Monday, January 28, 2008

BUHAY AT PAG-ASA

'Totoo po ang kasabihang 'kapag may tiyaga, may nilaga'
Ulan ng pagpapala!

Dear Kuya Ben,
Una sa lahat, bumabati po ako ng isang magandang araw sa lahat ng mga sumusubaybay ng iyong programang Buhay at Pag-asa. Tawagin mo na lang akong Josefina M. Villarey. Sumulat ako para ibahagi ko saÕyo ang aking buhay kasaysayan upang kapulutan ng aral ng mga kababayan nating nag-tatrabaho sa bahay. Ako ay pang-apat sa anim na magkakapatid. Taong 1980 ng kami ay maulila sa ama. Mula ng mamatay ang aking ama, ako na ang nagsumikap sa pamilya (bread winner) upang ma-survive namin ang buhay. Nagsipag-asawa na kase ang tatlo kong nakakatandang kapatid, kaya wala na rin naman kaming inaasahan mula sa kanila.
Taong 1983 nang maisip kong mag-abroad. Napadpad ako sa Damascus, Syria. Bata pa ako noon, pero ang tanging dasal ko lang, nawa makatagpo ako ng among mababait. Awa ng Diyos dininig niya ang aking dasal. Tumagal ako doon ng pitoÕt kalahating taon. Sa totoo lang Kuya Ben, umalis ako sa ating bansa ng wala kaming maituturing na sariling bahay, ni-relocate kami sa Novaliches, Quezon City; at para maging sarili namin ang lupang tinitirikan ng aming bahay, kailangan kaming maghulog ng monthly upang mapasa-amin ang bahay. Six months pa lang ako sa amo ko, naglakas loob akong humiram ng pera sa kanila para maibigay ko sa pamilya ko sa Pinas at mabayaran ang lupang kinatitirikan ng bahay namin. Laking gulat ko Kuya Ben ng sabihin sa akin ng amo ko na ibibigay niya ang perang hinihiram ko - hindi utang o salary deduction, kundi ibibigay niya raw gift sa pamilya ko, dahil sa mabuting tao raw kami. Dahil sa amo kong Syrian, narating ko ang mga bansang France, London, Switzerland, Portugal, Belgium, Canada, USA, Spain, Germany, Italy at Turkey and so on. Nalungkot ako ng mamatay ang amo kong babae, that was year 1990. Noong September bumalik kami ng Pilipinas at nakapag-asawa ako noong taong 1991. Mabait ang napangasawa ko. Biniyayaan kami ng 2 supling, isang babae at isang lalaki. At dahil na rin sa kahirapan ng buhay sa atin, muli akong nagbakasakali sa ibang bansa. Dito ako napadpad sa Kuwait noong taong 1999. Mabait ang naging amo ko sa Kuwait. In fact, mahigit siyam na taon na ako sa kanila ngayon. Every Friday, binibigyan nila ako ng day-off. Nag-convert ako sa Islam noong taong 2003. Pinag-aral ako ng amo ko ng Quran, Arabic, IT Computer, Office Management at Graphic Design. Sa ngayon, malaki na rin ang naitutulong ko hindi lang sa pamilya ko, kundi maging sa mga kamag-anakan ko. Totoo po ang kasabihang 'kapag may tyaga, may nilaga'.
Gumagalang at nagpapasalamat,
Josefina Villarey

Liham kasaysayan ni Ms Josefina Villarey. Balitaan niyo nga ako kung ano ang natatandaan niyo sa kanya? Kamakailan lang laman siya ng balita sa Pinas at maging sa Kuwait. Sasagutin ko po ang kanyang liham next week. Pero kung mababasa ito ngayon Ms Villarey, gusto kong magbigay ka sa amin ng at least 10 tips kung papaano ang magtrabaho sa loob ng bahay. Alam kong makakatulong iyan sa ating mga house managers. Kung mayroon kayong natatanging tip na gusto ninyong ibahagi sa ating mga kabayan, huwag po kayong mag-atubiling iparating sa akin at ipa-publish ko po iyan sa kapakanan ng nakararami. Sa mga kabayan na mayroong kuwento tulad ng kay Villarey, o kahit na sariling kuwento ng buhay, you are most welcome po. ipadala lamang sa address na naka-post sa itaas na bahagi ng column na ito. Maraming salamat!
Tunay pong nakakataba ng puso ang ilang mga text messages ninyo in-reaction po doon sa last week issue natin sa Buhay at Pag-asa. Si Jojo, isang regular reader sa Kuwait City ay nagsabing lubos siyang na-inspired doon at sana raw, dalas-dalasan natin ang pagpa-publish ng mga inspiring articles. Salamat ng marami saÕyong reaction. Si Christy ng Salwa ay buong pagmamalaking sinabi na gusto niya ring makita ngayon sa ating lifetime ang pag-unlad ng mga Pinoy! Sa ulan ng mga mensahe ukol sa inspiring na kuwento ng isang Polish Deputy Prime Minister, maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay at tiwala sa palatuntunang ito, na sa taong 2008 ay nasa ika-walong taon na po ng paglilingkod sa bayan! Sa mga hindi nakabasa ng article ko last week, puwede pa po ninyong basahin iyon sa aking blogsite, visit www.buhayatpagasa.blogspot.com.

No comments:

Post a Comment