Sunday, September 16, 2007

BUHAY AT PAG-ASA

In-love si Abigail sa bagong BF
Paano ang kasal?
Dear Abigail,

Salamat sa tiwala. Bueno, sa mga hindi nabasa ang kuwento ni Abigail, puede po ninyong balikan sa aking blog site--ang address ay nasa itaas na bahagi po lamang ng artikulong ito. Now, para naman doon sa mga walang access sa Internet, heto ang buod sa padalang kuwento ni Abigail.
Hindi niya natapos ang high school dahil pinagsamantalahan siya ng asawa ng kanyang ate. Doon siya pansamantalang naninirahan noon upang makapag-aral. Sa nangyaring iyon, lumayas siya at nakitira sa kanyang kaibigan. Kinalaunan, nagpasiyang mangibang bansa. Dito siya napadpad sa Kuwait. Noong 1999, mayroon siyang nakilalang lalaki, aktibong miembro daw ng isang mapanganib na grupo sa Mindanao. Ikinasal sila dito, subalit nagsama lang ng ilang panahon. Noong umuwi sila ng Pilipinas, hindi siya ipinakilalang asawa. Naglaho rin ang kanyang asawang parang bula. Hindi niya alam kung patay na o buhay pa ang asawa. Wala silang naging anak.

Noong mapagisip-isip ni Abigail na kailangan siyang mabuhay at magka-trabahong muli, bumalik siya ng Kuwait. Dito, ilang panahon din lang ang lumipas, muli siyang umibig at gusto siyang pakasalan ng lalaki. Ang problema ngayon ni Abigail ay kung makakasal ba siya sa bago niyang lalaki, gayong kasal siya sa dati niyang asawa na nawawala ng mahigit 7 taon. Muslim nga po pala si Abigail.
Upang mas lalo kong mabigyan ng malinaw na payo si Abigail, minabuti kong makipag-ugnayan kay Dr Tomara Ayo, kilalang legal counsel at Sharia lawyer sa Kuwait. Ayon sa kanya, kung gusto raw po talagang magpakasal na muli ni Abigail, madali iyan kung magpa-file siya ng divorce. Allowed po kase ang divorce sa Muslim. Although kahit sa Christian ganun din, iba nga lang ang tawag, annulment. Ang sabi ni Attorney Ayo, Abigail, mag-file ka raw ng divorce sa Pilipinas kung saan kayo naninirahan. Dahil in the absence of six months daw po ng lalaki, puede na iyang malaking grounds ng divorce--ibig sabihin hindi na niya nagagampanan ang kanyang kapasidad bilang iyong asawa. Mas madali nga raw pong disisyunan ang iyong kaso dahil sa matagal na pagkawalay ng iyong asawa. HanggaÕt hindi mo raw naaayos ang iyong divorce hindi ka puedeng magpakasal sa iba.
Maraming salamat Dr Torama Ayo sa tulong at pagbibigay payo kay Abigail.
Sa mga gustong maging kabahagi ng palatuntunang ito, isulat po ninyo ang inyong kasaysayan sa address na inyong makikita sa itaas.

No comments:

Post a Comment