In-love si Abigail sa bagong BF
Paano ang kasal?
Dear Kuya Ben,
Bago ko simulan ang aking kasaysayang hinding-hindi ko malilimutan, hayaan mo munang kumustahin ko kayong lahat at iparating ang aking taos pusong pagbati sa tagumpay ng Buhay at Pag-asa sa newspaper. Lingu-linggo ay hindi po talaga lumilipas kung wala akong newspaper. Siksik po talaga ito sa impormasyong puedeng gamitin sa araw-araw. Maraming salamat sa bumubuo ng Filipino Panorama, lahat ng artiklo sa Filpan ay binabasa ko, bitin pa nga eh!
Tawagin nyo na lang po akong Abigail. Kasalukyang nagtatrabaho sa Andalus. Lima po kaming magkakapatid. Ako po ang pang-apat. Isa sa mga kapatid ko ang tumulong sa akin mula ng mag-aral ako sa elementary at hanggang sa H-School na hindi ko natapos dahil sa isang pangyayari. Medyo matatanda na ang aming mga magulang at mahina na ang katawan para magtrabaho. Kinuha ako ng isa sa kapatid kong babae na may-asawa na. Magaan ang loob ng asawa ng ate ko sa akin. Kaya tumagal ako sa kanila ng medyo mahaba-haba ring panahon. Pero hindi ko alam, mayroon palang lihim na pagtingin ang asawa ng ate ko sa akin. Nang makakuha ito ng tsansa, hinalay ako sa loob ng kanilang kuwarto. Galit na galit ako sa ginawa ng kinakapatid ko. Pero binantaan niya akong papatayin kung magsusumbong sa ate ko o sa magulang ko, kaya inilihim ko na lang ang lahat.
Nang makakuha ako ng pagkakataon, lumayas ako sa kanila at nanirahan sa isa sa aking mga kaibigan. Walang nakaalm ng tunay na nangyari, basta, hindi na rin ako ginambala ng ate ko. Hindi ko alam kung nalaman niya ang totoo, pero mula sa akin, walang lumabas sa nangyari sa amin ng asawa niya. Ilang sandal lang ako dun sa kaibigan ko, inisip ko kaseng pabigaat ako doon at tanging paraan ay ang makalayo ako sa ate ko at sa asawa niya. Mayroon nag-alok sa akin ng trabaho sa ibang bansa. Kaya hindi ko na iyon ipinagpaliban. Napadpad ako sa Kuwait.
Nagkaroon ako ng pag-asa na matagpuan ko ang lalaking nagbigay sa akin ng pagkakataon, pero pansamantala lamang. Ikinasal kami noong April 8, 1999 dito sa Kuwait. Pero tatlong araw lang kaming nagsama, umuwi kami sa Pilipinas. Sa barko pa lamang parang ikinahihiya na niya ako. Ayaw niyang ipakilalang asawa niya ako. Kaya lalo akong nasaktan. Bukod doon, pagdating ko sa Mindanao, nalaman kong kasapi pala siya ng mga grupong nagtatago at nakikipaglaban sa pamahalaan. Iligal ang kanyang trabaho. Bihira kaming magkita mula nang dumating kami sa Mindanao, kaya hindi rin kami nagkaroon ng anak. Sa ganitong sitwasyon, muli akong nagpasiyang umalis at bumalik dito sa Kuwait. Mayroon akong nakilalang lalaki, mukhang seryoso naman siya sa buhay. Papaano kaya kaming magpapakasal gayong kasal po ako sa dati kong asawa, na hindi ko alam kung buhay pa o patay na.
Tulungan po ninyo ako.
Gumagalang at Nagpapasalamat,
Abigail
Dear Abigail,
Salamat ng marami sayong liham kasaysayan--abangan mo ang sagot next issue. Maraming salamat po!
No comments:
Post a Comment