Sunday, October 22, 2006

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Si Mike pa rin ang sigaw ng puso

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )

Si Mike pa rin ang sigaw ng puso

Dear Jasmine,

Ito ang sagot sayong liham na inilabas ko last week sa Buhay at Pag-asa. Sa mga hindi nabasa ang kanyang kuwento, bisitahin po ninyo ang aking blog. Ang address ay naka-post sa itaas na bahagi ng column kong ito.
Congratulations! Binabati kita sayong katatagan! Masasabi nating maski papaano fighter si Jasmine. At least nakayanan mo o nalagpasan mo ang mga pagsubok na tulad ng ganyan. Marami o sabihin nating mayroong mga dumaan sa sitwasyong pinagdaanan mo na hindi nakakayanan. Pero ikaw nalagpasan mo ang lahat. Isa ka sa mga taong magbibigay kalakasan sa iba pang mga kababayang daraan o dumaraan sa ganyang sitwasyon. Nauunawaan ng marami sa atin at maging ako man kung anong feelings ang minsang mabigo at masaktan. Sabi nga ng ilan, saktan mo na lang ako physically, huwag lang ang aking puso. Mahirap na kalabanin ang sariling puso, pero kakayanin iyan kung buo ang pananalig mo sa Diyos at tiwala sayong sarili. Base sa kasulatan na nakapaloob sa 1Cor13, lahat daw po ng mga pagsubok na dumarating sa buhay ng tao ay normal. Subalit tapat ang Diyos sa kanyang pangako. At kung sakaling dumating man ito, hindi tayo hahayaan ng Diyos na madaig ng pagsubok, bibigyan Niya tayo ng kalakasan upang harapin at ituro sa atin ang tamang landas upang malagpasan ito. Napakagandang passage sa bibliya. Pangako ng Diyos na anumang pagsubok ang dumarating o daraanan natin sa ating buhay, mayroong way ang Panginoon kung papaano tayo mai-hahango mula doon. Ganyan ang nangyari kay Jasmine, sa gitna ng kanyang kabiguan, tinulungan siya ng Diyos upang malagpasan ang pagsubok na parang wala ng daan palabas. Diyan ko rin kadalasan ipinapasok ang isang pamosong 'footprint in the sand' na awitin. Ang mensahe sa footprint in the sand: Sa ating weakest point in life hinuhusgahan na natin ang Diyos na hindi na tayo tinutulungan; na hindi na pinakikinggan ang ating mga dasal; pero yun pala, siya na lamang ang kumikilos at pilit Niya tayong inaalis sa ating sitwasyong kinasasadlakan. Hindi Siya natin nararamdaman dahil overpowered tayo ng ating sariling imosyon. At sa mga panahong matindi ang dinaraanan nating pagsubok, karay-karay Niya tayo sa kanyang balikat.
Lahat tayo dumaraan sa ganyan, dapat din alam natin kung anong pangako ng Diyos para sa atin, dahil sa tuwing daraan tayo sa matinding bagyo, mayroon tayong sisilungan, mayroon tayong kakapitan, isang matibay at matatag na pader na sasandalan.
Jasmine, alam kong nalagpasan mo na ang pinakamatinding bagyo sayong buhay. Isa ka nang bagong Jasmine na matatag at kayang kayang lagpasan anumang bagyo ang dumating sayong buhay.
This time Jasmine matibay kana, ipagpalagay na lang natin na hindi talaga para sayo si Mike. Tingnan mo, una, sinalubong ka ng pagtutol ng iyong mga magulang. Marahil kung naitakda talaga sayo si Mike, tutol man sila, pero matutuloy pa rin iyon. Pero imbes nga na naituloy, mayroon pang ibang nangyari, nakabuntis pa ng ibang babae, maliwanag iyon na hindi siya para sayo. Ikinasal na siya sa iba, mayroon ng sariling pamilya. Kung para sayo si Mike, iba ang mangyayari. Kinausap mo na sana siya noon pa, ipinarating mo na sana noon pa sa kanya ang iyong nararamdaman na kailangan siyang mag-hintay. Pero iba ang naganap, natagalan bago mo sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, at ito namang si Mike, inilagay niya rin sa sarili niyang kamay ang paghusga sa kanyang kabiguan, kaya humantong sa pagbubuntis ng ibang babae. Hindi nga siya para sayo! Tigilan mo na rin ang ilusyon na magkakabalikan pa kayo. Iba na ang sitwasyon ngayon, sa sitwasyon noon. Burahin mo sayong isipan ang minsan niyang nasabing kataga sayo. Lahat naman, puedeng lumabas sa taong umiibig, pati nga pagsungkit ng buwan at bituin sa kalawakan ay ipapangako, pero sino naman ang makakasungkit ng buwan at bituin?
Hindi mo na puedeng ipilit ang nararamdaman mo dahil kasal na siya sa ibang babae. Mayroon na siyang pamilya. Habang hindi ako sang-ayon sa ginawa ng mga magulang mo, gusto ko na lang ilagay sa positibong angulo ang nangyari. Tiyak akong mayroong mas-magandang plano ang Diyos para sayo. Hindi sa piling ni Mike, kundi sa panibagong Mike na makakasama mo habang buhay. Kalimutan mo na si Mike. Oo siya ang unang nagpatibok ng iyong puso, siya rin ang nakauna sayo, pero hindi ibig sabihin, titigil na ang pag-inog ng iyong mundo dahil sa mayroon ng nangyari between you and him. Sa ibang mga lalaki, hindi na iyan usapin as long as honest ka sa kanya at sa sarili mo. Sinuman ang dumating na panibagong Mike, maging honest ka sa kanya, sabihin mo ang katotohanan na mayroon kang naging boyfriend noon.
Heto pa ang isa sa binanggit ni Jasmine sa kanyang liham, third cousin daw ni niya si Mike, iniisip daw po niya na baka kaya hindi sila nagkatuluyan e dahil kamag-anak pa nila si Mike. Muli, iku-quote ko ang sinabi sa akin ni Fr Wendel Pastoriza, ang isa sa mga Filipinong pari sa Holy Family Cathedral sa Kuwait City. Allowed daw po sa simbahan at maging sa estado ang third cousin kung gustong mag-sama bilang mag-asawa, ang second cousin din ay inaalow din daw ng estado, ngunit hindi ng simbahan, pero once na ikinasal na ang isang tao sa estado, ibig sabihin daw po niyan kasal na rin sa simbahan.

No comments:

Post a Comment