'Dahil sa mantika, Lucky Girl--isinubsob sa sapa, gustong patayin'
Parusa ng Langit?
Dear Kuya Ben,
I am so grateful saÕyong Buhay at Pag-asa column. Nagbibigay po talaga ito ng inspirasyon sa amin. You make me smile and complete my day! Salamat ng marami. Alam mo, ang mga nabasa kong liham saÕyong programa ang nagbigay sa akin ng inspirasyon upang sumulat ako at ibahagi ko rin saÕyo ang kuwento ng aking buhay. Tawagin mo na lang akong Lucky Girl. Mula po ako sa Visayan province of Iloilo. Medyo may-kaya ang pamilya ko, pero dahil sa binuntis ng tatay ko ang nanay ko, na noon ay 14 years old pa lamang at mag-pinsan pa sila, itinakwil sila ng kanilang mga magulang. Sa Mindanao, itinuloy ng mga magulang ko ang kanilang buhay. Nagkaroon sila ng magandang negosyo, at muling isinilang ang pangalawa at pangatlong miembro ng pamilya. Kahit papaano, nakabangon pa rin ang mga parents ko sa buhay na wala ang mga malalapit na kamag-anakan. Pangalawa po ako sa tatlong magkakapatid. Mula sa aking pagkabata, nakamulatan ko ang magandang buhay. Pero, sa kabila noon, nararamdaman ko ang bigat ng aking mundo, kase po, ako ang sinisisi nila sa pagbagsak ng dating magandang negosyo. Salot sa pamilya ang ipinadarama nila sa akin. Lagi daw akong may-sakit at nasa-ospital, kaya naman naubos na halos ang kanilang kabuhayan sa akin. Wala silang magawa dahil ang salot o mikrobyong kumapit sa kanila ay nananalaytay ang dugong mula rin sa kanila. Dahil diyan, ipinamigay ako ng parents ko sa tiyahing malapit sa kanila. Sa kanila ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Pero Grade 3 pa lamang ako, kinukuha na akong muli ng Tatay ko. Umabot sa kapitan ang usapin sa kung sino ang may-karapatan sa akin. Nanalo ang Tatay ko, pero, alam kong ang purpose niya lang ay para pakinabangan ako sa mga gawain sa bahay at kung anu-ano pa. Sa murang edad Kuya Ben, banat na ang aking buto. Lahat sila, utos dito Ð utos doon, hindi ko nga maramdaman na kapatid nila ako o anak nila ako, para akong alila o utusang walang kuwenta. Buti kung utos lang, kadalasan, may-kasamang tadyak at suntok pa. Ang sama ng pakiramdan ko sa kanila, pero ano ang gagawin ko, salot daw nga ako sa pamilya nila. Naaalala ko pa nga, noong Grade five ako, pinabili ako ng Tatay ko ng mantika, aksidenteng natapon ko ito. Ang ginawa ni Tatay, kinuha niya ako sa bahay, dinala niya ako sa sapa, hindi ko alam kung gusto niya akong patayin, pero parang ganun na nga, isinubsob niya ako sa sapa at pinagpapalo. Buti na lang at nakita kami ng tiyahin namin at pinagalitan si Tatay. -Itutuloy
No comments:
Post a Comment