Ni Ben Garcia
Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)
Dear Kuya Ben,
Greetings! Please call me Captive Eagle. I choose this alias dahil kung tutuusin, I have a strong personality yet narito ako humuhingi ng saklolo sayo. Asiwa akong humingi ng payo sa kahit kanino, maliban kung very close friend ko. Pero napatunayan ko sa mga previous letter senders mo na magaling kang magbigay ng payo, straightforward yet simple may-kurot sa puso at dama kong mayroong kang sinsiridad. In short pinahanga mo ako, kaya sana, huwag mo akong bibiguin sa ilalapit kong problema sayo.
Galing ako sa very poor family from Eastern Samar. Yung side ng father ko, medyo well off naman sila kaya tuloy produkto naging tamad siya, kaya nung mapangasawa ang mama ko, naging poor talaga sila (kami pala). Kahit umabot kami sa pitong magkakapatid, di man lang niya ipinakitang mayroon siyang pagpapahalaga sa aming kinabukasan. Until when I was in grade 1, nang ma-diagnosed ang tatay ko na mayroong acute kidney stone, nang malaman niya iyon, ninirbyus, kasama na rin iyon sa mga dahilan kung bakit maaga siyang namatay. In fairness naman sa Tatay ko, mabait siya yun lang talaga tamad siya. Follow din agad ang Mama sa langit, kaya nagkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid.
Kinuha ako ng Auntie ko sa Manila at pinag-aral ako sa grade school, kapalit naman nun ang mabibigat na trabahong bahay saa murang gulang ko. Nariyan ang tambakan ako ng malalaking kumot at maong, puersado ako masyado sa trabaho, tuloy para akong tibihin (TB) dahil di maalis-alis ang ubo ko. Tuwing weekdays kailangan akong gumising ng alas-dos ng madaling araw para samahan ang aking Tiya sa palengke sa Pasay dahil iyon daw ang maraming fresh at murang bilihin, dangan kase, mayroon silang negosyong lutong ulam.
Grabeng hirap ang dinanas ko alas singko pa lang ng umaga kailangan akong mag-gayak para makarating sa eskuwelahan sa Aurollo School. Pag-uwi ko naman ng hapon, pinaglalako ako ng Banana Q ng Autie ko at halo-halo, wala rin akong time mag-aral, pero ganun pa man, lagi pa rin ako kasama sa top 1 sa eskuwela. Hindi ko alam, automatic kapag nasa school na ako, para akong mayroong memory card na nakakasagot sa lahat ng school requirements, nagtataka nga yung mga kaklase ko kung bakit ako ganun samantalagang alam nila ang kalagayan ko.
Gusto kong bumalik sa amin pero wala naman akong pera, isa pa di ko alam ang pabalik sa amin, bata pa ako nun. Di ko na rin alam kung ano nang nangyari sa iba ko pang mga kapatid.
One day mayroong dumating sa bahay ng Tiya ko, pinsan ko daw siya na nakatira sa Iloilo, husband niya ay seaman, gusto niya akong kunin, pumayag naman ang Tiya ko dangan kase mayroon na raw siyang dalawang college baka hindi na rin niya kayanin akong pag-aralin ng High School. Lihim akong natuwa dahil kahit papaano makakaalis na rin ako sa sobrang hirap ng buhay sa kamay ng Tiya ko.
Pero, instead na gumanda ang kalagayan ko lalo pa yatang napasama. At first intimidated na agad ako, dahil mukha pa lang niya istrikta na, hindi nga ako nagkamali, unang bungad pa lang pagdating ko sa kanila, sabi niya agad sa akin; ang ipagpapaaral niya sa akin ay kailangan kong pagtrabahuan, wala na raw libre ngayon; sabi ko naman sa kanya; okay lang iyon, ganun din naman dun sa Tiya ko sa Manila.
