Monday, October 15, 2007

BUHAY At PAG-ASA

Gusto mong maging foster parent?

Mga Anak ni Jessie, ipinamimigay...

Dear Kuya Ben,
Hello po! Ako si Jessi, isang masugid na taga-subaybay ng mga kuwento ng buhay ng ating mga kababayan sa Buhay at Pag-asa. Masaya kami sa tuwing dumarating ang Linggo, kasi nga exciting talaga ang mga kuwento ng ating mga kababayan. Galing din ng payong ibinibigay mo kaya saludo kami sa'yo!
Gusto ko lang mabigyan mo ng mabuting payo ang sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon. Legally married po ako. May apat na anak. Subalit naghiwalay kami ng mister ko dahil sa nambabae siya. Noon, sabi nag-eenjoy lang siya; pero tuluyan na siyang nag-enjoy. Pag-alis ko sa Pilipinas, mayroon na siyang anak sa babae niya at narinig ko ngayon, butis na naman. Ang nakakainis kasi Kuya Ben, ang biyenan ko, sumasali sa problema naming mag-asawa. Pati nga kaibigan niya, kasali rin. In fact, sinasabihan nila ang babae ng asawa ko na huwag iwanan ang mister ko.
Lumipas ang ilang buwan, pumasok ako bilang katulong sa Cebu. Pero ang sahod ay hindi kasiya sa mga anak ko, kaya nagpasiya akong mag-abroad. Sa awa ng Diyos nakarating ako sa Kuwait. Mula ng maghiwalay kami, hindi man lang mabibigyan ng mga pangangailangan ang mga anak ko. Ni hindi man lang mag-abot ng suporta sa mga bata. Mula ng maghiwalay kami ng mister ko, apektado pati ang nanay ko. Lagi siyang inaatake ng sakit sa dibdib, resulta daw iyon ng sobrang pag-iisip. Alam ko lang namang iniisip niya, ako, dahil okay naman ang ilan kong mga kapatid at tatay ko. Lagi niyang sinasabi na naaawa siya sa mga anak ko, dahil wala na nga raw ako doon, wala pa rin ang tatay. Noong March 16, 2007, namatay ang nanay ko, hanggang iyak na lang ako. Hindi naman kasi ako makauwi dahil sa bago lang din ako dito.
Ito ang mga tanong na gusto kong mabigyan mo ng konting kasagutan:
1. Nagsampa ako ng kaso sa korte noong naroon pa ako sa Pinas laban sa asawa ako. Hiningan ako ng abogado ng P20,000, sa ngayon pending ang case. Ano sa tingin mo? Mayroon bang patutunguhan ang kasong iyon laban sa asawa ko? O mas mabuti pang i-drop ko na lang?
2. Kung makukulong ang asawa ko, ilang taon siya sa bilanguan? Makakasama ba ang nangalunyang babae?
3. Yung biyenan ko, puede ba silang isama sa kaso? Dahil sumasama sila sa gulo naming mag-asawa. Pati yung kaibigan niya, kung anu-ano ang sinasabi laban sa akin. Lahat ng kapitbahay namin, galit sa kanila. Pinaaalis nga sila sa baranggay namin dahil masasama ang ugali.
4. Gusto ko sanang bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak ko. Mabubuting anak naman sila; pero nawawalan ako ng pag-asa, dahil kokonti lang kasi ang sahod ko. Sa bawat gabing ginawa ng Diyos, umiiyak ako para sa kanila. Iniwanan kasi ng nanay ko sa kapatid kong pito rin ang anak. Naawa rin ako sa kapatid ko dahil maraming asikasuhin, pati yung mga anak ko. Kuya mayroon bang programa ang ating gobyerno para matulungan naman kami?
5. Kung mayroong gustong mag-asikaso sa mga anak ko, please, tulungan niyo naman kami. Gusto ko silang mapunta sa magandang kalagayan. Hindi ko kayang mag-isa.

Dear Jessie,
Salamat sayong liham. Bibigyan ko ng kasagutan ang inilapit mong tanong sa akin next issue. Pero bago ako mawalan ng space, dako tayo sa question five ni Jessie. Kung saan sa kanyang tingin hindi niya kakayaning buhayin ang apat niyang anak mag-isa. Heto ang paunang payo ko para sa’yo. Puede kang lumapit sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) sa ating bansa-- saan man sa Pilipinas-- pero mas-okay kung sa main office ka lumapit--sa DSWD main Bldg., Constitution Hills, Batasan Complex, Q.C., Philippines. Tel. (632)931-81-01 to 931-81-07. Tumutulong ang DSWD sa mga kababayan natin na wala talagang kakayanang buhayin ang kanilang mga anak. Mayroon din silang bahay na kumakalinga sa mga bata. Pero mangyayari lamang iyan (paglagak sa mga bata) matapos ang masusing imbestigasyon. Kung hindi ka man makapasa sa guidelines ng DSDW, nariyan naman ang mga private institutions na kumakalinga rin sa mga bata. Sa tingin ko, nahihirapan ka dahil nga siguro sa malayo sayo ang mga anak mo, walang nag-aasikaso sa kanila. Liban sa iniwanan mong kapatid na sabi mo nga marami ring anak. Ang lahat ng iyan ay ikukunsidera ng DSWD o kahit na ang anumang pribadong bahay ampunan kung voluntary mo silang pupuntahan at hihingi sa kanila ng saklolo. Mayroon ding tinatawag na foster or guardian care, na sa tingin ko iyan ang gustong mangyari para sa mga anak ni Jessie. Ang foster care ay nangyayari kung ulilang lubos na ang mga anak, inaabuso ng magulang o kamag-anak. Sa pamamagitan ng third party, maaring bahay ampunan, pansamantala nilang iniiwan sa isang pamilya ang mga batang dinadala sa kanila. Ang objective ng foster caring ay upang maipadama sa mga bata ang normal na buhay pamilya. Mayroon Nanay at Tatay na kakalinga at titingin sa kanilang mga pangangailangan. Ibibigay ang mga pangangailangan ng walang kapalit. Ang mga umaaktong foster parents dapat ay yung mayroon ding mga kakayanang ibigay ang pangangailangan ng mga bata. Ang trabaho ng pag-che-check ng background ng mga gustong maging foster parents ay nakaatang sa third party na sinasabi ko (depende kung DSWD, o pribadong home care center). Sa tingin ko kase sa kaso ni Jessie, gusto niyang mayroong pansamantalang mangalaga sa kanyang mga anak, habang siya ay naghahanap buhay. Boluntaryo niyang ipinagkakatiwala ang kanyang anak sa iba dahil gusto niyang mag-trabaho, kumita then eventually, mai-provide ang pangangailangan nila. Suriin natin ang problemang kinasasadlakan ni Jessi, kung bakit niya naisip na pansamantalang ipagkatiwala sa iba ang kanyang mga anak. -Itutuloy.

No comments:

Post a Comment