Sunday, April 01, 2007

Buhay at Pag-asa

Ni Ben Garcia

Mga multong kinatatakutan ni Valencia, nagpaparamdam, nagpapakita!

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay, P0 Box 1301 Safat 13014 Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto nyong mailimbag ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan ipadala ang 2X2 photo, o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito pa ay optional. Para sa komento bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)
Dear Kuya Ben,

Magandang araw sayo at sa libo-libong mong taga-subaybay. Nais ko sanang magpakilala sa inyo, kaya lang natatakot ako. Natatakot ako sa mga multong nilikha ko. Hindi ko nga alam kung papaano akong mag-sisimula, pero itry ko. (isip-isip...rewind-rewind, balik tanaw sa aking nakaraan, ayun-sakto, ) Naalala ko noong 17 years old ako. Grumaduate nga pala ako na masama ang loob. Masama ang loob! Alam niyo ba kung bakit? Aba eh, kada, kita naming magbabarkada at mga kaklase noon, wala silang ibang binibida sa akin ay ang pag-enroll nila sa koleheyo, keso nakapag-enroll na sila ng nursing, engineering, psychology, education etc. Eh ako naman itong si Valencia (di tunay na pangalan) walang masabi dahil alam ko, di ako puedeng tumuntong sa koleheyo. Tatlo kaming magkakapatid, pero ni-isa man sa amin, walang tumapak sa koleheyo, alam ko ang kahirapan ng buhay ang dahilan.
Hanggang sa napilitan akong magtrabaho sa isang gasolinahan. Caltex po sa Bulacan ang napasukan ko at sa Bulacan din po ang aming probinsiya. Cashier po ako doon. Noong magsimula akong mag-trabaho, doon ko na siguro ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Barkadang katakot-takot. Mayroon akong mga barkadang bakla, tomboy, may-ipin o wala, ang iba lulong sa ipinagbabawal na gamot, lasengga at kung anu-ano pa. Tomboy? Lesbian, T-bird, iyan ang unang multong kinatatakutan ko.
Si Onie, kasama ko siya sa trabaho, produkto siya ng broken family. Naligaw din ng landas, sa kanya, unang napalapit ang puso ko, kase, siya ang taong marunong makinig ng aking kuwento. Best friend na maituturing ko siya kung baga. Sa kanya ako natuto ng lahat, druga, alcohol, manigarilyo, ayaw kong maging hypocrite, oo, lahat ng iyan ay ginamit ko, pero totoo, hindi ako, nalulong sa ganyang bisyo. At oo, hindi ko rin maitatago ang aming naging relasyon, more than just a friend. Sa katunayan, nagsama kami ng isang buwan. Magpapasko noon, lumayo kaming dalawa-sa-malayo ng walang nakakakilala sa amin. Pero isang buwan lang iyon, naalala ko kase mga magulang at kapatid ko. Oo, hindi ito ang buhay ko, oo, hindi dapat ganito ang buhay! Kaya tinakasan ko siya at bumalik ako sa aming bahay. Hindi na ako nagpakita pa kay Onie mula noon. Minahal ko si Onie, pero, mahal ko siya bilang kaibigan, pero si Onie, iba ang gusto, gusto niyang magsama kami, bilang mag-asawa. Pero hindi puede dahil babae ako, babae siya. Umiyak ang mga magulang at kapatid ko ng ako ay bumalik sa bahay.
Akala raw nila kung napano na ako. Pero alam ng mga magulang at kapatid ko kung kanino ako sumama, ang maganda sa kanila, di man lang nila isinumbatr sa akin iyon, wala rin akong narinig na comment mula sa kanila.
Hanggang sa lumipas ang ilang buwan. Sumama ako sa isang kamag-anak sa Malabon. Nakiusap na alagaan ko ang anak nila, kapalit ng edukasyon. Tuwang tuwa ako, dahil sa wakas, matutupad ko na ang aking mga pangarap. Ito na yung pinakahihintay kong pagkakataon, ang makapag-aral. Computer Programming sa STI ang kinuha ko. Gustong-gusto ko iyon. Hanggang sa nakaton-tong ako sa 2nd semester. Heto na, muli na naman akong napabarkada.
Mayroong akong mga kaklaseng pareho ang aming mga hilig. Barkadahan, lakwatsa. Nakalimot ako. Pinag-aaral nga lang pala ako at alam kong mayroon iyong katumbas na responsibilidad sa bahay na tinutuluyan ko. Nakarating ang sobrang pagbabakardang ginagawa ko sa tinutuluyan ko kaya hindi sila natuwa sa aking performance, nakiusap sila sa mga magulang ko, na bago mahuli ang lahat, kunin na raw ako ng mga magulang ko. Hindi ko sila masisisi, ako ang maykasalanan. Walang nagawa ang mga magulang ko kundi ang muli nila akong tanggapin sa bahay. Napakalaki kong tanga! Tinapay na naging bato pa. Hindi kaya ng mga magulang ko ang mapag-aral ako sa STI, kaya minabuti kong itigil na lang ang aking pag-aaral. Napilitan akong mag-trabahong muli, this time, sa Divisoria-Tutuban Centremall. Saleslady ako doon, tumagal din ako ng 6 na buwan. Then lumipat ako sa isang factory, paga-waan ng tela. Mahirap, doon, pero pilit kong kinakaya ang trabaho-shifting, minsan, pang-umaga, pang-hapon, pang-gabi. Ang hirap, pero alam kong iyon na ang magiging buhay ko dahil, mahirap kami, wala kaming pera. Kailangan mag-sakripisyo. Marami akong naging kaibigan doon, matagal din akong nanatili, hindi ako napi-finish contract tulad ng iba na tumatagal lang ng anim na buwan, umaalis din agad dahil finish contract na, pero ako hindi. Alam nyo po ba ang dahilan, dahil sa pangalawang multong ginawa ko sa buhay ko. Si Sir, supervisor ko sa trabaho, medyo nagkagustuhan kami, si Sir mayroong asawa at anak, pero nanligaw sa akin at noong naroroon ako sa trabaho, kumapit ako sa kanya, ayaw ko kaseng lilipat na naman ng trabaho. X-rated na ang mga sumunod kaya akin na lang iyon. Pero matino pa naman ang isip ko, aware ako sa pamilya niya, kaya hindi rin ako pumayag na maging kabit niya. -Itutuloy

