Ano ang pakinabang ko sa OWWA?
Miembro ka na ba? Iyan ang tanong na nakita kong nakasulat sa isang poster na makikita sa embahada ngayon. Ang sabi sa akin ni Welfare Officer Yolanda U. Penaranda, kararating lamang ng poster na iyon noong Mierkules. Bahagi daw po iyon ng kanilang maspina-igting at agresibong kampanya upang mapalawak ang membership ng OWWA.
Bakit nga ba kinakailangan tayong maging miembro ng OWWA? Mayroon ba akong pakinabang sakali't miembro nga ako ng OWWA? Ang pagiging miembro ng OWWA ay sapilitan para sa isang OFW, iyan ang alam natin. Hindi ka puedeng umalis ng Pilipinas hanggat hindi ka nagbabayad ng iyong OWWA membership. Ibig sabihin kung dumaan ka sa legal na proseso, hindi mo maiiwasan ang maging miembro ng OWWA. Bawat umuuwing Pilipino mula sa ibang bansa ay kailangan ding magbayad ng OWWA membership.
Mura lang naman kung tutuusin ang membership at mayroon namang ipinapangakong benepisyong hatid ito para sa ating lahat.
Samantala yung dating medicare na naging Philhealth ngayon ay humiwalay na pala ito sa OWWA. Dati po kasi ay kasama itong serbisyo ng OWWA.
Kung hindi pa natin ito natalakay ngayon ay wala pa idea ang marami sa atin na itong Philhealth ay hiwalay na pala sa OWWA.
Tulad ng OWWA membership, malaki ring tulong ang Philhealth sa atin kung miembro tayo ng Philhealth. Ang kagandahan nga daw sa Philhealth, kung miyembro ka nito, hindi lang ikaw (OFW) ang puedeng mabigyan ng ayuda, maging ang immediate members ng iyong pamilya ay puedeng makinabang dito, hindi tulad ng OWWA medical benefit na ang puede lang maka-avail ay ang mga miembro nito.
Ito ang bahagi ng aking panayam kay Yoland Penaranda; tumatayong head ng OWWA sa Kuwait at isa sa dalawang Welfare Officers na naririto ngayon at nakatutok sa kapakanan ng mga OFWs sa Kuwait. Ang isa pa ay si Atty William Merginio. Sila ang mga OWWA representatives ng Pilipinas sa Kuwait.
Usapang OWWA
BEN GARCIA: Ano po ang OWWA at ano ang trabahong kaakibat nito?
YOLANDA PENARANDA: Ang ibig sabihin ng OWWA ay Overseas Workers Welfare Administration. Ito ay ahensiyang sangay o sakop ng Department of Labor and Employment. Ang ahensiyang ito ay nabuo to protect the interest and welfare of overseas Filipinos and their families. Tulad ng OWWA offices abroad, ang OWWA sa Kuwait ay under ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa ilalim ng pamumuno ni Labor Attache Vivo Vidal at kami ay isang pamilyang nagtutulong-tulong para gampanan ang trabahong inaatang sa amin dito ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Ambassador Shulan Primavera. Bukod sa aming dalawa ni Atty William, we have two administrative assistants, sina Marne Halanesat at RJ Aguilar. Mayroon kaming dalawang interpreter at isang driver. Kapakanan ng OFWs ang sentro ng aming serbisyo. Mayroon tayong 17 regional offices sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Kung mayroong problema ang isang OFW, yung kamag-anak nila sa Pilipinas, puede silang dumulog ng derekta sa aming regional offices. Marami kaming emails na natatanggap mula sa pamilya ng OFWs mula sa Pilipinas at nagko-coordinate kami sa pagresolba ng kung anumang problema mayroon tayo.
Para sa kapakanan ng ating mga kababayan, babangitin ko ang ating mga regional offices sa Pilipinas. Mayroon tayo sa Baguio City, La Union, Tuguegarao, Pampanga, Cavite, Calamba, Quezon City, Legazpi City, Iloilo City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao City, Coronadal, Cotabato City, Caraga and Butuan City. Kung mayroong concern sa runaway housemaids at kailangan ng assistance, agad nating tinutugunan ang kanilang panga-ngailangan. Ang recruitment agency agad ang una nating tinatawagan. Pinapaalam din namin sa main office or specific regional offices kung saan nakatira ang OFW at sila na ang magsasabi kung kinakailangan sa kanilang pamilya about sa condition ng OFW na nasa ilalim ng aming pangangalaga.
