Mga tunay na buhay ng mga Filipino sa Kuwait. Sila ang bida at tauhan sa Buhay at Pag-asa. Programang laan sa ating mga kababayan. Unang sumahimpapawid sa Radyo Pinoy 96.3/Radio Kuwait noong taong-2000, tinangkilik ng libu-libong OFW's. Tumagal sa ere hanggang July 2003. January 2004, nagsimula ang Buhay at Pag-asa bilang lingguhang pitak sa Kuwait Times, kasama ng Filipino Panorama-nagpapatuloy hanggang ngayon... Salamat sa inyong tiwala! Welcome po ang inyong mga opinyon sa column na ito.
Sunday, October 10, 2010
Embahada at Ako
Makabuluhang pagtalakay sa paksang may-kinalaman sa mga OFWs sa Kuwait. Usapang magbibigay impormasyon; usapang deretsahan, walang kinikilingan! Lilinaw sa mga isyung kasama ako, ikaw at tayong lahat kabayan... Embahada at Ako.
Electronic passport, tugon ng Pilipinas sa ICAS
(Ang column na ito ay laan sa ating mga kababayan upang matugunan ang samut-saring tanong/daing may-kaugnayan sa mga Pinoy sa Kuwait. Puwede kayong sumali sa pamamagitan ng pag-ti-text sa aming numero 97277135. Makialam, magtanong, magbigay kumento/opinion at imungkahe ang paksang gusto mong pag-usapan natin.)
May-tatlong buwan na pala ang nakakaraan simula ng ipatupad fully ang electronic passport. Siguro dahil sa mga balitang pulitikal sa Pilipinas, natabunan ang balitang e-passport. Alam natin na noong June 30, 2010 ng mag-simulang maupo ang bagong halal na pangulo ng bansa; si Pangulong Noynoy Aquino III. Lahat ng mga balita ay ukol sa kanya, at ukol sa bagong administrasyon. Minsan kong naibalita ang tungkol sa e-passport, subalit iilan lamang sa atin ang nakakaalam na bago na pala at fully implemented na ang electronic o hi-tech na sistemang ito sa passport. Kung inyong natatandaan, ilang taon pa lamang ang nakakalipas simula nang ipatupad ang Machine Readable Passport (MRP) o brown passport, (ipinalit sa green passport) marami na ang naka-avail, at nagandahan ang ilan, pero heto, ipinatutupad na pala ang mas-high-tech pang passport. Kulay brown din po ang kulay at ang kaibahan lamang bar-coded na ito ngayon. Ayon kay Vice Consul Rea Oreta, alam ng gobyerno preparasyon lamang o transition sa mas-high-tech na e-passport lamang pala ang MRP. Liban sa high-tech passport, maraming pang tanong ang gustong malaman ng ating mga kababayan ukol sa usapang passport.
Ito ang pilot column sa 'Emabaha at Ako'. Tatalakay, tutugon, lilinaw sa inyong mga tanong ukol sa paksang Passport. Kausap ko po sa pilot episode na ito si Vice Consul Rea Oreta. Mula sa Filipino Panorama, maraming salamat po sa Embahada lalo na kay Ambassador Shulan Primavera sa inyong bukas palad na pagtugon sa kahilingang ito ng marami sa ating readers. Heto ang bahagi ng aking panayam at pakikipag-usap kay VC Rea.
Usapang Passport
BEN GARCIA: Kumusta po ang passport section natin ngayon?
REA ORETA: Ang consular section po natin ngayon ay nag-pa-function with the help of five personnel na nagtutulong-tulong to run the services properly. Passport is just one but main consular service that we are rendering to our kababayans. Brown passport na ang ginagamit natin ngayon, electronic passport. Na-faced-out na po ang MRP. This has been part of the Philippine government response with regards to the requirements set by the International Civil Aviation Services (ICAS). We have two people manning the data capturing at the embassy.
BEN GARCIA: Bakit po inintroduce ang machine readable passport, then e-passport?
REA ORETA: The machine readable passport and now e-passport was introduced in compliance with the international standards ng civil aviation services. Kung inyong natatandaan, dati machine readable pa tayo, but eventually had elevated to a more sophisticated technology; ito na nga ang tinatawag na e-passport. Noong July 2010 pa fully implemented na ang pag-gamit ng e-passport. Wala namang gaanong pinagbago sa MRP going to e-passport, in fact preparation lang talaga ang MRP para sa e-passport. Ang e-passport ay mas-advance, hindi na kailangan ang hardcopy ng iyong photo unlike MRP. This time, barcoded na rin siya. Ang computer barcode ang binabasa ng computer sa mga immigration entry at exit points. Makikita sa brown-e-passport ang iyong photo at ilang basic information about yourself. Tapos ang ilang information datas tungkol sayo ay nakastore na sa computer bar na available sa e-passport. Now, para doon sa mga naisyuhan ng MRP at para doon sa mga holder pa rin ng green passports, nais kong ipaalam na kinikilala pa rin iyon hannggang ngayon at patuloy na kikilalanin hanggang sa ma-expire ang passport na iyon. The next time they renew their passport, e-passport na ang ibibigay sa kanila.
