Mga tunay na buhay ng mga Filipino sa Kuwait. Sila ang bida at tauhan sa Buhay at Pag-asa. Programang laan sa ating mga kababayan. Unang sumahimpapawid sa Radyo Pinoy 96.3/Radio Kuwait noong taong-2000, tinangkilik ng libu-libong OFW's. Tumagal sa ere hanggang July 2003. January 2004, nagsimula ang Buhay at Pag-asa bilang lingguhang pitak sa Kuwait Times, kasama ng Filipino Panorama-nagpapatuloy hanggang ngayon... Salamat sa inyong tiwala! Welcome po ang inyong mga opinyon sa column na ito.
Saturday, November 27, 2010
Paa regalo ng amo sa anak ko
FB/FT accounts: Gamit ng kaibigan sa pansariling interest
(Karugtong ng liham kasaysayan ni Mila)
Bago matapos ang kontrata sa una kong amo (Italian din) nagkakilala kami ng kaibigan ko. Tawagin na lang natin siyang Linda. Si Linda ay nagta-trabaho sa isang hotel ngayon. Pero noon, isa siyang kasambahay, na tulad ko. In fact magkaibigan ang mga amo namin noon. Nagustuhan ako ng kanyang amo, gusto nyang kunin ako kapag natapos na raw ang kontrata ko.
Hindi naman nangyari iyon dahil nung matapos ang kontrata sa dati kong amo, pinagsilbihan ko ulit ang pumalit sa kanya. Ang amo kong iyon ang tumulong sa aking anak para magkaroon ng prosthetic na paa. Siya ang nagbayad ng lahat ng gastusin. At siya din ang magbabayad ng permanent prosthetic legs para sa anak ko. Pero umuwi na ang amo kong iyon sa Italya at ang pumalit sa kanya ang naging amo ko ngayon.
Ang amo kong iyon ay sadyang mabait, mula ng maging amo ko siya, open sila sa lahat sa akin. Ang turing nila sa akin ay kapamilya, hindi katulong. Sa tuwing dumadalaw kami sa kanilang bahay, doon nadevelop ang aming closeness sa isa-isa, kaya naging matalik kaming magkaibigan ni Linda. May-tiwala ako sa kanya. Siya lang ang tangi kong kaibigan sa Kuwait. Pero nagbago ang lahat ng may-isang pagkakataon na humingi siya sa akin ng pabor at hindi ko siya napag-bigyan. Iniisip niya marahil na tinik ako sa kanyang mga kahibangan. Lumipas ang mga panahon, si Linda ay patuloy na nag-pursige para makapagtrabaho sa labas. Masuwerte namang nakuha siya ng isang manager ng hotel at kinuha siyang katulong sa kanilang bahay. Kaya matapos ang kontrata niya sa kaibigan ng boss ko, umuwi siya sa Pilipinas at doon hinintay ang kanyang visa. Nakabalik siya sa amo niyang manager ng isang hotel, at matapos ang isang taong pagta-trabaho, nai-release siya at nagtrabaho sa hotel kung saan connected ang dati niyang boss. Tuloy pa rin naman ang aming communication mula noon. Nagpatuloy ang aking pakikipagkaibigan sa kanya. Sa tuwing nagpupunta siya ng bahay, kahit anong makita niya at nagustuhan niya, ibinibigay ko sa kanya. Lipsticks, pabango, make-up at kung anu-anong mga kolerete na galing pa sa Italya. Ibinibigay ko sa kanya. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga bagay na iyon, kaya, siya ang nakikinabang ng lahat ng pasalubong sa akin ng amo ko. Kapag-pumumunta siya sa amin, kung wala siyang pang-taxi-binibigayn ko. Kung wala siyang pera, pinahihiram ko. Open ang bahay na pinag-tatrabahuan ko para sa kanya. Isang araw, pinagkatiwalaan ko siya ulit. Nagpunta ng bahay, as usual, pero may-nangyaring hindi kaiga-igaya sa loob ng bahay involved ang anak ng amo kong lalaki at siya. Hindi ko gaanong nagustuhan dahil ayaw ko bang masira ang pagtingin ng amo ko sa akin. Kasi sobrang tiwalang ibinibigay nila sa akin, tapos, mayroong hindi magandang mangyayari. Mula noon naging matabang na siya sa akin, pero titinuturing ko pa rin siyang kaibigan. In fact yung BF ko, noong binilhan ako ng laptop. Si Linda pa rin ang pinagkatiwalaan kong magturo sa akin ng pasikot-sikot sa internet. Siya ang nag-bukas ng email address ko, siya rin ang nag-bukas ng aking Facebook at Friendster accounts. Kaya alam niyang lahat ang aking passwords, kaya minsan siya na ang nag-oopen noon. Hindi ko alam na sa pagdaan ng panahon, iyon din ang gagamitin niyang weapon laban sa akin.
Yung account ko ang ginagamit niya sa pag-si-send ng mga masasamang message sa mga kaaway niya. Di ko alam na gamit niya iyon sa kalokohan niya. Pati ang mga pictures ko, ginagamit niya rin, halimbawa sa mga gusto niyang lalaki, O minsan nahuhuli kong nakikipag-chat gamit ang aking account. Ang inihaharap niyang picture ay yung sa akin. Gusto niya ngayon na lahat ng mga kaaway niya, kaaway ko na rin. Isang beses sinabihan ko siya, tungkol sa nadiskobre ko, sabi niya sa akin, wala daw akong pakialam. Minsan naman, kahit mali na siya, hindi na lang ako umiimik kasi, ayaw kong magkaaway kami. Ayaw kong may-masabi siyang masabi laban sa akin. Kaya pinagbibigyan ko siya. Pero hindi ko na matanggap na ginagamit niya ang account ko sa pag-si-send ng mga masasamang salita laban sa akin. Sinisiraan niya ako sa mga taong kakilala ko. Sa mga anak ko, siniraan niya ako, kesyo nanlalaki raw ako, nagpuputa at kung anu-ano pang paninira.
Ano po ang puedeng gawin?
Gumagalang at nagpapasalamat,
Mila ng Shaab
(Puede kayong magbigay opinion ukol sa kanyang kuwento o kung mayroon kayong alam na batas ukol sa internet crimes na tulad ng kanyang kuwento, itext po lamang sa Tel no. 97277135, o isend ang comments sa www.buhayatpagasa.blogspot.com or you may search 'Buhay at Pag-asa' sa Google search engine kung gusto niyong basahin ang buong kuwento ni Mila)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nararanasan ko rin po ang ganyang sitwasyon ni Mila sa ngayon, hindi lang sa paggamit ng internet para siraan ako ng isang dating kaibigan kundi maski sa personal din na paraan.Hindi ko po eksantong matukoy kung bakit bigla nagalit sa akin ang dating kaibigan ko na iyon, maganda naman ang aming samahan, nagbago lang sya ng kami ay hindi nagkaintindihan dahil sa sobrang pakikialam nya sa aking personal na buhay.Pati po sa aking pakikipagboyfriend ay gusto nya pa ako na ikontrol. E normal lang naman po iyon sa isang dalaga na kagaya ko dahil wala naman ako nasasagaan na taong kagaya ko.Sya nga po may asawang tao di ko pinanghihimasukan kung sya ay nakikipagrelasyon pa sa iba. Dahil alam ko po na personal choice nya iyon at wala akong karapatan para husgaan sya. Minsan nga po naiisip ko na lang na baka my halong inggit kaya nya ginagawa sa akin ito ngayon. Kasi po ang sama sama din mga bagay na ipinagkakalat nya tungkol sa akin na wala namang basehan at walang katotohanan.Kesyo makati daw ako, kesyo masama daw ang ugali ko,kesyo ako daw ang sumira sa aming pakakaibiganan, pati nga po sa pilipinas ipinaabot pa nya ang paninira sa akin. Ginawa ko kinausap ko ang aking mga kamag-anakan at aking mga kaibigan na sila ang bahala maghusga kung kanino sila maniniwala, tutal sabi ko mas kilala ko naman ang sarili ko kaysa sa pagkakakilala sa akin ng ibang tao. Mahirap po talaga ngayon kung ang makabagong teknolohiya na gaya ng paggamit ng internet ay hindi nasusunod sa tamang paraan,imbes na ito ay para lang mapadali ang pagkalap