Sunday, July 15, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

(Ipadala ang kuwento ng inyong buhay sa P0 Box 1301, Safat 13014, Kuwait o mag-email sa radio_bengarcia@yahoo.com kung gusto ninyong ma-ilathala ang inyong kuwento kasama ng inyong larawan. Ipadala ang 2X2 photo o anumang klarong kopya ng inyong larawan. Ito po ay optional. Para sa komento, bumisita sa aking blog site: www.buhayatpagasa.blogspot.com)

Mag-ingat sa mga alok ng trabaho sa labas!
Birong nauwi sa totohanan, pinagdurusahan

Dear Kuya Ben,
Tawagin niyo na lang akong Tata ng Hawally. Ganito po ang kuwento ng aking buhay. 12 kaming magkakapatid. Mula noong elementary ako, self supporting na ako. Kaya kahit na noong tumuntong ako ng High School self supporting pa rin, maging noong nag-college ako. Nagkaroon ako ng maraming boyfriends. Hindi sa pagmamayabang, may-angkin akong sex appeal sa mga lalaki, sabi nga nila; pero hindi naman ako kagandahan. Noong h-school ako, nakilala ko si Richard. Patay na patay ako sa kanya. Parang langit ang pakiramdam sa tuwing makikita ko siya. Tumagal ang aming relasyon ng may-ilan ding taon. Ngunit isang araw, nabigla ako sa balitang mayroon daw itong babaeng nabuntisan. Biglang nagdilim ang aking mundo, muntik na akong magkapakamatay dahil doon. Pero naghilom din ang sugat. Makalipas nga ang isang buwang pagmumukmok, bumangon akong muli. Sinabi ko sa sariling hindi siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Bumalik man sa akin noon si Richard at nag-alok ng tanan, di ko na iyon pinagbigyan.Pagkatapos ng mga pangyayari, naging parang laro na lang sa akin ang pag-ibig. Maski sinong manligaw sa akin, pinagbibigyan ko. Habang ako, patuloy sa pag-aaral. Kumuha ako ng two year computer course sa Philippine School of Technology, medyo malayo ang bahay namin sa Davao, kaya nag-boarding house ako. Pero ginamit ko ang extra time sa pag-tatrabaho sa isang malaking department store sa amin. Sa day-off o mga pistahan, nagtitinda ako ng mga damit at nakatulong iyon upang matapos ko ang aking pag-aaral.Nagbakasyon ako sa Tita ko, doon ko nakilala si Jhon. Nabighani raw siya sa akin sa unang kita niya pa lang. Gusto niya na raw ako, kaya di niya ako tinigilan. Biniro ko pa nga siya na kung totoo ang sinasabi niya, kaya niyang hingin ang aking kamay sa aking mga magulang. Nagulat na lang ako isang araw, dinala ni Jhon sa bahay kanyang mga magulang. Handa na raw siyang hingin ang aking mga kamay. Galit-na-galit noon ang aking mga magulang dahil ganun lang daw ba kabilis iyon para sa akin? Isinet ang kasal matapos ang tagpong iyon. Halos hindi ko ma-explain ang aking nararamdaman, lumuluha ako ng mga panahong iyon. Hindi ako makatulog, naguguluhan ako dahil ang lahat ay biro lang. Hindi ko siya gusto, napasubo lang talaga ako. Baduy siyang manamit, lahat sa kanya, hindi ko gusto. Hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal. Noong nagsama kami, first year of marriage napakabait niya. Nagsasalita ako nakikinig siya. Second year of marriage siya naman ang madadaldal pinakikinggan ko naman siya. Pero noon tatlong taon na ang aming marriage, we both talk, neighbors listen, at wala na kaming pinagkakasunduan. Sumisigaw na siya, sinusuntok na ako at nagkakaroon na ako ng takot sa kanya. Magulo ang buhay namin, wala siyang trabaho, ayaw niya naman akong pagtrabahuin. Seloso na rin siya at mahilig na ring maglaro ng baraha at mag-inom. Tatlo na ang anak namin ng makapag-isip-isip marahil na di niya kayang mag-isa. Kya pumayag na rin siyang magtrabaho ako. Abroad agad ang alam kong mabilis na paraan para makabangon sa buhay. Pumayag siya at ngayon, 1 year and four months na po ako sa Kuwait. Nagpapadala ako sa kanya every two months noon. Pero noong lumaon, hindi na, dahil nabalitaan kong nambababae na siya. 40KD lang po ang sahod ko sa isang buwan. Hindi ko na kinukuha sa amo ko ang suweldo at pinatatago ko na lang sa kanya para mayroon akong pera sa December, dahil iyan ang uwi ko. Ano kaya ang gawin ko sa mister ko, kalimutan ko na lang ba siya at magpatuloy ako sa buhay kasama ng mga anak ko? Tulong naman po, gusto ko ring magtrabaho sa labas para lumaki-laki ang kita para sa mga anak ko. Ano po kaya ang mabuting gawin? Isa pa, gusto ko rin pong magsimba sa Born Again Christian o Pentecostal Church, mayroon po ba dito?
