'Dahil sa mantika, Lucky Girl--isinubsob sa sapa, gustong patayin'
Parusa ng Langit?
Dear Kuya Ben,
I am so grateful saÕyong Buhay at Pag-asa column. Nagbibigay po talaga ito ng inspirasyon sa amin. You make me smile and complete my day! Salamat ng marami. Alam mo, ang mga nabasa kong liham saÕyong programa ang nagbigay sa akin ng inspirasyon upang sumulat ako at ibahagi ko rin saÕyo ang kuwento ng aking buhay. Tawagin mo na lang akong Lucky Girl. Mula po ako sa Visayan province of Iloilo. Medyo may-kaya ang pamilya ko, pero dahil sa binuntis ng tatay ko ang nanay ko, na noon ay 14 years old pa lamang at mag-pinsan pa sila, itinakwil sila ng kanilang mga magulang. Sa Mindanao, itinuloy ng mga magulang ko ang kanilang buhay. Nagkaroon sila ng magandang negosyo, at muling isinilang ang pangalawa at pangatlong miembro ng pamilya. Kahit papaano, nakabangon pa rin ang mga parents ko sa buhay na wala ang mga malalapit na kamag-anakan. Pangalawa po ako sa tatlong magkakapatid. Mula sa aking pagkabata, nakamulatan ko ang magandang buhay. Pero, sa kabila noon, nararamdaman ko ang bigat ng aking mundo, kase po, ako ang sinisisi nila sa pagbagsak ng dating magandang negosyo. Salot sa pamilya ang ipinadarama nila sa akin. Lagi daw akong may-sakit at nasa-ospital, kaya naman naubos na halos ang kanilang kabuhayan sa akin. Wala silang magawa dahil ang salot o mikrobyong kumapit sa kanila ay nananalaytay ang dugong mula rin sa kanila. Dahil diyan, ipinamigay ako ng parents ko sa tiyahing malapit sa kanila. Sa kanila ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Pero Grade 3 pa lamang ako, kinukuha na akong muli ng Tatay ko. Umabot sa kapitan ang usapin sa kung sino ang may-karapatan sa akin. Nanalo ang Tatay ko, pero, alam kong ang purpose niya lang ay para pakinabangan ako sa mga gawain sa bahay at kung anu-ano pa. Sa murang edad Kuya Ben, banat na ang aking buto. Lahat sila, utos dito Ð utos doon, hindi ko nga maramdaman na kapatid nila ako o anak nila ako, para akong alila o utusang walang kuwenta. Buti kung utos lang, kadalasan, may-kasamang tadyak at suntok pa. Ang sama ng pakiramdan ko sa kanila, pero ano ang gagawin ko, salot daw nga ako sa pamilya nila. Naaalala ko pa nga, noong Grade five ako, pinabili ako ng Tatay ko ng mantika, aksidenteng natapon ko ito. Ang ginawa ni Tatay, kinuha niya ako sa bahay, dinala niya ako sa sapa, hindi ko alam kung gusto niya akong patayin, pero parang ganun na nga, isinubsob niya ako sa sapa at pinagpapalo. Buti na lang at nakita kami ng tiyahin namin at pinagalitan si Tatay. -Itutuloy
Mga tunay na buhay ng mga Filipino sa Kuwait. Sila ang bida at tauhan sa Buhay at Pag-asa. Programang laan sa ating mga kababayan. Unang sumahimpapawid sa Radyo Pinoy 96.3/Radio Kuwait noong taong-2000, tinangkilik ng libu-libong OFW's. Tumagal sa ere hanggang July 2003. January 2004, nagsimula ang Buhay at Pag-asa bilang lingguhang pitak sa Kuwait Times, kasama ng Filipino Panorama-nagpapatuloy hanggang ngayon... Salamat sa inyong tiwala! Welcome po ang inyong mga opinyon sa column na ito.
