'Ikaw ang hahango sa sarili mo'
Mapag-larong tadhana l
Dear Kuya Ben,
Ako po si Nuria, (di niya tunay na pangalan, itinago ko ang kanyang pangalan for her safety ) tubong Marawi City at dating nag-aaral sa Mindanao State University. Sa hirap ng buhay, kahit public school, hindi nakayanan ng mga magulang ko ang pag-aralin ako. Kaya eventually, natigil din ako sa pag-aaral. Naingganyo naman ako ng ilang kakilala upang mangibang bansa. Edad ko 19 ng tuluyan akong lumisan sa Pilipinas upang suungin ang magulo at mahirap na buhay abroad. Puno ako ng pag-asa ng lisanin ko ang aming bayan sa Marawi. Hinangad kong makatulong sa pamilya at maiahon ang aking mga mahal sa buhay sa kahirapan. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Biruin mo, naka-limang amo po ako. Unang amo ko, ang akala ko po ay mabait, pero may itinatago palang hindi magandang loob. Pangalawa po, ÔsalbaheÕ ang mga bata hindi ko kayang pakisamahan, ang susungit at sobrang matatapang. Pangatlo ay ayaw sa akin ng asawa. Pang-apat, muntik na akong ma-rape ng amo kong lalaki --- at pang-lima po ay matanda na ngunit hindi ko nakaya ang sobrang bunganga. Pabalik-balik ako ng ahensiya. Sa huli kong pagbabalik ahensiya, buo na ang loob ko noon na bumalik na lamang ng Pilipinas dahil hindi ko na nga talaga kaya, o baka, iniisip ko, wala akong suwerte dito. Pero hinarang ako ng ahensiya ko, bibigyan daw ako ng pagkakataong makapag-trabaho sa labas. Natuwa naman ako, dahil narinig ko sa labas. Kaya ayun, muli akong pumayag. Yun pala, naibenta na ako ng aking ahensiya sa isang lalaki (mayroon pangalang binanggit si Nuria, pero nagpasiya akong hindi banggitin). Ayaw ko man, pero wala na akong nagawa. Promised sa akin ng ahensiya na bibigyan ako ng iqama sa labas. Pero hindi naman ito nangyari. Nakisama ako sa kanya ng isang buwan, at matapos lang noon, pilit akong ibina-balik sa ahensiya dahil aalis daw siya sa Kuwait. Hindi na ako pumayag na muling maibalik sa ahensiya dahil natatakot akong muli nila akong ibenta sa ibang lalaki. Tumakas ako at yung tumulong sa akin na isang ring lalaki ay hindi ko alam kung hanggang kailan kami magtatagal. Babaero kasi siya at sa katunayan papalit-palit na siya ng babae, habang ako, itinatago niya at nagpupunta lang kung kailan niya ibig. Sa ngayon, nasa poder pa rin ako ng lalaking ito. Patuloy akong kinakabahan, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan kami magtatagal. Iniisip ko kasi, papaano kung magsawa na siya sa akin? Wala naman akong pinanghahawakan mag-asawa kami. Baka pag nagsawa na siya sa akin, bigla na lamang akong itaboy sa labas. Papaano na ako? Gusto ko pong magkaroon ng trabaho sa labas, tulungan niyo naman ako kung papaano, dahil ayaw ko namang masayang na lamang ang buhay ko sa Kuwait. Ano po ang advice na puede mong ibigay sa akin?
