanyang buhay. Kaya, paikutin man niya ang kuwento, babalik at babalik siya sa katotohanan --at papaanong maibabahagi sa kanya ang asam niyang payo ng kahit sinong individual kung hindi niya ilalatag ang katotohanan?
Balik siya sa katotohanan na ang kanyang iniluwal sa mundong ito ay parte ng kanyang dugo, nananalaytay ito sa pagkatao ng kanyang anak. At dahil diyan hindi niya maiiwasang maikuwento sa iba ang katotohanang ito.
Mapait sa kanya, pero sa tingin ko ang dahilan niyan ay dahil ayaw mo lang tanggapin ang naganap sa'yong buhay. Emerlinda, hindi kita puedeng digtahan sa kung ano ang dapat o tama sa'yong sitwasyon. Ang sasabihin ko sa'yo ngayon ay aking pakiramdam lamang. Hindi ko sinasabi ito para paniwalaan mo; sinasabi ko ito dahil bahagi ito ng trabaho kong paglingkuran kayo. Nasa iyo kung gustong mong gawin o hindi. Pero babalik ako sa pahiwatig kong mensahe sa unang bahagi pa lamang ng aking pagbibigay payo, hapapin mo ang anak mo! Isa siyang mahalagang bahagi ng buhay mo. Sigurado akong makikita mo pa rin siya. Ang rason kung bakit dis-oriented ka sa buhay ay dahil mayroong nawawala, mayroong kulang, mayroong hindi tama, mayroong kelangan ituwid sa'yong buhay. Nasubukan mo na bang may-naiwan kang isang mahalaga o imporanteng bagay sa bahay? Hindi mo alam kung ano iyon, dis-oriented ka. Pero deep within, mayroon kang hinahanap, mayroong kulang, mayroon kang nawawala. Oras na naalala mo kung ano iyon at iyong nakita, pakiramdam mo nabunutan ka ng tinik, babalik ka sa tamang konsentrasyon. Hindi ba para kayong nanalo ng hindi mabilang na halaga? Ang feeling na iyan ay batid kong naramdaman at patuloy na nararamdaman ni Emerlinda. Merong kulang, mayroong nawawalang bahagi, mahalaga, pero hindi mo alam dahil pilit mong idina-divert ang attention sa ibang bagay.
Sa tingin ko Emerlinda, yung feeling mo na mayroong kulang at ang sagot ay asawa, baka nga mali, baka dahil mayroon lang talagang kulang. At iyan ay walang iba kundi ang iyong anak. Kulang dahil buhay siya ng iyong buhay, dugo siya ng iyong dugo, nananalaytay ang katotohanang galing siya sa'yo, kaya kulang ka, mayroon kang nararamdamang kulang. Hindi mo pa tuluyang naipapadama sa'yong anak ang tunay na pagmamahal. Patunay niyan ang pagmamalupit mo sa kanya noong nasa pangangalaga mo pa siya. Alam kong patuloy mo itong ipinagkakait, kinikimkim mo ang galit, dahil sa ex-convict ang kanyang ama, sabi mo nga. Sa huling bahagi ng iyong liham, naghahanap ka ng makakasama habambuhay. Pero, ang totoo niyan, yung makita mo lang ang iyong anak, at maipadama sa kanya ang iyong pagmamahal bilang ina, sapat na iyon marahil upang sabihin mong kumpleto pala ang iyong buhay. Hindi pala asawa ang kailangan mo - "anak ko ang tunay kong kailangan." Hindi ko inaalis ang karapatan mo sa pag-aasawa. Pero, hangga't hindi mo inaako ang katotohanang mayroon kang anak na dapat na kilalanin, maipadama sa kanya ang tunay na pagmamahal bilang ina, makakita ka man ng makakasama sa buhay, kulang ka pa rin. Dahil mayroong nawawalang bahagi ng iyong katawan. Huwag mong tuluyang burahin sa iyong sisipan ang iyong anak! Hanapin mo siya, ipakilala mo sa kanyang tunay na ama. Alamin mo kung nasaan ang kanyang ama. Buhay pa ba siya? Nag-asawa na ba? O bumalik ulit sa kulungan? Ang mga bagay na iyan ay alam kong hindi mahalaga sa'yo. Pero isa iyang napakahalagang parte sa buhay ng anak mo. Ang makilala ng lubusan ang ina at maramdaman ang pagmamahal niya at makilala ang tunay niyang ama. Nawawala siya, umuwi ka. Hindi mo hinanap, hindi niya kasalanan ang ipanganak sa mundong ito na ikaw ang ina at ex-convict ang kanyang ama. Nagkataon lang po na ipinagkatiwala siya (anak mo) ng Diyos sa'yo. Pinili mong buhayin siya karapatan niya ngayon ang maramdaman ang tunay mong pagmamahal at maging mula sa kanyang tunay na anak.
Hanapin mo muna ang iyong anak, bago mo ituloy ang planong mag-hanap ng makakasama habang-buhay. Who knows baka siya ang sagot sa'yong matagal nang hinahanap.
No comments:
Post a Comment