Sunday, March 30, 2008

'Gemini tigilan ang kahibangan'

Ulan ng love notes

Dear Kuya Ben,

Isa ako sa napakarami mong taga-subaybay ng nag-iisang palatuntunan ng bayan, ang Buhay at Pag-asa. Akala ko nga noon, mananatili na lang akong taga-basa ng mga nakakaantig pusong mga liham ng ating mga kababayan. Iyon pala magiging kabahagi rin ako ng inyong kolum. Salamat dahil nariyan ka at handang makinig sa aming mga problema at handang sumagot sa aming mga katanungan.
Kuya tawagin mo na lang akong Gemini, may-asawa at isang anak. Kuya sa awa ng Diyos, okay naman po ang aming anak, mga magulang, pero balita ko ang aking asawa, nahihibang na sa ibang babae. Pero hindi naman ako agad-agad naniniwala. Gusto ko kaseng mayroon akong prueba bago ako maniwala sa mga balita nila. Malakas din naman ang panalangin ko na hari nawa ilayo niya kami sa tukso. Pero mukha yatang sinusubukan ako ng tadhana. Sa ngayon po kase, mayroon akong masugid na manliligaw, bata pa siya, ako 32, samantalang 21 years old naman siya. Noong una, akala ko nakikipagbolahan lang siya, iyon pala seryoso. Hindi ako naniniwala sa kanya, dahil bata pa nga siya. Pero napatunayan ko ang pagmamahal niya nang ipakita niya sa akin ang pananamlay ng minsan sabihin ko sa kanyang wala akong nararamdaman sa kanya.
Galit na galit ang kanyang nanay ng mabuko ang isang love letter niya sa akin. Nakita iyon sa kanyang kama ng sarili niya mismong ina. Mag-kasama po kami ng Nanay niya sa trabaho. Habang siya, ipinasok ng Nanay niya sa business ng aming amo. Kaga-graduate pa lamang niya ng computer science at dinala siya dito ng Nanay niya para makasama niya at makapag-trabaho na rin. Pero, ayun, nakikipagbolahan na sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nahuhumaling sa akin. Pero hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, maganda naman kase ako.
Para hindi naman nakakahiya sa Nanay niya, kinausap ko ang anak niya, tinapat ko siya na wala akong gusto at nararamdaman sa kanya, pero ang lalo niyang ikinagimbal ay nang sabihin kong hindi kami puede dahil may-asawa ako at anak.
Mag-mula noon, napansin kong hindi na siya halos kumakain. Painon-inom na lang siya ng tsai, kapag naroroon sa amin, tila baga, nakitang kong nawalan na siya ng gana sa buhay, napansin ko rin ang pag-bagsak ng kanyang katawan.
Noong una, Kuya Ben, sigurado akong wala akong nararamdaman sa kanya, pero ayaw kong lokohin ang sarili ko, inaamin ko, mayroon akong nararamdaman sa kanya, parang gusto ko na siya.
Kuya Ben, pati ang nanay niya namu-mureblema sa anak niya. Ayaw niya kase akong tigilan, patuloy siya sa pagpapadala sa akin ng love notes. Hindi niya raw alam kung ano ang mabuti para sa kanyang anak, pagtatapat ng nanay niya sa akin. Pinayuhan niya akong layuan ko ang kanyang anak, pero, ang anak niya naman ang laging lumalapit sa akin. Pangit naman na basta na lang siyang babaliwalain, baka, kasi kung anong gawin. Ang totoo, kuya Ben, nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Ano po ang mabuti kong gawin. Iyan lang naman ang nagpapagulo sa akin ngayon. Ano kayang salita ang pinakamagandang gamitin para hindi naman kami masyadong masaktan at mahirapan.

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Gemini ng South Surra.


Maraming salamat sayong liham Gemini-sasagutin ko ang liham mong iyan next week. Abangan!-Ben Garcia

4 comments:

  1. Anonymous1:36 AM

    ang ganda nman nga story m

    ReplyDelete
  2. ms. joy1:43 AM

    Hi ms. gemini,

    i am joy, ang ganda nman nga istorya m, sana pag isipan mong mbuti kung ano tlga ang nrramdaman mo dhil cnbi m prang nhuhulog n ang loob m s iyong manliligaw. Baka nman naawa k lng s kanya dhil nkikita mong hindi n cya mkpag trbaho ng husto..mrmi k pang mkikita ibang mmhalin m ng husto kung gugustuhin m tlga, bsta pag isipan m kung tlgang cgurado k na s kanya..

    ReplyDelete
  3. How are you Ben and your family? how is Panorama? kuwaittimes? Fridaytimes? i miss u, Madam Jamie, mr Islam, Joel, Sabi, and i miss all in kuwait times. Hopely everything is fine there and GBU :)

    ReplyDelete
  4. ang ganitong pagsuporta at pagtulong sa ofw...maraming salamat!

    dito rin po ako sa kuwait.

    nakikibahagi po ako sa inyong walang sawang pagtulong.

    www.pamatayhomesick.blogspot.com

    ReplyDelete