Sunday, November 07, 2010

Masaya akong wala siya!


Kambal na pasakit


Remind ko lang kayo doon sa letter sender natin last two weeks ago. Tatlong Linggo tumagal ang kanyang liham dahil mahaba at madrama ang kuwento ni Marites Tura. Medyo matagal ang sagot ano po at batid kong nauunawaan ni Marites ang pagkaantala ng aking sagot dahil sa wala tayong space. Puede niyong iaccess ang kanyang kuwento sa internet just type Buhay at Pag-asa words sa Google search. Pinilit kong maisama ito ngayon, dahil sobra na rin ang paghihintay ng sagot ni Marites sa kanyang liham. Ang buhay ni Marites ay kumplekado at sadyang hindi madali. Grabe ang kanyang mga pinagdaanan. Mula sa kanyang ama na sobrang lupit sa kanyang ina at maging sa kanilang magkakapatid; hanggang sa kanyang asawang halos tulad din ng kanyang ama ang ugali; ang kaibahan nga lang rapist itong asawa ni Marites. Iyan ay sang-ayon sa kanyang kuwento.
Remember, yung asawa niya, halos isang taon niyang nirape ang kapatid niyang noon ay nine year old lamang. Ang nakakalungkot, hindi daw natuloy ang kaso (laban sa asawa), dahil sabi niya "nabayaran ang lawyer". Hindi raw kasi ibinibigay sa kanila ang invitation to attend the hearing. So nag-lapsed ng lahat ang invitation ng korte, ni hindi nila alam na mayroon noon, ayun, na-dismissed ang kaso, dahil sa hindi nga sila umaapear o lumalabas na hindi sila interesdo sa kaso. Ang tanong ni Marites sa huling bahagi ng kanyang liham ay kung puede pa bang mai-revive ang aborted rape case laban sa kanyang asawa.
Dahil sa medyo kumplikado at mayroong halong legal concerns itong tanong sa akin ni Marites, minabuti ko pong hingan ng tulong si Atty William Merginio, isang abogado at experto sa mga ganitong uri ng kaso. Siya po ang ating bagong Welfare Officer sa embassy. Sabi niya puedeng mai-revive ang kaso kung wala pang dalawang taon ang nakakaraan simula ng ma-dismiss ang unang kaso. Pero kung lumagpas na raw sa dalawang taon, hindi na ito ma-re-revive pa, pero puedeng mag-refile ng panibagong kaso laban sa kanyang asawa. Syempre the same case pero refilling na lamang. Ngayon ang pagtanggap ng husgado sa bagong kaso ay nakadepende po sa merito ng case. Puede raw mag-counter-file ang kabilang panig ng double jeopardy at puede ulit itong ma-dismiss. Pero kung pagbabasehan ang bigat o timbang ng isasampang nilang kaso, baka hindi daw ito muling maipag-walang bahala ng korte. Halimbawa nga itong si Marites malakas ang kaso niya (laban sa kanyang asawa) kung ang biktima niya noon ay minor-de-edad. Alam nating ang ginahasa (kapatid ni Marites) ay nine years old pa lamang. Kaya malakas talaga ang laban niya kung pagbabasehan ito. Pero binigyan tayo ng babala ni Atty Merginio na hindi madaling magbigay opinion sa kasong hindi gaanong maliwanag. Partikular na tinukoy ni Atty Merginio ang dismissal ng kaso. Bago daw idi-miss ang kaso, maliwanag naman daw na nakasulat sa dismissal ng kaso ang lahat ng rason. Mahirap daw agad paniwalaan na ang pagkaka-dismiss ng kaso ay dahil sa pagbabayd ng bribe? Maraming puedeng reason ng pag-dismiss ng korte, and in fact si Atty Merginio ay maingat ibinigay sa atin ang ilan. Ang prinsipyo niya dapat ay maliwanag sa kanya kung ano ba talagang reason sa pagkakadismiss; bakit nadismiss ang kaso? Maaari daw kasing hindi lang mere attendance o hindi pagdalo sa hearing; maaaring mayroon daw settlement outside the court, yung sa pagitan ng family-to-family settlement, puwede rin daw na ini-invite sila sa hearing hindi sila makarating dahil ayaw din nilang pumunta na, para hindi masaktan pa ang biktima o hindi na ma-drag o makaladkad ang pamilya sa kahihiyan. Puede rind aw wala silang pera para ipaglaban ang kanilang kaso, o baka wala talaga silang panahon to appear at puede rin ang binabaggit ni Marites na nabayaran ang abogado at hindi sila na-inform ukol sa case. Lahat ng iyan ay mga speculations na puedeng makaapekto pagbibigay ng pay okay Marites. Well, simple lang Marites, kung sobrang dalawang taon ang nakakalipas hindi na ito puedeng ma-revive pero puedeng mag-refile ng kaso. Iyan ay kung this time ay makikipag-tulungan pa ba ang kapatid mo? Baka mayroon nang asawa ang kapatid mo at hindi na rin nila gusto pang magambala ukol diyan. Ang nakakalungkot nga lang ang katotohanang malaya ang salarin, hindi natin alam, kung this time ay mayroon din itong bini-biktima na tinatakot at hindi makapagsalita na tulad ng ginawa sa kapatid mo. Malungkot na pangyayari ito sa buhay ni Marites dahil mayroon siyang mga anak sa lalaking pinag-uusapan natin ngayon. So hindi pa rin natin maikakaila na ama pa rin ng mga anak ni Marites ang kanyang ipapakulong. Ang sa akin, sana ay nakaantabay ang mga autoridad at maging maagap sana ang mga taong malapit sa kanilang lugar (paligid) upang hindi na muling makapambiktima ang asawa niya. Kung uncontrollable na siya, dapat ngang mabulok siya sa bilangguan. Pero naniniwala ako na tayong mga tao ay mayroong kakayanang baguhin ang sarili. It's a matter of decision, ikaw ang mag-didisisyon sa sarili mo, kung pipiliin ang tuwid o likong daan.
Tungkol naman sa kawalan mo ng feelings o emosyon ng mamatay ang tatay mo, nauunawaan ko iyan, at nauunawaan iyan marahil ng marami. Hindi madaling magpatawad sa mga taong nakasakit ng ating damdamin. Lalo pa sa ipinakitang kalupitan ng tatay mo sa nanay mo, sayo at sa mga kapatid mo. Malalim ang sugat na nilikha noon sayo. Kaya hindi na naka-ramdam ng pagkawala. Marami akong taong kilalang ganyan at hindi ka nag-iisa. Pero hanga ako sa isang taong tinanggap ang lahat ng pasakit at pag-aalipusta, pati ang kamatayan tinanggap niya, ginawa niya ito para maging halimbawa. Kilala mo siya, kilala siya ng maraming tao sa ibat-ibang panig ng mundo. Hindi nagbabago ang pagmamahal at pag-ibig Niya sa sangkatauhan, at iyan ay magpasawalang hanggan.
Salamat ng marami sayong tiwala Marites. Hari nawa ay nakatulong ng konti itong sagot sayong liham na ibinahagi ko sayo ngayong araw. Ang buhay ng tao ay nakasalalay sa itaas, lagi kang tatawag sa Kanya, hindi kailan man naging busy ang Kanyang line para sa atin. Maniwala at magtiwala ka lang!

No comments:

Post a Comment