BUHAY AT PAG-ASA
Ni Ben Garcia
Libra Girl: Ang takot sa isda nasa isip lamang
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawang. Ito po ay optional. Bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)
Dear Kuya Ben
Magandang araw po sa lahat ng iyong avid readers! Salamat sa inyong walang sawang pagbibigay ng paalala at payo sa ating mga kababayan. Tunay pong nakakagaan ng kalooban ang iyong palatuntunan. Tawagin mo na lang akong Libra Girl, tubong Mindanao, 23 years old, dalaga. Ang problema ko po ay hindi sa pamilya, hindi rin sa pag-ibig, sila pa nga ang inspirasyon ko sa lahat ng sandali. Hinubog nila ako sa magandang landasin ng buhay. Pinalaki akong may-takot sa Diyos. Tapos po ako ng kursong Bachelor of Science in Industrial Education major in Food Trade last 2004. Under board nga lang po ako, pero balak kong mag-take ng exam pag-uwi ko next year. Sa love life mayroon din ako, regular ang aming communication, masaya kami kahit malayo sa isat-isa. Kuya, di ka man doctor, pero alam kong mayroon kang kakilalang puede magbigay linaw sa aking problema. Ang problema ko po ay tungkol sa aking kalusugan. Nalaman ko bago ako umalis sa Pilipinas na mayroon akong 'Tyroid', pero ang sabi di naman daw delikado. Mula noon nagging woried na ako sa kalusugan ko, dahil baka nga mayroon at lumaki, magmukha akong elepante. Takot ako! Ngayon kase wala naman akong nararamdaman, di ko naman makita o mahalata, pero once na hinahawakan ko ang leeg ko nasasalat ko ang maliit na bukol, baka ito na nga. Mayroon ang family ko ng history ng goiter. Yung Lola ko, namatay na lang na mayroong parang bola ng tennis sa leeg. Hindi rin naman daw namatay ang Lola ko dahil sa goiter, dahil daw po sa katandaan, 80 years old na po siya ng mamatay. Nakaka-ilang lang, at parang di ako makatulog sa tuwing maaalala ko ang sakit ko raw na ito. Ayaw kong magkaroon ng ganun. Aaminin ko sa inyo, di po ako makakaiin ng isda. Ang reason kung bakit tumigil ako sa pagkain ng isda ay nung magkaroon ng baha sa Ormoc, Leyte, kung saan maraming tao ang namatay at pinaniniwalaang kinain ng mga isda. Mula noon, ayaw ko nang kumain talaga ng isda. Matagal nang panahon nangyari iyon, pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga isdang kumakain ng tao, hindi ko kayang lunukin ang isda. Bahala na kung walang ulam, basta ayaw ko ng isda.
Ano bang problema mayroon ako? Uuwi ako ngayong August, gusto kong magpa-opera kung kinakailangan. Ano po ang mabuti kong gawin?
Gumagalang at Nagpapsalamat
Libra Girl
Salamat Libra Girl.
Syempre dahil medical matter itong problemang idinulog sa akin ni Ms Libra Girl, na ewan kung bakit di ibinigay ang tunay na pangalan, e mayroon naman siyang litratong ipinadala at hindi naman nakakahiya kung ihayag man sa publiko itong kanyang karamdaman. Pero igagalang pa rin natin ang kanyang pasiya. Libra Girl, unang una, gusto kong alisin sa isipan mo ang labis na pag-aalala sa kalagayan mo, walang anuman daw po iyan sang-ayon sa nakausap kong doctor. Ibig sabihin, hindi dapat dibdibin, pero mas-magandang ipa-check up para malaman talaga kung anong klase mayroon kang goiter. Nakausap ko po si Dra Alelie D. Romero, ang ating resident doctor and at the same time social welfare officer sa embahada. Di naman daw po masyadong delekado ito, liban kung ma-develop ito into cancer, na bibihira lang daw pong mangyari.