Sunday, December 30, 2007
Sunday, December 23, 2007
'Makinang na buhay, nalambungan ng madilim na ulap'
Pag-ibig na walang dangal
Si Rasmia ng Cotabato ang ating letter sender last Sunday. Para sa mga hindi nabasa ang kanyang kuwento, siya po ay humihingi ng payo sa kanyang naging sitwasyon. Mayroon siyang asawa sa Pinas, pero nung narito siya sa Kuwait, nabalitaan niyang nag-asawa ang kanyang mister ng iba. Pareho silang Muslim. Kung tutuusin mayroong kalayaan ang Muslim na lalaki na mag-asawa ng hanggang apat, pero iyan ay sa ilalim ng maraming kundisyon. Sa aking pang-unawa, kaalamang aking natuklasan noong akoÕy nasa radio pa kasama si Ustaz Abdulhadi Gumander, Preacher ng Islamic faith, unang-una, makakapag-asawa ang lalaki o babae kung namayapa na ang unang asawa, pangalawa ay kung incapacitated ang babae na magbigay ng anak, pangatlo ay kung papayag ang kanyang unang asawa na muli siyang mag-asawa ng iba. Iyan ay sang-ayon sa mga nalaman kong katotohanan sa mga aral Muslim, sa pamamagitan ni Ustaz Abdulhadi Gumander. Ilan lamang iyan sa mga natandaan kong kundisyon. Kung mayroon pa o kung hindi man tugma o tamang lahat ang nabanggit kong rason, humihingi ako ng pang-unawa.
So ang rason na malayo o wala kase si babae, o si Rasmia, ng mag-asawang muli ang kanyang asawa ay hindi makatarungan para sa kanyang asawang si Rasmia, na nangibang bansa. Una, dahil hindi man lang siya in-inform sa balak ng lalaking muling mag-asawa. Mahalaga sa babaeng Muslim ang malaman ang rason kung bakit kinakailangan ng lalaki na mag-asawang muli.
Kung hindi iyon nagawa ng asawa ibig sabihin lumabag siya sa family code ng mga Muslim. Kung tutuusin, umalis si Rasmia sa Pinas, baon ang kanyang pag-asang matulungan kahit manawari ang kanyang asawa upang buhayin ang apat na anak. Pumayag ang lalaki na lumayo si Rasmia upang magtrabaho at makatulong sa pamilya. So mayroong karapatang magtanong si Rasmia, kung bakit ganun ang ginawa ng kanyang asawa.
Sa kalagayan ngayon ni Rasmia, na umibig muli, hindi ko masasagot ng tuwiran ang kanyang katanungan kung mayroon ba siyang karapatang umibig muli. Kase po sa relihiyong Muslim, iba ang patakaran lalo na sa kalayaan ng mga babae. Mayroon akong kinausap na Muslim na babae, ang sabi niya sa akin, sa kanila, kung nag-asawa na raw po ang lalaki, mayroon nang karapatan si babae na umibig muli. Pero papasok daw ang problema, lalo na kung ang lalaki, hindi pumayag na mag-asawang muli si babae. Kase, sa mata raw po ng mga Muslim, asawa pa rin ni lalaki si babae, at hindi siya dapat mag-asawang muli. Pumapasok daw sa usaping ganyan ang honor killing, kung saan, mayroong kalayaan ang lalaking patayin ang babae kung naki-apid ito sa iba.
So sa tanong mo Rasmia, kung mayroon ka bang karapatang umibig muli, mas-maganda sigurong kumunsulta ka sa iyong mga nakakatanda sa kumunidad. Tiyak na mas-lalong maliwanag ang isyu mo, kung sasangguni ka sa kanila. Inaamin kong salat ang kaalaman ko tungkol sa inyong paniniwala, kung usapin iyan may-kinalaman sa paniniwalang Kristyano, mas-madali kitang paliwanagan, dahil wala akong gaanong iniisip na pananagutan at malaya akong talakayin ang usaping ganyan, huwag lamang mapunta sa usaping legal dahil mayroon ding limit ang aking kaalaman.
Ayaw ko pong manghimasok sa inyong pinaniniwalaang relihiyon. Kung sa usapin ng mga Kristyano, malaya kong tatalakayin iyan isa-isa.
Makikita niyo sa larawan si Rasmia, inilabas ko ang kanyang larawan sapagkat alam kong wala naman siyang nilabag na kautusan. Oo mayroon siyang nagustuhan, pero, iyong lalaki ay nagustuhan niya, matapos na ngang mag-asawa ng iba ang lalaki o ang dati niyang mister. Ang maganda kay Rasmia, at least siya, nagtanong siya kung tama nga bang umibig pa siyang muli. Hindi mo rin maiaalis kay Rasmia na umibig muli, tao siya at mayroong pusong handang suungin ang panibagong mundo ng pag-ibig na minsan nang nanakit at naglagay sa kanya sa hinagpis at kabiguan. Muling kumatok ang puso, wala ba siyang karapatang umibig muli? Sa matuwid na pananaw, Muslim ka man o hindi, babae ka man o lalaki, kung malaki na ang lamat at wala nang paraan, sa Muslim sa Pinas, legal ang divorce, sa Kristyano, pinapayagan ang annulment. So kung gustong mag-asawang muli, para sa akin, i-settle ang lahat na mga balakid na maaaring mag-block sa inyong gustong gawin o susunod na hakbangin. Kung mangyayari iyan, malinis ang susunod na hakbang sa inyong panibagong susuunging buhay pag-ibig.