Umaasa at naghihintay sa'yong advice,
Nuria
Nuria, maraming salamat sayong tiwala. Isa ka lang marahil sa maraming biktima ng mapaglarong tadhana. Kung papansinin nating maigi ang kasaysayang ito ni Nuria. Masasabi nating sobrang nakakalungkot. Pero, totoo, mayroong ganitong sitwasyon, at pihong, hindi lang ikaw ang nasa ganyang kalagayan. Pero balikan natin ang kanyang kuwento. Sa maikling panahon sabi nga niya, naka-limang amo siya. Ang mga dahilan, kung tutuusin ayun, binanggit niya---maliliit na kadahilanan--liban sa isa na gusto siyang pagsamantalahan. Unang amo, mayroon daw itinatagong masamang loob ang amo, kaya siya umalis. Pangalawa, masama daw ugali ng mga anak, pangatlo, ayaw daw sa kanya ng among babae, pang-apat, gusto siyang pagsamantalahan at ang pang-lima mabunganga ang amo. Nuria, hindi naman sa sinisermonan kita, pero noong umalis ka ba sa Pilipinas, inaasahan mo ba talaga ang magandang buhay house helper sa ibang bansa? Mabuting amo, mabuting pakisama ng mga anak, hindi nagbubungangang amo? Kung iyan ang inasahan mo noon, at kung iyan ang paliwanag sayo noon ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) [mayroon nang bagong tawag dito ngayon], hindi ako magtataka sa palipat-lipat mo ng sponsor. Pero, sa seminar, pa lang, alam kong ipinapaliwanag na sa inyo kung anong uri ng kultura at mga tao ang pagsisilbihan ninyo sa Gitnang Silangan. Sa mga balitang patuloy na lumalabas sa Pilipinas halos araw-araw patungkol sa mga household helper, alam niyo rin kung gaano talaga kahirap ang trabahong susuungin ninyo sa ibang bansa. Ang ganyang uri ng trabaho, kahit saan, mapa-America, Europa at maging sa kapitbahay nating Hongkong, Singapore, Malaysia, Brunei, abaÕy asahan nating kung mamalas-malasin, ay makakatagpo ka talaga ng mga masusungit na among tulad ng mga nabanggit mo. Hindi mo sinabi kung naka-ilang araw ka sa mga among binanggit mo. Pero sa trabahong tulad ng sayo, alam kong pasensiya at pagtityaga lamang ang katapat niyan upang maging matagumpay ka. Ang ganyang uri ng mga pagsubok sa trabaho ay hindi lang iyan limitado sa trabahong tulad ng sayo. Kami man na nangangamuhan sa labas ay pagkaminsan din, nakakaranas din kaming sigawan, sungitan, pero iyan ay normal na pinagdaraaanan natin, yaman din namang hindi tayo ang mayroon. Ibig kong sabihin, sila ang nagpapasuweldo sa atin, kaya, marapat lang na suklian natin ng hindi lang yung hinihingi ng trabaho, kundi, ibigay natin ang extra effort to please and satisfy them. Ibigay natin ang pag-galang o respetong nauukol lamang sa kanila. Hindi ko naman sinasabing to the extent na ibigay mo ang sarili mo sa amo mo, o purihin siya o sambahin sila, hindi iyon! Kundi, bilang manggagawa, ibigay natin ang hinihingi ng trabaho. Mamahalin ka ng trabaho mo, mamahalin ka ng amo mo, ng kumpanya mo at magiging successful ka. Iyan in fact ang virtue ng pagiging tunay na trabahante. Malay mo dahil sa husay mong follower, baka, next time, ikaw naman ang magpapasunod sa sarili mong trabahante. Nauunawaan ko ang kuwento mo Nuria. Nakakalungkot, pero, sa tingin ko, malaki ang naging papel sa kinasapitan mo sa papalit-palit mo ng amo. Sa common term, tila baga kinareer mo na ang pagpapalit ng amo. Kung tutuusin, hindi healthy ang patuloy na paglilipat-lipat ng amo. Minsan naman, subukan ninyong pakisamahan, sabi nga ng iba, habaan ang pisi/ pasensiya, after all, at the end of the day, nagta-trabaho ka sa kanya, dahil ginusto mo, dahil gusto mong kumita, unless kung iba nga marahil ang hanap mo. Gusto mo kamong makalaya sa ganyang sitwasyon. Kumilos ka! Ikaw lang at ang sarili mo ang gagawa niyan. Puede kang magpunta ng embassy at tatanggapin ka naman doon ng maluwag at hindi ka naman marahil ipagtatabuyan doon. Hindi ka puedeng i-rescue ng kung sinuman sa bahay na hindi alam, sa bahay kung saan ka nakatira at pansamantalang nagkukubli. Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, sino ang inaasahan mong tutulong sayo upang makalaya sa ganyang kondisyon? Tanging ikaw ang hahango sa sarili mo sa ganyang kalagayan. Gumawa ka ng paraan sa sarili mo. Umalis ka diyan, humingi ka ng tulong sa embassy!
Hello po Kuya Ben! bumili po ako ng Kuwait Times ngayon at nakuha ko ang Site nyo. :)
ReplyDeleteGusto ko lang po mg comment sa article nato. mostly kc sa atin, galing pinas mg apply ng DH ang expectation ay nakaupo lang walang ginagawa or let say ang gaan ng gawain. lalo na sa mga di sanay sa gawaing bahay.
I came here to kuwait and i was 19 years as well. nag umpisa din po ako sa DH, but i know what to expect when i arrived here.
Daily ko pong pinapaliguan the 2 storey of my employer house, (ligo po yun hindi linis, you can imagine what its look like!)
nag-aalaga ng makukulit na bata at matapobreng matanda, once in day lang ang meal na binibigay saakin.
araw araw ang walang hintung sermon. But.... with a lot of prayers nakakaapat na taon din po ako sa kanila. hindi ako naka pag palit ng employer kc iniisip ko baka mas worst pa my next employer than current one.
after 4 years binigyan din nila ako ng release because i deserved it. may asawa na po ako ngayon and currently working in one of the fastest growing company here in kuwait as a secretary.
( Ito po ang Key ng lahat, PRAYERS & PATIENCE )