'25 year ago our sons and daughters are dreaming to become miners, but not anymore,'
Mayroong pag-asa ang Pinoy!
Noong nakaraang Linggo, nakausap ko po ang isa sa iginagalang na ekonomista ng Poland. Si Professor Grzegorz W. Kolodko. Siya ay dating Deputy Prime Minister ng Poland. Bigatin ika nga. Pangalawa sa pinakamataas na pinuno ng bansang Poland noon, pero hindi mo man kakitaan ng kayabangan. Naisip kong ibahagi sa inyo ang aking pakikipag-panayam sa kanya sapagkat bibihira lamang akong makaharap ng mga taong punong-puno ng kaalam tungkol sa ekonomiya at puedeng kapulutan ng aral nating mga Pinoy.
Kung tutuusin, ang aming pinag-usapan ay halos hindi abot ng aking kaalaman, sapagkat ang aming pinag-usapan sa pangkalahatan ay patungkol sa globalization. Hindi naman po kase ako ekonomista. Pero pinilit kong abutin at paghimay-himayin ang mga puntong aming pinag-usapan. Hindi ko po kayang palagpasin na hindi maibahagi ito sa inyo, dahil hindi lamang po ako na-inspired sa kanyang napakalawak na kaalaman, kundi ako'y lubos na humanga sa kanya. Isa siya sa mga itinuturing na arkitekto ng reporma at pag-unlad na tinatamasa ngayon ng bansang Poland. Sa mga hindi nakakaalam, ang Poland po ay bansa sa Europa na kaalyado ng tanyag ngayong European Union. Dito rin nagmula ang namayapa nang Pope ng Catholic church, na si Pope John Paul II. Alam kong kayo man ay matututo at mai-inspire sa kanyang kahanga-hangang galing at walang takot na pag-analisa at pagbabahagi ng kanyang kaalamang puedeng pakinabangan ng buong mundo sa hinaharap. Puede po nating kapulutan ng aral at gawing batayan sa pagtahak sa buhay, since ang kolum na ito ay patungkol sa Buhay at Pag-asa. Malalaman ninyo kung bakit ganun na lamang ang aking kagustuhang maibahagi ito sa inyo.
Naisulat ko na po ang isang artikulo patungkol sa aking panayam sa kanya, sa Kuwait Times, pero, tulad ng aking tinuran, sa pangkalahatan ay patungkol po iyon sa globalisasyon, Kuwait at Gulf Cooperation Council (GCC). Tinalakay niya sa akin ang kabutihan ng globalisasyon at kung ano ang naghihintay sa Kuwait at sa mga oil exporting countries sa hinaharap. Ayon nga sa kanya, hindi pang-habambuhay o pang-matagalan ang langis, iyan naman ang katotohanan. Mayroon itong hangganan at ang hangganang iyon ay hindi na gaanong katagalan. Kaya ipinapayo niya sa Kuwait at iba pang mga oil exporting countries na kailangan silang tumingin sa malayo (mag-invest sa mga industriya hindi konektado sa langis) upang hindi sapitin ang kawalan sa hinaharap.
Particularly nabuhayan ako ng loob nang marinig ko sa kanya---na ang tunay raw pong mayayamang bansa sa ngayon ay hindi yaong mga bansang mayroong ipinagmamalaking likas na yaman, tulad ng langis. Binanggit niya ang Finland, Denmark, Sweden, The Netherlands, Switzerland at Japan, kabilang sa mayayamang bansa, hindi dahil sa kabundukan ng ginto o langis, kundi, mayroon daw po silang mga yamang tunay na maipagmamalaki. Tulad ng edukasyon at mabuting ugali ng kanilang lakas-tao. Ito umano ay sandatang puedeng ipanlaban hindi lang sa kasalukuyan, bagkos sa pagharap ng tao sa susunod na henerasyon. Ang pag-unlad daw po ng isang bansa ay nakasalalay sa masidhing paninindigan at makatuwirang at matalinong pananaw at istratehiya ng isang lider. Alam kong ang mga bagay na ito ay hindi bago sa ating pamahalaan at sa katunayan ilan sa mga points na binanggit niya ay ilan lamang sa kasalukuyang ipinatutupad na programa ng kasalukuyang pamahalaan. Binanggit din niya na sa loob ng 50 taon, bababa ang pangangailangan o demand ng langis, dahil sa kasalukuyang hakbangin ng maraming pamahalaan na nag-uutos na bigyang pansin ang iba pang alternatibo at puedeng pagkunan ng langis o enerhiya, liban sa fossil oil, dahil nga sa inaasahang pagkaubos nito. Masuerte tayong bansa sa Asya sapagkat tayo ang unang bansa na nag-pasa ng batas sa biofuel. Kung saan ipinag-utos ang malawakang pagtatanim ng Jatropha (Jatropha, see page 4) at iba pang halamang puedeng maging source ng alternatibong enerhiya.