Ganun na nga ang nangyari. Habang tumatagal ang panahon, napapansin kong parang hindi kami magkakakilala, kinakausap niya lang ako kung mayroon siyang gustong ipagawa sa akin at kung mayroong mali sa ginagawa ko. Doon sa lugar nila mahirap ang tubig, kailangan maghintay ng gabi para maka-igib ng tubig dahil sa gabi lang malakas ang tubig dun. Every two days kailangan akong mag-sadya sa kabilang barangay para itulak ang malaking kariton na mayroong malaking drum ng tubig. Dahil syempre sa bago ako sa lugar na iyon, wala talaga akong mahingan ng tulong. Isa sa mga source ng pagkukunan daw ng pag-aaral ko ay ang pag-aalaga nila ng baboy. Pero bawal iyon sa residential area, kaya inutusan pa akong maghukay ng lagpas taong malaking hukay para pagtapunan ng dumi ng baboy. Imagine Kuya Ben, ginawa ko pa iyon. At bukod diyan, kailangan akong mag-house-to-house para manguha ng pagkaing baboy, minsan naka-unipormi pa akong ginagawa iyon. Tumutulo ang luha ko habang nag-iikot sa kapitbahay, kase, syempre nariyan yung matapunan ako ng nangangamoy nang bulok na pagkaing baboy at nangangamoy talaga ako. Dalawa lang kami sa bahay ng pinsan kong iyon, siya at ako, pero walang katapusan ang trabaho, dahil medyo malaking bahay niya. One time nagpunta siya sa school namin, ipinagpaalam pa ako sa adviser namin, dahil emergency daw, yun pala hindi lang mahanap ang nawawala niyang nail cutter. Minsan gumagawa lang siya ng kanyang sariling kuwento, kesyo mayroong nawawala, pero yun pala, siya rin ang may-gawa, itinatago, para lang ipahanap sa akin at kung di ko syempre mahanap, magwawala siya at sasakit lang ang kalooban ko. Gusto niya iyon! Malupit ang Pinsan ko, ako ang shock absorber sa tuwing mag-aaway sila ng asawa niya sa telepono o kaya maging sa sulat.
Mayroon din namang magandang eksena sa bahay nila, iyan ay kung umuuwi ang asawa niya galing sa ilang buwan ding trabaho sa ibang bansa, (seaman nga), sobrang bait ng asawa niya, nakakahinga ako ng maluwag kung nasa bahay na siya. Sa totoo lang, kapag nasa Pilipinas siya, ayaw niyang nag-tatrabaho ako, katunayan, inubliga niya ang asawa niya na kumuha ng katulong sa bahay nila, para makapag-concentrate daw ako sa trabaho. Iyon naman ang ginagawa ng Pinsan ko, agad siyang kumukuha ng katulong, pero tatagal lang ang katulong hanggat naroroon sa Pilipinas ang mister niya. Pero kung wala na, inaaway niya at pinalalayas agad. Plastic masyado at iporkritang matatawag ang pinsan ko. Gusto ko sanang iparating iyong kalagayan kong iyon sa asawa niya, pero, nagdadalawang isip ako, una, baka hindi ako paniwalaan at ayaw ko ring maging dahilan ng pag-aaway nila. Nung third year na ako, lalong naging supportive masyado sa akin ang asawa niya. Ayaw niya iyon. That time, nabuntis na siya sa kanilang unang anak. Lihim din akong natuwa, dahil, inisip ko noon, baka at least magbago ang ugali ng Pinsan ko. Pero sa pangalawang pagkakataon, nagkamali ako, lalo siyang naging salbahe sa akin. Ubod ng pagka-perfectionist, huwag lang makahipo ng alikabok sa bahay at hablot agad ang buhok ko at ipapahid niya sa mukha ko ang alikabok. Mula noon, inisip kong kailangan kong lalong pag-butihin ang pagtatrabaho ko, at nang wala siyang masilip na dahilan para kainisan ako. Gusto ko kaseng makapag-tapos ng pag-aaral.
Isang araw naka-kuha ako ng pagkakataon para harapin siya at tanungin kung bakit ganun ang turing niya sa akin. Nagulat ako sa sagot niya. Ang sabi niya, galit lang daw siya ng husto sa akin dahil kahit anong dami raw ng trabaho ko, kaya kong gawin, at honour student pa rin ako. Isa pa, ayaw niya raw ang masyado akong kinagigiliwan ng asawa niya. -Itutuloy
No comments:
Post a Comment