(Itutuloy ko sa next week ang kuwento ng letter sender natin ngayon na pinangalanan kong Valencia. At dumako tayo sa isa pang kabayan na gustong humingi ng kaliwanagan sa kanyang problema)

Dear Kuya Ben,

Kumusta po kayo. Sana po ay matulungan niyo ako sa prblema ko. Sa June 5, 2007 pa matatapos ang contract ko, pero umuwi ako noong Nov 26, 2006. Ang usapan po namin ng employer ko tungkol sa pag-uwi ko, sa akin ang pauwi at sa kanya naman ang pabalik. Ang ibinigay niya lang sa akin sa pagtatrabaho ko ng 9 months ay KD100. Kase sabi niya pagbalik ko na raw ang iba dahil baka di raw ako bumalik. Pero nung bumalik ako noong January, nalaman ko na ibinawas sa akin ang KD250. Kuya bago ako bumalik dito, nahirapan akong makasecure ng permit mula sa POEA, dahil ayaw nila akong paalisin hanggat hindi raw po nako-correct ang aking sahod, from $150-200. Ang ginawa ng agency ko, kumuha sila ng affidavit of undertaking sa embassy. Nakausap ko pa nga ang isa sa mga taga-embassy at sinabing dapat mag-sign daw ako ng panibagong kontrata, pero papaano pa, naka-issue na sila ng affidavit of undertaking at muli akong nakabalik dito. Ang problema ko ngayon, ganon pa rin ang sahod ko, KD45, di pa buwan buwan ang suweldo.
Kuya tanong ko lang, may-habol po ba ako when it comes sa suweldo, dahil base sa contact ko Kuwaiti po dapat ang amo ko, nakatira sa Salmiya, pero Maidan Hawalli po ako ngayon, at Syrian family po sila. Puede bang irenew ang contract na wala akong pini-pirmahan?
Sana po ay masagot niyo ang katanungan kong ito.