BEN GARCIA: Simula po nang mag-simula ang machine readable at itong e passport ngayon, nakabawas ba sa trabaho ng consular section ang ganitong sistema?
REA ORETA: Malaki ang naitulong, unang-una security, nabawasan ang mga peke, o baklas na passport, and we are now internationally complaint country. Ibig sabihin, ang isang OFW na mag-ta-travel sa ibang bansa ay hassle free na siya. Lesser trouble sa mga immigration points, kasi, ang sistemang e-passports ay implemented na rin sa ibang mga bansa. So lesser ang trabaho para sa kanila at hindi na rin gaanong mahirap para sa holder. Now para sa amin, mas-madali na rin, data capturing lang ang gawain namin, di tulad noon, kami ang gagawa at nag-iinscript ng lahat ng personal data ng applicant manually. Now, enter lang ang data sa computer at ika-capture ang photo ng applicant, hindi mo na rin kailangan ang hardcopy of photo, kasi available na sa amin.
BEN GARCIA: Given the population of Filipinos in Kuwait, ilang passports per day ang na-pa-process ninyo araw-araw? Mayroon bang pag-kakataon na hindi nasusunod ang release date?
REA ORETA: Average of about 100 a day, pero mayroon ding mga araw na 60 lang per day. Wala naman o bibihira lang ang pagkakataon na na-di-delay ang pagpapadala ng DFA sa mga bagong passports. Lahat kapag-pumasok sa Pilipinas ang data at na-verify na iyon, ang susunod is making it available for you.
BEN GARCIA: Magkano po ang dapat bayaran sa pagkuha ng bagong passport o renewal nito? May-additional fee ba ang e-passport?
REA ORETA: Hindi naman ganun kalaki, dati is KD 16.250 fils ang renewal ng green passport. Now, ang e-passport ay KD 18 lang. Ang typical na reklamong naririnig ko masyadong mahal ang loss passport, KD45. Isa pa masyadong matagal ang waiting period; 45 days na ngayon compared sa green passport which we manually in-script. Itong e-passport hindi namin puedeng paki-alaman, sa Manila talaga ang processing niyan, whereas yung green passport, madali. In-case of emergencies puwede agad kaming mag-issue ng bago; pero, this time, hindi na. Our hands are tied with the system being implemented in Manila, kung kailan lalabas ang passport, we really have to wait.
BEN GARCIA: Marami po ang nag-tatanong kung bakit daw napakataas ng singil ng ating embahada sa passport?
REA ORETA: Ang rate ay alinsunod sa prevailing international rate standard which is US60 dollars. This time kasi, we are doing it electronically and we have to pay the services of a private firm. Before ang green passport ay central bank ang nagpi-print out, kaya medyo mura. Ang mahal ay replacement, yes, medyo mataas nga, kaya payo ko sa ating mga kababayan, dapat pahalagahan ang passport.
BEN GARCIA: Mayroon na bang pagbabago sa ating consular section simula ng pumasok ang bagong ambassador? Mayroon na bang nabago sa kalakaran at pakikitungo ng mga embassy staff sa mga kababayang nakikipag-transact sa inyo? Mayroon daw mga naninigaw pa rin at naghahari-harian sa consular section, totoo po ba ito?
REA ORETA: Ang alam kong problema noon, kulang sa tao (staff), isa lang ang processor noon, so ang pila mahaba talaga almost everyday. Pero this time, dinagdagan na namin. Noon kasi, isa lang ang kumikilos, pero ngayon yung idinagdag namin nasa front na rin sila at kumikilos pare-pareho kaya bumilis na rin ang serbisyo. With the coming of new ambassador, he fully supports the consular section affairs. Ang gusto namin ay magkaroon ng three lanes to served our kababayans. In the releasing section we have two personnel to service the people whose documents are ready for releasing. Sinisikap namin na makuha within the day ang mga documents or else kinabukasan the most. Ang cashier counter ay isa lang talaga. Pero ang counter sa gate pa lang, mayroon nang nakahandang forms doon, and they can use the area to fill-up those forms. From there, they will be directed to the processor's counter. Sabi ko nga, dati isa lang, but now, we try to maintain at least three counters. Ang processor natin ay hindi lang concentrated sa passport issue; all of them are trained to handle all consular services regardless. Ang resulta, mas-mabilis na transaksyon. Yung notarials, mga papers/documents tulad ng affidavit of support and all these kinds, pinipilit namin na within day or the least kinabukasan makukuha.
