Friday, August 25, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Saan patungo ang pagaspas ng nakapiit na Aguila?

(Ikalawang yugto)

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpag-asa.blogspot.com)

Continuation-

She's crazy! Then why in the hell she brought me in that God forsaken place, --to be her punching bag? Yun na nga lang ang mga naging katanungan ko sa sarili. From third year dun na ako natutong mag-rebelde ng lihim, kaliwa't kanan ang friends ko sa school, bad, good, rich or poor-name it- I have friends of such. Popular ako sa school namin when I was in High School, ako yung matalino na amoy kaning-baboy, pretty, pero mga luma na kasuotan. Minsan nga punit pa pero malinis naman. But in the end, good side pa rin ang nanatili sa akin. Ginawa ko iyon para makalimutan kong lahat ang paghihirap ko sa kamay ng pinsan ko. Naging manhid na ako sa kanya. I was not afraid of her anymore! Thanks to all my good friends in school kase talagang dinamayan nila ako, at hindi ako hinayaang manatili sa hindi mabuting mga kaibigan.
Yun na nga naging daily routine ko sa piling ng pinsan ko. Nag graduate ako ng High School na 'Valedictorian'. Wala akong puedeng bahaginan ng valedictory address ko, oo, nagpunta ang kapatid ng husband niya, pero siya- hindi- hindi bale, di ko rin naman gusto ang kanyang presence. Happy moments ko iyon, dahil proud talaga ako sa sarili ko, ako ang tinanghal na pinakama-galing sa aming school. Na-touch ko sa aking valedictory speech ang tungkol sa kalagayan ko. Nakita kong tumulo ang luha ng kapatid ng asawa ng pinsan ko, alam kong na-touch ko rin ang lahat ng taong naroroon. Nangako naman siyang kakausapin niya pinsan ko. Kaya mula nga noon, medyo nag-iba na ang turing ng pinsan ko sa akin.

Noong first year na ako sa kolehiyo, biglang na-diagnose ang asawa ng pinsan ko na may canser sya sa pancreas, kaya hindi pa nga natatapos ang panibagong kontrata nya sa barko umuwi na ito. Malala na raw ang sakit. Sa pangalawang pagkakataon, iniwanan na naman ako ng tao na syang itinturing kong pader o sandalan sa mga unos na dumarating sa aking buhay.
Sa pagkamatay ng asawa ng pinsan ko, nag-decide na ito na bumalik ng Maynila, dahil wala na raw dahilan para mag stay pa siya sa Iloilo. Lihim akong natuwa, dahil malaki ang pag asa ko na makikita ko ang mga kapatid ko, pero pag dating namin ng Maynila, kinausap niya ako na panahon na daw para makabayad ako sa pag papaaral niya sa akin. Maghanap na daw ako ng trabaho at ganun nga ang ginawa ko. Sa puso't isipan ko, alam kong wala akong dapat bayaran sa kanya, dahil pinagtrabahuan ko ang pinag-aral niya sa akin, kaya kesehodang tawagin nya akong walang utang na loob, okay lang. Kaya ng araw na sabihin niya iyon sa akin, nag-decide na ako na tumayo sa sarili kong paa. At ayaw kong magiging alila niya habang buhay. Kaya nag-hanap ako ng trabaho sa Maynila, lihim kong plinano ang mga susunod kong hakbang.
Sa trabahong napasukan ko, agad may-nagkagusto sa akin, pretty nga kase, binata naman siya at alok agad ng kasal. Why not? At least mayroon na akong matitirhan ng libre at tuluyan na akong makakaalis sa pinsan ko. Kaya umuo agad ako. Sa madaling sabi sumama ako sa kanya ng hindi man lang nagpaalam sa pinsan ko. Dinala ako ng boy-friend ko sa kanila at doon na ako natulog ng gabing yon. Hindi na ako umuwi, in short parang tanan. Wala akong kamalay-malay, naghuhuklay din pala ako ng sarili kong libingan sa pagsama ko sa boyfriend kong iyon. Tawagin na lang natin siyang Jun. Both of us don't know our family background kaya hindi nag work ang relationship namin. 3-years old na ang anak ko ng malaman kong lulong pala siya sa ipinagbabawal na gamot.
Kaya pala every time he offered kasal sa akin umaayaw ako, kahit may anak na kami, kase I have this feeling na may sekreto syang itinatago. Higit pa dun sobra din siyang tumoma ng alak. In fact, every time na malalasing sya, nagwawala at mistulang dinaanan ng bagyo ang kabahayan namin. Lahat ng mga gamit na naipundar namin ay winawasak. One time umuwi ako from work, gabi na, kasi shifting yung pinapasukan ko, at 2-10 pm ang pasok ko. Pag uwi ko nagulat ako sa na abutan kase sa bedroom pa namin mismo, kung saan natutulog ang baby namin, dun din humihit-hit ng shabu si Jun at mga barkada nya. Nung time na yon gusto kong takasan ang ulirat, pero na nanaig sa sarili ko ang kalagayan ng anak ko. Nun ko naramdaman ang kawalang pag-asa. I want to run away w/ my son pero saan?
Patuloy akong nakisama kay Jun, despite sa takot na mararamdaman ko, gusto ko syang awayin, pero nag-aalala ako at baka bigla na lang siyang maging bayolente. Kaya ako na ang namimbang, lalong naging magulo ang pagsasama namin hanggang sa hindi ko na natiis lumaban na talaga ako sa kanya at nangyari nga ang kinatatakutan ko. Yung away namin naging marahas sinaktan nya ako, kahit lasing na lasing sya talagang makalas sya pero lumaban ako, akala ko nga Kuya Ben napatay ko na sya kasi nag dilim ang paningin ko, pinag-pupukpok ko sya sa ulo ng malaking bato kase, nadulas sya ng hinahablot nya ako sa buhok, buti na lang may isang mabuting kapit bahay na nangahas na umawat at dinala nila ako sa bahay nila. Ng mahimas-masan ako hinanap ko anak ko at sabi nila kinuha daw ng byenan ko.
Yong taong tumolong sa akin palibhasa Brgy. Captain sa lugar nila Jun ay tumawag sa presinto para ayusin daw gulo namin at sya daw bahala sa'kin. It was a blessing in disguise yung nangyari kase yung police station na pinagdalhan sa akin ay Uncle ko pala ang hepe, so ng malaman nya kung sino ako ay dinala nya ako sa kanila. Tuwang-tuwa yong Auntie ko ng makilala ako kasi daw matagal na nila akong hinahanap mula ng umalis ako ng Pasay sa piling ng ate ko, at dun ko na isinalaysay ang lahat ng pangyayari pati yong naging buhay ko sa Iloilo, sa piling ng pinsan ko. Sabi ng Auntie ko, I have to pick up all the pieces left for me and start a new life. Tutulungan daw nila ako. After a week pinapuntahan ng Tiyo ko yong bahay nila Jun para kunin ang anak ko, pero wala na daw doon umuwi papuntang Mindanao and it was my very worst nightmare, malaki ang Mindanao, saan sulok ko hahanapin ang anak ko. Sa pangyayaring yun na-pabayaan ko work ko, dahilan para materminate ako.

Tinulugan ako ng Uncle ko para makapasok sa office nila sa PNP. Medyo may-katungkulan na ang Uncle ko, kaya madali niya akong naipasok. Dito ko na-meet ang isa nyang tauhan. Umpisa palang alam ko family-man sya, at sa sistema ng mga lalaki lalo na at pulis sa atin ay likas na bolero. At first I really don't care and I don't give a damn kasi I'm not interested sa kanya, all I know that time was makaipon ng pamasahe patungong Mindanao at mahanap ang anak ko. As days, weeks hanggang naging months passed by, wala pa rin akong balita sa anak ko pero sabi ng Uncle ko, hindi daw sya tumitigil sa pag-papahanap, pati nga daw yung regional commander sa Mindanao pinasabihan nya na. Si Joey ( yung name ng tauhan ng Tiyo ko) persistent sya sa pag tulong sa akin, kahit one time lang sya nag palipad hangin sakin at big NO agad sagot ko, ay patuloy sya sa pagtulong, I must admit bukod sa magandang lalaki sya ay ma-prinsipyo din, kaya nakuha nya tiwala ko, in short we become good friends, as in good--walang halong malisya, besides ilang sya sa Tiyo ko, until one day he surprised me by saying " I've got good news for you, nandito na sa Manila ang anak mo, gusto mo kidnapin ko at ibigay saiyo?"-Itutuloy

No comments:

Post a Comment