Gumagalang at Nagpapasalamat
Juvy


(Hintayin natin Juvy ang sagot ng embassy hinggil sa letter mo. Abangan next week)


Greetings Community Announcements atbp

Hi mr Garcia bakit may nakapasok d2 sa Kuwait na illegal at 45kd p rin ang sahod, paano kukuha ang Kuwaiti ng 120kd eh may makukuha pa rin namang 45 kararating lang d2. (Ang pagkakaalam ko, yung final effectivity ng bagong batas ay March 2007, although ipinatupad iyan noong December pa. Ang dahilan, ang paliwanag ng embassy, marami ng nakakuha ng kontrata bago pa man maipatupad ang bagong batas, so yung mga mayroong nang kontrata, puede pa rin silang pumasok sa Kuwait na $200 ang suweldo, so I assumed na yung sinasabi mo, ay yung maid na kasama pa rin sa mga dating contracts noon ng deploying agencies).
****
Hi I want to grit my frends like ate cora, nay bb nay Linda remy maria kuya frank and 2 my luv cliff at happy bday sa sarili ko march 19,(pacensya nap o blated hapi bday nalang)more power:from dinky

Tanong lang po may bf po ako Nepalese kaso may asawa po ako sa pinas ang asawa ko naman may kinakasama na rin sa pinas, pwede po ba me magpakasal sa iba o hindi. (Magpa-annul muna kayo ng kasal).
****
Kuya may bf me Bangladesh nagwork sa agency kaya lang di ko alam kng wat agency sa Kuwait city, Bangladesh din siya, sabi nya po after contrak ko bigay ko daw po ang Xerox copy ng passport ko sa kanya gawan daw nya ako ng 18 visa para makapagtrabaho sa labas , ask lang po ako ng advice kng tama ba ang gagawin ko, wait ko po ang sagot nyo. (sinagot ko na siya through text message, dahil naalarma ako sa text message niya. Ganun pa man, magandang paalala din ito sa mga kababayan natin na huwag magpapadala sa mga ganyang uri ng tao, dahil, medyo marami nang records ang mga ganyang lahi d2. Karamihan dinadala ang mga kababayan natin sa prostitution, so ibayong pag-iingat bago kayo mahulog sa bitag ng mga walang pusong taong iyan. Karamihan sa mga kababaihan natin na nahuhulog sa bitag nila, ikinukulong sa isang kuwarto, pagkakaperahan kayo at gagawin kayong prostitute, sa kanila ang kita, pero kayo, tatanggap lang kayo ng customer, bibigyan din kayo ng konte, pero pag-minalas-malas, wala talaga. Gusto mo bang mangyari iyan sayo. So ibayong pag-iingat, although hindi naman natin nilalahat, pero marami po sila dito.
****
Gud evening po si rose poi to, tapos na po ang contrata ko ngaung april may gusto pong kumuha sa akin kaya lang ayaw po akong bigyan ng release wat po ang gagawin ko? (Uwi ka ng Pinas, total tapos na contract mo, yung kukuha sayo, sabihin mo ipadala visa sayo sa Pinas).
****
Kuya ask lang [po kng ang Xerox copy ng passport at resident ko pwde po bang gamitin para maghulog ng pera sa pinas kasi di po bigay ang civil id ko ng amo ko? (Oo, puede mong magamit ang passport at copy ng residence permit sa pagpapadala ng pera. Pero karapatan mo ang makuha ng CI, kung hindi ipinagkakatiwala sayo, at least, sa paglabas mo man lang sa bahay, kelangan mo iyan, dahil hinahanap iyan ng pulis).