Malawak ang usapin ng globalisasyon, at hindi po kaya ng artikulo kong ito na maipaliwanag sa inyo ang lahat dahil sa kakulangan ng espasyon, ang sa akin lang, layunin ko po na maibahagi sa inyo ang nakaka-inspire na parte ng aming usapan ni Professor Kolodko. At iyon ay maykinalaman sa istratihiyang ginamit niya noong siya ay Deputy Prime Minister pa ng Poland.
Isa sa binanggit niya na talaga namang napahanga ako ay yung katotohanan na noong araw daw po--ang Poland-- ang pangunahin nilang pinagkukunan ng enerhiya-- ay ang pagmimina ng coal, (uling) yung maitim na karbong galing sa matagal na natabunan at napitpit na halaman (fossilized plants). Nakakapag-produced daw po ito (coal mine) ng may 200-million tonelada bawat taon. Ginagamit nila iyon (coal) sa domestic energy production at ini-export din nila iyon kung saan pangunahing nilang pinagkukunan ng hard currency, tawag sa atin ay dolyar.
Pero nakita raw po nila na kung magpapatuloy ito, isa ito sa mga nagdudulot ng malaking problema o nakakasira sa kapaligiran, dahil sa polusyon. Ang kagandahan, naganap ang malaking pagbabago sa loob ng 25-taon, kung saan pinamunuan niya ang pag-diversify ng ekonomiya,(pamumuhunan sa iba't-ibang negosyo upang mabawi sa pagkalugi sa ibang mahinang negosyo, tulad nga ng humihinang coal mining). Ang dati-rating 450,000 workers nila noong 1988 ay bumaba na ngayon sa 120,000 katao. Isa raw po ito sa pinakamahirap na katotohanang pinagdaanan nila. Sapagkat, maraming nawalan ng trabaho. Pero sa kanyang pamumuno, binuksan nila ang kanilang ekonomiya sa mundo. Nagtiwala at nag-invest sila sa kanilang domestic resources. Tinulungan nila ang mga walang trabaho, sinuportahan ang mga gustong mag-negosyo at nagbukas ang maraming Foreign Direct Investment (FDI) na naging daan upang ang dati-rating bansang umaasa lamang sa uling (coal) ay ngayon ay matatawag nang bansang puedeng makisabay sa mga kilalang industriya ng ibat-ibang makinarya, motorcar industries, equipment and machines at iba't ibang high tech industries.
Ang dati-rating bansa na ang mga anak ay walang ibang pangarap kundi ang maging minero o coal miners, ngayon ay halos wala nang pumapasok sa mga vocational schools na itinayo nila para sa mga gustong maging miners. Ang pagbabago sa kanilang bansa ay naganap sa loob ng 25-taon lamang. Napakaikling panahon, pero, kitang-kita ang pagbabago at pag-unlad ng Poland. Sa tingin ko, puedeng mangyari ito sa Pinas!
Ayon sa kanya, "We opened vocational schools for other professionals, and we help them, very much into small and medium scale businesses. There is not enough small and medium scale business in many parts of the world, so instead of just being a worker, they started owning their own small businesses. There are some people sent to early retirement which is not best solution but the only socially working solution, it is costly as such, but it was a long term approach, 25 year ago sons and daughters of miners are dreaming to become miners, but not anymore, now they all want to become computer programmers, doctors, engineers, construction managers or businessmen. We brought lots of FDI, which invested in alternative job opportunities. So instead of exporting coal we are exporting machines, pharmaceuticals, we are exporting cars, electronics it has taken a joint effort of about 20 years. I am proud to be an architect of this economic re-structuring which happened during my life time and service to Polish people," nakaka-inspire na pahayag ni Kolodko.