Once na nai-settle ninyo ang usaping legal hindi lang kaligayahan ninyo ang maise-settle, bagkos kaligayahan at usapin ng inyong mga supling.
Muli kong inuulit, hindi po malawak ang aking kaalaman sa paniniwalang Muslim. Puede po akong magkamali at ang inyong pang-unawa ang siya kong hiling. Sinagot ko ang liham ni Rasmia sa abot ng aking makakaya. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik! Happy Eid, Merry Christmas at Manigong Bagong Taon sa lahat!
(Sa mga gustong balikan ang padalang liham na nai-publish ng Filipino Panorama last week, puede po ninyong i-browse ang aking blogsite: www.buhayatpagasa.blogspot.com . Samantala, sa padalang liham ni Ms Adela Lopez, hintay lamang po sa kasagutan dahil tulad ng binanggit ko sa'yo, ito ay usaping legal na kailangan ang opinion ng experto. Naipadala ko na sa pamamagitaan ng email ang iyong liham sa isang abogado at kasalukuyan kong hinihintay ang kanyang sagot. Maraming salamat po!)--Ben Garcia

Sunday, December 16, 2007
BUHAY AT PAG-ASA
'Makinang na buhay, nalambungan ng madilim na ulap'
Pag-ibig na walang dangal
Dear Kuya Ben,
Tawagin mo na lang akong Rasmia. Sa hirap ng buhay, hindi ko natapos ang secondary. Sampu kaming magkakapatid. Ako ang bunso at ako rin ang walang natapos. Isang araw noon, dumating ang matinding pagsubok sa aming pamilya, namatay ang aming ama. Magmula noon ang dating makinang na pamumuhay biglang nalambungan ng madilim na ulap. Nagkanya-kanya kaming magkakapatid upang matustusan ang pag-aaral. Pero kapos pa rin talaga sa buhay. Nasa murang edad pa ako noon pero sinuong ko na rin ang pagta-trabaho. Iniwan ko ang Cotabato, baon ang pag-asang matatagpuan ko rin ang liwanag ng buhay sa dako paroon. Nakitira ako sa aking Kuya, wala man akong alam sa pasikot-sikot sa Maynila, hindi iyon naging hadlang upang hindi makahanap ng trabaho. Naging factory worker ako sa Quezon City, taga-bilang ng karton ng mga exported products sa may bandang Veterans Village.
Pinaghusay ko ang trabaho, dahilan upang gumaan sa akin ang loob ng aking supervisor. Marami nang tinatanggal sa trabaho, ayun at naroon pa rin ako. Sa trabahong iyon, nakaipon ako ng pera, hinikayat ko ang nanay na samahan ako sa Maynila. 19 years old ako nang tumibok ang aking puso sa isang lalaking pinag-alayan ko ng aking sarili. Sa matuling takbo ng panahon, nagkaroon din kami ng dalawang anak. Sa pagdaan ng panahon, kahirapan pa rin ang patuloy na sumasalamin sa aming pagsasama. Hanggang sa mapagpasiyahan naming bumalik sa probinsiya. Masipag kung tutuusin ang aking kabiyak, ulirang asawa, at sa konting kita, naipundar namin ang aming munting tahanan. Sa hindi pagtigil ng orasan, at pagsalubong sa bagong umaga, dalawa pang sanggol ang muling dumagdag sa pamilya, apat na ang nagging anak namin. Nakakaraos pa rin kami kahit papaano, pero hikahos parin ang puedeng salitang ikabit doon. Tutol man ang asawa ko, inisip kong ito marahil ang puedeng makatulong sa amin.
Taong 2004, iniwan ko ang pamilya upang makibaka sa ibayong dagat. Sa Kuwait ako bumagsak. Sa ilalim ng employer na sala-sa-init sala-sa-lamig. Tiniis ko iyon Kuya Ben. Sa una, halos araw-araw ang dating ng liham, naging linguhan; pero dumating din ang panahon na naging buwanan at minsan pa nga wala din sa isang buwan. Mayroong kirot na nararamdaman ako sa puso ko; pero hindi ko iyon ininda, sapagkat alam kong ang buhay ay talagang ganito.
