'Makinang na buhay, nalambungan ng madilim na ulap'
Pag-ibig na walang dangal
Si Rasmia ng Cotabato ang ating letter sender last Sunday. Para sa mga hindi nabasa ang kanyang kuwento, siya po ay humihingi ng payo sa kanyang naging sitwasyon. Mayroon siyang asawa sa Pinas, pero nung narito siya sa Kuwait, nabalitaan niyang nag-asawa ang kanyang mister ng iba. Pareho silang Muslim. Kung tutuusin mayroong kalayaan ang Muslim na lalaki na mag-asawa ng hanggang apat, pero iyan ay sa ilalim ng maraming kundisyon. Sa aking pang-unawa, kaalamang aking natuklasan noong akoÕy nasa radio pa kasama si Ustaz Abdulhadi Gumander, Preacher ng Islamic faith, unang-una, makakapag-asawa ang lalaki o babae kung namayapa na ang unang asawa, pangalawa ay kung incapacitated ang babae na magbigay ng anak, pangatlo ay kung papayag ang kanyang unang asawa na muli siyang mag-asawa ng iba. Iyan ay sang-ayon sa mga nalaman kong katotohanan sa mga aral Muslim, sa pamamagitan ni Ustaz Abdulhadi Gumander. Ilan lamang iyan sa mga natandaan kong kundisyon. Kung mayroon pa o kung hindi man tugma o tamang lahat ang nabanggit kong rason, humihingi ako ng pang-unawa.
So ang rason na malayo o wala kase si babae, o si Rasmia, ng mag-asawang muli ang kanyang asawa ay hindi makatarungan para sa kanyang asawang si Rasmia, na nangibang bansa. Una, dahil hindi man lang siya in-inform sa balak ng lalaking muling mag-asawa. Mahalaga sa babaeng Muslim ang malaman ang rason kung bakit kinakailangan ng lalaki na mag-asawang muli.
Kung hindi iyon nagawa ng asawa ibig sabihin lumabag siya sa family code ng mga Muslim. Kung tutuusin, umalis si Rasmia sa Pinas, baon ang kanyang pag-asang matulungan kahit manawari ang kanyang asawa upang buhayin ang apat na anak. Pumayag ang lalaki na lumayo si Rasmia upang magtrabaho at makatulong sa pamilya. So mayroong karapatang magtanong si Rasmia, kung bakit ganun ang ginawa ng kanyang asawa.
Sa kalagayan ngayon ni Rasmia, na umibig muli, hindi ko masasagot ng tuwiran ang kanyang katanungan kung mayroon ba siyang karapatang umibig muli. Kase po sa relihiyong Muslim, iba ang patakaran lalo na sa kalayaan ng mga babae. Mayroon akong kinausap na Muslim na babae, ang sabi niya sa akin, sa kanila, kung nag-asawa na raw po ang lalaki, mayroon nang karapatan si babae na umibig muli. Pero papasok daw ang problema, lalo na kung ang lalaki, hindi pumayag na mag-asawang muli si babae. Kase, sa mata raw po ng mga Muslim, asawa pa rin ni lalaki si babae, at hindi siya dapat mag-asawang muli. Pumapasok daw sa usaping ganyan ang honor killing, kung saan, mayroong kalayaan ang lalaking patayin ang babae kung naki-apid ito sa iba.
So sa tanong mo Rasmia, kung mayroon ka bang karapatang umibig muli, mas-maganda sigurong kumunsulta ka sa iyong mga nakakatanda sa kumunidad. Tiyak na mas-lalong maliwanag ang isyu mo, kung sasangguni ka sa kanila. Inaamin kong salat ang kaalaman ko tungkol sa inyong paniniwala, kung usapin iyan may-kinalaman sa paniniwalang Kristyano, mas-madali kitang paliwanagan, dahil wala akong gaanong iniisip na pananagutan at malaya akong talakayin ang usaping ganyan, huwag lamang mapunta sa usaping legal dahil mayroon ding limit ang aking kaalaman.
Ayaw ko pong manghimasok sa inyong pinaniniwalaang relihiyon. Kung sa usapin ng mga Kristyano, malaya kong tatalakayin iyan isa-isa.
