Saturday, November 20, 2010

Paa regalo ng amo sa anak ko

Friendster account: Gamit ng kaibigan sa pansariling interest


Dear Kuya Ben,
Ako po si Mila, tubong Pangasinan sa Asingan. Noong second year High School ako nagtanan kami ng BF ko. Naging mabuti naman ang pagsasama namin, pero dalawang beses akong nakunan. After two years nabuo yung panganany naming. Ang pangalan niya ay Clarence, 22 years old na siya ngayon, ang pangalawa ay tawagin na lang nating Boy-19 years old nap o siya. Si Boy ay may-inborn na kapansanan. Ipinanganak siyang wala ang isang paa, tangin maliit na laman ang tumubosa isa niyang hita. Ang asawa ko ay tricyle driver, hindi sapat ang kinikita niya sa pangangailangan namin bilang pamilya. Nagtrabho ako bilang tindera sa palengke. Mga taong 1987 ng lumisan naman ang aking ina para magtrabaho sa Kuwait. Kinuha ng nanay ko ang asawa ko at naging boy siya sa trabaho ng nanay ko. Nagpapadala naman sa akin buwan-buwan, pero kinakaunan nawala rin. Sabi ng mama ko noon, pabayaan na lang at nag-iipon naman daw. Hindi alam ng nanay ko ang ginagawa ng asawa ko sa paglabas-labas niya. Maraming panahon na nalinlang ng asawa ko ang nanay ko; kapag-umaalis sa bahay nila, sabi nag-lilibang lang daw. Pinagtakpan ng nanay ko ang kalokohan ng asawa ko; ang buong akala ko noon ganun nga lang talaga ang ginagawa niya, pero nambababee na pala.
Isang araw nakatanggap na lang ako ng tawag mula sa kanya na ang sabi 'mag-hanap na daw ako ng iba, dahil may-asawa na siya'. Para bang sandaling nahinto ang pag-inog ng mundo ko. Tumawag siya sa akin, at ipinakiusap pa sa akin ang babae niya at pinagtatawanan pa nila ako. Galit-na-galit ako sa nanay ko, pero, naunawaan ko rin siya dahil hindi naman lahat nfg pag-kakataon ay nababantayan niya ang kanyang manugang.
Nag-hintay ako ng mga ilang buwan, nagpapadala pa naman para sa mga anak ko, pero natigil kinalaunan. Sabi ko sa Nanay ko, sabihin sa asawa ko na kailangan ng tulong ng mga bata; kung hindi sabi ko sa mama ko, ipa-deport niya ang asawa ko. Kinausap ng mama ko ang amo nila, pag-karaan ng ilang buwan, deported sa Pilipinas ang asawa ko. Hindi na rin umuwi sa amin ang asawa ko. Ang alam ko, siya pa ang nagsalubong sa kanyang babae noong umuwi ng Pilipinas, at kinalaunan nagsama din sila.
Pumunta ako dito sa Kuwait sa tulong ng kapatid kong babae. Natulungan ng nanay kong makarating din sa Kuwait ang isa kong kapatid. Kaya noong Feb 2002, dumating ako dito. Naging amo ko ang anak ng kapatid ng amo ng kapatid ko. Nagkataon kasi na naghahanap ng katulong, kaya ako ang kinuha. Pero 1 yr 9 months lang ako sa kanila. Nagpunta ako ng embassy dahil gusto akong isoli ng amo ko sa agency ko, hindi ako pumayag at sa embassy ako nagtungo. Doon naman ako kinuha ng amo kong Italian, taong 2004. Sa embassy ng Italy sa Kuwait sila nag-ta-trabaho. Mababait sila, in fact, ang Italian kong amo ang nagbigay ng pagkakataon sa anak ko para maka-pag-lakad ng normal. Temporary, binigyan siya ng paa at nangako sa akin ang mga amo ko, na-bibigyan ulit ng permanent na paa ang anak ko.
Okay ang kalagayan ko sa amo at hanggang ngayon nandito pa rin ako at nag-ta-trabaho sa kanila.
Mayroon akong isang kaibigan dito sa Kuwait. Ginagamit ang aking 'Friendster account' sa pansariling niyang interest.
-Itutuloy

1 comment:

  1. Anonymous11:33 PM

    may asawa ako sa kuwait 4yrs na cya di umuuwi marami cya ipinagbago sa posisyon nyang manager ng herfy restaurant sa may shawairk kakarampot lang pianpadala nya nagkaroon cya ng relasyon sa kapwa nya empleyado at may anak na sila.. ano dapat kong gawin dahil gusto ko ipakulong silang dalawa dyn sa kuwait or ipadeport sna matulungan nyo ako..

    ReplyDelete