Sunday, April 08, 2007

Buhay at Pag-asa

Ni Ben Garcia

Mga multong kinatatakutan ni Valencia, nagpaparamdam, nagpapakita!

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, P0 Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito pa ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

(Pagpapatuloy sa liham kasaysayan ni Valencia)


Marami akong naging kaibigan doon sa bago kong trabaho, matagal din akong nanatili, hindi ako napi-finish contract tulad ng iba na tumatagal lang ng anim na buwan, umaalis din agad dahil finish contract na, pero ako hindi. Alam nyo po ba ang dahilan, dahil sa pangalawang multong ginawa ko sa buhay ko. Si Sir, supervisor ko sa trabaho, medyo nagkagustuhan kami, si Sir mayroong asawa at anak, pero nanligaw sa akin at noong naroroon ako sa trabaho, kumapit ako sa kanya, ayaw ko kaseng lilipat na naman ng trabaho. X-rated na ang mga sumunod kaya akin na lang iyon. Pero matino pa naman ang isip ko, aware ako sa pamilya niya, kaya hindi rin ako pumayag na maging kabit niya. Mayroong nang nangyayari sa amin ni Sir ng dumating sa akin si Henrick, sa kabilang banda, okay na rin iyon sa akin, dahil ayaw kong lunurin ang sarili ko sa kahibangan sa lalaking mayroon nang pananagutan. Sinagot ko si Henrick, mabilis ang mga pangyayari at sa katunayan, ikinasal kami na puro tutol ang pamilya namin sa isat-isa. Kaya solusyon, nagtanan kami, wala na silang nagawa, dahil nabutis na rin ako. Dalawang lalaki ang umiyak at naglasing ng ikasal ako. Si Sir at ang dalawang taon ko na ring manliligaw. Nang mabuntis ako, nag-resign ako sa trabaho. Lalaki ang naging anak ko kay Henrick, at dito ko na rin napagtanto ang sinasabi ng magulang ko, kung bakit si Henrick pa ang napangasawa ko. Halos kapapanganak ko pa lang sa bata, tinanggal ang asawa ko sa trabaho dahil napasama siya sa union, nagsampa ng kaso, pero natalo, at simula noon, di na siya nagtrabaho. Nabubuhay kami mula sa pera ng mga magulang niya. Mahigit tatlong taon din ng hindi nagkakalaman ng pera ang pitaka ko. Doon ko naisip ang mga magulang ko at mga kaibigan ko, pero sa totoo lang mabait naman ang asawa ko, ni hindi niya ako napagbuhatan ng kamay.
Ako pa nga ang nakakasakit kapag nag-aaway kami, walang bisyo at ni hindi naninigarilyo o umiinom. Pero may-isa siyang hilig na naguubos ng lahat ng oras niya, iyan ang paglalaro ng basketball. Iyan kase ang hilig niya, gusto nga sana niyang maging basketball player. Sa ganoong kalagayan, naalala ko si Sir, gusto kong magkalaman ulit ng pera ang aking walet. Bukod sa wala na rin namang nakakatulong sa amin, kundi ang pamilya niya. Gusto kong matulungan siya kaya, balik ulit ako sa factory, si sir ang nagpilit sa managemnt na ibalik ako sa trabaho. Hindi nga nagtagal, nakabalik ako. Ewan kung biro ng tadhana, o talagang sinasadya. Lahat ng shift ko ay kasama si Sir, kuwento doon, kwento dito ng buhay. Seven years ang tanda sa akin ni Sir, pero, kung paglalapitin lang kami, parang magkasing-edad lang kami. Dahil nga sa lagi kaming nag-aaway ng asawa ko, muli na namang nahulog ang aking puso kay Sir, siya kase ang takbuhan ko sa lahat ng problema ko sa buhay. Yung naputol naming relasyon noon, ipinagpatuloy lang namin. Ginagawa na naman naming panakaw ang mga bagay na mag-asawa lang ang puedeng gumawa. Pero enjoy naman ako sa kanya, kase, siya nga lang ang nalalapitan ko sa mga oras ng kagipitan. Pero iyon ay sandaling panahon lang, muli na namang naputol dahil sa nag-end ako ng contract, hindi na rin yata, pumayag ang management na muling irenew ang contract ko, text ng text si Sir sa akin, gusto kong sagutin, pero takot ako baka, malaman ng asawa ko patay ako. Hanggang sa maisipan kong takasan ang multong ginawa ko, napadpad ako sa Kuwait. Kuya Ben nabibigatan ako sa problema ko kaya gusto kong ishare sayo. Alam kong makasalanan ang magiging tingin sa akin ng mga mambabasa mo, at maging ng Diyos. Mayroon akong takot, para itong multong bumabalik sa akin sa katahimikan ng gabi, sa aking pagtulog, sa aking pag-iisa. Paano kung malaman ng asawa ko na mayroon akong naka-relasyong tomboy? Then paano iyan, kahait na asawa ko na siya, nakipagrelasyon pa rin ako sa ibang lalake. Grabe talaga ang bigat ng dinadala kong multo. Marami rin akong pangarap sa buhay, pero laging bumabalik ang multo sa aking buhay. Para akong bumubuo ng blocks, sa tuwing malapit nang matapos, nabubuwal, gumuguho ulit. Sana mapatawad ako ng asawa ko, ng mga anak ko at higit sa lahat ng Diyos.

