Mga tunay na buhay ng mga Filipino sa Kuwait. Sila ang bida at tauhan sa Buhay at Pag-asa. Programang laan sa ating mga kababayan. Unang sumahimpapawid sa Radyo Pinoy 96.3/Radio Kuwait noong taong-2000, tinangkilik ng libu-libong OFW's. Tumagal sa ere hanggang July 2003. January 2004, nagsimula ang Buhay at Pag-asa bilang lingguhang pitak sa Kuwait Times, kasama ng Filipino Panorama-nagpapatuloy hanggang ngayon... Salamat sa inyong tiwala! Welcome po ang inyong mga opinyon sa column na ito.
Saturday, December 11, 2010
SSS: Katuwang sa pagtanda, kaagapay sa kinabukasan
Embahada at Ako
KUWAIT: Si SSS Representative Frank Uy sa kanyang tanggapan sa embahada habang abala sa kanyang trabaho noong Huwebes. --Kuha ni Ben Garcia
Maraming programa ang gobyerno bilang ayuda para sa mga manggagawa abroad man o maging sa Pilipinas. Tinalakay na po natin ang ilan sa mga ito, at nangako akong isusunod ang ukol sa usapin sa SSS o Social Security System. Maraming tanong akong natanggap mula sa ating mga kababayan especially yung mga nag-text sa akin last week, pero bibigyan daan lang natin ang ilan sapagkat, kailangan natin ng space para sa Q & A portion ko kay Francisco 'Frank' Uy, ang representative ng SSS sa Kuwait. Taliwas sa paniwala ng ilan, ang SSS ay ahensiyang pag-aari lamang ng gobyerno. Marami ang nag-aakala, maging hanggang ngayon, na ang SSS ay semi-government lamang. Ibig sabihin, bahagi ay pag-aari ng ilang private companies sa Pilipinas, subalit nilinaw ni Mr Frank Uy na hindi totoo and mga sapantaha, dahil purong gobyerno daw po talaga ang may-ari ng SSS. In fact, si Frank Uy na empleyado ng SSS ay nagbabayad sa GSIS automatic, dahil empleyado siya ng gobyerno. Kung contractual ang isang empleyado ng gobyerno, doon pa lang umano pumapasok sa SSS. Ganun pala iyon.
Ngayon, para lalo nating maunawaan ang mga programang laan para sa kanyang mga miyembro, ito po ang bahagi ng aking panayam kay Mr Uy.
USAPANG SSS
BEN GARCIA: Ano ang SSS?
FRANK UY: Ang SSS ay isang ahensiya na nagbibigay ng insurance o pasiguro para sa mga empleyado ng pribadong kumpanya (private sector employees). Iyan ay counterpart ng GSIS para naman sa mga trabahante ng gobyerno (government employees). Ang SSS ay itinatag upang makatulong sa mga empleyado kung wala na siyang trabaho o regular na kita o pinagkakakitaan, o kahit na temporary na nawalan ng income at maraming iba pang benepisyo.
BEN GARCIA: Pakipaliwanag nga po sa amin ang mga benepisyong hatid ng SSS?
FRANK UY: [1] Income Benefit: Each employee na gumamit na ng kanyang sick-leave halimbawa, tapos naubos na ito pero tuloy pa rin ang kanyang pagkakasakit, puede siyang humingi ng saklolo sa SSS. Ang SSS ay magbibigay ng at least 120 days sick leave benefit per-year. Ibig sabihin, ang SSS ang magbibigay sa kanya ng kanyang suweldo depending on his/her contribution dahil sa pagkawala ng kanyang regular income. At least mayroon kang hulog sa SSS ng one straight year bago mo ito ma-claim. Ano namang mga sicknesses ang covered nito? Lahat ng uri ng sakit ay puede, kahit hindi work-related tulad ng pabalik-balik na lagnat na dahilan upang hindi ka na makapasok sa trabaho sa mahabang panahon. Nasaksak, naputulan ng daliri, nasagasaan, iyan ay puedeng icover ng SSS under lost of income benefit. Kapag lumala na... ito naman ang susunod:
[2] Disability Benefit: Kung grumabe na halimbawa ang sakit, partial lost of sight, naputulan ng kamay, paa, maysakit sa puso, sakit sa atay, kami na ang magbibigay sa kanya ng suweldo, again, depende iyan sa kanyang hinuhulog. Magkakaroon siya ng pension for a certain period of time. Partial disability benefit ang tawag diyan. Kung malala na masyado at hindi na siya puedeng makapag-trabaho, yung miyembro na nakapag-hulog na ng at least three years, puede na siyang bigyan ng lifetime pension. Kahit 30 years old lang siya, ibibigay iyan sa kanya ng SSS.