BEN GARCIA: Anu-anong mga benepisyong hatid ng OWWA?
YOLANDA PENARANDA: Kung miembro ka ng OWWA ito ang mga benepisyong puede mong pakinabangan. Una, Health Program for OFWs (HealthPro), kung nagkasakit halimbawa ang isang OFW at kinaki-ilangang dalhin sa ospital,(local post o sa Pilipinas) subsidized ang medical and hospitalization services ng OWWA. Puede ring maalalayan ang isang OFW sa kanyang pagpapagaling. Pangalawa, sakali't masangkot ang isang OFW sa aksidente na pansamantala niyang ikina-paralisa, puede siyang mag-claim ng disability benefit na hindi bababa sa P50,000. Kung total disability naman, P100,000. Pangatlo, sa mga namamatay na OFWs, hindi natin iyan hinihingi; pero ang sa natural death causes, puede mag-claim ang kamag-anak sa OWWA ng P100,000. P200,000 naman sa accidental death, that of course in addition to P20,000 burial benefits. Liban diyan, puedeng mag-avail ang OWWA members ng education and training benefits. Iyan ay libreng ipinagkakaloob sa mga mahihirap o deserving students. Mayroong mga universities/colleges na affiliated ng OWWA bukod sa TESDA. Ang scholarship ay bukas din sa pamilya ng OFWs, from P20,000 up to 60,000 pesos ang ibinibigay na ayuda ng OWWA. Mayroon ding livelihood at reintegration program para sa returning OFWs. Mayroon lang kailangang isatisfy na mga dokumento para makuha ang anumang benefits o kahit anumang loan.
BEN GARCIA: Magkano ang dapat bayaran para maging miembro ng OWWA? At ilang taon ang bisa (validity) nito?
YOLANDA PENARANDA: Ang membership fee ay US$25 o hindi tataas sa KD7.500 o depende sa palitan ng piso sa dollar. Iyan ang bayad sa membership sa OWWA, ang OEC (Overseas Employment Certificate) ay kailangan ding bayaran ng 750fils, mapupunta naman iyan sa Philippine Overseas Employment Administration, kung saan, kapag may-hawak ka nito, libre o tax free ka. Iyan ay katibayan na mayroon kang trabaho sa Kuwait at gusto mo lamang magbakasyon sa Pilipinas. Magkaiba po ang OEC at membership sa OWWA. Ang bisa naman ng membership sa OWWA ay two years lang at ang OEC ay two months. Kung halimbawa grupo or company, puede kaming mag-arrange ng mga officers na taong sasadya sa kanilang lugar (sa site) nila para doon magbayad.
BEN GARCIA: Paano kung mag-expire ang two-year membership ko, hindi ako umuwi, ibig sabihin ba nito hindi ako puedeng mag-loan sa pagpasok ng three years ko?
YOLANDA PENARANDA: Hindi. Kailangan munang patunayang miyembro ka ng OWWA. Kaya nga ang payo natin sa lahat ng OFWs, laging ia-update ang iyong membership sa OWWA every two years.
BENGARCIA: Pakiliwanag nga po ito, sino po ba talaga ang dapat magbayad ng aking OWWA membership, ako ba o employer ko?
YOLANDA PENARANDA: Dapat employer ayon sa alituntunin ng ating gobyerno, nakasaad din iyan sa mga contract na pinirmahan ng employer at employee. Iyan ay compulsory sa kontrata ng domestic helpers, at sa 18 visa, naman depende sa contract.
BEN GARCIA: Gaano katagal ang processing ng loan o pag-claim ng benefits? YOLANDA PENARANDA: Hindi naman ganun katagal. Mayroon lang hihinging papers ang regional offices at kung masatisfy ang OWWA requirements, agad naman i-re-release ang loan o benefits na kini-claim ng OFW.
BEN GARCIA: Puede bang mag-file ng loan sa Kuwait? YOLANDA PENARANDA: Hindi. Puedeng ifile iyan sa mga regional offices o maging sa headquarters natin sa Manila.
BEN GARCIA: Bakit kailangan akong magbayad dito? Ano ang advantage sa Kuwait compared sa Pilipinas?
YOLANDA PENARANDA: Ang advantage ng pagbabayad dito ay malaki. Una-una, hindi ka na mahihirapan pang pumunta sa headquarters ng OWWA o sa inyong regional offices. Alam kasi ng OWWA na ang bakasyon ng isang OFW ay limitado lamang. Kung pupunta ka pa sa OWWA para lang magbayad ng iyong membership ay kakainin ang oras mo doon. Minsan nga kulang ang isang araw dahil sobrang haba ng pila. E kung dito ka magbabayad menus na ang iyong hirap at pagod. Paka-isiping mabuti na ang OEC ay valid lamang ng two months. Kung tumagal ka sa Pilipinas ng more than two months, hindi na iyan valid, kaya kailangan kang magpunta ulit sa OWWA office para bayaran iyan.
BEN GARCIA: Kapag ba nangutang sa OWWA, obligado akong bayaran ito? E papaano kung nagkasakit ako at hindi na ako puede pang makapag-abroad?
YOLANDA PENARANDA: Oo, mayroon kayong kontratang pipirmahan. Kailangan kasing tumupad ang OFW sa usapan. Kaya nga sa atin, mayroong mga tumutulong doon, binibigyan kayo ng seminar, at magbibigay sila ng project proposals, halimbawa sa negosyo, yung angkop at babagay sayong kakayanan. Hindi kayo pababayaan ng OWWA, tututukan ang negosyo para mapalago at matulungan kayo halimbawa sa marketing.
BEN GARCIA: Ang mga susunod na tanong ay mga padalang text messages mula sa ating readers: Si Mila ng Shaab ay nagtatanong tungkol sa sitwasyon ng kanyang nanay na umabot na sa gulang na 69 at mag-reretiro na daw. Ano daw pong benefits ang puedeng makuha ng nila sa OWWA?
YOLANDA PENARANDA: Mayroon din siyang puedeng makuha kung siya ay miembro ng OWWA. Kung hindi naman, puede kaming mag-rekomenda in consideration sa length ng kanyang serbisyo sa Kuwait; puede kaming humingi ng finanacial assistance para sa kanya. Tawagan mo lang ako sa number ko Mila.
BEN GARCIA: Ito namang isa si Daisy ng Farwaniya, may-sakit daw po ang tatay niya, cancer, anong puedeng makuha sa Philheath? Separate daw ba ang puede niyang makuha sa OWWA o pareho lang ito?
YOLANDA PENARANDA: Ang OWWA membership ay mapapakinabangan lamang ng isang miembro. Hindi ito transferable sa kanyang immediate family, unlike Philhealth. Sa Philhealth, puedeng ma-avail ng immediate family niya ang medical assistance, kaya ang payo ko sa lahat, huwag kalilimutang bayaran ang membership sa Philhealth at syempre huwag ding pabayaan ang OWWA.
BEN GARCIA: So puede bang magbayad ng Philhealth ang isang OFW dito?
YOANDA PENARANDA: Hindi po. Sa Pilipinas lang ang bayaran nito. Ang sabi ko nga, ito ay semi-private entity na ngayon at hiwalay na ito sa OWWA, pero compulsory ito sa mga lumalabas na OFWs.
BEN GARCIA: Mula naman po ito kay Crisanta R. Silva, simula daw nang magbayad siya ng Philhealth, hindi raw niya kailanman nagamit ito, puede raw bang ma-excuse siyang magbayad next time. O puede raw kayang ma-convert ang kanyang benepisyo sa-cash?
YOLANDA PENARANDA: Habang hindi ako ang spokesperson ng Philhealth, ang pagkakaalam ko hindi naman puedeng ma-iconvert sa cash ang Philhealth, syempre kaya nga specific sa health reasons lamang iyan. Laan po iyan sa mga emergency health cases.
BEN GARCIA: Matagal na na daw pong miembro ng OWWA si Patricia ng Qurtuba, pero wala naman daw siyang pakinabang o nakukuhang benefits? Puede bang ang beneficiary niya raw sa Pilipinas ang mag-claim? Anong mga papers ang kailangan?