Gumagalang at Nagpapasalamat,
Valencia.


Salamat ng marami sayong liham Ms Valencia. Kung gustong balikan ang kanyang kuwento, bisitahin ang aking blogsite. Sasagutin ko ang liham na ito sa sususnod na Linggo kasama ang sagot sa tanong ni Juvy ukol sa labour problem. Samantala welcome sa bagong bihisa nating Filipino Panorama, abangan ang pagbabagong bihis ng column na ito, Muslim Family Law at ng Balitang Showbiz Plus.

****
Greetings Community Announcement atbp.

Kuya muzta effective nab a ang age limit na 25 and below uwi me sa june pro dky me magkaproblema kng babalik me d2 sa amo ko eh 23 pa palang ako thanks and god bless you and more power, grace? ))Hindi naman siguro dahil sakop ka pa ng dating batas).
****
Hi kuya ben si wendy po ako need ko po advice nyo kasal ako sa huwes naghiwalay po kami b4 ako pumunta d2 may kasulatan kami tunggkol lang sa mga anak lang ngaun nagpakasal cia sa ibang babae sa simbahan at magkakaanak na sila ngaung may, ask ko kuya pwde po ba ako magpakasal d2 paano po ang proseso? (Kasal kayo kamo sa huwes, pareho ang effect niyan sa simbahang kasal. Ibig sabihin kasal dapat kayo at hindi siya nakapag-pakasal sa iba, baka hindi rehistrado ang kasal ninyo kaya, madali siyang nakapag-pakasal ulit. Kung gusto mong mag-asawa ulit, puede rin naman siguro dahil nakapag-pakasal nga yung dati mo, kung dito iniisip mo, puede rin, pero kailangan mong isecure ang iyong papers tulad ng singleness dadaan iyan sa Malacanang).
****
Gud evening po sir hingi lang po ako ng payo kung anu po ang dapat naming gawin sa amo naming magnanakaw at kami pa naman ang taga bitbit ng kanyang mga ninanakaw. (Hirap naman niyang tanong mo, kase, kung pagsasabihan niyo, kayo pa ang masama niyan, kung isusumbong naman ninyo, kelangan niyong patunayan iyan. Papaano kayo saan punta niyo kung salaki? Wala bang pera iyan at nagnanakaw? Kung ganon bakit mayroong katulong? May-sakit na siguro iyan, ang mahirap, baka, dahil nakikita niyo ang ganyang maling gawain, isipin ninyo na nakakalusot naman, baka gawin din ninyo, naku-mahirap ang ganyan. Ang payo ko, pabalik kayo sa agency at maghanap kayo ng panibagong amo, mahirap kaseng mainvolve).
****
Gud am kuya ben may problema ko tapos na contrata ko sabi ng amo ko di daw nya me bigyan plane ticket pauwi tapos gnawan pa ako ng kasalanan at pinalayas sa bahay d2 me now embassy at parang wala rin magyayari kasi sabi ng embassy pasok daw me iba work pero ayaw ko na gusto ko na umuwi kuya 3 years na me d2 sa Kuwait I want 2 see my family anong klaseng embassy natin parang walang halaga at pera lang din ang habol. Sabi ng amo ko relis nya ako f magtrabaho sa iba at hingi pa sya 200kd, kinuha pa nya ang pera ko ng 150kd. (Sir Pol de Jesus paki-tingnan nga po itong kabayan natin na nariyan daw sa embassy, iyan ang kaso niya, marahil alam niyo iyan. Paano po kaya ang magandang gawin diyanm gusto na raw pong umuwi).
****
Hi kuya ben ako si Gloria m. maraming salamat sa paglathala u skin liham kasaysayan at maraming salamat sa iyong ksagutan skin tanong --kuya ben malaki ang nai2long ng iyong buhay at pag asa sa mga 2lad naming may mapait na karanasan sa buhay...more power and god bless you
