Sunday, August 26, 2007

Nang magkrus ang landas ng 2 Eva

'Masaya kami at ginagawa namin ang mabuti para sa isat-isa'
Dear Kuya Ben,
May your family and the staff of Filpan be blessed always! I can't imagine I am sharing my life with you and the whole world. Alam kong mayroong mga reaksyon ang ating mga kababayan once na nai-publish mo ito, pero taas noo kong tatanggapin. Tutal nagpakatotoo lang ako at ayaw kong itago ito dahil lamang sa mapanghusgang sambayanan. Ako si Eli dela Cruz, 34 years old. Mayroon akong isang anak at nasa pangangalaga ngayon ng aking magulang. Ginawa ko ang lahat upang magampanan ko ang aking tungkulin sa aking anak at sa aking sarili. Sabi nga nila make the most of your life, after all sandali lang naman tayong mabubuhay sa mundong ito. Sa ngayon masaya akong namumuhay kasama ng aking partner, tawagin natin siyang Joe. Isa siyang lesbian, mali man marahil sa mata ng tao at ng Diyos, pero sa ngayon, dito ako masaya. Siguro destiny ko ito, dahil mayroon din akong dalawang tita na naroroon din sa ganitong kalagayan. Successful naman ang pagsasama nila, bilang mag-asawa. Na-meet ko ang aking partner accidentally. Na-touch ako sa kanya at tila baga lumukso ang aking puso ng makita ko siyang papatawid sa kalsada, nag-sign of a cross siya. Sinundan ko siya at nakipagkilala ako sa kanya. Di ba ang lakas ng loob!
Anyway kung tatanungin mo naman kung mayroon din ba akong mga manliligaw, aba, pinipilihan naman ako, sa kaliwa at kanan, pero naging totoo lang siguro ako sa sarili ko. Ayaw ko kasing pag-aralan ang pagmamahal, gusto ko, yung nararamdaman ko talaga sa puso ko. Actually mayroon ka-live-in si Joe, noong una, pakilala niya, cousin niya, pero ayun, syempre alam ko na ang ibig sabihin noon. Siyam na taon silang nagsama, pero nauwi sa hiwalayan dahil mayroon kasing inililihim si babae, isa pa, ayaw niyang ipakilala si Joe sa iba bilang kanyang partner. Kaya nauunawaan ko si Joe sa kanyang nararamdaman. Doon lalong nahulog ang kalooban ko sa kanya. Hindi naman masama ang loob ng dati niyang partner. In fact siya pa nga ang nag-encourage ng relasyon naming ito ngayon. Alam kong naka-moved-on na rin si Joe. The feeling is mutual, pareho ang aming nararamdaman sa isat-isa. Tinawagan ko ang aking Dad sa Canada noong officially naging kami na. Ang Dad ko, shock siya. Hindi niya akalain na mauuwi rin ako sa sinapit ng mga Aunties ko, pero sabi niya nga sa akin, bakit hindi, kung masaya ako at successful ang pagsasama namin. Kesa naman daw lalaki, na bubugbogin lang ako, pababayaan at pahihirapan pa. Tuloy ang kanyang papel sa akin, hindi siya nakakalimot na bigyan ako ng advice. Ganun din ang Mommy ko. In fact mas-close si Joe sa Mommy ko, kesa sa akin. Nagtatawagan sila na hindi ko alam, basta, dumarating na lang sa akin ang balitang nag-usap sila, kanina, kahapon noong isang araw. Di ba ang saya? Masyadong maalalahanin at supportive ang aking partner, kaya, sa bawat araw, nag-go-grow ang aming relationship. Masaya kami at ginagawa namin ang mabuti para sa isat-isa. Wala na akong hahanapin pa sa relasyon namin. Balak naming mag-sama ng tuluyan bilang mag-asawa . Balak naming umuwi ng Pilipinas kapag-sapat na ang ipon dahil may-plano kaming magkaroon ng business.
Ang tanong ko lang Kuya Ben, bakit mayroong mga taong mapanghusga? Bakit mayroong mga taong pumasok sa ganitong sitwasyon at ikahihiya nila. Ako I am very proud of myself and my partner, bakit kamo, wala naman kaming ginagawang masama sa harapan ng ibang tao, wala kaming ina-agrabyado at wala rin kaming niloloko. Masaya kami na magkasama, kung mayroon mang pananagutan kami sa Diyos, sa amin na iyon, handa naming harapin ang anumang hatol ang ibigay sa amin, dahil sa aming pagmamahalan. Hindi ko ito sinasabi dahil mayroong kaming experience na ganito, honestly, wala! Hindi ganyan ang mundong ginagalawan namin dahil personally at maging siya man, we rebuke it. Ayaw naming bigyang pansin ang mga ganyang bagay. Marami kasi kaming kilala na narito sa ganitong kalagayan na kung hindi man ikahiya, inaalipusta sila ng lipunan. Ayaw ko kaseng niloloko lang nila ang mga tulad nila, ginagamit at kapag natapos na ng pang-gagamit, iiwan.
Kung mayroon kang comment Kuya Ben at maging sa mga readers, buong puso kong tatanggapin. Yun nga lang, buo na ang loob kong hanggang sa huling hininga ng aking buhay, mamahalin ko si Joe unconditionally. Ito ang message ko kay Joe: My ever dearest husband, I just want you to know, I love u so much! Thanks for being a best husband a woman can have.