[3] Maternity Benefit: Yung member na babae na nakahulog sa SSS ng one straight year, qualified na siyang mag-apply ng maternity benefit. Now, ibibigay iyan ng SSS kahit anong kaso; cesarean, normal, o kahit na yung nakunan, ibibigay ang benepisyo sa miyembro. Ang kanyang benefit naman na makukuha ay depede sa kanyang contribution. Ibibigay ng SSS up to four deliveries, ibig sabihin kung manganak ka ng dalawang beses sa isang taon, ibibigay iyan ng SSS. Puedeng ifile ang claim dito [sa Kuwait], darating dito ang cheke, pero babalik ang cheke sa Pilipinas dahil kailangan siyang ideposit sa PNB. Wala na ring illegitimate classification ngayon, basta anak, anak sa pagkadala, pagkabinata, sa labas, ibibigay ang maternity benit ng SSS.
[4] Retirement Benefit: When you reach the age of 60, hindi ka na talaga puedeng magtrabaho, kaya kung miyembro ka, puede kang mag-claim ng lifetime pension sa SSS. Ito yung mga members na dumating na sa retirement age na 60. Kung nakahulog ka na ng ten years, makukuha ang pension mo monthly. Ang requirements diyan dapat nakahulog ka ng 120 months kahit putol-putol basta at ten years ang total. Halimbawa 60 years old ka na at may-minor ka pa [na anak], additional ten percent iyan sa pensioner each child.
[5] Death Claim: Pag-single ang namatay, parent ang claimant niyan. Kapag namatay naman ang asawa, ang death claim ay mapupunta sa asawa. Halimbawa namatay ang asawa ng bata pa, pero, miyembro siya ng SSS, mayroon ding kaukulang pension na mapupunta sa asawa. Kung wala na ang dalawa, puedeng makuha ng kanyang beneficiaries basta dapat anak niya. Kung walang three years ang contribution ng miyembro, puedeng makakuha ng at least 45,000 lump sum.
[6] Funeral: Lahat ng miyembro na namatay kahit isang beses lang siyang nag-hulog sa SSS, puede siyang mag-claim ng 20,000 pesos funeral. Automatic iyan na nakukuha ng member. (Syempre yung kamag-anak o beneficiary niya ang magki-claim ng funeral, mahirap nang bumangon ang patay-hehehe.) Kailangan lang ibigay ang resibo ng funeral parlor at mabilis iyang ipina-process ng SSS.
BEN GARCIA: Liban sa mga nabanggit mong benefits, wala na bang ibang benefits na ibinibigay tulad halimbawa ng salary loan at housing loan?
FRANK UY: Mayroon kaming additional benefits na puedeng iclaim ng members, tulad ng salary at housing loan. Pero ito ay hindi kasama sa mga benefits at tinawag lang namin itong special privileges. Sa salary loan puede kang makakuha depende sa contribution mo, iyon lang ang puedeng ipautang sayo. Sa housing loan naman, puede lang talaga kaming magbigay ng at least one million pesos na pautang. The reason was that nauunawaan namin ang bigat ng responsibilidad sa pagbabayad. Puede kasing umabot sa 3 million kahit one milyon lang ang utang sa housing, dahil sa tubo at depende sa tagal ng taon ng pagbayad mo. Ganun kalala iyan na hindi naipapaliwanag masyado sa nangungutang. At iyan din ang konsidyon ng mga housing loans kahit na nga gobyerno din ang nagpapautang, pasintabi sa mga counterparts namin. Bukod diyan mayroon pa kaming Flexi-fund.
BEN GARCIA: Ano naman po itong flexi-fund?
FRANK UY: Ito naman ay voluntary provident fund para a mga OFWs. Karagdagang serbisyo ito ng SSS bukod sa regular OFW membership. Ang flexi-fund ay pension plan at savings account rolled into one. Isipin mo ang time deposit, parang ganun ang flexi-fund. Ang sa amin lang mas-mataas ang tubo, seven percent, as compared sa at least 2 or even less percent ng tubo na ibinibigay ng bangko. Malaking tulong ang flexi-fund program sa pangangalaga ng kinikita sa abroad. Sa pamamagitan ng programa, makakaipon ang OFW at maaari niyang ma-maximize ang kanyang kita. Ang pinagsasama-samang contribution sa flexi-fund ay isang investment, lalo na kapag natapos na ang kontrata abroad. Bukod sa mga benepisyong matatanhggap sa ilalim ng regular SSS membership, ang flexi-fund ay mayroong mga karadgadang benepisyo mula sa kita ng kanyang inipon sa kanyang flexi-fund account. Maaring makuha ang flexi-fund benefit bilang lump sum, pension o pareho. Ang inipong pera gamit ang flexi-fund ay ini-invest naman ng SSS sa government securities. Base sa average 91-day Treasury bill rate and kita ng flexi-fund contributions at ito ay tax-free. Kaya bukod sa transparent at risk free na, malaki pa ang interes. Flexible ang terms at amount of payment pero ang kontribusyon dito sa flexi-fund ay tumutubo ng seven percent. Hindi tulad ng sa bangko na minsan less than two percent lang o kadalasan one percent lang tubo.