****
Kumuzta na po kuya ben mayroon lang me sasabihin para saking kaibigan na si lea hindi lang ikaw ang tao na nagkakamali, masarap mabuhay kapag kapiling mo ang iyong mahal pero paano kng kaung dalawa ay may mga pamilya na at pareho pa kayong may mga anak kaibigan isipin mo muna ng maayos hindi lang ang damdamin mo ang iyong pakinggan paano na ang mga anak nyo na mas nangangailangan ng iyong tulong dalawa papayag ba kau ng dahil lng sa iyong pagmamahalan ay madami kayong masasaktan at masasagasaan na damdamin, kaibigan alam kong mahirap nga mawala ang ika nga minamahal pro kailangan nyong isakrpisyo para narin sa mg anak nyo sana hindi na mahuli ang lahat malaman mo kng sino ang dapat mong piliin patnubayan ka sana ng maykapal lumapit ka sa kanya sambahin mo ang kanyang pangalan nandyan lang yan sya naghihintay na tawagin mo, God bless you at salamat kuya ben, gemma ng salwa
****
Kuya ben muzta po sa mga kaibigan kong pinay ako pala si elsa santos. Hello kina rodulfa beth kay memelita tolentino binabati ko rin can lety arcis ng tanza cavite si ka yume at sanore mga taga Indonesia at si nor mary, liza, emilda, sherlyn, risa.. ang mga anak pala ng ate ko sa pinas leah appelyanes at yong mga anak sina Louisa,Roselyn at louie.... elsa rodulfa ng jahra
*****
Dear kuya ben nais ko pong batiin si Rolando condes mag 5 years na po ako d2 sa Kuwait pero di parin nya alam na nari2 ako kung mabasa nya ito mag txt naman sana sya care of auntie teresa condes at nora 9132715,kuet
****
Hello kua matagal po ba ang amnesty ikukulong po ba pagsumuko? Saan po ako pupunta pag sumuko ako wala na bang babayaran at finger print kuya hope sagutin mo sa lingo kc gusto ko nang umuwi sa pinas ,thanks (Hindi na makukulong kung simpleng absconding lang ang kaso, kung dumating na ang amnesty, puede kayong magpakita sa embassy para mabilis kayong maiiendorso sa immigration at makauwi kayo, huwag kayong mag-alala di naman kinukuhanan ng finger print kung sakaling amnesty na).
****
Hi kuya ben mabrook im karsinah from Indonesia lav u so much...goodluck, gudhealth...god bless you!
****
Hi sir Ben gud day po u ol, I want to grit a hapi 6th year bday to my daughther maria nina solina perino march 17, from mama, thank you..god bless you ol...at kng cno knows atty lorito abarquez kindly text my number in serious pls. ha, I need him kuya ben..7269586
****
Gud evening po kuya ako pala si yet may 2 anak 13 yrs na kami nagipon sa hindi ko 2nay na asawa dami kong pagsubok sa pamilya nila tniis ko lang kasi may mga anak na kami pero walang plan magpakasal sa kanya hanggang nkapunta ako d2 1 year 3 mos ako may natanngap akong msg galing sa kanya 4 give me pregnant nadaw ang kaibigan ko dapat pakasalan nya pero hindi daw nya mahal, imiyak nalan ako d2 wala akong magawa masakit man isipin ko nalang ang kabutihan sa 2 kong anak, 3yr 4 mos na ako d2 ngaun walang bakasyon sa pinas,walang perang naipon at lalo na magcollege na ang panganay ko anak ngaun 2nd year highskol naman at ako lang ang nagsuporta sa kanila at magulang ko kasi nadoon cla hindi nagsuporta ang hilaw kong asawa at paano ito kuya ben pati mga kapatid ko sakin parin humihingi kaunti lang po ang sweldo ko, may mga anak po akong dapat pa pagaralin, tulongan nyo po ako ang gulo po ang isip ko kuya ben my life is full of sorrow and pain but I wnt 2 write sa buhay at pagasa hindi naman ako makalabas. (Pakiusapan mo na lang driver niyo na ihulog sa post office ang sulat mo, medyo mahaba kaseng discussion ito kaya, mas-maganda sa Buhay at Pag-asa mo ipadala ang kuwento. Salamat).
