Sunday, September 02, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

'Masaya kami at ginagawa namin ang mabuti para sa isat-isa'

Nang magkrus ang landas ng 2 Eva

Dear Eli (dela Cruz-letter sender last week),

Bago ako magpatuloy balikan natin briefly ang kasaysayang padala ni Eli dela Cruz--34 years old. Sa mga gustong tunghayan ang kabuoan ng kanyang liham, ibrowse lang po sa internet ang www.buhayatpagasa.blogspot.com o kaya isearch sa Google engine and word na 'Buhay at Pag-asa', matutunghayan po ninyo diyan ang kanyang liham sampo ng maraming iba pa na hindi ninyo nasubaybayan.
Si Eli ay isang babae. Nagkarelasyon siya ng lalaki sa Pilipinas at nagkaanak ng isa. Subalit naghiwalay din. Sa kanyang pangingibang bansa, nakilala niya ang isang babae, tomboy--at nagkaroon sila ng malalim na relasyon. Tanggap ni Eli ang kinasapitan niya--bagay na kinamulatan niya ang ganitong relasyon sa kanyang tita. Tanggap din ng kanyang mga magulang ang kinakaharap niya ngayon. Ang tanong niya ay ganito, bakit mayroong mga taong mapanghusga? Bakit mayroong mga taong pumasok sa ganitong sitwasyon at ikahihiya nila.
Obviously ang damdamin o nararamdaman ni Eli para kay Joe, (pangalan ng kanyang partner) ang nangingibabaw sa kanyang kuwento. Kaya lahat ng puedeng pagtatanggol sa relasyong kanyang pinasok ay gagawin niya. Oo, mali sa mata ng tao. Oo mali sa mata ng Diyos. Sino ba tayo para mang-husga? Sabi naman ni Eli, handa siyang harapin ang kanyang pagkakamali sa mata ng Diyos. Iyan ay kanyang damdamin for the mean time---hindi natin alam bukas, sa susunod na araw, buwan, taon. Dahil mahal ng Diyos ang kanyang mga anak-tayong lahat--gumagawa ng paraan ang Panginoon, ng hindi natin alam--para lang ituwid ang ating mga pagkakamali. Hindi natin batid o arok ang lalim ng kanyang kapangyarihan. Kung hindi man kaya ng taong unawain ang mga pangyayari sa ating kapaligiran, well SIYA, alam niya kung anong paraan ang mabuti, kung anong way ang puedeng daanan. Sa Panginoon, walang imposible! Alalahanin nating ang kaligayahang tinatamasa natin sa ibabaw ng lupa sa ngayon ay pansamantala lang. Dumaraan lang tayo dito sa lupa. Sabi nga ng iba, make the most of it. Kung ano ang nagpapaligaya sa inyo, bakit natin sila pipigilan, bakit natin sila pakikialaman. Subalit maliwanag ang reminder ng Diyos sa atin na ang lahat ay panumandalian lang...mayroong kaligayahang magpasawalanghanggan (for eternity), walang hanggan. Handa ba tayo doon? Ang buhay natin sa lupa, kung papalarin, 80-100 taon lang, mahaba na po iyan.
Marami akong natanggap na payo mula sa readers ng Filipino Panorama para kay Eli. Iyan ay mula sa kanilang mga puso. Hindi ko sinasabing tama sila subalit sa katulad na sitwasyon ni Eli, sino nga ba ang tama at sino nga ba ang mali. Naaalala ko tuloy ang kantang inawit ni Kuh Ledesma. May-title na 'Sino ang baliw'. By the way, yang awiting iyan ay hindi lamang pinapatu-tungkol sa lihitimong baliw. Kundi sa mga kapansanan natin sa ating buhay. Sino nga ba ang baliw. Sino nga ba ang malinis sa mata ng Diyos at sino ang hindi. Basahin po ninyong mabuti ang lyrics at kung alam nyo, kantahin po ninyo.
Sino ang Baliw?
Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang . Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan. May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan. Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman. Sinasambit ng baliw awit na walang laman. Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal. May isang hindi baliw, iba ang awit na alam. Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman. Sinong dakila. Sino ang tunay na baliw . Sinong mapalad. Sinong tumatawag ng habag . Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos. Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit . Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit . May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat . Sinong dakila. Sino ang tunay na baliw . Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag. Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos Ooh.....Ahh.......
Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw . Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw. Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay. Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal. Sinong dakila. Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad. Sinong tumatawag ng habag. Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos.
Kaya't sino, sino, sino nga. Sino nga ba. Sino nga ba. Sino nga ba ang tunay na baliw.

Heto ang ilan sa mga mensahe ng ating mga readers.
Lakas ng loob mo pare, okay lang iyan, tanggap na naman iyan ngayon ng lipunan--Greg.
Huwag kang mag-alala kung wala naman kayong ginagawang masama, hindi kayo umaapak ng damdamain ng iba, bakit pakiki-alaaman natin sila--Julie.
Go Girl, simbulo ka naming mga nagtatago, at least ikaw nariyan ka, tanggap ng magulang mo, tanggap mo, paano kaming hindi?--Lian.
Para kay Eli, enjoy ur life, nagpakatotoo ka lang di tulad ng iba diyan. Tulad ni Wendy ng PBB, hahaha. How sweet naman ng message mo para kay Joe, parang cotton candy. Life has to go on. -Dindy. Maraming salamat po!

No comments:

Post a Comment