YOLANDA PENARANDA: Kung scholarship halimbawa ang claim, pupunta lang kayo sa inyong regional office, kailangan lang siyang mag-provide ng (SPA) special power of attorney (kuha mula dito sa Kuwait) at iyon ang ipi-presenta sa OWWA office. Kung negosyo naman ang gustong i-avail, puede rin ang kapatid o magulang. Basta mayroon lang SPA na ipi-presenta at puede iyang maisa-ayos. Hihingi siyempre ng iba pang dokumentos, once na nakumpleto ito, tuloy ang transaksyon.
BEN GARCIA: Tanong naman mula kay Precy ng Salmiya, dati daw siyang DH sa Sabah Salem, mag-one year na raw siya, lumipat siya sa bagong employer, pero wala na siyang legal papers ngayon, siguro ay TNT na ito ngayon. Puede daw bang mag-claim ng educational benefit ang kanyang anak?
YOLANDA PENARANDA: Kung one year pa lang siya at nakapunta siya sa Kuwait ng legal, ibig sabihin ay valid pa ang two year OWWA membership niya. Ang educational benefit ay puedeng niyang makuha kung deserving at mai-pu-provide niya ang mga dokumentong kina-kailangan. Hingi lang siya ng SPA sa embassy at iyon ang ipapadala niya sa anak niya o sa asawa para magamit sa paghingi ng educational assistance. Sabi ko nga, iyan ay libre, hindi loan, pag-aaralan ng OWWA ang inyong sitwasyon.
BEN GARCIA: Ito namang last question ay mula kay Nora ng Maidan Hawally, sabi niya, one year six months daw siya sa dating niyang amo, bayad siya sa OWWA; kung pagsasamahin tatlong taon na siya halos, pero wala na daw siyang legal papers, (Ibig sabihin wala na rin siyang legal residency sa Kuwait), ano daw ba ang puedeng gawin para ma-activate ulit ang membership niya sa OWWA? Puede daw bang maging miembro ng OWWA kahit walang legal residency sa Kuwait?
YOLANDA PENARANDA: Ang isang OFW na wala nang residency or valid work permit ay puedeng maging miembro ng OWWA sa pamamagitan ng voluntary membership. Kung ikaw ay nahahanay sa ganitong sitwasyon, may-pag-asa pa at puede mo ring makuha ang mga benepisyong laan sa regular members ng OWWA.
(Next week, ang isyu ay tungkol sa labor related matters. Inaanyayahan ko po kayong sumali, makialam at maging laman ang inyong mga tanong ukol sa labor sa susunod na talakayan. Si Atty Vivo Vidal, Labor Attcahe ng Pilipinas ang aking kakapanayamin. Ipadala ang inyong mga tanong, reaksyon, kumento sa numerong nasa itaas-Ben Garcia).
pwede po bang magtanong?ako po ay isang dating OFW sa Saudi Arabia sa loob ng 6 na taon.mula 2003-2009.nandito na po ako now sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang ang kolehiyo.nais ko lang po malaman kung meron po ba akong benepisyong makukuha sa OWWA?O Pwede po ba makahingi ng Financial Assistance para sa studies ko bilanf dating OFW?
ReplyDeleteLOAN alok
ReplyDeleteAttention!!
Sigurado ka interesado sa pagkakaroon ng isang pautang o pinansiyal na tulong?
Nag-aalok kami ng isang malawak na hanay ng mga pinansiyal na solusyon at mga pautang sa 3.5% interes na batayan,
Para sa iyong inquiry / application sa kung paano makakuha / bumale bang ipadala ang mga sumusunod na impormasyon para matulungan kami na matulungan ka.
Unang Pangalan :.........................
Last Name ..........................
Sex :.......................... .....
Petsa ng Kapanganakan :......................
Lugar ng Kapanganakan :.....................
Tungkol sa kasal Status :.....................
Trabaho :................... .....
Buwanang kita :.....................
Home Address :......................
Walang telepono :...........................
City :......................... .......
Zip Code .......................... ...
Estado :........................ .......
Country :...................... ........
Loan Amount :..........................
Loan Panahon :.......................
Layunin ng Loan :....................
E-mail address :....................
Ikaw ay may na Inilapat Bago ?............
Kailangan lang mag-aplay ngayon, kung kayo ay interesado.
pastorchrisloanhome@gmail.com