BEN GARCIA: Kailangan ba akong mag-bukas ng panibagong membership sa SSS o puede nang ishift sa flexi-fund ang regular SSS membership ko?
FRANK UY: Hindi na kailangan magbukas ng panibagong number, isisiparate lang iyan through tabulation. Voluntary ito, whatever you earn in the flexi-fund will be yours.
BEN GARCIA: Kung halimbawa, natapos ko na ang ten years at qualified na ako sa lifetime pension, wala pa ako sa compulsory retirement age, puede ko na bang makuha ang pension ko.
FRANK UY: Hindi pa. Maghihintay ka pa ring umabot sa 60 years-old bago mo makuha ang pension mo.
BEN GARCIA: Kung ayaw kong makatanggap ng buwanang pension, puede ko bang makuha ang pension ko ng lump sum?
FRANK UY: Hindi po, ang puede lang ay yung hindi umabot ng 120 months contribution. Kaya nga may SSS para mayroong mabunot ang pensyunado/da sakalit tumanda na siya at least monthly. Para ding kumikita siya buwan buwan sa kabila ng katandaan.
BEN GARCIA: Kapag, nakakuha na halimbawa ng sickness, lost of income benefits, mababawasan ba ang aking retirement pension?
FRANK UY: Ang sagot diyan ay hindi. Kung magkano ang contribution mo sa SSS iyan pa rin ang makukuha mong pension kahit na nag-claim ka na ng sickness, salary at housing loans.
BEN GARCIA: Kung halimbawa hindi ko na-comply ang ten years para maging qualified sa lifetime pension, mayroon ba akong makukuha?
FRANK UY: Oo, puede maibalik sayo ang lahat ng contribution mo plus kung magkano ang tinubo nito.
BEN GARCIA: Saan puede ditong magbayad?
FRANK UY: Mayroon kaming apat na money exchange remittance companies na affiliated ng SSS, naka-spread iyan sa ibat-ibang panig ng Kuwait. Dumarating lang sa akin dito ang mga kopya ng resibo, hindi ako humahawak o tumatanggap ng pera directly dahil bawal o ipinagbabawal iyan ng Commission on Audit. (Magtanong po sa mga money exchange companies sa Kuwait City o saan mang distrito sa Kuwait dahil hindi puedeng banggitin ang mga pangalan nila.)
BEN GARCIA: Gaano kahalaga ang SSS number?
Ang number ay lifetime iyan. Kahit saan ka man naging miyembro, halimbawa sa Pilipinas pa, paglabas mo ng Pilipinas dahil OFW ka na, iyan pa rin ang magiging number mo. Kaya mahalaga iyan. Subalit kung mawala man, nahahanap din natin iyan sa file, through your name and birthday.
(Ito naman ang ilan sa mga tanong na puede kong isama sa usapang SSS)
BEN GARCIA: Mula kay Christy ng Qortuba, sabi niya, nagtrabaho siya sa call center ng four months bago nag-abraod, paano daw ba mai-bi-verify kung pumasok ang four months contribution niya? Ayan My Uy, ang follow-up question ko diyan ay puede bang ma-access sa internet ang monthly contribution ng members.
FRANK UY: Hindi, mahirap, pero siguro, pagdating ng panahon baka puede, pero sa ngayon hindi pa. Hindi kasi iyan ma-i-tsek sa internet dahil mayroong hinihinging BR code na sa atin lang sa Pilipinas accessible. Now yung kay Christy na tanong, madaling mai-verify kung maibibigay mo sa akin ang buong pangalan at SSS number. Sa Pilipinas ko pa i-ti-tsek iyan.
BEN GARCIA: Mula naman kay Myrna ng Salmiya, nag-member daw po siya sa Pinas ng SSS pero ang based salary daw po ay KD120, now noong dumating siya sa Kuwait, KD60 lang ang suweldo niya, nahihirapan na daw siyang magbayad.
FRANK UY: Puedeng ire-adjust iyan, puedeng KD3 lang ang contribution. Punta ka lang sa embassy Myrna.
BEN GARCIA: Mr Uy mula kay Rochana Apolinar ng Jabriya. Ten years na daw siyang nagbabayad sa SSS this December, wala naman daw siyang loan, stop na ba daw siyang magbayad o ipagpatuloy pa rin niya?
FRANK UY: Nasa sa iyo ang disisyon, kung gusto mong mag-continue pa, puede naman, in fact-ini-encourage talaga namin ang mga miyembro na kung mayroon pang chance, e, magbayad hanggat kaya. Mas-mataas ang pension mo kung sakaling magpapatuloy ka. Pero iyan ay nasa sayo, dahil mayroon ka nang sampong taon, kung okay na iyan sayo, then, okay na iyan; may-option ka ika nga.