ng mga importanteng impormasyon at pakikipag ugnayan sa mas madaliang paraan ,ay ginagamit na rin ngayon na armas para supilin o siraan ang taong di nagugustuhan. Kaya nga po itinigil ko na rin ang pagsali ko sa mga social networking sites para hindi na masyadong magkalat pa sa mga network of old friends ko around the world ang mga hindi tamang pananalita ni Lucy sa akin. Sana po ang karanasan namin ni Mila na ito ay maging leksyon sa lahat. Huwag po basta-basta magtiwala kanino man, at alamin muna kung ang umabot na impormasyon sa iyo ay tama bago ka maghusga dahil baka hindi mo alam ay nagkakasala ka sa diyos dahil pinag-iisipan mo ng masama ang isang taong wala namang kasalanan.
ReplyDeleteNararanasan ko rin po ang ganyang sitwasyon ni Mila sa ngayon, hindi lang sa paggamit ng internet para siraan ako ng isang dating kaibigan kundi maski sa personal din na paraan.Hindi ko po eksantong matukoy kung bakit bigla nagalit sa akin ang dating kaibigan ko na iyon, maganda naman ang aming samahan, nagbago lang sya ng kami ay hindi nagkaintindihan dahil sa sobrang pakikialam nya sa aking personal na buhay.Pati po sa aking pakikipagboyfriend ay gusto nya pa ako na ikontrol. E normal lang naman po iyon sa isang dalaga na kagaya ko dahil wala naman ako nasasagaan na taong kagaya ko.Sya nga po may asawang tao di ko pinanghihimasukan kung sya ay nakikipagrelasyon pa sa iba. Dahil alam ko po na personal choice nya iyon at wala akong karapatan para husgaan sya. Minsan nga po naiisip ko na lang na baka my halong inggit kaya nya ginagawa sa akin ito ngayon. Kasi po ang sama sama din mga bagay na ipinagkakalat nya tungkol sa akin na wala namang basehan at walang katotohanan.Kesyo makati daw ako, kesyo masama daw ang ugali ko,kesyo ako daw ang sumira sa aming pakakaibiganan, pati nga po sa pilipinas ipinaabot pa nya ang paninira sa akin. Ginawa ko kinausap ko ang aking mga kamag-anakan at aking mga kaibigan na sila ang bahala maghusga kung kanino sila maniniwala, tutal sabi ko mas kilala ko naman ang sarili ko kaysa sa pagkakakilala sa akin ng ibang tao. Mahirap po talaga ngayon kung ang makabagong teknolohiya na gaya ng paggamit ng internet ay hindi nasusunod sa tamang paraan,imbes na ito ay para lang mapadali ang pagkalap ng mga importanteng impormasyon at pakikipag ugnayan sa mas madaliang paraan ,ay ginagamit na rin ngayon na armas para supilin o siraan ang taong di nagugustuhan. Kaya nga po itinigil ko na rin ang pagsali ko sa mga social networking sites para hindi na masyadong magkalat pa sa mga network of old friends ko around the world ang mga hindi tamang pananalita ni Lucy sa akin. Sana po ang karanasan namin ni Mila na ito ay maging leksyon sa lahat. Huwag po basta-basta magtiwala kanino man, at alamin muna kung ang umabot na impormasyon sa iyo ay tama bago ka maghusga dahil baka hindi mo alam ay nagkakasala ka sa diyos dahil pinag-iisipan mo ng masama ang isang taong wala namang kasalanan.
ReplyDelete