****
Hi gud am kuya ben ako nga pla si ryza alyas bakla ng marikina sa 22o lang 3times palang me naka read ng colum u na2wa kasi magaganda ang mga payo at na222 ang mga readers u meron pla Filipino panorama kahit nasa Kuwait lagi kasi me bc bahay trabaho lang me kaya di me alam minsan binilhan po ako ng bf me para magbasa naman me kahit paano kaya tuwing lingo bumibili na agad me ng dyaryo at pahina u agad ang aking binabasa, isa akung saleslady d2 sa muhallab, may problema me kuya pwde nyo po ba akong payuhan kung wat ang gagawin me may kapatid me d2 work sa bahay tapos na contrata nya sa june pwede po ba wag nalang syang umuwi magwork na lang cya sa labas may karapatan ba cya, at sbhin nya sa amo nya. Ano po ang dapat nyang gawin? Kailangan po naming ang 2long u at payo u kuya ben pakiusap po. Maraming salamat po at sana marami pa kaung ma2lungan at mapasaya. (Oo, tapusin ang kontrata at umuwi ng Pinas, recommend mo siya sa agency na pinangggalingan mo, at least mas-madali ang ganyan kesa humingi ng relis na pahihirapan pa siya at gagastos pa ng malaki)
****
Hi kuya ben muzta po kau im Emily 5 months palang d2 sa Kuwait pero gusto ko nang umuwi sa pinas ano dapat kong gawin 2lungan nyo po ako, more power at gud luck. (Homesick lang iyan, sayang naman ng ginastos mo. Pero kung hindi mo talaga kaya, puede, sabihin mo lang sa amo mo, yun nga lang baka, pagbayarin ka ng mga nagastos niya, although hindi naman dapat. Pero ang batas talaga diyan, kung hindi ka tapos ng kontrata, ikaw ang magpapamasahe sa sarili mo).
****
Nabasa ko sagot mo kuya sa tanong ko salamat kiya si maja 2 ng mangaf ask ko lang ganun ba talaga d2 kahit naglalakad ka lang hihingan ka ng cp no mo? Natatakot 2loy ko lmabas hindi lang isang beses ito madami na po ganyan ba sila ka gahaman sa mga babae? Dedma ko nga cge pa rin ano po ang mapapayo nyo nito kuya? (Tama, hwag niyong papansinin o titingnan man lang, kuhananin ang cellphone at kunwari tumatawag ka sa pulis, aalis din iyan).
****
hello kuya ben I need ur advice tapos na po ang iqama tapos april 15 then apply me work outsige c amo he give me release tapos pgtraining na c amo ayaw pumayag magtraining 3 days sa photo shop natatakot ano raw ang magyari tapos sabi ni amo irenew raw nya ang iqanma for 1 year kasi after school days magtravel cla tapos maiwan na ako d2 bahala naraw akong magtrabaho sa labas pero kua ang iqama ko no 20 uuwi pa ban g pinas wala akong pera thanks kuya god bless. (oo maraming Arabo na pagdating sa bagay na iyan ay mahirap kausap, payo ko sayo, kung tapos na ang kontrata, umuwi, at mag-reaaply pabalik dto, trabaho sa labas na, huwag na sa bahay).
****
gud pa kuya ben I wud lyk 2 gr8 2 my some1 specialnmr leyson from boracay islang, iloveyousomuch...thanks kuya godbless,,from mae of davao
*****
kuya ben helo po god bless u always paki gret po happy bday 2 mary dis 20 of march, lani jona of hawally,regards sabi ni mary,estrl
****
kuya muzta po kaung lahat kuya may tanong po ako sau ako an magbabayad sa iqama ko 150kd ang kaltas sa akin tama po ba 2? Kc naguguluhan po ako sa kaiisip ,thaks po. (Tanong bakit ka kinakaltasan sa iqama, binili mo ba iyan? Saan ka trabaho sa bahay o sa labas. Ang bayad sa iqama ay KD10 lang bawat taon ang pagkakaalam ko, kung employer mo siya, dapat siya ang magbabayad niyan at walnag bawas iyan sa worker na tulad mo).
****
hi kya 1 me sa tagasubaybay ng filpan ask kang f pano magfile ng legal separation lalo na d2 pa me sa Kuwait at gusto ko rin mag change status and name. legal me na kasal sa pinas at ang asawa ko may kinakasama na nasa hongkong pa me hindi na maganda ang magsasam namin, kuya ang sakit ng kahapon ko kya wala me gana umuwi ng pinas, thaks sa filpan kuya (File ka sa munisipyo ninyo ng annulment, iyan ay kung gusto mong mag-asawa na rin ng iba. Kung gusto mong mag-file d2 puede rin kailangan mo lang kumuha ng special power of attorney sa embassy at ang abogado mo sa Pinas ang lalakad niyan. Komplikado at katumbas ang malaking halaga niyan.
