Mga tunay na buhay ng mga Filipino sa Kuwait. Sila ang bida at tauhan sa Buhay at Pag-asa. Programang laan sa ating mga kababayan. Unang sumahimpapawid sa Radyo Pinoy 96.3/Radio Kuwait noong taong-2000, tinangkilik ng libu-libong OFW's. Tumagal sa ere hanggang July 2003. January 2004, nagsimula ang Buhay at Pag-asa bilang lingguhang pitak sa Kuwait Times, kasama ng Filipino Panorama-nagpapatuloy hanggang ngayon... Salamat sa inyong tiwala! Welcome po ang inyong mga opinyon sa column na ito.
Saturday, August 18, 2007
BUHAY AT PAG-ASA
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: http://www.buhayatpagasa.blogspot.com/)
‘I felt neglected by my own country’
Hinaing ng isang ‘disabled’
Dear MM,
Tulad ng naipangako ko sayo, ilalabas ko ngayon ang sagot ni Assistant Labour Attache Elmira Sto Domingo, hinggil sayong ibinahaging kuwento sa Buhay at Pag-asa. Sabi nga ni MM nagtatampo siya sa ating pamahalaan, dahil yung mga ipingakong tulong sa pamamagitan ng POEA ay hindi naman talaga ibinibigay sa mga tulad niyang nagkaroon ng kapansanan. Kung nabasa niyo ang kanyang kuwento, nakakalungkot dahil naospital si MM sa Kuwait, siya ang sumagot ng lahat ng mga gastusin sa ospital. Private pa naman dahil hindi raw nakaya ng Al-Razi sa Sabah ang kanyang sitwasyon. Kaya ipinadala siya sa Moawasat Hospital. Naging okay na siya, subalit kinakailangan niyang magpa-therapy kaya umuwi siya sa Pilipinas. Nung kukunin na niya ang umanoy disability benefit na ipinangako ng POEA, aba'y kulang na lang daw ipagtabuyan siya, habang siya ay naka-wheelchair pa naman daw noong siya ay bumisita sa POEA. Hindi raw lubos maisip ng kabayan nating ito, na sa kabila ng mga pangakong tulong ng gobyerno para sa mga OFW' aba ay wala naman daw talaga palang makukuha. Susubukan daw ni MM na lapitan ang mga tanggapan ng gobyerno kahit na raw si Pangulong Arroyo para masagot ang kanyang tanong sa gobyerno. Uuwi raw siya ng December at gusto niya ng sagot.
Sinubukan ko rin pong ipinadala sa tanggapan ni Kabayang Noli de Castro ang problemang ito ni MM, sa pamamagitan ng email, upang mula sa kanya ay malaman natin ang sagot ng gobyerno sa problema niya. Dahil kung inyong matatandaan, si de Castro po ang consultant ni Arroyo tungkol sa kalakaran ng mga OFWs. Habang hinihintay natin ang sagot ni de Castro o kaya ni Bunye dahil naka-CC (Carbon Copy) po sa kanya ang email ko kay de Castro, heto at ibabahagi ko ang sagot naman ng Labour Representative natin na si Sto Domingo. Of course hindi po ako nangangakong sasagutin iyon, ang mahalaga nag-try tayong ipaabot sa kanya ang problemang tulad ng naging pasanin ni MM. Sakaling wala man MM, ikaw na ang bahalang kumalampag sa kanilang opisina, ipakita mo itong katibayan, na ikaw ay lumapit sa Buhay at Pag-asa program sa Kuwait Times, ipaalam mo rin sa akin ang resulta. Okay?
Ngayon, ibibigay ko ang maikiling sagot ni Assistant Labour Attache Sto Domingo sayong sitwasyon. Pihong mayroong maganda siyang rekomendasyon sayong kinakaharap na problema. Basahin mo ito MM...
Sto Domingo: Sa iyo MM ito ang aking masasabi. Nauunawaan kita sayong kinasasadlakang sitwasyon ngayon. Ginusto mo sanang makuha ang sagot, pero hindi ka pinalad na makuha iyon.
Sang-ayon sa iyong salaysay, ikaw ay naaksidente at naospital at matagal na naratay at patuloy ang iyong therapy hanggang ngayon. Alam mo bago ka sana lumapit sa POEA ay sinagot mo muna ang mga katanungan na ito.
Ako ba ay legitimate OWWA member? Kung ang sagot mo ay oo. Ang susunod na itatanong mo ay, ano ba ang hahabulin kong benepisyo, disability benefit o refund of my medical expenses? Ang sagot mo sa katanungan na ito ang siyang magtuturo sa iyo kung saan kang tanggapan dapat sumangguni kung ikaw ay saklaw or may makukuhang benepisyo bilang OWWA member at anu-ano ang mga kailangan mong dalhin na dokumento.
Ang mahalagang dokumento na dapat mong ipakita ay ang recomendasyon at findings ng medical doctor na gumagamot sa iyo. Simple lamang ang maipapayo ko sa iyo at hindi mo na kailangan ang Wasta o kaya ay gumamit ng lakas ng ibang tao, ikaw ay siguradong aasikasuhin ng tamang ahensya ng pamahalaan na pupuntahan mo. Dalhin mo sa OWWA head office sa Pasay ang lahat ang dokumento ng iyong pagkakasakit at makipagugnayan kay Mr. Almario Cristobal at kung siya ay wala, lapitan mo ang Administrator ng OWWA na si Marianito D. Roque at siguradong tutulungan ka niya sa iyong pangangailangan. Salamat sa iyong pagliham at patuloy kanq sumubavbav sa Buhav at Pagasa ni Kuva Ben.
Elmira Sto Domingo, Assistant Labour Attache.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment