Bangungot sa tanghaling tapat, multo sa pagkatao ni Gemini.
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )
Dear Kuya Ben,
Good day to all the readers of Buhay at Pag-asa especially to you Kuya . Isa rin po ako sa mga taong sobra sobra ang paghanga sayong programa. Nung narinig ko ang Kuwait Times hindi pa ako gaanong nagka-interest hanggang sa bumili ako ng Lingo at mabasa ko ang Filipino Panorama.
Touch ako sa nabasa kong payo mo sa mga sumusulat sayo, kaya sa madaling salita, na-addict ako sa pagbabasa ng Filipino Panorama. Estorya ng mga kababayan natin ang lagi kong inaabangan sa portion mong ito. Talagang pamagat pa lang mayroon nang pag-asa, kaya heto ako, sumulat sayo upang tulad nila ay magkaroon ng pag-asa.
Sana huwag niyo po akong bibiguin sa sulat kong ito. Itago mo ako sa pangalang Gemini Girl, pinanganak noong June 10, 1984. Twenty two years old pa lang po ako ngayon. Siyam kaming magkakapatid.
Laki akong inaaabuso ng aking Kuya. Maliit pa lang ako noon, tandang-tanda ko pa lagi kaming iniiwan ng Nanay at Tatay sa bahay, kasama ng aking Kuya. Habang ang iba ko pang mga kapatid ay nasa Lola naman namamalagi. Saka lang babalik sa bahay ang mga magulang ko kung gabi na. Sa tanghaling tapat nagaganap ang bangungut na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagmumulto sa aking pagkatao. Pinakatago-tago ko ang lihim na ngayon ko lang ibubunyag. Hindi ito alam ng mga magulang ko at maging ng isa man sa mga kapatid ko. Wala na rin akong balak pang ipaalam sa kanila. May-tiwala ako sayong palatuntunan, kaya sayo ko lamang ito binuksan.
Nakakahiya man sabihin, pero sana maunawaaan ng mga mambabasa kong bakit ko kelangan iopen ito sayo. Grade one pa lang po ako ng magsimulang gamitin ako ng aking Kuya. Nagagawa po iyan ng Kuya ko dahil wala nga sa bahay ang mga kapatid at magulang ko, kami lang dalawa lagi sa bahay.
Araw-araw po akong pinagsasamantalahan, wala po akong magawa kahit magmakaawa ako sa kanya hindi siya makinig. Mayroon pang pagkakataon na inabutan kami ng isa nyang barkada, at dalawa silang nagsamantala sa akin.
Matapos nilang gawin iyon, madalas na nila akong pagsamantalahan. At tinatakot nila ako na hwag daw pong magsusumbong sa kahit na sino. Kuya gusto ko man pong sabihin sa aking mga magulang ang nangyayari kapag wala sila, nangingibabaw po ang takot, kaya di ko rin masabi sa kanila. Minsan inaabutan nila akong umiiyak, di ko parin nasabi sa kanila ang dahilan. Takot po talaga ang naghahari sa akin kung bakit naitago ko po ito sa mahabang panahon. Nasa ika-limang baitang na ako sa elementarya ng magpasiya ang aking Kuya na magtrabaho sa ibang lugar. Ang sarap ng pakiramdam kase sa wakas, wala na ring hayop sa bahay. Iba talaga ang naramdaman kong kalayaan ng mawala sa bahay ang kinasusuklaman kong kuya. Ilang buwan lang ang nakalipas nabalitaan naming nadisgrasya siya. Pinuntahan agad ng mga magulang ko ang pinangyarihan, pero hindi na nila naabutang buhay ang kuya. Nalunod daw po ito at tatlong oras muna ang lumipas bago natagpuan ang kanyang bangkay. Nang malaman ko iyon lihim akong natuwa. Umiiyak ang mga magulang at mga kapatid ko sa pagkamatay niya, pero ako, walang lumabas na gapatak mang luha.
95-96 ng grumadweyt ako sa elementarya. Nasa listahan ako ng mga honour students. Proud ang mga magulang ko sa akin dahil talagang nagsumikap ako upang maipasa kong lahat ang mga subjects. Sa Crossing Bayabas National High School ako nag aral ng secondarya. First year HS pa lang ako, tumanggap na ako ng bf, kaya lang MWF lang ang pasok nya kasi back-subjects lang ang pinapasukan. Pero laging nakaasa sa akin, ako lahat ang gumagawa ng assignments nya. Minsan pa nga may nagsabi sa akin na kaya nga lang naman daw ako niligawan e para nga may-gumawa ng homework niya. Syempre nasaktan ako, pero hinayaan ko lang total naman, hindi mahirap sa akin ang ginagawa kong iyon para sa kanya. Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon ako ng maraming barkada. Doon na ako natutong pasukin ang masasamang bisyo, tulad ng paninigarilyo, nahilig na rin ako sa mga lalaki.
Nagkaroon ako ng maraming boyfriend, karamihan sa kanila, nilalaro ko lang. Nang matapos ko ang High-School nagpasiya akong mag-trabaho dahil alam ko namang walang pera ang aking mga magulang para ipang-tus-tos sa pag-aaral ko ng College, kaya nagpaalam akong magta-trabaho sa Maynila. Pumayag naman ang mga magulang ko. Ang among napasukan ko sa Maynila, tinanong agad ako kung gusto kong mag-aral sa kolehiyo. Ang sabi ko oo. Kung gusto ko raw mag-aral, pag-aaralin nila ako, habang nagtatrabho sa kanila, ang suweldo ko raw ang ipambabayad sa pag-aaral ko. Hindi na ako nagdalawang salita, tinanggap ko iyon at nag-aral nga ako. Computer Secretarial ang kinuha kong kurso, pero hindi ako natapos dahil karengkeng daw ako. Paano naman kase, pinatulan ko anak ng kaibigan ng amo ko, lagi kase iyong nagpupunta sa bahay na pinaglilingkuran ko at niligawan ako, sinagot ko yung lalaki, pero nalaman ng amo ko at agad binilihan ako ng tikit pauwi sa probinsya namin, di ko tuloy natapos ang aking pag-aaral.
Nang umuwi ako sa amin, tinulungan ako ng kaibigan ko para makapasok bilang sales lady sa isa sa pinakamalaking mall sa amin. Mabilis naman akong nakapasok dahil manager na rin siya doon. Nakilala ko naman doon si Chris, syota siya ng kaibigan ko. Isang araw, nagkita-kita kami, ewan kung bakit noong pauwi na, nagtaka ako, dahil magkagalit na ang dalawa (kaibigan ko at si Chris), agad kong naitanong kay Chris kung anong nangyari, basta ang narinig ko sa kanya, iba raw kase ang dating ko sa kanya, pinatibok ko raw ang puso niya, kaya ora mismo, hiniwalayan niya ang kaibigan ko at agad nakipag-syota sa akin. Sinagot ko naman agad siya dahil naglalaro pa rin ako sa mga lalaki. Naging kami, nagalit ang mga magulang ko sa akin dahil bakit daw ginawa ko iyon sa kaibigan ko, hindi ko na rin masagot basta, bigla na lang kaseng naging kami. Okay naman siya noong una, hanggang sa tuluyan ko talagang makilala ang buo niyang pagkatao. Sobrang seloso si Chris, konteng siwa lang ng damit ko, pansin niya agad, ayaw niya ring umaligid ang mga lalaki sa akin, nakikipag-away siya. Kaya ang inaasahan kong mabubuong pagmamahal sa kanya, hindi umepekto. Pero ano pa ang gagawin ko, napasubo na ako sa kanya, mabilis ang mga pangyayari, ikinasal kami noong October 8, 2003. Pero naging malungkot ang aming pagsasama, mula umaga hanggang gabi, wala kaming ginawa kundi ang mag-away. Puro ang dahilan, selos, selos, kaya nga five days bago unang anniversary namin, nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang lahat ay dahil sa selos niya, kesyo mayroon daw akong lalaki. Naniwala siya sa chismis, kaya hindi na rin ako nakatiis. Isinumpa kong kahit anong mangyari di ko na rin siya babalikan pa. Wala rin kaming naging supling.
Makalipas ang ilang buwan, mayroon akong nakilalang lalaki sa trabaho ko, bago siya, pero mabait, laging nagpaparinig sa akin, noong una, pa man, gusto ko na siya, pero ayaw ko lang magpahalata. Hanggang sa magtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin. Kuwento siya ng buhay niya at doon ko nga nalaman na mayroon na siyang asawa at anak, nasa Hong Kong nga lang ang asawa niya nagtatrabaho, alam niya rin ang tunay kong buhay, siguro dahil sa kuwento na rin ng iba kong kasama. Okay lang iyon sa kanya, hanggang sa magkamabutihan kami at naging mag-syota. Mayroon na ring nangyayari sa amin, at sa katunayan, humantong sa pagbubuntis. Pero dahil sa takot siya sa kanyang asawa, kinausap niya ako, na ilaglag ko raw ang bata, ganun na nga ang nangyari. Abot langit man ang konsensiya sa ginawa ko pero inisip ko rin kase ang kinabukasan niya. Matapos noon, nagdisisyon akong mangibang bansa. Nagpaalam ako sa kanya, at sa katunayan, siya ang gumastos para makaalis lang ako, kami pa rin daw hanggang ngayon at gusto niyang magpatuloy ang aming tagong relasyon sa pag-uwi ko ng Pilipinas. Nararamdaman kong lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya, ngayong nasa malayong lugar ako. Kahit nandito ako sa Kuwait di pa rin maputol ang aming kumunikasyon. Masaya ako dahil nariyan siya para sa akin at ipinangako niyang habang buhay niya akong mamahalin. Iniisip ko lang kung hanggang saan naman kaya ang kahahantungan ng aming relasyon.
Gumagalang at Nagpapasalamat,
Gemini Girl.
Abangan ang sagot sa liham ni Gemini Girl sa susunod na Lingo.

No comments:
Post a Comment