****
Helo kuya ben magandang araw sa u isa po akong masugid na tagasubaybay ng Filpan esp sa Buhay at Pag-asa, maitanung ko lang po kung ano ang gagawin ko sa mga amo ko, apat na taon na me nanilbihan sa knila, isang araw nag-away kami ng amo kong babae sabi nya dalhin daw ako sa agency sabi ko sa embasy nalang me dalhin, ayaw nya akong bilhan ng ticket, kuya gusto ko lang malaman kung ang taga embasy ba ang magsasabi sa amo o na i release ako gawin kaya nila? (Depende po iyan sa amo, oo, maaari kang matulungan ng embassy, pero sila, hanggat maaari immediate resolution sa problema ang gusto nila, meaning, kakausapin ang amo at yung mabilisang solusyon ang igigiit nila.)
****
Hi kuya grit ko lang ang mga kaibigan ko na sina janet, lucy, marites, marina pati na rin ang aking sweetheart, hello mr carmelo I love you still take care always, from sarah
****
Helo kuya ben muzta po magtanong lang po 20 years na me work isang employer lang ask ko lang kng may matatanggap ba akong long service pay? kase ngaun uwi ako sa pinas? Its me jomar (Dapat naman mayroon sang-ayon sa batas, kahit nga sa bagong batas ng mga housemaid mayroon niyan, di ko alam kung anong visa hawak mo Jomar, kung 20 visa aayusin iyan ng interior department (pulis) pero kung 18 visa sa Shuun o branch ng ministry of labour)
****
Hi kuya ben kumusta na po kau ako po ay isa ng tagasubaybay sa iyong colum sa Kuwait times 3 years napo ako d2 sa kuwait malapit na rin po akong umuwi want ko sanang mag tourist papuntang London pero pagdating ko doon want ko sana magtrabaho, pwede kayang mangyari un? ano po kaya ang dapat kong gawin? (Maraming nag-try na ng ganyang paraan pero hindi sila nagtagumpay, d2 pa lang sa Kuwait mahaharang na application mo. Pero hindi naman lahat, once na mayroon kang pera sa bangko, malaking amount ha, puede kang mag-process ng visit visa sa embassy nila d2, pero kung wala, I advised u not to try, kase mabibigo ka lang. Mayroong mga nagpa-process ng visa papuntang England, iyan ay kung nurse ka dahil indemand iyan sa UK, nakakatulong din kung mayroon kang kamag-anak doon na ipipitisyon ka o invitation man lang mula sa kanila. Ang purpose nila kung bakit ganyan sila kahigpit, dahil ayaw nilang maging pulubi ka doon sa kalsada, kung mayroon ka kaseng pera, di ikaw pasanin ng gobyerno nila o kung mayroong kamag-anak na sasalo sayo dun, di ka rin magiging pabigat sa gobyerno nila. Kung mayroon trabahong pupuntahan, go ahead pero kung wala, hwag na lang, that procedure ay Gawaiin din ng America at maging sa Australia).
****
Hi kuya ben malapit na po akong umuwi sa april 3 pero until now di ko pa nababasa ang aking greeting pero di bale nalang want ko parin batiin ang mga friends ko na sina jona ate merly Fatima weng rose mina and mary esterel of salmaiya, from lanie of maidan hawally thankz kuya ben. (Sorry sa delay kung nakaalis na, sana mabasa ito ng friend mo)
****
Hi kuya ben, im emely pls extend my warmest greetings belated happy bday 2 my baby sarah saud thankz a lot .
****
I want to gret my sweatheart haime always take care and I love you, 2 my frend pegy hilda mary and esp 2 my cute bestfrend ma mercdes 2 my sister fely and hello kay beautiful Annabel and more power 2 u kuya ben and god bless you from vidden of sulaibikat. Blated birthday to my frend mercdes I hope you have many more bdays to come in your life and hi to ana from vidden of silaibikat
