Ni Ben Garcia
Kasakiman at inggit tumapos sa buhay ng tatay ni Rochana
(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, PO Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com )
Dear Kuya Ben,
First of all I would like to greet you hello sampo ng iyong mga kasamahan sa Filipino Panorama at lahat ng iyong mga taga-subaybay sa nag-iisa at walang katapat na programang 'Buhay at Pag-asa'. Masugid ninyo akong tagapakinig noon sa Radyo Pinoy. Ako nga pala si Rochana Apolinar ng Tampakan South Cotabato. Kasakiman at pagka-ingit ang tumapos sa buhay ng Tatay ko. Taong 1985 ng mamatay siya. Tandang tanda ko pa, biglang-bigla ang kanyang pagkamatay. Sumakit lang ang tiyan, itinakbo namin sa ospital at makalipas ang ilang buwan, namatay siya. Ang dahilan daw po kinulam ng asawa ng autie ko, dahil sa inggit dahil medyo nakakaangat kase kami sa buhay.
Masakit para sa akin ang napaka-agang pagpanaw ng Tatay ko. Hindi pa natikman ng mga kapatid ko ang pagmamahal ng Tatay ko dahil napakamura pa nilang edad. Noon kaseng mamatay ang father ko, tatlo kaming nag-aaral sa high school. Just imagine kung paanong paghihirap ang susuungin naming magkakapatid makatapos lang kami sa pag-aaral. Noong namalan ng Kuya ko ang dahilan ng pagkamatay ng Tatay, pumasok siya sa New People Army (NPA), para makuha ang hustisya sa pagkamatay ni Itay.
Nung gusto na niyang gawin ang kanyang pakay, hindi siya pinayagan ng kanyang kumander para patayin ang Tito naming. Hindi raw iyon sagot sa problema namin. Nang malaman ng Kuya na hindi naman pala puedeng maghiganti, nagpaalam siya sa commander at pinayagan naman siya. Inaalala kase ng Kuya ang kalagayan ng Nanay ko. Nagparamdam naman sa amin ang auntie namin, (asawa ng mangkukulam) in fact naawa sa kalagayan namin at kinuha niya ang mga bata ko pang mga kapatid para pag-aralin daw, mahirap man para sa amin, pumayag din kami. Pero ginawa lang pala nilang katulong ang mga maliliit ko pang mga kapatid. Kaya, binawi na lang namin sila. Sa bayan, nangupahan kami para ituloy ang aming pag-aaral sa tulong ng Kuya na noon ay balik sa gawain na noon ay dating trabaho ng Tatay.
Yung isa naming kamag-anak na teacher, siya ang nag-inganyo sa akin na mangibang bansa.
Dumating ako sa Kuwait noong 1989. Pero minalas naman dahil August 1990, nilusob ng mga Iraqis ang Kuwait, dahilan para maaga akong makauwi ng Pilipinas noong October 1990. Stay ako sa Pinas ng konteng panahaon, at nang mabalitaan kong tahimik na ang Kuwait, muli akong nag-apply. Sa aking pagbabalik, napunta naman ako sa among mababait. Mag-16 years na po ako sa amo ko ngayong 2006. Umuuwi ako sa Pinas every four years, nakabili na rin ako ng lupa, na pinagpatayuan ko ng aming bahay. October 15, 2000 nakatanggap ako ng war claim na ipinadala ko naman sa aking mga magulang. Umabot iyon sa halagang 100,000 pesos, nakatulong iyon sa pagpapagawa ng aming bahay. After a year, muli akong nakatanggap ng 75,000 pesos, kaugnay pa rin sa war claim ko noon. Itinabi ko na iyon at dinadgadagan ko na lang kung mayroon akong natitira sa suwedo sa buwan buwan. Yung mga kapatid ko nakatapos ng lahat sa pag-aaral at mayroon na rin silang kanya-kanyang buhay. Yung isa kong kapatid mag-aalahas na ngayon at kumikita rin ng malaki sa kanyang negosyo. Gumanda ang buhay namin sa kabila ng pang-aapi sa amin ng aming kamag-anak. Balita ko nga ngayon, masyado na raw naghihirap sa buhay ang tumapos sa buhay ng aking ama.
Kuya Ben, sa ngayon mayroon akong boyfriend sa Pinas, naghihintay siya sa aking pag-uwi doon, balak kong mag-for-good na by July 2007. Maaaring mag-asawa na rin ako, by that time, pero heto, naguguluhan ako, iimbitahan ko ba ang kamag-anak namin na suspect sa pagpatay sa Tatay ko. Patawarin na ba namin sila sa ginawa nila sa father ko?
Gumagalang at Nagpapasalamat,
Rochana Apilar Apolinar
(Abangan ang sagot sa susunod na labas ng Buhay at Pag-asa sa Linggo. Gusto ring magpahabol ng pagbati si Rochana sa kanyang mga kaibigan dito sa Kuwait tulad nina Vicky, Maricar at Josie at sa kanyang one and only husband to be, Joey. A million thanks din daw po to her kind-hearted sponsor in Kuwait. Maraming salamat sayong liham Rochana, watch out sa next issue!)
No comments:
Post a Comment