Yung upgrade na gusto naming mangyari yung magkaroon ng automatic queuing system. Medyo mahal, pero kaya naman, nag-ho-hold pa lang kami kasi may plano tungkol sa existing embassy natin. In order to accommodate and serve the increasing number of Filipinos in Kuwait dapat may-mas-malaking space. So yes, kailangan ng tao at bini-beep up na talaga namin ang pagkakaroon ng personnel sa embassy to serve our kababayans more better. Ang bilin namin sa ating officers, walang sigawan, walang gagamit ng mga offensive words. Kung mayroong nakikita ang mga tao sa aming personnel na medyo istrikto, kasi, iyon ang training nila ayaw naming malusutan ng mga pekeng dokumento. At saka, yung ilang tao din, (ibang lahi) hindi rin makaunawa agad. Kaya minsan kailangang gamitan ng stronger words to stress our points. Pero kung mayroong mga reklamo ng pagamit ng mga offensive words, hindi iyan allowed, at puede kayong magreklamo sa amin.
BEN GARCIA: Anong paraan ang ginagawa ng embassy natin para pag-punta pa lang dito sa embaasy alam na nila ang kanilang mga requirements at hindi na yung pabalik-balik?
REA ORETA: Number one kung mayroong internet puedeng ma-access ang ating website, at doon available ang mga requirements sa pagkuha ng anumang mga dokumento. Pangalawa, ang telephon number sa embassy natin ay available on working hours at at mayroong mga hotlines na puedeng pagtanungan all the time.
BEN GARCIA: But the problem Ms Rea, walang sumasagot sa mga telepono natin.
REA ORETA: Oo nga, iyan din ang naririnig ko, ang problema dahil sa dami talaga ng tawag na-mi-missed nating masagot ang ilan. The truth, hindi lang naman clients from Kuwait ang nag-re-reklamo, maging calls from the Philipines, minsan hindi rin nasasagot. We are truly trying our best to address this problem. We are adding more numbers; ang problema, mayroon kaming outstanding bills amounting to thousands of dinars na hindi pa na-si-settle. Iyon ang dahilan kung bakit hindi rin mapagbigyan ang aming request for additional telephone lines. Kailangan naming isettle muna iyon for us to have the liberty to demand new telephone lines. From our side naman, inaayos na ang pagbayad ng telephone bills, nag-bigay na tayo ng pasabi. Once na mabayaran na iyon, makaka-acquire na tayo ng bagong lines.
BEN GARCIA: Ano naman ang mga kailangang requirements o dapat tandaan sa pag-aaply o renewal ng passport para hindi na ako pabalik-balik?
REA ORETA: Para sa passport renewal, mga requirement diyan ay copy and original passport importante. Pag-dating sa embassy, mag-pi-fill-up ng request form, then, pupunta ka sa window ng processor, then, ipapadala ka sa capturing room, manned by two people, then they'll be directed to the cashier to pay; at doon ibibigay ang claim stubs at ilalagay doon ang date kung kailan sila dapat bumalik. On our part, yung data na ibinigay sa amin ng applicant iyon ang isesend namin sa Manila para maisyuhan naman siya ng panibagong passport.
Kapag-may-duda halimbawa, tumatagal ang proceso. Mayroong kapangyarihan ang ating consular section to demand some other documents lalo na kapag-mayroong duda nga sa application. Mayroong pinagbabasehan ang consular kung bakit umaabot sa puntong ganyan dahil minsan halimbawa, mayroong kaparehong pangalan at peke ang ibang mga papers o gumamit ng pangalan ng ibang tao. Kadalasan namang nangyayari iyan sa mga new applicants; wala man tayong bagong applicants sa mga bagong panganak lang. Doon din marami kaming requirements na kailangan, katulad halimbawa ng birth certificate from the Ministry of Health na translated na into English. Yung birth certificate dapat stamped ng Ministry of Foreign Affairs dito, tapos, hinihingi din namin ang copy ng kanilang marriage contract; translated into English. Dito, sabay naming hinihingi sa kanila ang civil registry para sa bata; requirements iyan ng NSO sa Pilipinas, attached ang birth-certificate ng bata at ang footprint. Iyan ang ipapadala natin sa NSO.