****
Kuya muzta effective nab a ang age limit na 25 and below uwi me sa june pro dky me magkaproblema kng babalik me d2 sa amo ko eh 23 pa palang ako thanks and god bless you and more power, grace? ))Hindi naman siguro dahil sakop ka pa ng dating batas).
****
Hi kuya ben si wendy po ako need ko po advice nyo kasal ako sa huwes naghiwalay po kami b4 ako pumunta d2 may kasulatan kami tunggkol lang sa mga anak lang ngaun nagpakasal cia sa ibang babae sa simbahan at magkakaanak na sila ngaung may, ask ko kuya pwde po ba ako magpakasal d2 paano po ang proseso? (Kasal kayo kamo sa huwes, pareho ang effect niyan sa simbahang kasal. Ibig sabihin kasal dapat kayo at hindi siya nakapag-pakasal sa iba, baka hindi rehistrado ang kasal ninyo kaya, madali siyang nakapag-pakasal ulit. Kung gusto mong mag-asawa ulit, puede rin naman siguro dahil nakapag-pakasal nga yung dati mo, kung dito iniisip mo, puede rin, pero kailangan mong isecure ang iyong papers tulad ng singleness dadaan iyan sa Malacanang).
****
Gud evening po sir hingi lang po ako ng payo kung anu po ang dapat naming gawin sa amo naming magnanakaw at kami pa naman ang taga bitbit ng kanyang mga ninanakaw. (Hirap naman niyang tanong mo, kase, kung pagsasabihan niyo, kayo pa ang masama niyan, kung isusumbong naman ninyo, kelangan niyong patunayan iyan. Papaano kayo saan punta niyo kung salaki? Wala bang pera iyan at nagnanakaw? Kung ganon bakit mayroong katulong? May-sakit na siguro iyan, ang mahirap, baka, dahil nakikita niyo ang ganyang maling gawain, isipin ninyo na nakakalusot naman, baka gawin din ninyo, naku-mahirap ang ganyan. Ang payo ko, pabalik kayo sa agency at maghanap kayo ng panibagong amo, mahirap kaseng mainvolve).
****
Gud am kuya ben may problema ko tapos na contrata ko sabi ng amo ko di daw nya me bigyan plane ticket pauwi tapos gnawan pa ako ng kasalanan at pinalayas sa bahay d2 me now embassy at parang wala rin magyayari kasi sabi ng embassy pasok daw me iba work pero ayaw ko na gusto ko na umuwi kuya 3 years na me d2 sa Kuwait I want 2 see my family anong klaseng embassy natin parang walang halaga at pera lang din ang habol. Sabi ng amo ko relis nya ako f magtrabaho sa iba at hingi pa sya 200kd, kinuha pa nya ang pera ko ng 150kd. (Sir Pol de Jesus paki-tingnan nga po itong kabayan natin na nariyan daw sa embassy, iyan ang kaso niya, marahil alam niyo iyan. Paano po kaya ang magandang gawin diyanm gusto na raw pong umuwi).
****
Hi kuya ben ako si Gloria m. maraming salamat sa paglathala u skin liham kasaysayan at maraming salamat sa iyong ksagutan skin tanong --kuya ben malaki ang nai2long ng iyong buhay at pag asa sa mga 2lad naming may mapait na karanasan sa buhay...more power and god bless you
****
Hi gud am kuya ben ako nga pla si ryza alyas bakla ng marikina sa 22o lang 3times palang me naka read ng colum u na2wa kasi magaganda ang mga payo at na222 ang mga readers u meron pla Filipino panorama kahit nasa Kuwait lagi kasi me bc bahay trabaho lang me kaya di me alam minsan binilhan po ako ng bf me para magbasa naman me kahit paano kaya tuwing lingo bumibili na agad me ng dyaryo at pahina u agad ang aking binabasa, isa akung saleslady d2 sa muhallab, may problema me kuya pwde nyo po ba akong payuhan kung wat ang gagawin me may kapatid me d2 work sa bahay tapos na contrata nya sa june pwede po ba wag nalang syang umuwi magwork na lang cya sa labas may karapatan ba cya, at sbhin nya sa amo nya. Ano po ang dapat nyang gawin? Kailangan po naming ang 2long u at payo u kuya ben pakiusap po. Maraming salamat po at sana marami pa kaung ma2lungan at mapasaya. (Oo, tapusin ang kontrata at umuwi ng Pinas, recommend mo siya sa agency na pinangggalingan mo, at least mas-madali ang ganyan kesa humingi ng relis na pahihirapan pa siya at gagastos pa ng malaki)