Isang umaga, natanggap ko ang tawag ng aking Inay. Malungkot man ang balita; pero iyon marahil ang dahilan kung bakit sinadya niyang tumawag sa akin. Ang dalang balita, isang buwang kasal na raw ang aking asawa sa ibang babae. Dumilim ang aking paningin. At tila baga isa akong kandilang nawalan ng liwanag. Tatlong buwan ko ring ipinagluksa ang aking asawa. Tinanong ko rin ang aking asawa kung bakit nagawa niyang magtaksil sa akin. Ang sagot niya, wala ako, malayo ako sa piling niya. Hindi ko raw maibigay ang gusto niya. Sa awa ni Allah, dininig niya ang aking dalangin. Binigyan niya ako ng ibayong lakas upang mapaglabanan ang buhay at pakikibaka.
Sa ilalim ng kalungkutan, nakilala ko ang isang lalaking muling nagpatibok ng aking puso, isa ring Pinoy. Noong una, akala ko friend lang kami. Pero nung tumagal, patuloy na lumalapit ang loob ko sa kanya. Inilihim ko ang aking tunay na buhay, dahil inakala kong hindi naman kami magtatagal. Dumating ang panahong nagtapat siya ng pag-ibig sa akin; at handa niya raw akong pakasalan. Imbes na kaligayahan ang sagot, namutawi sa aking buong pagkatao ang pagkalungkot at pagkabahala, dahil alam ko, mayron akong lihim na itinatago sa kanya. Matapos ang pag-uusap na iyon ng harapan, muli ko siyang tinawagan sa telepono, umiiyak akong nagtapat sa aking tunay na buhay. Naunawaan naman niya ako; pero ako, halata kong nagkaroon ng lamat sa aming pagtitinginan. Ang dating mainit na usapan, unti-unting lumamig at nararamdaman kong nalulusaw. Mas lalo akong nasaktan nang sabihin niyang mahal niya pa rin ang dati niyang nobya. Masakit man, naipayo ko sa kanyang sundin ang bulong ng kanyang puso.
Kuya sa kalagayan ko, mali bang umibig? Mali bang ibigin siya ng buong-buo? Sa una kong pag-ibig, ano ba ang nararapat gawin?
Gumagalang at nagpapasalamat,
Rasmia
Abangan Rasmia ang aking sagot next week. Samantala, sa padalang liham ni Ms Adela Lopez, hintay lamang po sa kasagutan dahil tulad ng binanggit ko sa'yo, ito ay usaping legal na kailangan ang opinion ng legal expert. Naipadala ko na sa pamamagitaan ng email ang iyong liham, at kasalukuyan kong hinihintay ang sagot. Maraming salamat po!--Ben Garcia

Sunday, December 02, 2007
Mga legal na sagot, abangan next week
Pangamba sa lupang hinirang
Dear Kuya Ben,
Magandang araw po sayo at sa lahat ng readers ng sikat-na-sikat na palatuntunang Buhay at Pag-asa. Mayroon lang po akong katanungan sayo, sana mabigyan mo ng kalutasan. 1974 ng patirahin kami ng may-ari ng lupa na kasalukuyan ngayong kinatitirikan ng bahay namin. Sa loob ng 33 years, ni hindi na dumalaw ang may-ari o nagpakita man lang sa amin. Pero isang araw - kamakailan lang - dumating ang anak ng may-ari. Ang sabi sa amin, patay na raw ang tatay niya. Siya ang bagong may-ari ng lupa. Ang bilin sa amin, kailangan daw bayaran namin ang lupa na kinatatayuan ng bahay namin, kung hindi, paaalisin daw kami sa lupang iyon.
Tanong
1. Kailangan ba talagang umalis kami sa lupang iyon o bayaran na lang ang pagtira namin doon? 33 years na kaming tenant sa lupang iyon na may-ari mismo ang nagsabing tumira kami doon.
2. May nagsabi rin na maaaring tamaan ng kalsada ang lupang kinatitirikan ng bahay naming. Maaari ba iyong gibain na lang ng walang bayad o relokasyon?
Maraming salamat po
Adela Lopez
Maraming salamat Adela. Dahil sa ang concern mo ay may kinalaman sa usaping legal, minabuti ko pong ilapit iyan sa expert. Ilalahad ko ang kanyang tugon next week, so hintay ka lamang Aling Adela.

Subscribe to:
Posts (Atom)