BEN GARCIA: Kapag nawala ang passport ko, ano naman ang mga dokumentong kakailanganin kong dalhin?
REA ORETA: Bago ka magpunta ng pulis, dapat magpunta ka muna sa amin dito to get the affidavit of loss, iyon ang dadalhin sa police station, the police will issue the loss passport report, then, we would process the new passport. Ito medyo mahal, kailangang mag-bayad ng KD45 for the loss passport.
BEN GARCIA: Noon pong luma pa ang sistema sa pagpapagawa ng passport, totoo bang mayroong tayong mga pinapaburang photo shop owner para kumita ang ilan sa embassy personnel?
REA ORETA: No I doubt it, in the part of the embassy, ang layunin lang naman namin ay makatulong; yung idirect sa tama o pinakamalapit na studio ang isang applicant. Kung iisiping kumikita ang ilan dito for that reason wala namang ganun at least iyan ang alam ko huh. Kasi you are free to bring here the photo kahit saan pang galing na photo studio iyan. But again, it was before full implementation ng bagong e-passport.
BEN GARCIA: Yun namang Xerox o photo-copy na umano'y pinagkakakitaan din ng ilan sa mga embassy personnel, totoo ba ito?
REA ORETA: Sa ngayon, wala na ang photo-copy machine na iyan dito. Before, alam ko, yung former supervisor ng consular section ang nag-papatakbo noon; wala akong alam sa kung pinagkakakitaan nila iyon, dahil he was reporting directly to the ambassador. But I think, kung ganun man, sa tingin ko legal dahil serbisyo naman ang ibinibigay nila. Sa ngayon, we removed the machine in our section, pero mayroon pa rin namang copy machine sa OWWA; so kung mayroon nangangailangan ng photocopy, we instruct them to go to OWWA kasi nandoon ang copy machine. Dito wala na. Ang maipapayo ko nga sa mga nagpupunta dito, mag-pa-copy na kayo ng marami ng dokumentong puedeng hingin ang kopya para bawas abala na rin sa inyo.
BEN GARCIA: Sa mga kaso po ng mga baklas na passport, o paggamit ng hindi tunay na pangalan, ano ang patakaran dito ng DFA at ano po ang maipapayo niyo sa kanila?
REA ORETA: When a Filipino comes and enter Kuwait halimbawa lang gamit ang assumed name, iyon na ang gamit niyang pangalan dito; lahat ng transaction niya, gamit na niya ang pangalang iyon. Mabubuko lang minsan kung mag-rerenew o kung minsan sa aming imbestigasyon dahil nga may-doubt, so ang iba uma-amin. Kapag nahuli, ang kadalasang tanong namin ay kung willing siyang mag-rectify ng pagkakamali? Kapag sinabing oo, aayusin iyan. Pero, she/he will will have to agree na will have to re-start all over again. Mahirap na proceso ang pagdaraanan. Kasi kailangan niyang baguhin ang lahat, parang domino effect iyan na kapag nasagi o natumba ang isa, sunod-sunod na matutumba ang matatamaan. So, ganun, from the part ng taong nag-assumed name, lahat ay babaguhin, kasi affected iyon lahat. If they want to come clean, gamitin ang buong katotohanan sa pangalan nila; they have to leave the country; lahat doon na sa Manila ayusin. Ang Pilipino na nag-gamit ng assumed identity ay mahaharap sa kasong falsification of public documents, mabigat na kaso iyan, iimbestigahan ang nagkasala, at karamihan naman sa mga ganung klase ay dahil lamang halimbawa sa gusto lang mabilis ang pag-alis dahil kailangan nang kumita ng pera; mauunawaan iyan ng Pilipinas kung ganun nga. Pero mayrooon kasing iba, na ginagamit iyon sa ibang bagay, halimbawa sa drug at human traficcking. Kaya mayroong imbestigasyon. Ang Philippine government ay very flexible when it comes to that, dapat lang naman umamin kung maypagkakasala at ipaliwanag ng maayos ang kanilang sarili. Maraming na-ti-trace na panloloko o pag-gamit ng pekeng pangalan, dahil minsan, yung nagamit na passport ng isang tao ay nag-apply ng panibagong passport, syempre dahil mayroong record, lalabas ang katotohanan, so ayun, buking si kabayan. Kaya, from us, payo talaga namin huwag gagamit ng passport ng ibang tao o assumed name.
BEN GARCIA: Sino sino naman ang hindi nabibigyan ng passport?