****
Hi kuya ben I want to gret my frends in Kuwait sis lety of santol tanza vavite yume sanore nor Indonesia at sina sherly riza kdm ne mama jace at most specialy my sponsor also bae saud maaly sarra fahad aziz wasmiya noreria mohammad at si omar and 2 my mama mesyael bb saud at yung driver namin elsa santos ng jahra at can lucy at berta ng salwa
****
Hello kuya ben gusto ko lang batiin ang mga frends ko kuya dhing aleli monic nita 2 my sweetheart ted, I love u, from thes
****
Pwede u ba me matulungan kc nwwla ung auntie ko Pahmia Guinaid name nya inutusan ng amo nya para kunin ang laundry dna nakabalik pumunta ko sa embasy natin wala sya, lahat ng mga gamit nya nasa amo nya pa rin kuya anu po ba ang dapat kong gawin eh balita pa naman ditto sa Kuwait madaming nangdudukot at nawawala nalang. (Report niyo dapat sa pulis iyan, at ipinaalam sa embassy, kase puedeng tumakas iyan at nagpunta sa ahensiya di natin alam o baka nga mayroong sinamahang iba).
****
Hello kuya ben I want to greet in advance to my sweet and loving best friend Marisa Castillo coming from conie lacsamana of hawally.
****
Hi kuya ben gud day 2 u I just want 2 gret my frend ate lily sexy lucy of andalus and also manang cutie ate lolet of mishref gretings coming from cute gina, more power!
****
Hello kuya ben paki gret mo naman mga frends ko can Amelia elvie sonia lilian leo merlin at si idol jeff ko hapi bday din kay jay thanks poand more power.
****
Hi kuya ben kumuzta na po kau kuya binabati ko po ng maligayang karawan sa araw na ito si ate nhorei sana maligaya ka sa araw na ito ang bumabati si rhea po ng hawally maraming salamayt po
****
Hi kuya ben 1year ang 6 months na ko want ko magtrabaho sa labas lam ko di ko payagan pero b4 ako punta d2 bngyan ako ng agensy isang copy ng nakasulat po assurance of commercial visa upon workers arrival in Kuwait d2 po sakin ang copy pwde ko kaya ito ipakita para bigyan ako ng release? Please help me. (sa totoo lang di ko maintindihan kung ano iyan, pero kung mayroon mang bisa iyan tulad ng sinabi mo, maaaring paso na dahil mahigit isang taon ka na d2 at nagtrabaho ka na sa kanila ng hindi pa iyan naitatransfer. Puedeng pagkatapos ng 2 taon mo, uwi ka sa Pinas at mag-aaply ng panibagong trabaho, this times tiyakin mo na na sa labas ka mag-tatrabaho.
****
Kuya pwde moba kami bigyan ulit ng artikulo 2ngkol sa sahod at di ko alam kng registred po ako sa embahada pano po malaman di kaya huli na ako?10Q. (Kung matagal ka na d2 di ka pa kasama sa bagong batas na 120 para sa mga katulong, pero kung bago ka, dapat kasama kana, iyan ay kung dumaan ka sa TESDAtraining).
****
Hi kuya ben gret ko lang po ang mga frends ko ate joy tess may ate sarah hammad mon Helen esp sa hipag ko ate jo narciso also to ramil san pedro kim en mely I love you, thanks liza
****
Mr ben Garcia gandang araw sainyo tanong me lang kung 2maaas ba bayaran ng monthly contribution sa sss para sa ofw kahit sa loob ng 7 years d2 sa amok o 45 parin ang sahod ko, seven na po ako d2 pero 1 tym lang me uwi tapos civil id ko this oct 28 at balak ko sanang umuwi na kung babalik me sa amo ko kailangan ba na pumunta me sa agency me para nagdemand sa salary? Payag name na 70-80kd cgurado me di bigay ng 400$ kasi 200$ nga di nya bigay thanks you very much sana masagot u ang tanong ko.

No comments:

Post a Comment