Marami akong natuklasan sa sakit na ito sa pakikipag-usap ko kay Dra Romero na puede kong ishare sayo, pero inuunahan na kita, better seek your doctor's advice on the matter. Ayon kay Dra. Romero ang Goiter daw po ay medical term sa paglaki ng thyroid gland sa leeg. Ito ay hugis butterfly (paro-paro)na matatagpuan sa harapang bahagi, at ibabang parte ng leeg. Ito daw ang nag-cocontrol sa body metabolism ng isang tao. Sa Pilipinas ang tawag nito ay bosyo. Ang pinakaunang dahilan daw po ng pagkakaroon ng Goiter ay ang kakulangan sa sangkap na iodine. Ang Iodine ay matatagpuan sa mga lamang dagat, (isda, she shells, etc) pag-inom ng maraming tubig at pag-take ng tama lang na iodised salt o asin. Kailangan ang mga sangkap na mayroong iodine upang mapanatili ang produksyon ng tamang thyroid hormone, na kung mayroong kakulangan ay siguradong lalaki ang thyroid gland. So alisin mo na ang takot sa pagkain ng isda, nasa isip mo lang iyan. Ano ang gusto mo, kumain ng isda o magkaroon ng nakakailang na tanawin diyan sayong leeg? Maiiwasan naman o magagamot ang thyroid iyan kung magkakaroon ka lang ng tamang sangkap na kailangan upang mapanatili ang iyong kalusugan.
Heto ang mga palatandaan ng thyroid: paglaki o pamamaga ng leeg, wala kadalasang mararamdamang sakit, ngunit nakakailang na pangitain sayong leeg. At upang makumpirma mo na mayroon ka ngang Throid o Goiter, mas-makabubuting kumunsulta ka sa iyong pinagkakatiwalaang mang-gagamot. Sila lamang po ang puede mong paniwalaan, hindi po ako, puede ang sinasabi ni doktora Alelie, dahil mayroon siyang kaalaman ukol dito.
Heto ang magandang balita para sayo, ang problemang ganito ay puedeng madala sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot, tulad halimbawa ng methimazole or propylthiouracil, syempre iyan ay sasabihin sayo ng iyong doctor o ipi-prescribe sayo, huwag na huwag kang mag-titi-take ng gamot ng walang pahintulot ng doctor dahil baka imbes na makabuti ay mas-lalo pang makasama. Ayon kay Dr Alelie, mayroon klasipikasyon ang sakit na ito. Binggit ito ni Dra, tulad ng Hyperthyroidism, an overactive thyroid gland; Hypothyroidism, an underactive thyroid gland; Thyrotoxicosis, an excessive amount of thyroid hormone in the bloodstream; at ang Graves' disease (also known as toxic diffuse goiter or exophthalmic goiter), a form of hyperthyroidism. Kung titingnan natin ang mga nakasulat na iyan, medyo kumplikadong terminology pang-medicina kaya iiwanan ko iyan sa kanila. Isinama ko po iyan sa layunin na ipaalam kay Ms Libra Girl ang ibat-ibang klasipikasyon o level ng tinatawag na sakit na Goiter.
Kung masyado nang malala ang sakit na ito, o yung tinawag nilang toxic deffuse goiter, sasailalim ang pasyente sa tinatawag daw pong thyroidectomy. Ang mga taong sumailalim dito ay kinakailangan nang mag-take ng thyroid supply for the rest of their life upang mapalitan ang natural supply na inalis dahil sa operasyon. Yan po ang paliwanag ni Dra Alelie.
Samantala, sa level naman kung papaanong makakatulong ang OWWA sa financial na paraan, madali iyan, dahil automatic namang entitled ang isang OFW sa medical assiatnce na puede nilang ipagkaloob. Kaya ang payo ko sayo Libra Girl, kung gusto mong magamit ang iyong karapatang ito, puede kang magtungo sa alinmang malapit na OWWA office sa iyong lugar.
No comments:
Post a Comment