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Eli
PS> Kuya Ben, lahat ng portion mo sa Buhay at Pag-asa, ginugupit ko at pinadadala ko sa Canada, kasi yung 2 sisters ko, fanatic masyado saÕyo, di ko lang alam kung papaano silang makakakuha ng picture mo. Ikaw na bahala.

Salamat ng marami sayong liham Eli. Kung mapapansin mo, tinakpan ko ang mga mata ninyo, hindi dahil sa ayaw kong i-publish ang mga larawan ninyo, kundi dahil sa protection sa inyong dalawa sa mapanghusgang mundo. Abangan mo ang aking sagot sa susunod na Linggo. Meanwhile, tungkol diyan sa ipinahabol mong mensahe, hindi mo na kailangan pang gupitin ang mga column ko at ipadala sa Canada, madali lamang iyan, i-access mo ang www.buhayatpagasa.blogspot.com. Matutunghayan ninyo diyan ang maraming file ng istorya ng ating mga kababayan na lumabas sa Filipino Panorama. Bukod diyan, mayroong bonus pictures! Kahit saang dako kayo ng mundo, sa Canada man, USA, Pilipinas, Kuwait, kapag naka-online kayo sa Internet, puede ninyong ma-access ang mga kuwento ng ating mga kababayan. Puede niyo ring i-search sa google search engine ang word na 'Buhay at Pag-asa', at matutunghayan ninyo ang aking blogsite. Maraming salamat po!

Saturday, August 18, 2007

BUHAY AT PAG-ASA


(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: http://www.buhayatpagasa.blogspot.com/)

‘I felt neglected by my own country’

Hinaing ng isang ‘disabled’

Dear MM,

Tulad ng naipangako ko sayo, ilalabas ko ngayon ang sagot ni Assistant Labour Attache Elmira Sto Domingo, hinggil sayong ibinahaging kuwento sa Buhay at Pag-asa. Sabi nga ni MM nagtatampo siya sa ating pamahalaan, dahil yung mga ipingakong tulong sa pamamagitan ng POEA ay hindi naman talaga ibinibigay sa mga tulad niyang nagkaroon ng kapansanan. Kung nabasa niyo ang kanyang kuwento, nakakalungkot dahil naospital si MM sa Kuwait, siya ang sumagot ng lahat ng mga gastusin sa ospital. Private pa naman dahil hindi raw nakaya ng Al-Razi sa Sabah ang kanyang sitwasyon. Kaya ipinadala siya sa Moawasat Hospital. Naging okay na siya, subalit kinakailangan niyang magpa-therapy kaya umuwi siya sa Pilipinas. Nung kukunin na niya ang umanoy disability benefit na ipinangako ng POEA, aba'y kulang na lang daw ipagtabuyan siya, habang siya ay naka-wheelchair pa naman daw noong siya ay bumisita sa POEA. Hindi raw lubos maisip ng kabayan nating ito, na sa kabila ng mga pangakong tulong ng gobyerno para sa mga OFW' aba ay wala naman daw talaga palang makukuha. Susubukan daw ni MM na lapitan ang mga tanggapan ng gobyerno kahit na raw si Pangulong Arroyo para masagot ang kanyang tanong sa gobyerno. Uuwi raw siya ng December at gusto niya ng sagot.

Sinubukan ko rin pong ipinadala sa tanggapan ni Kabayang Noli de Castro ang problemang ito ni MM, sa pamamagitan ng email, upang mula sa kanya ay malaman natin ang sagot ng gobyerno sa problema niya. Dahil kung inyong matatandaan, si de Castro po ang consultant ni Arroyo tungkol sa kalakaran ng mga OFWs. Habang hinihintay natin ang sagot ni de Castro o kaya ni Bunye dahil naka-CC (Carbon Copy) po sa kanya ang email ko kay de Castro, heto at ibabahagi ko ang sagot naman ng Labour Representative natin na si Sto Domingo. Of course hindi po ako nangangakong sasagutin iyon, ang mahalaga nag-try tayong ipaabot sa kanya ang problemang tulad ng naging pasanin ni MM. Sakaling wala man MM, ikaw na ang bahalang kumalampag sa kanilang opisina, ipakita mo itong katibayan, na ikaw ay lumapit sa Buhay at Pag-asa program sa Kuwait Times, ipaalam mo rin sa akin ang resulta. Okay?

Ngayon, ibibigay ko ang maikiling sagot ni Assistant Labour Attache Sto Domingo sayong sitwasyon. Pihong mayroong maganda siyang rekomendasyon sayong kinakaharap na problema. Basahin mo ito MM...


Sto Domingo: Sa iyo MM ito ang aking masasabi. Nauunawaan kita sayong kinasasadlakang sitwasyon ngayon. Ginusto mo sanang makuha ang sagot, pero hindi ka pinalad na makuha iyon.
Sang-ayon sa iyong salaysay, ikaw ay naaksidente at naospital at matagal na naratay at patuloy ang iyong therapy hanggang ngayon. Alam mo bago ka sana lumapit sa POEA ay sinagot mo muna ang mga katanungan na ito.
Ako ba ay legitimate OWWA member? Kung ang sagot mo ay oo. Ang susunod na itatanong mo ay, ano ba ang hahabulin kong benepisyo, disability benefit o refund of my medical expenses? Ang sagot mo sa katanungan na ito ang siyang magtuturo sa iyo kung saan kang tanggapan dapat sumangguni kung ikaw ay saklaw or may makukuhang benepisyo bilang OWWA member at anu-ano ang mga kailangan mong dalhin na dokumento.
Ang mahalagang dokumento na dapat mong ipakita ay ang recomendasyon at findings ng medical doctor na gumagamot sa iyo. Simple lamang ang maipapayo ko sa iyo at hindi mo na kailangan ang Wasta o kaya ay gumamit ng lakas ng ibang tao, ikaw ay siguradong aasikasuhin ng tamang ahensya ng pamahalaan na pupuntahan mo. Dalhin mo sa OWWA head office sa Pasay ang lahat ang dokumento ng iyong pagkakasakit at makipagugnayan kay Mr. Almario Cristobal at kung siya ay wala, lapitan mo ang Administrator ng OWWA na si Marianito D. Roque at siguradong tutulungan ka niya sa iyong pangangailangan. Salamat sa iyong pagliham at patuloy kanq sumubavbav sa Buhav at Pagasa ni Kuva Ben.

Elmira Sto Domingo, Assistant Labour Attache.

Sunday, August 12, 2007

BUHAY AT PAG-ASA
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)
‘I felt neglected by my own country’

Hinaing ng isang ‘disabled’

Dear Kuya Ben,

Greetings!
I've been you avid listener/reader since you started. If I'm not mistaken, that was early 2000 when you started a program Buhay at Pag-asa on Filipino radio here. If you may recall, you had read my letters, I'm MM. That was the code name that I had given to myself, with all the poems and letters I have sent. Up to the present I'm still your big fan.
By the way, I'm sorry to learn that your father had passed away. I know you're brave and you can overcome the pain, yes it was really painful, but God is bigger than anybody else and may His consoling power reign with you and your family!
Alam mo disperado ako sa sistema ng ating pamalaan. Nakita ko kasi ang article ni Labor Attache Leopoldo de Jesus (Panorama-July 29) about the services and benefits na ibinibigay ng OWWA once you are a legitimate member. Sa insurance benefits (b. disability and dismemberment benefits). Kung hindi mo man ipagmamadamot, narito po ang buod ng aking kuwento.
Last August 2006, umuwi po ako ng Pilipinas, bago ako umuwi kumuha po ako ng OEC sa Philippine Embassy sa Kuwait. Bumalik din ako after 15 days or so. Then, umuwi ako just after a month or two, that was October 23, 2006 at bumalik po ako dito sa Kuwait Nov. 16, 2006. Sa POEA po ako nag-process ng Balik Manggagawa ko. At hindi po ako pinagbayad ng OWWA kasi valid pa daw po iyon. So, bali ang binayaran ko lang po ay an Philhealth at ang processing fee.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nadisgrasya po ako last Jan. 23, 2007. Na-admit po ako sa Mowasat hospital for 23 days prior to my knee surgery. Hindi po kasi kaya ng Al Razi hospital for some reasons. I paid for the bills.(I had several fractures: clavicle fractures, pelvis factures, broken fibula and my knee was totally damaged). I underwent total KNEE RECONSTRUCTION Surgery which cost me a significant amount of money. After my surgery last Feb. 14, 2007,(same hospital) It's a must to have a therapy in order for me to walk. I did it for a month here in Kuwait. But due to the fact that hospitalization and medication here is very outrageous, I decided to continue my knee therapy in the Philippines, last March 2007 for a month. I went to Ortigas (POEA) as per the advice from the Philippine Embassy here in Kuwait. You know what they told me? I already came home so it means that I'm NOT Disabled anymore. I'm with my brace when I went to POEA, but they gave me that very UNFAIR answer. I showed all my police and medical reports, x-rays, but still nothing has happened. They just throw me out of the seat to entertain another guest. No OPTIONS at all. I felt neglected by my own country, Kuya Ben. I don't know what's the reason behind. Maybe because I don't belong to a known family. I don't have a 'wasta' perhaps like most Kuwaitis do.

I'm going home again this coming December, at gusto kong idulog ang bagay na ito sa Office of the President. Puwede kaya? Kasi alam ko, hindi lang sa akin nangyari at ayaw kong maulit pa ito sa iba pang kapwa Pilipino natin. Sana bigyan din tayo ng pansin lalo na sa aming maliliit na mamamayang Pilipino.

Thanks for your time. I hope na naiintindihan mo kung ano ang nararamdaman ko bilang isang OFW. Minsan tuloy wala na akong tiwala sa ating gobyerno. Magaling lang sila kung sila ang makikinabang, pero kung sa atin nang mga OFWs wala na silang nagagawa, kundi ang mangako at mangako ng wala. Paano na ang mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng nangyari sa akin? Kung mayron kang maipapayong mas mabuti, I will really appreciate it. Maraming Salamat po.