Sa ngayon, naibahagi ko po sa inyo ang isang bansang nagpunyagi, mayroong matalinong lider na nag-plano at nagpatupad ng mga pagbabago. Sino nga kaya ang mangangahas na magpuatupad nito sa ating bansa? Alam kong mayroong lider na sumusubok, pero kung walang suporta at limitado ang kanyang puedeng gawin, dahil sa ugali nating 'talangka mentality', wala tayong patutunguhan!
Mayroong pag-asa sa tulad ng bansang Pilipinas, kung mayroon lamang isang tulad ni Professor Kolodko na mangangahas na (tumayo) tatayo at handang harapin ang hamon ng pagbabago, baka, sa panahon din natin, makita na rin natin na ang mga anak natin ay mananatili na lamang sa ating bansa at pinatatatag ang sariling ekonomiya.
Aminin nati't hindi, marami sa Pilipinas, ang mga anak natin, pinag-aaral upang makapangibang bansa. Si Professor Kolodko, mayroong solusyon na ipinakita sa atin. Sinuportahan nila ang mga small ang medium scale enterprises, (unti-unti na iyang nagaganap sa atin), nagbukas ng iba pang mga industriya, at ang mga anak nila na dati ay gustong mag-aral upang maging minero, ngayon ay involve na sa iba't ibang uri ng negosyo at high-paying jobs. Isa sa maliwanag na binanggit niya, na ang ilan sa mga mayayamang bansa sa ngayon ay hindi dahil sa kanilang yamang likas, tulad ng langis, kundi dahil sa talino at galing ng kanilang lakas tao, kung saan mayroon tayong ganyan!
Sa sinabing iyan ni Professor Kolodko, dapat tayong mga Pinoy, alisin natin ang inggit sa mayamang bansa tulad ng Kuwait. Aminin natin, na-iinggit tayo, dahil mayaman sila at mahirap na bansa tayo. Ipinakita sa atin ni Professor Kolodko, na hindi lang yumayaman ang isang bansa dahil sa langis! Mayroong pag-asa ang Pilipinas. Naniniwala akong tayo sa Pilipinas ay mayroong talino at lakas na puedeng maging behikulo at maipantapat sa mauunlad na bansang tulad ng binanggit ko. Hindi ng isang tao, hindi ng isang tribu o pamilya, ng isang kumpanya, kundi ng buong bansang Pilipinas. Sino ba sa ating mga Pinoy ang ayaw makita na nakalaya na tayo sa kahirapan, sino ba sa ating mga Pinoy ang ayaw makitang hindi na tayo alipin ng ibang lahi, at maituwid ang kahulugan ng salitang 'Filipina' sa dikyunaryo, (sa ibang bansa) hindi bilang serbidora o katulong, bagkos Pilipinong, tulad nila ay mayroong yaman na hindi puedeng tapatan ng salapi. Puede iyang mangyari, lalo't kumpleto tayo sa mga elementong sangkap na binanggit ni Kolodko sa pag-unlad.
"It is my mission to the world to share my economic theory which comes out from my broad economic research, my experiences from various places, and from my political experience in Polish government and other agencies working with international organizations,' pagwawakas ni Kolodko.
Hi Kuya Ben,
ReplyDeleteI stumbled upon your blog while I was searching for posts about the lives of our OFW's in Kuwait and you have such an extensive compilation of stories that truly mirror the lives of our dear Filipinos wherever they may be in the world. We are very loyal, determined and honest. I like that you shared about what the former Deputy Prime Minister of Poland said. I think it's important that we don't rely too much on what we currently have and prepare for the future. What might work now may no longer do in the future so we gotta prepare for that. It is also important that we don't get crippled by the present. More power to your program and continue being a blessing to all the lives you are in contact with!