Gumagalang at Nagpapasalamat,Tata
Welcome back pong muli sa ating regular column na Buhay at Pag-asa. Matapos ang malungkot na pagkamatay ng aking ama, ayun at tuloy ang buhay. Ang programa pong ito ay laan sa inyo. Laan sa ating mga kababayan na mayroong mga suliranin sa buhay. Hangad ko pong makapagbigay ng konting kagaanan sa inyong mga pinapasang problema. Lahat naman po tayo ay mayroon niyan, pero sa iba, hindi madaling resolbahin ang problema laloصt marami sa atin na nagtatrabaho sa bahay walang maka-usap at walang mahingahan ng sama ng loob. Bukas po ang palatuntunang ito para sa inyo.Practical na kasagutan po ang aking dala sa inyo, hindi nangangako ng tiyak na lunas, pero nangangakong sasamahan kayo upang gumaang ang inyong mga kalooban tungo sa pag-harap sa hamon ng buhay. Tiyak din po akong ang programang itoصy nagpapalakas ng damdamin, kalooban at nagbibigay ng konteng ginhawa sa dibdib. Kung legal problem naman ang pag-uusapan, pinipilit ko rin pong sagutin iyan sa tulong ng mga kaibigan nating mayroong background sa umiiral na batas. Maraming salamat sa inyong tiwala at patuloy ko po kayong inaanyayahang sumulat at ibahagi ang inyong kasaysayan upang makatulong sa iba at makapagbigay ng leksyon sa buhay. Samantala, sa mga taong na-touch ng aking sariling kasaysayan o in fact iyon ay isang bahagi lamang ng aking buhay, maraming salamat po! Tulad ng aking adhikain napatunayan kong iyon ay talagang nagbigay ng inspirasyon sa iba. Maraming tumawag sa akin at nagsabing napaiyak sila sa aking kuwento. Ang iba tumawag talaga sa Pilipinas upang iparating ang kanilang pagmamahal sa magulang. Bueno, salamat ng marami kay Tata. Isa na namang kuwento ng kasawian sa pag-ibig. Problema niya as you read them, yung kanyang mister na nambabae at hindi niya na kinuwestyon pa kung bakit niya ginawa iyon. Maliwanag naman marahil sa inyo ang kanyang rason. Although asawa niya, pero hindi naman niya talaga mahal. Sabi niya nga, ipapaubaya na lang ang kanyang mister sa iba. Kakaiba rin itong si Misis? Kung kaya naman ginawa niyang mambabae ay dahil siguro sa hindi niya rin maramdaman ang pagmamahal na mula saصyo kaya, hindi mo rin masisi si lalake. Ang iniisip ko na lang sa inyong sitwasyon ay ang inyong mga anak. Dapat sila ang sentro ngayon ng iyong buhay. Huwag mo silang pababayaan at i-obliga mo rin ang asawa mo sa kanyang papel bilang ama ng kanyang mga anak.Gusto mo kamong lumabas at mag-trabaho? Puede naman, iyan ay kung papayagan ka ng iyong amo na magtrabaho sa labas at mabigyan ka ng release. Kung sakali, puede kang mai-transfer sa iba. Hanap ka muna ng employer na puedeng mag-bigay saصyo ng iqama o visa. Paalala lang, marami ditong sindikatong naghahanap daw ng mga empleyado. Kukumbinsihin kayong lumabas at bibigyan ng trabaho sa restaurant or billiards, tapos ang papasukan pala ay isang bahay aliwan, ikakandado ka pa sa kuwarto at doon ka tatanggap ng mga parokyano. Marami niyan dito at kadalasang involve ang mga Bangladeshi, (sorry sa ibang Bangladeshi na hindi naman involved, pinangalanan ko po ang lahi dahil sila ang kadalasang involved). Mag-ingat!Sa tanong mo kung mayroon bang Born Again Christian Church dito, mayroon po, matatagpuan iyan sa Kuwait City, halos likuran ng Catholic Church. Sama-sama po ang mga Baptist, Evangelical, Protestant, Pentecostal, Born Again at maging Orthodox sa iisang compound. So magtanong ka kung anong grupo ang gusto mong salihan doon.

No comments:

Post a Comment