Sunday, January 14, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

Ni Ben Garcia

Kasakiman at inggit tumapos sa buhay ng tatay ni Rochana

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)


Para Sayo Rochana,
Salamat ng marami sa iyong liham. Maganda ang buhay kasaysayan mo at maraming pagsubok ang kanyang kinaharap bago sa kanyang kalagayan ngayon. Namatay ng maaga ang Tatay ni Rochana dahil umano sa kulam. Uminog naman ng patas ang mundo at nalagpasan ni Rochana ang mga pagsubok. Nakatulong ang pangingibang bansa niya lalo't dumating ang extra-ordinary circumstance na kanyang kinaharap sa Kuwait, kung saan nakakuha siya ng malaki-laki ring halaga bilang compensation noong abutan siya ng gyera noon dito. Naipatayo ni Rocaha ang kanyang bahay, natulungan ang mga kapatid at mayroon pa siyang naipong pera sa bangko.

By July ng taong ito, balak na ni Rochanang umuwi sa Pilipinas for good. Mag-aasawa na raw po siya. Ito ang kanyang concern, iimbitahin ba raw niya sa kasal ang auntie niya at asawa nito na siya nilang pinaniniwalaan nagkulam sa kanilang mahal na ama. Base sa kanayang kuwento ang kamag-anak nilang ito ay naghihirap na sa ngayon. Papaano raw ba haharapin ni Rochana ang katotohanang ito sa kanilang buhay?
Bueno, Rochana, gaano niyo (mo) ba napatunayan na ang Tito mo nga ang salarin sa pagkamatay ng iyong ama? Ang sabi mo sa liham, dinala niyo pa ang iyong ama sa ospital, tumagal pa ng ilang buwan. Siguro ko naman mayroong medical explanation ang mga doctor sa pagkamatay ng iyong ama, dapat mas-pinaniwalaan niyo iyon kesa sa sabi-sabi ng ilan dahil mas-mayroong pinagbabasehan ang mga doctor.
Habang hindi ko rin naman inaalis ang posibilidad na puede ngang kumilos ang diyablo sa ganyang paraan, pero sa parte ng kamag-anak niyo, bakit naman gagawin nila iyon? Dahil ba sa ingit, dahil ba sa kasakiman, tulad ng sinabi mo? Hindi natin alam iyan. Pero ang masasabi ko lang ang gawaing ganyan ay udyok ng masamang espiritu at wala iyang puwang sa mga anak ng Diyos. Kung malaki ang iyong paniniwala sa Panginoon, walang sinuman ang puedeng makasakit at makadaig sa kapangyarihan ng Diyos. Naniniwala ako Rochana, na anuman ang dahilan ng pagkamatay ng iyong ama, mayroong plano ang Diyos, na mas-higit sa ating mga plano, na mas-higit sa ating pinaniniwalaang maganap. Ganyan ang kadakilaan ng Diyos. Kung kaya nga hindi masamang muli ninyong iabot ang inyong mga kamay sa mga taong naging tinik, umapi at pabigat sa inyo noon. Ganyan actually ang gustong ituro sa inyo ng Diyos sa pangyayaring naganap sa inyong pamilya. Ang matuto kayong magpatawad, ang matuto kayong ibaon sa limot ang masamang bangungot ng nakaraan at harapin ang pagbabagong naganap sa inyong buhay.
Matagal nang nangyari iyon, siguro, oras na rin marahil upang harapin ninyo sila ng maayos, igawad ang pagpapatawad at pakinggan sila. Ang problema sa atin, mas-gusto nating naririnig ang pabor sa atin, ang palagay nating acceptable sa atin, pero yung estorya ng kabila, patuloy nating ini-isnab at ayaw nating paniwalaan. Matuto rin tayong makinig sa sasabihin ng iba.

Maraming salamat Ms Rochana Apilar Apolinar sa liham na masyado nang delay bago ko nabigyang pansin sa Buhay at Pag-asa. Good luck sa iyong bagong haharaping buhay, bilang Ms Joey. Hangad ko ang tagumapy ng inyong pagsasama. Ben Garcia po nagsasabing habang may-buhay, patuloy na iikot ang gulong ng pag-asa. Maraming salamat po!

No comments:

Post a Comment