'Masaya kami at ginagawa namin ang mabuti para sa isat-isa'
Dear Kuya Ben,
May your family and the staff of Filpan be blessed always! I can't imagine I am sharing my life with you and the whole world. Alam kong mayroong mga reaksyon ang ating mga kababayan once na nai-publish mo ito, pero taas noo kong tatanggapin. Tutal nagpakatotoo lang ako at ayaw kong itago ito dahil lamang sa mapanghusgang sambayanan. Ako si Eli dela Cruz, 34 years old. Mayroon akong isang anak at nasa pangangalaga ngayon ng aking magulang. Ginawa ko ang lahat upang magampanan ko ang aking tungkulin sa aking anak at sa aking sarili. Sabi nga nila make the most of your life, after all sandali lang naman tayong mabubuhay sa mundong ito. Sa ngayon masaya akong namumuhay kasama ng aking partner, tawagin natin siyang Joe. Isa siyang lesbian, mali man marahil sa mata ng tao at ng Diyos, pero sa ngayon, dito ako masaya. Siguro destiny ko ito, dahil mayroon din akong dalawang tita na naroroon din sa ganitong kalagayan. Successful naman ang pagsasama nila, bilang mag-asawa. Na-meet ko ang aking partner accidentally. Na-touch ako sa kanya at tila baga lumukso ang aking puso ng makita ko siyang papatawid sa kalsada, nag-sign of a cross siya. Sinundan ko siya at nakipagkilala ako sa kanya. Di ba ang lakas ng loob!
Anyway kung tatanungin mo naman kung mayroon din ba akong mga manliligaw, aba, pinipilihan naman ako, sa kaliwa at kanan, pero naging totoo lang siguro ako sa sarili ko. Ayaw ko kasing pag-aralan ang pagmamahal, gusto ko, yung nararamdaman ko talaga sa puso ko. Actually mayroon ka-live-in si Joe, noong una, pakilala niya, cousin niya, pero ayun, syempre alam ko na ang ibig sabihin noon. Siyam na taon silang nagsama, pero nauwi sa hiwalayan dahil mayroon kasing inililihim si babae, isa pa, ayaw niyang ipakilala si Joe sa iba bilang kanyang partner. Kaya nauunawaan ko si Joe sa kanyang nararamdaman. Doon lalong nahulog ang kalooban ko sa kanya. Hindi naman masama ang loob ng dati niyang partner. In fact siya pa nga ang nag-encourage ng relasyon naming ito ngayon. Alam kong naka-moved-on na rin si Joe. The feeling is mutual, pareho ang aming nararamdaman sa isat-isa. Tinawagan ko ang aking Dad sa Canada noong officially naging kami na. Ang Dad ko, shock siya. Hindi niya akalain na mauuwi rin ako sa sinapit ng mga Aunties ko, pero sabi niya nga sa akin, bakit hindi, kung masaya ako at successful ang pagsasama namin. Kesa naman daw lalaki, na bubugbogin lang ako, pababayaan at pahihirapan pa. Tuloy ang kanyang papel sa akin, hindi siya nakakalimot na bigyan ako ng advice. Ganun din ang Mommy ko. In fact mas-close si Joe sa Mommy ko, kesa sa akin. Nagtatawagan sila na hindi ko alam, basta, dumarating na lang sa akin ang balitang nag-usap sila, kanina, kahapon noong isang araw. Di ba ang saya? Masyadong maalalahanin at supportive ang aking partner, kaya, sa bawat araw, nag-go-grow ang aming relationship. Masaya kami at ginagawa namin ang mabuti para sa isat-isa. Wala na akong hahanapin pa sa relasyon namin. Balak naming mag-sama ng tuluyan bilang mag-asawa . Balak naming umuwi ng Pilipinas kapag-sapat na ang ipon dahil may-plano kaming magkaroon ng business.
Ang tanong ko lang Kuya Ben, bakit mayroong mga taong mapanghusga? Bakit mayroong mga taong pumasok sa ganitong sitwasyon at ikahihiya nila. Ako I am very proud of myself and my partner, bakit kamo, wala naman kaming ginagawang masama sa harapan ng ibang tao, wala kaming ina-agrabyado at wala rin kaming niloloko. Masaya kami na magkasama, kung mayroon mang pananagutan kami sa Diyos, sa amin na iyon, handa naming harapin ang anumang hatol ang ibigay sa amin, dahil sa aming pagmamahalan. Hindi ko ito sinasabi dahil mayroong kaming experience na ganito, honestly, wala! Hindi ganyan ang mundong ginagalawan namin dahil personally at maging siya man, we rebuke it. Ayaw naming bigyang pansin ang mga ganyang bagay. Marami kasi kaming kilala na narito sa ganitong kalagayan na kung hindi man ikahiya, inaalipusta sila ng lipunan. Ayaw ko kaseng niloloko lang nila ang mga tulad nila, ginagamit at kapag natapos na ng pang-gagamit, iiwan.
Kung mayroon kang comment Kuya Ben at maging sa mga readers, buong puso kong tatanggapin. Yun nga lang, buo na ang loob kong hanggang sa huling hininga ng aking buhay, mamahalin ko si Joe unconditionally. Ito ang message ko kay Joe: My ever dearest husband, I just want you to know, I love u so much! Thanks for being a best husband a woman can have.
Gumagalang at Nagpapasalamat,
Eli
PS> Kuya Ben, lahat ng portion mo sa Buhay at Pag-asa, ginugupit ko at pinadadala ko sa Canada, kasi yung 2 sisters ko, fanatic masyado saÕyo, di ko lang alam kung papaano silang makakakuha ng picture mo. Ikaw na bahala.
Salamat ng marami sayong liham Eli. Kung mapapansin mo, tinakpan ko ang mga mata ninyo, hindi dahil sa ayaw kong i-publish ang mga larawan ninyo, kundi dahil sa protection sa inyong dalawa sa mapanghusgang mundo. Abangan mo ang aking sagot sa susunod na Linggo. Meanwhile, tungkol diyan sa ipinahabol mong mensahe, hindi mo na kailangan pang gupitin ang mga column ko at ipadala sa Canada, madali lamang iyan, i-access mo ang www.buhayatpagasa.blogspot.com. Matutunghayan ninyo diyan ang maraming file ng istorya ng ating mga kababayan na lumabas sa Filipino Panorama. Bukod diyan, mayroong bonus pictures! Kahit saang dako kayo ng mundo, sa Canada man, USA, Pilipinas, Kuwait, kapag naka-online kayo sa Internet, puede ninyong ma-access ang mga kuwento ng ating mga kababayan. Puede niyo ring i-search sa google search engine ang word na 'Buhay at Pag-asa', at matutunghayan ninyo ang aking blogsite. Maraming salamat po!
No comments:
Post a Comment