****
Hi kuya ben muzta po kau im Emily 5 months palang d2 sa Kuwait pero gusto ko nang umuwi sa pinas ano dapat kong gawin 2lungan nyo po ako, more power at gud luck. (Homesick lang iyan, sayang naman ng ginastos mo. Pero kung hindi mo talaga kaya, puede, sabihin mo lang sa amo mo, yun nga lang baka, pagbayarin ka ng mga nagastos niya, although hindi naman dapat. Pero ang batas talaga diyan, kung hindi ka tapos ng kontrata, ikaw ang magpapamasahe sa sarili mo).
****
Nabasa ko sagot mo kuya sa tanong ko salamat kiya si maja 2 ng mangaf ask ko lang ganun ba talaga d2 kahit naglalakad ka lang hihingan ka ng cp no mo? Natatakot 2loy ko lmabas hindi lang isang beses ito madami na po ganyan ba sila ka gahaman sa mga babae? Dedma ko nga cge pa rin ano po ang mapapayo nyo nito kuya? (Tama, hwag niyong papansinin o titingnan man lang, kuhananin ang cellphone at kunwari tumatawag ka sa pulis, aalis din iyan).
****
hello kuya ben I need ur advice tapos na po ang iqama tapos april 15 then apply me work outsige c amo he give me release tapos pgtraining na c amo ayaw pumayag magtraining 3 days sa photo shop natatakot ano raw ang magyari tapos sabi ni amo irenew raw nya ang iqanma for 1 year kasi after school days magtravel cla tapos maiwan na ako d2 bahala naraw akong magtrabaho sa labas pero kua ang iqama ko no 20 uuwi pa ban g pinas wala akong pera thanks kuya god bless. (oo maraming Arabo na pagdating sa bagay na iyan ay mahirap kausap, payo ko sayo, kung tapos na ang kontrata, umuwi, at mag-reaaply pabalik dto, trabaho sa labas na, huwag na sa bahay).
****
gud pa kuya ben I wud lyk 2 gr8 2 my some1 specialnmr leyson from boracay islang, iloveyousomuch...thanks kuya godbless,,from mae of davao
*****
kuya ben helo po god bless u always paki gret po happy bday 2 mary dis 20 of march, lani jona of hawally,regards sabi ni mary,estrl
****
kuya muzta po kaung lahat kuya may tanong po ako sau ako an magbabayad sa iqama ko 150kd ang kaltas sa akin tama po ba 2? Kc naguguluhan po ako sa kaiisip ,thaks po. (Tanong bakit ka kinakaltasan sa iqama, binili mo ba iyan? Saan ka trabaho sa bahay o sa labas. Ang bayad sa iqama ay KD10 lang bawat taon ang pagkakaalam ko, kung employer mo siya, dapat siya ang magbabayad niyan at walnag bawas iyan sa worker na tulad mo).
****
hi kya 1 me sa tagasubaybay ng filpan ask kang f pano magfile ng legal separation lalo na d2 pa me sa Kuwait at gusto ko rin mag change status and name. legal me na kasal sa pinas at ang asawa ko may kinakasama na nasa hongkong pa me hindi na maganda ang magsasam namin, kuya ang sakit ng kahapon ko kya wala me gana umuwi ng pinas, thaks sa filpan kuya (File ka sa munisipyo ninyo ng annulment, iyan ay kung gusto mong mag-asawa na rin ng iba. Kung gusto mong mag-file d2 puede rin kailangan mo lang kumuha ng special power of attorney sa embassy at ang abogado mo sa Pinas ang lalakad niyan. Komplikado at katumbas ang malaking halaga niyan.

No comments:

Post a Comment