Ni Ben Garcia
Pasaway, suplada, mahilig... si Janice
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)
(Sagot ni Ben Garcia sa letter sender na si Janice last week)
Dear Janice,
Maligayang pagbabasa sayo, kabilang na syempre ang libu-libo nating kababayang nakaabang Linggo-Linggo sa ating palatuntunan. Kumusta na po kayong muli. Maraming salamat sa tiwala sa inyong lingcod. Isang munting paalala lang po, kung sakali't naipadala niyo na ang inyong mga liham ng medyo matagal nang panahon at hindi ko pa rin nababasa, please, paki-remind po ako sa pangalan upang mahanap ko sa bulto ng mga liham na dumarating sa akin everyday. Yung mga bagong sender hintay lang po kayo. Mayroong mga tumawag o nag-text ng pangalan, kamakailan, yung sinabihan ko na ipadalang muli, yun po kase yung hindi ko makita sa aking file. So, kung sinabihan ko po kayo na wala yung letter ninyo, hindi nangangahulugan na nawala na nga iyon, pero hindi rin po talaga maikakaila ang katotohanang minsang naliligaw ang mga snail mail. Dahil unang-una, baka iba ang ang PO Box number na nagamit ninyo. Kaya, kung nagpadala po kayo ng liham at hindi pa rin nababasa, may-ilang buwan na--baka, iba po ang mailing address ang nagamit niyo, isang number lang ang mawala, maaring babagsak iyan sa ibang mailbox. So paki-double check ano po, para makarating talaga sa dapat puntahan. Mayroon kaseng tumawag sa akin last week at nagtatanong kung kelan ko ba raw mababasa ang liham niya, eh last month pa raw iyon ng 2004, uwi na raw siya by March ng 2007... please, baka hindi po talaga nakarating iyan sa PO Box number naming, dahil hindi ko nakita pangalan mo. Kaya, paalala na rin po sa mga nagpapadala ng liham, please double check the mailing address. Maraming Salamat po!
Si Janice na letter sender natin last week ay nayroong asawa. Pero, hiniwalayan niya asawa dahil sa umanoy irresponsible ito at minsan nang nakinig sa bintang ng kanyang ate, na mahilig daw mang-himasok sa kanyang personal na buhay. Pero, nakilala naman ni Janice si Mark ang taong ayon sa kanya ay nagbigay ng kulay sa kanyang buhay. Pero maging si Mark ay minsan ding nakinig sa tsismis ng ate niya. At yung ipinagbuntis niya noon ay ipina-abort nila dahil di raw maniwala si Mark kung kanya iyon.
Isa pa, may-pinuprotektahang pamilya si Mark. Kaya hindi siya (Janice) puedeng manganak. Pumayag siyang ilaglag ang bata, pero, tuloy pa rin ang kabaliwan niya sa lalaki, in fact, balak niya na sa kanyang pag-babalik sa Pinas bibigyan niya na raw ng anak si Mark.
Nagtatanong ngayon si Janice kung ano ang kanyang gagawin? Dapat niya raw bang sundin ang tibok ng kanyang puso? Ang maikling buod na iyan ay sa kapakanan ng mga hindi pa nakabasa ng kuwento. Sa mga kabayang gustong basahin ng buo ang kuwento ni Janice, available pa rin po iyan sa aking blogsite anytime, ang address ay nasa itaas ng column na ito.
Bueno Janice, kung kapatid mo ako, baka tulad din ako ng ate mo. Sobra ang pagmamalasakit sayo ng ate mo, maski papaano, pero ikaw, ang turing mo sa kanya, halimaw at paki-alamera.. Siya ang ginawa ng Diyos na iyong konsensiya, pero, papaano mo nga naman pakikinggan ang iyong konsensiya, eh hindi mo na marinig, dahil isinarado mo na ang iyong puso sa kanya. Isa na siyang kaaway at hindi na siya puedeng magsalita ng mabuti, pabor sayo. Set na kase ang mind mo sa ganyang pag-iisip, kaya, kahit na anong marinig mo mula sa ate mo, basura iyon at hindi maganda sayo.
Pero matanong lang kita, ang ate mo ba ay tulad sayo Janice, or I mean, hindi ba matuwid ang kanyang pamumuhay? Nanlalake ba siya? Nang-abort ba siya ng anak para sa kaligayahan ng lalaki niya? Wala kang ikinuwento, maliban sa puot na nararamdaman mo dahil sa pakikialam niya sa buhay mo.
Masakit ano, pero iyan ang katotohanan, pero sa akin, inisip ko, okay lang iyang sinabi ko sayo, total naman, noong ipinagkatiwala mo ang kuwento ng iyong buhay sa akin, ipinalagay kong handa ka sa sasabihin ko. Kaya, masakit man ang babanggitin ko, no choice ka ngayon kundi ang tangapin iyan. Tinatanong mo ako, kung susundin mo ba ang tibok ng iyong puso? Tanong ang gusto kong isagot sayo, makakatulog ka ba ng mahimbing sa gabi, kung ang mga anak ng kinakalantaran mong lalaki (excuse po) ay mawawasak ang pamilya dahil sayo. Tama na ang kabaliwang iyan, Janice. Tulad ng sinabi mo, may-asawang tao si Mark, mayroong mga anak, mahabag ka sa kanila, kung ipagpapatuloy mo ang pakikipag-relasyon sa kanya, dalawa lang ang puedeng mangyari. Mawawasak ang pamilya ni Mark at hindi ko alam kung hanggang kailan si Mark magiging maligaya sa piling mo. Ang katotohanan nga niyan, minsan kang bumigay sa kahilingan ni Mark (na ilaglag ang bata), iyan ay patunay na hindi siya handang panagutan ka o ipaglaban ka hanggang sa dulo ng walang hanggan. So sino ang lugi pagdating ng araw? Ibang kaligayahan lang o panumandaliang kaligayahan lang ang gusto sayo ni Mark.
Tama na ang minsan kang nagkamali, tama na iyon! Harapin mo ang sarili mo ngayon, tanungin mo kung ano ba ang magagawa mo upang tuluyan mo siyang makalimutan.
kuya ben,
ReplyDeleteComment ko lang kay Janice sa tingin ko lang insecure sya na baka wala nang tatanggap ulit sa kanya, meaning afraid of rejection most of us knew that were doing someyhing wrong, but were too afraid to change it na baka no one will understand kaya were still doing it no matter what, Janice if i were you I will leave this man, and stay here until it heals, open some doors to others and start w/ friendship and let it flow from there walang tamang kalalabasan ang isa pang pagkakamali & and at the same time what you will say to your child if he/she ask you why my father is living w/ another family? There are man out there na may dignidad pa rin( I know so many here in KWT are useless already, excuse me for that) but there is still a good future for you out there.