Sunday, January 13, 2008

BUHAY AT PAG-ASA

Parusa ng Langit?

Sagot kay Lucky Girl,

Hinati ko sa dalawang bahagi ang liham kasaysayan ni Lucky Girl. Sa unang bahagi, nakita natin doon ang pagmamalupit na sinapit niya sa kanyang mga magulang. Daan upang lumaki siyang rebelde. Para daw kaseng kinunsider siyang salot ng pamilya. Iyan ay ayon sa kanyang kuwento. Pero kung babalikan natin ang kuwento ng kanyang mga magulang, itinakwil daw po ng pamilya nila ang mga magulang niya dahil sa magpinsan ang mga ito, nagkagustuhan at nabuntis ang nanay niya sa kanilang panganay. Mula sa Iloilo nagpunta ang pamilya niya sa Davao, kung saan doon sila muling nagsimula bilang isang pamilya. Noong dumating daw siya sa mundo, doon na nagsimula ang paghihirap ng pamilya nila. Kaya itinuring siyang salot. Sakitin daw siya noon at ayon na nga sa kanya, ibinigay daw siya sa tiyahin niya, pero kinalaunan kinuha rin siya ng sariling pamilya. Pero noong bumalik daw siya sa sariling pamilya, ginawa lang daw siyang alila.
Kung papansinin natin ang kanyang kuwento, para siyang classic novel o kuwento ng isang pamilya sa telebisyon, puno ng drama. Pero heto at nababasa niyo rin sa Buhay at Pag-asa. Kuwento ng isang kabayang minaltrato, subalit nagsumikap at patuloy siya sa pakikipagsapalaran sa buhay.
Hiling niya lamang ang konteng liwanag sa landas na kanyang tatahakin sa buhay. Harinawa ay magsilbi tayong ilaw sa kanyang daraanan. Maraming nagsasabi na ang salita ay isang makapangyarihang intrumento sa ikatatagumpay o ikapapahamak ng isang tao. Sa katunayan, kung babalikan natin ang mga banal na aklat o aklat ng buhay, nasasaad doon na nalikha ang mundo sa pamamagitan ng isang salitaÑ-salita ng buhay! Nilalang ang mundo sa isang salita, nilalang ang mga bagay na nakikita natin sa kapaligiran sa isang salita, nilalang tayo ng Diyos sa isang salita. Ganyan ang kapangyarihan ng salita. Kaya, alam nating lahat na nagtatagumpay at napapahamak ang tao sa isang salita.
Hindi po tayo naniniwala sa kapangyarihan ng kadiliman. Pero, kung hindi raw po tayo nakatuon sa liwanag ng Diyos, malamang na ang kapangyarihan ng kadiliman ang manaig sa ating buhay. Base sa kuwento ni Lucky Girl, itinakwil sila (pamilya nila) ng kanilang mga lolo at lola. Lumayas sila at nagtungo sa malayong lugar at ipinagpatuloy ang buhay. Lingid marahil sa kaalamn ng pamilya ni Lucky Girl, mayroon salitang nabitiwan ang mga ito laban sa kanila. At iyan marahil ang naging dahilan ng hindi matigil na pagkakasakit o pagkasira ng kanilang pamilya. Sa ganitong sitwasyon, Lucky Girl, ipinapayo ko saÕyong balikan mo ang iyong pinagmulan. Makipag-ayos kayo sa kanila at sabihin mo sa magulang mo na aminin sa kanilang mga magulang ang kanilang pagkakamali. Sa pag-aasawa ng mga magulang mo bilang mag-pinsan, iyan marahil ang hindi nila matanggap na kadahilanan kung bakit nakapagbitiw sila ng salitang hanggang ngayon ay dinadala ng pamilya mo. Makipagbati, makipag-ayos at humingi ng tawad sa kanila. Kung hindi sila handang tanggapin kayo, ipakita ninyo sa kanila na kayo ay nagsisisi at handang bumalik sa ilalim ng isang pamilya. Alisin ang galit at lumakad na mayroong Diyos. Lahat tayo ay nagkakamali, nagkakasala sa harap ng ating mga magulang, pero kung mayroon mang dapat humatol sa pagkakamali natin, iyan ay ang Diyos na ating pinaniniwalaan. Sagutin ng mga magulang mo sa Diyos ang pag-aasawa bilang mag-pinsan. Oo mayrooon karapatan ang mga lolo at lola mong magalit; pero wala silang karapatang magalit ng habambuhay. Sino ba tayo sa harapan ng Panginoon? Mayroon naman tayong kanya-kanyang kasalanan kaya, kung sinuman ang mayroong karapatang magalit sa atin ng tuluyan, iyan ang Diyos.
Hindi rin ako naniniwala sa iyong sinapit at sinabi mo ngang maaaring hindi ka anak ng mga magulang mo. Siguro ko, nararamdaman mo lang iyan dahil nga sa ipinapakita nila saÕyo. Naalala ko ang event na ipinakita nilang magulang pa rin sila saÕyo, noong minsang ipa-ampon ka sa tiyahin mo at kuhanin ka ulit, noong minsang nagkasala ka at ikinulong, ibenenta pa nila ang isang kalabaw para lang tubusin ka sa loob ng kulungan. Iyan at mga instances na ganyan ay maliwanag na mayroon pa rin silang malasakit saÕyo bilang magulang.
Sa tingin ko, pressured lang silang masyado, and unfortunately ikaw ang napag-babalingan. Ikaw na rin marahil ang magiging daan upang maisarado once and for all ang usapin nila sa kanilang mga magulang. Yung katotohanang mayroon silang dapat ayusin. HanggaÕt sila ay nabubuhay, patuloy silang hahabulin ng isang katotohanan/multo (magpinsan sila) na minsan nang ipinamukha sa kanila ng kanilang mga magulang, at hindi sila puedeng magsama. Dapat matapang nilang harapin ang katotohanang iyan, magpatawaran sa isaÕt isa at sa tingin ko, muling liliwanag ang dating madilim na daan tungo sa buhay. So ang problemang dapat lutasin Lucky Girl ay sa tingin ko hindi yung sinasabi mong legitimacy mo sa pamilya, kundi ang matagal nang usaping hindi pa rin hinaharap ng mga magulang mo.
Kung gusto ninyong basahin ang kabuuan ng kuwentong ito ni Lucky Girl, i-browse po ang www.buhayatpagasa.blogspot.com
Maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat!

No comments:

Post a Comment