BEN GARCIA: Mag-aapat na taon na daw sa Kuwait si Levy, pero hindi pa niya nahuhulugan ang SSS niya dahil hindi raw niya alam kung kailangan pang ipa-activate ulit o magbukas ng panibago. Ano daw ba ang puedeng gawin?
FRANK UY: Sabi ko nga, onece a member is member, for life ka nang member. Kaya ako narito sa Kuwait upang magabayan kayo. Punta ka lang dito sa embassy to re-activate your membership.
BEN GARCIA: May SSS ako sa Pinas, gusto kong mag-change ng aking mga beneficiaries [status], puede ba iyang magawa dito sa Kuwait?
FRANK UY: Yes, again, iyan ang dahilan kung bakit ako narito sa Kuwait. Upang matulungan o ma-asistihan ang mga members na naririto. May-form na kailangang ifilled 'SSS members data form or E-4' para sa change ng status. Madali lang ito, punta ka dito sa embassy.
(Para sa karagdagang mga tanong at impormasyon ukol sa SSS, bumisita sa kanilang website: www.sss.gov.ph at puwede ring tawagan si Frank Uy sa Tel 25320224. Puedeng ring ma-access sa www.buhayatpagasa.blogspot.com ang artikulong ito. Maraming salamapot po!--Ben Garcia)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang sakit na sinus bradycardia pwede po ba i-file sa sss
ReplyDeletetanong ko lang po. magkano po kaya ang matatanggap ng isang miembro ng SSS. Kapag naka-sampung taon na sya at Executive pa ang kanyang contribution (PhP1560)? Paano po ang computation nito?
ReplyDeleteHello Po! Una po, gusto ko lang po malaman kung magkano ang sasahurin ng isang miyembro, kapag itoy nakabuo ng 120months? pangalawa po,puede po ba sumobra ng 120months ang contribution, kapag gusto pa po ng miyembro? Salamat
ReplyDeletemay tanung po ako. ganito po kasi iyon...ung papa ko ang may sss ngaun po may una syang asawa at apat na anak sa una nasa 21+ napo sila eh hnd po kasi devorce ang papa ko sa una nyang asawa tas may pinakasalan sia ang mama ko nga po dalawa po kami na anak ng pangalawa sa papa ko ako ay 18 at ang kua ko is 23 may karapatan po ba kami na kami ang kumuha sa burial ng papa ko dahil kamamatay nya lang this 8/05/12
ReplyDeletemagtatanong po sana ako paano po kung ang naihulog ng namayapa ay 8 buwan lang po may makukuha po ba na death claim ang anak niya?
ReplyDeletemr. frank uy may tanong lang po ako. hidi po umabot ung contribution ko ng ten years wala na po akong trabaho pwede ko na po bang e claim lahat ng contribution ko kc wala naman na akong panghulog sa sss gusto ko na lng po makuha ung pera ko
ReplyDeleteAng papa ko po sa Pilipinas 67 yrs old na. Pero kulang pa po sya ng 24 mos. para makompleto ang 10 years, kung bayaran po ba nya lahat ng 24 months makapagpension na po ba sya monthly o maghihintay pa po sya ng 2 yrs bago nya makuha pensin nya?
ReplyDeleteNILOLOKO NIYO MGA TAO!!!!!!!!!!!!WAG KAYO MAGBULAG BULAGAN, ISANG MALAKING BUSINESS LANG YANG SSS NA YAN! HINDI NAMAN LAHAT NAKIKINABANG DIYAN KAHIT NAGHUHULOG! AT PAANO NIYO NASABI ANG WORD NA "LOAN" EH YUNG MGA PERANG NAKUKUHA NIYO EH SAMIN GALING!!!TAPOS SASABIHINI NIYO SAMIN "MAG-LOAN/PARA MAKAPAG LOAN"?MEANING MAGHUHULOG KAMI PARA MAKAUTANG KAMI?DIBA ISANG MALAKING KALOKOHAN! TAPOS PAG NKPAG LOAN KA NA UNG KALTAS SA SWELDO MO DOBLE????HINDI BA KAYO NAGTATAKA??PATAAS NG PATAAS!!!EH KUNG IPUNIN MO NALANG SA SARILI MO KAHIT UMABOT K P NG 60-70 EDAD, MAS MABUTI PA HINDI KA NA MAKIKIPAG SISIKAN SA PILA SA NAPAKABAGAL AT WALANG KWENTANG SERBISYO!!!TAPOS MAGKAKABONUS UNG MGA EMPLEYADO NG SSS NG 100,000 TO 1M MAHIGIT PA?? NILOLOKO LANG NILA TAYONG LAHAT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDelete