Mga legal na sagot, abangan next week
Pangamba sa lupang hinirang
Dear Kuya Ben,
Magandang araw po sayo at sa lahat ng readers ng sikat-na-sikat na palatuntunang Buhay at Pag-asa. Mayroon lang po akong katanungan sayo, sana mabigyan mo ng kalutasan. 1974 ng patirahin kami ng may-ari ng lupa na kasalukuyan ngayong kinatitirikan ng bahay namin. Sa loob ng 33 years, ni hindi na dumalaw ang may-ari o nagpakita man lang sa amin. Pero isang araw - kamakailan lang - dumating ang anak ng may-ari. Ang sabi sa amin, patay na raw ang tatay niya. Siya ang bagong may-ari ng lupa. Ang bilin sa amin, kailangan daw bayaran namin ang lupa na kinatatayuan ng bahay namin, kung hindi, paaalisin daw kami sa lupang iyon.
Tanong
1. Kailangan ba talagang umalis kami sa lupang iyon o bayaran na lang ang pagtira namin doon? 33 years na kaming tenant sa lupang iyon na may-ari mismo ang nagsabing tumira kami doon.
2. May nagsabi rin na maaaring tamaan ng kalsada ang lupang kinatitirikan ng bahay naming. Maaari ba iyong gibain na lang ng walang bayad o relokasyon?
Maraming salamat po
Adela Lopez
Maraming salamat Adela. Dahil sa ang concern mo ay may kinalaman sa usaping legal, minabuti ko pong ilapit iyan sa expert. Ilalahad ko ang kanyang tugon next week, so hintay ka lamang Aling Adela.
No comments:
Post a Comment