Makikita niyo sa larawan si Rasmia, inilabas ko ang kanyang larawan sapagkat alam kong wala naman siyang nilabag na kautusan. Oo mayroon siyang nagustuhan, pero, iyong lalaki ay nagustuhan niya, matapos na ngang mag-asawa ng iba ang lalaki o ang dati niyang mister. Ang maganda kay Rasmia, at least siya, nagtanong siya kung tama nga bang umibig pa siyang muli. Hindi mo rin maiaalis kay Rasmia na umibig muli, tao siya at mayroong pusong handang suungin ang panibagong mundo ng pag-ibig na minsan nang nanakit at naglagay sa kanya sa hinagpis at kabiguan. Muling kumatok ang puso, wala ba siyang karapatang umibig muli? Sa matuwid na pananaw, Muslim ka man o hindi, babae ka man o lalaki, kung malaki na ang lamat at wala nang paraan, sa Muslim sa Pinas, legal ang divorce, sa Kristyano, pinapayagan ang annulment. So kung gustong mag-asawang muli, para sa akin, i-settle ang lahat na mga balakid na maaaring mag-block sa inyong gustong gawin o susunod na hakbangin. Kung mangyayari iyan, malinis ang susunod na hakbang sa inyong panibagong susuunging buhay pag-ibig.
Once na nai-settle ninyo ang usaping legal hindi lang kaligayahan ninyo ang maise-settle, bagkos kaligayahan at usapin ng inyong mga supling.
Muli kong inuulit, hindi po malawak ang aking kaalaman sa paniniwalang Muslim. Puede po akong magkamali at ang inyong pang-unawa ang siya kong hiling. Sinagot ko ang liham ni Rasmia sa abot ng aking makakaya. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik! Happy Eid, Merry Christmas at Manigong Bagong Taon sa lahat!
(Sa mga gustong balikan ang padalang liham na nai-publish ng Filipino Panorama last week, puede po ninyong i-browse ang aking blogsite: www.buhayatpagasa.blogspot.com . Samantala, sa padalang liham ni Ms Adela Lopez, hintay lamang po sa kasagutan dahil tulad ng binanggit ko sa'yo, ito ay usaping legal na kailangan ang opinion ng experto. Naipadala ko na sa pamamagitaan ng email ang iyong liham sa isang abogado at kasalukuyan kong hinihintay ang kanyang sagot. Maraming salamat po!)--Ben Garcia
Tunay nga bang makapangyarihan ang pag-ibig?
ReplyDeleteGaano nga ba ito kalakas? Gaano nga ba ito katapang upang ipaglaban niya ang kanyang umiibig na emosyon? Nandadaya nga ba ito? Bakit kung minsan na akala mmung sya na ay magigising kanalang sa katotohanan na isa lang pala siyang malaking kasinungalingan ng iyong puso, dahil nakita nito sa iba ang kanyang tunay na ligaya? Bakit kayang maghintay ng pag-ibig? Bakit kahit sa tagal ng iyong pagkawalay, at malapit mo na siyang makalimutan ay dumarating parin ang panahon nababalik ka sa kanya? Bakit sa higpit na ng iyong pagsikilsa iyung isipan, kilos at damdamin ay kaya nitong luwagan ang kadina ng iyung puso upang tanggapinat tumbasan ang pag-ibig na inalay niya sa iyo? Bakit mo siya minamahal ng lubos, nakahit langit at lupa ay kaya mung pagdikitin?lumigaya lang ang iyung minamahal? Bakit sa madugung digmaan ng dalawang malalakas at matatapang na mandirigma, ay pag-ibig ang dahilan? At bakit pag-ibig lang din ang tumapos sa kanilang hidwaan at digmaan? Bakit ka nasasaktang ng pag-ibig? Bakit napapaiyak o napapaligaya nito ang pinakamalakas na tao sa mundo? Bakit kailangan mo pang magdusa makamtan lang ang tunay na pag-ibig? Bakit nawawala ka sa iyung sarili kapag nawala sa iyo ang isang pag-ibig? Bakit hindi ka mahal ng iba kung wala ka nito? Bakit kung minsan ay handa mung ialay ang iyung natatanging pag-ibig mapaligaya lang ang iba? Bakit hindi ka nasasaktan o nahihirapan kahit parang parusa ang iyung dinaraanan para lang sa pag-ibig? Bakit kahit wala na siya’y, lalo pang lumalakas ang pag-ibig na inialay mo para sa kanya? Kung lahat ng tao sa mundo ay may pag-ibig, bakit kulang sa pagmamahal ang kabuuan ng mundo? Bakit parang walang pag-ibg ang nadarama ng bawat isa? At ikaw, may pag-ibig kanaba? Natagpuan muna ba? ang iyung tunay na pag-ibig? Ano nga bva ang tunay na ibig sabihin ng salitang PAG-IBIG? At bakit marami itong kahulugan? At higit sa lahat, Paano, at bakit nabuo ang salitang pag-ibig?????? SALAMAT PO…..