REA ORETA: Acquiring passport if you are a Filipino citizen is a privilege. Its our constitutional rights; so kung ikaw ay Pilipino walang karapatan ang sinuman sa Pilipinas na ideny ka sa karapatang iyan, kasi basic human rights ang mag-travel, at kung pupunta ka halimbawa sa ibang bansa hindi ka makakapasok kung wala kang passport. So kung mayroong kang record/s na puwedeng grounds for the state not to grant passport, then ang estado ay maliwanag na sasabihin sayo ang rason, hindi yung basta na lang aalisin sayo ang prebelihiyong iyon dahil minsan nag-po-power tripping lang ang ilang tao at hindi ka bibigyan o hindi irerelease ang passport; isa iyang offense na puwede ireklamo. Ito ang ilan pa sa mga grounds; kung halimbawa ini-order ng korte na huwag bigyan ng passport, hindi ka magkakaroon. Kung ang applicant ay minor at hinold ng guardian ang pag-iisyu ng passport, puwede ring hindi mabigyan ng passport. People who are threats to national security, people who violated the Philippines passport act. Recently lang idinagdag na kapag-lawful order ng ating secretary of foreign affairs dahil sa halimbawa napatunayang banta siya sa national and public order, security, safety, hindi rin binibigyan. Ang fugitive, mga nagkasala at nagtatago sa batas, hindi rin sila bibinigyan ng panibagong passport, kailangan munang linisin ang kanilang pangala. In fact puedeng ipag-utos ng korte na bawiin sa kanila ang passport. So, mayroong mga grounds, kung wala naman sila sa kategoryang ito, walang kapangyarihan ang sinuman sa atin sa Pilipinas na hindi ka bigyan ng pasaporte.
BEN GARCIA: Gaano po kahalaga ang passport ng isang dayuhang manggagawa sa Kuwait. Bakit kailangan itong pahalagahan. Pabor ba kayo sa pagtatago ng passport ng mga employer sa Kuwait?
REA ORETA: Ang passport mo ay mahalaga dahil irerespeto ka ng sinumang awtoridad dahil sa hawak mong passport. Based sa international treaty ng mga bansa sa mundo, sinuman ang may-hawak ng pasaporte ay dapat gawaran ng kaukulang proteksyon ayon sa batas at hayaang makadaan o makapasok sa bansang gusto niyang puntahan. Iniuutos din ng issuing government na dapat bigyan ka ng sapat na gabay/tulong bilang mamamayan ng Pilipinas. Nakasaad iyan sa mismong passport na hawak mo. Diyan na rin itatatak ang permit to work, visa, or residency sa isang lugar. Doon itatatak ang entry at exit permit. Ang passport ay pagmamay-ari ng issuing government. Sila lang ang may-karaptang magbawi niyan. Tungkol naman sa pag-tatago ng employer ng passport, hanggang ngayon, iyan pa rin ang stand namin na walang kapatan ang employer na i-withold ang passport ng sinumang manggagawa. Pero ang pag-kuha ng passport ng mga employer sa Kuwait/Gulpo ay nakatali sa sistemang 'kaffel' o sponsorhip system. Kaya nga, tuwang tuwa kami ng mabalitaan ang plano ng gobyerno dito na alisin ang sponsorship system. Tulad ng sinabi ng ambassador; sana lang pagtuunan din ng pansin ang batas may-kinalaman sa dometic helpers dahil vulnerable sila o laging tampulan ng pang-aabuso.
BEN GARCIA: Bakit mayroon pang tatak not allowed to travel to Iraq ang mga passports natin, gayong marami pa rin namang nakakalusot sa travel ban na ito ng Pilipinas.
REA ORETA: The Philippine government stands on the travel ban; we have the existing travel ban order; prerogative iyan ng estado dahil nga sa seguridad at kaligtasan ng ating mga kababayan; so nag-implement ang Pilipinas ng ban order. The primary concern of Philippine government is nothing but the safety and security of our kababayans. Iyan ang rason kung bakit kailangang tatakan ang passport natin ng not allowed to travel to Iraq. Sa usapin naman kung bakit nakakalusot pa rin ang maraming Pinoy, wala na kaming control diyan, kasi personal na iyan na disisyon ng mga kababayan natin, sila ang nag-ri-risk ng kanilang buhay kapalit ng pera despite the order not to enter Iraq.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ask kulang po kung yung unang byahe mo gamit mo real name mo tpos ngayon ibang name ang gamit mo.ngayon gusto mo pakasal sa foreigner mong boyfriend maaari pa ba gamitin ulit ang dati mong name
ReplyDelete