Gumagalang at nagpapasalamat,
MM

Hello MM! Mmmmm..Maraming salamat saÕyong liham. Biruin mo mula 2000 ikaw ay masugid ko nang taga-subaybay ng Buhay at Pag-asa. Thank you very much! Isa lamang ang iyong liham sa mga kababayan nating naghahanap ng kasagutan sa tunay na serbisyong ipinangako ng ating pamahalaan para sa mga OFWs. Gusto kong iparating saÕyo ang katotohanang nai-forward ko na po ang iyong liham sa tanggapan ni Vice President Noli de Castro. Hintayin po natin ang kanyang sagot. Sa mga nagtatanong kung anong paki-alam ni de Castro sa affair ng OFW tulad ni MM. Siya po kase ang ini-appoint ni Pangulong Gloria Arroyo bilang consultant ng OFW affairs, so in a way, nagbaka-sakali po ang programang ito na bigyan niya ito ng pansin. Naka-CC rin po ang message kay Ignacio Bunye, ang ating Press Secretary at Spokesperson ni Pangulong Arroyo. Kung hindi man, kalampagin niyo po sila sa kanilang opisina sa Pilipinas pag-uwi mo ng December. Kung tutuusin, mayroong tamang ahensiyang tutulong saÕyo, nariyan ang OWWA at POEA; pero mas magandang mula sa kanila ay matugunan ang problema mo. Sabi mo nga 'wasta'. Sana maayos ang problemang ganyan, dahil, hindi lamang ikaw ang maaaring mangailangan ng tulong--- maaaring ako, kayo--kayong mga nagbabasa o maraming iba pa at harinawa ay maisaayos ang problemang ganyan.
Hintayin din po ninyo next week ang sagot nina Labor Attache Leopoldo de Jesus o assistant Labor Attache Elmira Sto Domingo. Maraming salamat po!

Saturday, August 04, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Para kaming basang sisiw, walang masandalan, walang mahingahan ng sama ng loob.

'Natutulog ba ang Diyos?'

