Saturday, November 13, 2010

Sa paglakas ng piso, nanghihina ang mga OFWs: Boses ng Pilipino


May-ilang buwan na ring namamayagpag ang piso laban sa dolyar. Noon pa mang panahon ni Gloria Arroyo ito na ang trend. Sa katunayan, ipinagmamalaki nga ng Arroyo administration noon pa na ang pag-angat ng piso 'daw' ay bunga ng gumagandang ekonomiya ng bansa. Partly puede na rin; ekonomistang pangulo si Arroyo kaya marahil alam niyang ganun nga ang kundisyon (noon). Pero hindi sang-ayon ang mga oposisyon (noon), sabi nila (oposisyon noon) walang pag-unlad kung hindi derektang mararamdaman ng taumbayan. Sa pagpasok bilang halal na pangulo ni Benigno 'Noynoy' Aquino III, ganun pa rin ang trend; tumataas pa rin ang piso, ang administrayon ngayon (na noon ay nasa panig ng oposisyson) ang sabi nila maganda raw kasi ang mga programang ipinatutupad ngayon ng bagong pangulo, kaya, patuloy umano sa paglago ang ekonomiya ng bansa. Granting na lumalago nga ang economy natin; hindi mo iyan agad-agad mai-aatribute sa bagong upong administrasyon dahil ilang buwan pa lang sila at wala pa talaga silang napapatunayan.
Habang sinasabi ng ilang mga ekonomista na maganda sa pangkalahatan sa Pilipinas ang pag-aapreciate ng piso, pero hindi lang naman ang sukatan ng pag-angat o paglago ng ekonomiya ang currency exchange rate. Isa lang iyan sa marami pang puedeng ikabit sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa. Sa katunayan, ang pinamalaking dahilan (kung bakit tumataas ang piso) ay dahil sa humihinang dolyar. Ang paghina ng dolyar ay bunga naman ng katamlayan ng ekonomiya ng bansang Estados Unidos. Kung saan naka-depende ang ating ekonomiya. Kaya ang tendency, uma-akyat ang halaga ng piso natin at bumababa ang dolyar nila. Ayon din sa ilang mga ekonomista; ang pagtaas ng piso ay dahil sa nagaganap ngayong currency war ng mga super-powers, particular ng China at ng US. Hindi lang naman daw tayo ang naa-apektuhan ng currency war na ito, pati umano ang mga bansang Singapore at Thailand. Kung tutuusin, sa atin sa Pilipinas; ang pag-akyat ng piso ay magandang balita dahil ito ay nangangahulugan ng pagtaas ng revenue ng Pilipinas. Pero masama ito sa ating mga OFWs at syempre sa ilang sector ng bisnes tulad ng mga negosyanteng nag-e-export sa ibang bansa. Oo nga pala, ang dolyar po ang ginagamit ng maraming mga bansa kabilang na ang Pilipinas sa mga international business trasaksyon.
Para sa ating mga OFWs masama ito dahil yung kinikita nating kakarampot na halaga ay nababawasan pa dahil sa pagbaba ng dolyar. Halimbawa yung dating ipinadadala nating KD45 sa Pilipinas, noon more than P50 pa ang exchange rate ng isang dolyar umaabot iyan up to P8,000, pero ngayon, yung ganung halaga ay katumbas na lamang ng about P6,000 na lang. Ang laki ng nababawas sa isang OFW na konti na nga lang ang kita. Noong nakaraang linggo, pumalo sa pinakamataas na palitan ang piso (P42.50) against one dollar. Sabi ng ilang mga analista, puwede pa itong pumalo sa pinakamataas na halaga dahil sa inaasahang pagbaha ng dolyar galing sa ibang bansa mula sa mga Filipinos abroad ngayong sasapit na ang kapaskuhan.
Ang ilan, nananawagan ng government intervention upang hindi naman umano gaanong maapektuhan ang mga pamilyang tumatanggap ng dolyar galing sa sa ibang bansa. Ang ilan nga, nagpanukalang dapat ay magkaisa ang mga Pinoy na magkaroon ng tinatawag nilang remittance holiday o pansamantalang pag-ho-hold (boycott) sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Ano ang posisyong gustong iparating ng mga kababayan natin dito sa Kuwait ukol sa usaping ito? Ano naman ang masasabi ng Embahada sa isyung ito.

USAPANG PISO at DOLYAR



Nakausap ko po si Ambassador Shulan Primavera upang derektang sagutin ang concern ng ating mga kababayan.
BEN GACIA: Sang-ayon ba kayo sa proposal ng ilang sector na ihold muna ang kanilang mga pera (dolyar) at huwag munang magpadala sa Pilipinas? Para hintayin marahil ang muling pag-angat ng dolyar, ano po ang masasabi ninyo dito at sa panawagan ng ilan para sa 'remittance holiday' sang-ayon ba kayo dito?
AMBASSADOR PRIMAVERA: At this point in time while there are talks of government intervention, the Philippine policy as enunciated by the Philippine Monetary Board, there will be no intervention as yet, at least for now. The government is monitoring the situation very closely; they will act as the situation demands. Sa tingin ko nga; the Filipinos should look into the greater interest of the Filipino nation as a whole; if they withhold their remittances by engaging remittance holiday, the Philippine economy will suffer to the detriment of the entire country. So in return we will all be affected? I think, at this point in time, maybe our sacrifices are needed for the greater benefit of the nation and so mitigate the ill-effects of strong peso for the time being. While we'll be able to save a little, (on remittance holiday) hindi natin alam kung ano ang mas-malalang puedeng maidulot niyan (remittance holiday) sa ating ekonomiya. Tayo rin ang mag-sa-suffer bilang bansa. So I will not support that idea of remittance holiday. Sa tingin ko the trend is only temporary and we expect that everything will stabilize soon. In fact, dapat pa ngang patuloy tayong magpadala (ng pera), kasi kailangan iyan ng economy to prop up; so the bank in the Philippines will be active and generate more economic activities. Kapag-may-pera ang bangko, mayroon puedeng ipautang sa mga bagong negosyo; magagamit iyan sa pag-giginerate ng business or to expand their business; pero kung lahat ay mag-iisip na hindi na muna magpadala, dahil sa pagbaba ng dolyar; in the long run; it will worsen the situation; then tayo ang magki-create ng economic condition na hindi natin gugustuhin sa hinaharap.

BEN GARCIA: So ano po ang maipapayo ninyo sa mga nag-aalburutong OFWs na ayon sa kanila, hindi naman tumataas ang kanilang sahod, pero patuloy sa pagbaba ang value ng kanilang perang ipinadadala?


AMBASSAOR PRIMAVERA: Gusto ko lang sabihin sa lahat ng mag Pilipino na huwag mag-alala sa kasalukuyang kondisyon. Patuloy na minomonitor ng Pilipinas ang kalagayang ito at sabi naman ng ating Pangulo; sa oras na kailanganin; mamamagitan ang gobyerno. Patuloy tayong magtiwala sa ating pamahalaan at kung may-roong pagkakataon, mag-impok. Sa mga mayroong puhunan, magbukas ng negosyo; ang Pilipinas ay patuloy na nagtitiwala sa idea ng private entrepreneurship. Isa pa, pumapasok sa Pilipinas ang mga foreign investors dahil sa less government intervention when it comes to their businesses. Kung mayroong nakikitang grabeng intervention ang mga foreign investors, baka, ma-disappoint sila at hindi na mamuhunan sa bansa. I want to assure the public especially our dear OFWs that the government and the monitory authority back in manila is closely monitoring the situation.

No comments:

Post a Comment