Saturday, August 04, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Para kaming basang sisiw, walang masandalan, walang mahingahan ng sama ng loob.

'Natutulog ba ang Diyos?'

Dear Danah
,
Kuwento ni Danah ang binigyan diin ng Buhay at Pag-asa last week. Kung hindi po ninyo nabasa ang kanyang kuwento, puede pa rin po ninyo itong ibrowse sa pamamagitan ng aking blog site. Ang address ay nasa-itaas lamang po ng artikulong ito. For the benefit of those who cannot access Internet, ibibigay ko po ang maikling buod ng kanyang kuwento. Ilongga po si Danah at naikuwento niya ang kanilang buhay noong nabubuhay pa ang kanyang ina.
Maganda raw po ang takbo ng kanilang buhay noon, pero nagbago ito nang mamatay sa aksidente ang kanyang ina. Nabundol ito at namatay on the spot. Syempre napakasakit sa kanila ang nangyari at tila baga hindi niya tanggap na sa ganuong kamatayan magwawakas ang buhay ng mabait niyang ina.
Nag-asawang ulit ang kanyang Tatay, pero, napabayaan na silang magkakapatid. Ni hindi raw siya natapos ng pag-aaral. Sabi niya nga sa kanyang kuwento, noong mawala ang kanyang ina, para silang mga basang sisiw. Ni walang mahingahan ng sama ng loob at problema sa buhay. Sa inis niya sa kanyang Tatay, lumayas siya at nakitira sa tiyahin sa Bulacan. Doon ay nangako ang kanyang kamag-anak na pag-aaralin siya, pero inabot daw ng kamanyakan ang tiyuhin niya-- kaya, mula doon lumayas siyang muli at nagtungo sa Maynila. Marami siyang challenges na kinaharap doon, nagtrabaho siya sa Divisoria bilang tindera at doon niya nga nakilala ang kanyang napangasawa. Nagkaroon sila ng apat na anak, pero noong masibak ang asawa sa trabaho, ni hindi na raw ito kumilos pa para mag-hanap ng iba. Kaya nagutom silang mag-anak at doon naman nakapag-isip-isip ni Danah na muling magtrabaho at nakaalis patungo sa ibang bansa. Dalawang taon na raw ngayon si Danah sa Kuwait at halos hindi rind aw nagbago ang kanilang buhay. Minsan, tinatanonmg niya ang Diyos kung kalian sila makakaahon sa hirap ng buhay. Tanong niya nga sa atin. Natutulog ba talaga ang Diyos?
Ang ganda ng kanyang kasaysayan. Iniisip ko---kaya niya naitatanong ito dahil sa pangit na kamatayan ng kanyang ina, o isa lamang iyan marahil. Marami pang nag-sanga-sangang pangyayari na hindi niya nakita kung nasasaan ang Diyos ng mga panahong iyon. Hindi natin maitatangi, na dumarating sa buhay ng tao ang nagtatanong tayo sa presensya ng Diyos. Nasaan kaya siya ng mabundol ang kanyang Nanay, kakampi nila sa buhay at tanging sandalan nila sa panahon ng pangangailanganÑnamatay sa isang gruesome na aksidente. Nasaan ang Diyos ng magbuo sila ng pamilya, dumating ang unos at nawalan ng lakas ang haligi ng tahananÉnagutom ang pamilya. Nasaan ang Diyos? Maraming katanungan na alam kong hindi lang ito tanong ni Danah, kundi tanong na marami sa atin. Nasaan ang nga ba ang Diyos? Natutulog ba ang Diyos? Iyan nga ang tanong ng isang awitin na pinasikat ni Gary Valenciano. Balikan nga natin ang lyrics ng kantang ito. Ang sabi sa kanta:
Bakit kaya, bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang Diyos, natutulog ba?
At ikay ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan, nasaan and iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa, natutulog pa ang Diyos
Natutulog ba?
Chorus:
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw and huhubog sa iyong bukas
Huwag sanang akalaing natutulog pa ang Diyos
Ang buhay mo ay mayroong halaga sa Kanya.
Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Gawin mo na, kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa 'yo
Hinihintay ka lang, kaibigan
Sa mga panahon ng kahinaan natin, sa mga panahon ng trahedya sa buhay, sa mga panahon ng kawalan, madalas tayong nagtatanong kung nasaan ang Diyos? Pero ang sagot ng kanta, dapat nga ba na ikaw ay maghintay? Maliwanag ang tanong ano po? Bakit kaya, bakit ka pa naghihintay? Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana. Maraming puedeng isama sa tanong na iyan o maraming puedeng ibig ipakahulugan ng tanong na iyan. Tulad na lang halimbawa ng kailangan ba talaga na maghintay tayo ng mga dilubyo sa buhay natin, bago natin ilingon ang sarili sa itaas? Kailangan ba na mayroong mangyari sa buhay pa natin bago tayo umaksyon?
Rekumendasyon ng kanta, gawin mo na kung ano ang nararapat, magsikap ka at magtiwala sa Maykapal, nakahanda ang Diyos na umalalay saÕyo, hinihintay ka lang---kaibigan. Sa totoo lang naaalala natin ang Diyos sa oras ng kasawian. Oo, totoo po iyan! Pero sa oras ng kasaganaan, hindi siya kasali. Pero ang lakas ng loob nating magtanong kung nasaan siya? Hindi lang ito para kay Danah, ito ay para sa ating lahat! Pero ako man ay walang konkreto at akmang sagot sa tanong kung nasaan ang Diyos sa oras ng mga trahedya sa buhay. Alam ko rin pong walang puedeng sumagot ng tanong na iyan. Pero kayang sagutin ng Diyos ang simpleng tanong na iyan. Mayroong sagot ang bibliya sa mga tanong na ganyan. Hindi ko puede i-dis-cuss sa pahayagang ito, pero ini-encourage ko po kayong magbasa ng banal na aklat upang makita natin ang liwanag at ang sagot sa mga katanungang tulad nito. Hinihintay ka lang, kaibigan.

No comments:

Post a Comment