Dear Danah
,
Kuwento ni Danah ang binigyan diin ng Buhay at Pag-asa last week. Kung hindi po ninyo nabasa ang kanyang kuwento, puede pa rin po ninyo itong ibrowse sa pamamagitan ng aking blog site. Ang address ay nasa-itaas lamang po ng artikulong ito. For the benefit of those who cannot access Internet, ibibigay ko po ang maikling buod ng kanyang kuwento. Ilongga po si Danah at naikuwento niya ang kanilang buhay noong nabubuhay pa ang kanyang ina.
Maganda raw po ang takbo ng kanilang buhay noon, pero nagbago ito nang mamatay sa aksidente ang kanyang ina. Nabundol ito at namatay on the spot. Syempre napakasakit sa kanila ang nangyari at tila baga hindi niya tanggap na sa ganuong kamatayan magwawakas ang buhay ng mabait niyang ina.
Nag-asawang ulit ang kanyang Tatay, pero, napabayaan na silang magkakapatid. Ni hindi raw siya natapos ng pag-aaral. Sabi niya nga sa kanyang kuwento, noong mawala ang kanyang ina, para silang mga basang sisiw. Ni walang mahingahan ng sama ng loob at problema sa buhay. Sa inis niya sa kanyang Tatay, lumayas siya at nakitira sa tiyahin sa Bulacan. Doon ay nangako ang kanyang kamag-anak na pag-aaralin siya, pero inabot daw ng kamanyakan ang tiyuhin niya-- kaya, mula doon lumayas siyang muli at nagtungo sa Maynila. Marami siyang challenges na kinaharap doon, nagtrabaho siya sa Divisoria bilang tindera at doon niya nga nakilala ang kanyang napangasawa. Nagkaroon sila ng apat na anak, pero noong masibak ang asawa sa trabaho, ni hindi na raw ito kumilos pa para mag-hanap ng iba. Kaya nagutom silang mag-anak at doon naman nakapag-isip-isip ni Danah na muling magtrabaho at nakaalis patungo sa ibang bansa. Dalawang taon na raw ngayon si Danah sa Kuwait at halos hindi rind aw nagbago ang kanilang buhay. Minsan, tinatanonmg niya ang Diyos kung kalian sila makakaahon sa hirap ng buhay. Tanong niya nga sa atin. Natutulog ba talaga ang Diyos?
Ang ganda ng kanyang kasaysayan. Iniisip ko---kaya niya naitatanong ito dahil sa pangit na kamatayan ng kanyang ina, o isa lamang iyan marahil. Marami pang nag-sanga-sangang pangyayari na hindi niya nakita kung nasasaan ang Diyos ng mga panahong iyon. Hindi natin maitatangi, na dumarating sa buhay ng tao ang nagtatanong tayo sa presensya ng Diyos. Nasaan kaya siya ng mabundol ang kanyang Nanay, kakampi nila sa buhay at tanging sandalan nila sa panahon ng pangangailanganÑnamatay sa isang gruesome na aksidente. Nasaan ang Diyos ng magbuo sila ng pamilya, dumating ang unos at nawalan ng lakas ang haligi ng tahananÉnagutom ang pamilya. Nasaan ang Diyos? Maraming katanungan na alam kong hindi lang ito tanong ni Danah, kundi tanong na marami sa atin. Nasaan ang nga ba ang Diyos? Natutulog ba ang Diyos? Iyan nga ang tanong ng isang awitin na pinasikat ni Gary Valenciano. Balikan nga natin ang lyrics ng kantang ito. Ang sabi sa kanta:
Bakit kaya, bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang Diyos, natutulog ba?
At ikay ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan, nasaan and iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa, natutulog pa ang Diyos
Natutulog ba?
Chorus:
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw and huhubog sa iyong bukas
Huwag sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayroong halaga sa Kanya.
Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Gawin mo na, kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa 'yo
Hinihintay ka lang, kaibigan
Sa mga panahon ng kahinaan natin, sa mga panahon ng trahedya sa buhay, sa mga panahon ng kawalan, madalas tayong nagtatanong kung nasaan ang Diyos? Pero ang sagot ng kanta, dapat nga ba na ikaw ay maghintay? Maliwanag ang tanong ano po? Bakit kaya, bakit ka pa naghihintay? Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana. Maraming puedeng isama sa tanong na iyan o maraming puedeng ibig ipakahulugan ng tanong na iyan. Tulad na lang halimbawa ng kailangan ba talaga na maghintay tayo ng mga dilubyo sa buhay natin, bago natin ilingon ang sarili sa itaas? Kailangan ba na mayroong mangyari sa buhay pa natin bago tayo umaksyon?
Rekumendasyon ng kanta, gawin mo na kung ano ang nararapat, magsikap ka at magtiwala sa Maykapal, nakahanda ang Diyos na umalalay saÕyo, hinihintay ka lang---kaibigan. Sa totoo lang naaalala natin ang Diyos sa oras ng kasawian. Oo, totoo po iyan! Pero sa oras ng kasaganaan, hindi siya kasali. Pero ang lakas ng loob nating magtanong kung nasaan siya? Hindi lang ito para kay Danah, ito ay para sa ating lahat! Pero ako man ay walang konkreto at akmang sagot sa tanong kung nasaan ang Diyos sa oras ng mga trahedya sa buhay. Alam ko rin pong walang puedeng sumagot ng tanong na iyan. Pero kayang sagutin ng Diyos ang simpleng tanong na iyan. Mayroong sagot ang bibliya sa mga tanong na ganyan. Hindi ko puede i-dis-cuss sa pahayagang ito, pero ini-encourage ko po kayong magbasa ng banal na aklat upang makita natin ang liwanag at ang sagot sa mga katanungang tulad nito. Hinihintay ka lang, kaibigan.